Zhakia's POV
Sabay-sabay kaming napatungo nang makapasok ang matataas sa sala ng aming tinutuluyan. Tumagal iyon ng ilang segundo bago muling nag-angat ng tingin at sinalubong sila. The three magistrates were standing proudly along with the danger within them. Bakas naman ang pag-aalala sa mukha ng reyna, na halos palipat-lipat ang tingin sa aming lima. Alam ko kung bakit sila naparito, kung bakit biglaan silang pumunta nang ganito kaaga. Ayaw ko pa sanang bumangon ngunit baka may malabag nanaman akong isa sa mga batas nila.
"Are you all okay? Maaari ninyo bang ikuwento sa amin ang nangyari?" tanong ng reyna nang hindi na mapigilan.
"Have you had your breakfast? If not yet, it is better to talk about it while we are eating," sabat ng pangunang mahistrado, na sa pagkakatanda ko pa ay Matteo ang pangalan.
"Nakakain na po kami, Mister," seryosong tugon naman ni Crishelle. "Pero kung kayo ay hindi
This is just a work of fiction. Originally made by me, McKhenzerrr. The characters, locales, events, and other things mentioned are all created by the author's wide imagination. If there is any similarity with others, it is purely coincidental.This story is a part of Sword Trilogy and always written using the first person point of view.Read at your own risk. You will encounter lot of flaws ahead. I'm open for constructive criticism. If you have any problem, just hit me up.I hope you will enjoy the journey with my characters! Thank you for reading this. I will make sure that it will be worth-reading story for you all.
Wanted or unwanted. Somethings happened without any expectation, or even given signs. Do you think that the sky from above really fights for a certain souls to collide?Admit it, some things were too strange and hard to coincides. People entered your life without a sound or even small mark of their entrance. Sometimes, it is called happenstance. Most of the time, fate. But whatever it is, I love how it made me smile and happy.Mula sa malayo, sa isang sanga ng puno, tanaw ko ang malagim na anyo ng isang kastilyo. The dark clouds hid the extremity of the castle. Naningkit ang mga mata ko nang dumaplis sa akin ang hangin. The leaves fell down as the whispers of the wind blew..."Hindi ko kailanman hiniling na pumasok dito, mahal na reyna-"Galangin mo siya!" baritonong sigaw ng isang lalaki.Sinamaan ko ng tingin ang lalaking iyon na batid ko ang hinahawakang posisyon. Humalo
Zhakia's POV"Good night, sweetie. Sleep tight."My mother kissed me on my forehead before leaving me inside of the dark room. The darkness filled my vision as my eyes wandered around it. Hindi ko alam kung bakit ganoon kaganda ang kadiliman sa aking paningin. Hindi nila gusto ang itim. That is why I am curious what is really symbolizes the darkness. Is it danger or peace? Or Both?Sabi ng mga magulang ko, hindi raw nakabase sa kulay ang mga bagay-bagay. The darkness doesn't symbolizing danger. The red is not for blood and death. And the white doesn't represent the peace and freedom. It is only your eyes and how will they give meanings to things and its colors."Sa 'kin po 'to?" natutuwang tanong ko at tiningala ang aking ama. They gave me bow and arrows!Naupo siya sa dulo ng makipot kong kama habang nakangiti sa akin. Si Mama naman ay nanatiling nakatayo sa ka
Zhakia's POVSa sentro ng Ramayana, marahang nagsipagyukuan ang mga tao na halos masubsob pa ang mga mukha sa maputik na kalupaan. Agad akong napatingin sa paparating at hindi na ako nagulat kung sino ang mga iyon.The trained people of Kastello having a parade, one row for men and one for women. Along with their authority, power, and positions. Their feet were stepping simultaneously and making a sound like gallops of a horse. I stiffened when my eyes noticed the three carriages with one complete armored horse each...Ako ay kumakain sa isang kainan nang mapuna ang pagyukod ng mga tao. At batid ko na kung bakit.. ang tatlong mahistrado ay paparating, kasama ang mga kawal ng Kastello.Mesmerized, I did not noticed that I was still standing and looking straight to all of them.. not until that my gazes met a pair of orbs. My heart stopped from beating when I realized who owned that, the head magi
Zhakia's POVDalawang simbolo na nahahati sa ilang piraso ng singsing. Taglay ang kapangyarihang na hindi makukuha ng ninumang hindi nakasuot nito. Ang mga singsing ay hindi maipapasa hangga't hindi sumasakabilang buhay ang mga nagmamay ari o hindi bumababa sa pwesto ang kasalukuyang may suot nito.Buwan at araw.The moon is always higher than the sun. Only the magistrates could have the ring of the moon. Therefore, they are the highest. And the owner would not be replaced by a new one if the current holder was not yet perished. Whilst the rings of the sun were reserved for the higher positions: The Queen and the Knights.Ang mga taong hindi nakapasa o napabilang sa tatlong posisyon ay mananatili lamang na tauhan o isang kawal. Maging ang kawal ay may posisyon, mula baba hanggang sa pinakamataas...Hindi ko alam kung bakit may posisyong kailangang maabot at paunlarin. Halos
Zhakia's POVMinsan na rin akong naging kuryoso sa kapangyarihan na taglay ng mga singsing. Ano nga ba ang meron doon at bakit ganoon na lang tingalain ang kung sinumang may hawak nito? Sabi nila, meron 'yong kakaibang tangi na kahit sino'y hindi magagawa o makukuha. Isang hiyas na nilalabasan ng enerhiya't malalakas na kakayahan. Iyon bang hindi pang-ordinaryong tao. Nagagawa nitong pumaslang sa iisang pagpilantik ng kamay.Hindi ko alam kung bakit at kung sa paanong paraan iyon nangyayari. Ngunit kung ganoon nga ito kalakas, marapat lamang na katakutan ang mga taong may hawak nito...Nang magmulat ang parehas kong mga mata ay agad na dumapo iyon sa taong nakaupo sa isang sofa, sa loob ng kwarto ko. My forehead creased when I saw the head magistrate sitting on that and watching me intently. Both of his arms were resting on the armrests and the darkness of my room still defined the precious ring around his finger on the
Zhakia's POVPagal akong napatingin sa kaniya. Taas-baba ang aking balikat dahil sa malalalim na paghinga. Gusto kong mangiwi dahil sa kirot na matatagpuan sa iba't ibang dako ng aking katawan, dahil sa mga nagawa niyang pag-atake. Tapos na ang pagtirik ng haring araw at anumang oras ngayo'y puputok na iyon. Ngunit ang pagod ko'y hinihila na ako sa isang pagsuko. Ang tuhod ko'y nais nang tumimbawang sa kalupaan. At ang katawan ko'y gusto nang bumighay.Ngunit siya, tila hindi niya alam ang salitang pahinga at awa. Malayo ang agwat namin ngunit sa tingin ko'y mula sa kaniyang kinatatayuan ay dinig niya ang matutunog kong pagbuntonghininga. Hindi ko naman alam kung ano ang uunahin kong indain dahil sa sakit sa aking buong katawan. May bagong napuruhan, gayunpaman, hindi nagpatalo sa kirot ang ibang naunang mga sugat. Mula sa paa hanggang sa aking ulo, meron kang makikita."Nauuhaw na ako! Pawis lang yata ang pi
Zhakia's POVKung may katunayan man ang sinabi ni Miyuki ukol sa basbas ng punong mahistrado sa mga sandatang pinapagamit nito sa min, naisipan ko na lamang na huwag iyong bigyang pansin. Sa halip, mas pinili ko pa rin iyong indain sa tuwing tatamaan ako at iniisip na ang mga sugat na matatamo ko mula roon ay kayang kaya akong mapatay sa sakit at hirap. Kung hindi man ang mga sandatang ito ang magpuputol sa aking paghinga, nakasisiguro naman akong ang labis na pagod ang gagawa niyon.Ang punto ng mahistrado ukol sa paglalagay ng kung anumang inkantasyon sa mga kagamitang pandigma ay unti-unti kong nabibigyan ng pagsang-ayon. Dahil na rin sa mga batas na dumayo pa sa aking panaginip noong isang gabi. Sadya man o hindi, walang karapatang mapaslang ng kahit na sinong taga-Kastello ang mga nilalang na walang laban sa mga ito. Sapagkat buhay ang kapalit ng buhay. Dugo sa dugo. Sa dagat ng mga patakaran nila'y iilan lamang ang may hust