Share

Kabanata 7

Tumigil ako sa binabasa para pagtuonan ng pansin ang kausap sa phone. I took a deep breath before letting it out through a heavy sigh.

Alas diyes na ng umaga pero wala parin akong gaanong nagagawa rito sa opisina. Maliban sa pagbabasa ng ilang dokumento at pagpirma ng dalawang papeles ay wala na akong gagawin pagkatapos. 

"So you are finally dating a guy, huh?" tunog nagtatampo si Zeri ngayon. 

"Don't deny it, Chio! I don't know if I should feel happy because you are finally entertaining someone or just feel upset because you didn't tell me! Kung hindi pa ako tumawag ay hindi ko malalaman!"

Ngayon ay sigurado na ako sa tono ng boses niya. She is both happy and disappointed. Pero nangibabaw ang disappointment sa boses niya.

"I didn't say I am dating him, Zeri. Hindi mo ba iyon narinig o ayaw mo lang intindihin?" I asked. 

Bumuntong hininga siya. I can hear a tearing sound of a cellophane from the background. Baka ngayon pa naisipan ni Zeri na kumain ng chips.

"Ayokong tanggapin na hindi ka pa rin dating, Chio. Mas gusto kong i-advance ang isip na magiging boyfriend mo rin iyan sa susunod. I am so desperate to know that you are inlove!"

I sighed. Paano ba ito?

"I don't know anymore..." halos naibulong ko na iyon.

"What do you mean?"

Nakagat ko ang pang-ibabang labi. Aksidenteng tumama ang tingin ko sa salamin sa harap at nakita na naman ang pulang marka malapit sa aking panga. It's there again.

"His concern is genuine. Lagi siyang nandiyaan sa tabi ko kahit saan ako magpunta. He would sacrifice his time to ditch his work that he would rather do it at night just to be with me. Everyone might think that he has the feeling...or something is going on in between us..." I intentionally cut my words.

Ilang sandali rin akong natahimik. Hindi alam ang susunod na sasabihin. At kung wala si Zeri sa kabilang linya ay baka naitikom ko na ang bibig ng tuluyan.

"Words without actions can give you doubts. But action without words is confusing. I don't know what to think or what to feel."

Zeri fell into silence. Iniisip at inaanalisa ang bawat salita ko. And when she finally relates it all, she sighs in despair.

"Okay, got your point there, lovely girl," may halong sarkasmo sa boses.

I snorted.

"You sure did?"

Lumukob ang nang-aasar niyang tawa. Bahagya ko pang inilayo ang phone at hininaan ang volume. This girl!

"I'm not being sarcastic, okay? Nagulat lang ako sa sinabi mo. Parang sampal ng katotohanan, suntok ng reyalidad."

Biglang humina ang kanyang boses. Hindi ko sigurado kung sa volume ba iyon o sadyang humina talaga dahil ginusto ni Zeri.

I'm not that insensitive not to hear her despair through those sighs. At ang pagtawag niya ngayon ang tumulong sa akin na mapagtanto ang lahat. 

"How's your relationship with that man, Zeri? Any update?" tanong ko na nagbukas ng kanyang bibig para isiwalat sa akin ang tunay na nararamdaman.

Tuluyan ko nang iniwan ang binabasa ko para pakinggan si Zeri. Her voice is a little shaky. Minsan pa ay pumipiyok siya na halatang pinipigilan ang sarili na huwag maiyak. 

She told me everything that I missed since the last time she called. Nahihiya pa nga siyang umiyak dahil boses kambing daw siya pag ganoon. Kung hindi ko lang pinayuhan na hayaan ang luha ay baka hanggang ngayon ay nagpipigil parin siya.

Zeri vented out. Sa ilang minuto naming pag-uusap ay tanging pakikinig lang ang ginawa ko sa kanya. I did not speak out for any advice. I just let her scream all the burdens and cry a river. 

No words came out from me. Sa panahong ito ay tanging tenga lang ang kailangan ni Zeri, hindi mga salita. 

Naipikit ko ang mga mata at naisandal ang likod sa aking swivel chair. Kumaway ang ilang ala-ala ko kagabi. 

After that dinner in the office, Weino and I decided to go home. Ayaw ko pa sana dahil gusto kong marinig ang plano nila para sa renovation. Pero masyado ng madilim ang mga mata ni Weino. Kung mananatili pa ako roon ng ilang saglit ay baka tuluyan na siyang magalit.

"Galit ka ba?" I asked him when I slid in his car.

Akala ko ay bubuhayin na niya ang makina para makaalis na kami ngunit nanatili itong walang imik. His focus was in front of him. Ni balingan ako ay hindi niya ginawa.

"If you won't talk, I would think you are mad. And if that's what you feel, I rather go home alone than to draw you more in anger," dagdag ko.

Hinanda ko na ang sarili para sa gagawing pag-alis. Humigpit ang hawak ko sa bag. I waited for him to respond. Ngunit nang mapagtantong ganito nalang siya ay sigurado na ako na bababa.

Binuksan ko na ang pinto ng sasakyan niya. Just when I was about to step my feet out, he cleared his throat. 

Sapat na iyon para sa akin na bawiin ang desisyong pag-alis at hayaan siyang sabihin ang nasa kanyang isip.

I pulled the door close. It made a loud thud. Saka lamang ako binalingan ni Weino. His eyes were weary. 

Pagod niyang isinandal ang likod sa backrest at ipinikit ang mga mata. Tumingala siya, pasimpleng lumulunok.

"You're up for the renovation of this foundation?" he asked. 

"Oo..."

"Bakit hindi mo sinabi?" giit niya.

"Akala ko hindi ka interesado," I tilted my head, trying to get some hints in his words. 

"Bakit, Weino? What are you mad about?"

He went silent for a while. Ilang lunok pa ang ginawa niya na tinapos ng isang buntong hininga. He slowly opened his eyes.

"Bakit si Engr. Altezano? Bakit siya?"

Nangunot ang noo ko.

"Sino ba ang gusto mo?"

Hindi siya nakasagot. Bumuga ako ng hangin saka umayos ng upo. I am now facing front, with Weino's view on my peripheral vision.

"He has a good record and a long list of honored good works, Weino. Jaeous has the qualifications to be my engineer."

Nilingon ko siya. Kita ko kung paano nagtangis ang kanyang bagang. The coldness in his eyes pierced right through me. Ngunit imbes na matakot ay tila natuwa pa ako.

I unconsciously lifted my hand to caress his chiselled jaw. Hinaplos ko iyon at bahagyang ngumiti.

"What...are you smiling about?" he asked with control in his voice.

Umiling ako at kinagat ang pang-ibabang labi. The hard expression on his face softened as I moved my thumb against his prominent jaw.

"I haven't thought of your snobbish look for a while, Miscreant...Now I'm starting to think of it from time to time..." halos naibulong ko na iyon sa sobrang hina ng boses ko.

"Snobbish, huh?" He smirked.

Ibinaba ko ang kamay na nakahawak sa kanya. Inalis ko rin ang tingin sa kanya at sumandal sa likod ng inuupuan. 

"Weren't you snobbing me earlier? Are we supposed to talk now? My bad, I don't want to," pang-iinis ko.

He groaned. Tila nawawalan na siya ng pasensya sa akin. Gusto kong makita ang naglalarong emosyon sa kanya kaya nagmulat ako. 

The look on his face satisfied me. Pinaghalong galit, frustration, at pagtitimpi ang bumakas doon.

"You're learning, Miss Alcoreza," he tilted his head arrogantly. "You surely know how to turn tables."

Nagkibit balikat ako.

"No, Mr. Zaldego. I know that ripples will eventually turn into wild waves. It just happened that I know how to rule them before they rule me."

Humugot ako ng malalim na hininga. Nagpaalam na si Zeri na aalis na kaya hindi ko na ikinagulat ang pagkamatay ng tawag. 

I remained with my position. Nahulog ang kamay ko sa aking kandungan at marahang iniikot ang swivel chair. Think, Chio! Time is running so fast.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya ipinirmi ko ang kinauupuan. Hinintay ko ang paglapit ng kung sino. 'Di kalaunan ay naramdaman ko ang isang presensya sa aking likod. 

"I'm not sure if you're asleep," he whispered. 

Aahon na sana ako. Ngunit nang nagtangka ay humaplos ang malaking kamay ni Weino sa aking magkabilang pisngi dahilan ng aking pagmulat.

He crouched a bit to reach my forehead. Walang pasabi niyang pinatakan ng maliit na halik ang aking noo na lubos kong ikinagulat.

"Did you eat?" tanong niya na parang walang nangyari. 

He walked to my side and squat, just enough that our eyes could level. 

"Breakfast oo pero lunch hindi pa..." tugon ko sa kabila ng matinding pagtataka.

He nodded at me as if he was expecting my response that way. Tumayo siya at naglahad ng kamay. 

Ang naging galaw niya ang pumuno sa pagtataka ko ngayon. Hindi ko alam kung papatulan ko ba siya sa iniisip o tatanggi at lalagyan ng distansya ang pagitan namin.

"Let's go out and eat," he snapped when he noticed my doubt.

Umiling ako at nag-angat ng tingin.

"I need to finish this by now, Weino. Hindi ako pwedeng lumabas hangga't hindi ko ito natatapos."

He withdrew his hand and gave me a small nod. Weino licked his lower lip.

"Should I just order? Ano ba ang gusto mo?" 

Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla nalang may pumasok sa pinto. The harsh sound of the door made me jumped mid-air. 

"No need, Weino! I already ordered something for Chio!"

My eyes widened in shock when Richard sauntered in with a wide smile on his lips. Sa magkabilang kamay ay may bitbit siyang tatlong paperbag. 

Nagdire diretso siya hanggang sa harap ng mesa ko. Weino is now staring at him blankly. Ni hindi man lang siya nagulat sa biglang pagsulpot ng kaibigan.

Tumayo ako para yakapin si Richard. Sinundan iyon ng tingin ni Weino. His eyes were inquiring, but I ignored it. Nilagpasan ko siya at binuksan ang mga braso para kay Richard.

"I'm glad you're here, Richard!" sambit ko, hinihintay ang kanyang paglapit.

Lumagpas ang tingin niya sa aking likod. Ilang sandaling nanatili ang mga mata kay Weino habang unti unting sumisilay ang nang-aasar niyang ngiti.

"You missed me, Chio?" he asked without glancing at me.

Ako na ang kusang lumapit at ikinulong siya sa aking bisig. Richard wasn't stunned. Hinayaan niya lang ako na yakapin siya hanggang sa magsawa.

"I missed you slight," sagot ko saka siya pinakawalan.

Bumaba ang tingin niya sa akin. 

"I miss you, too!" sinundan iyon ng mapang-asar na tawa. "Ako ang unang nakahanap sa'yo kaya dapat ako rin ang una mong ma-miss!"

Nangunot ang noo ko roon. Kaya lang bago pa man ako maka-angal ay sumingit na ang malalim at may diing boses ni Weino.  

"Chio is not a first come first serve type of woman, Richard. She is more than what you think so treat her the way she deserves to be treated."

Napaawang ng labi ko. Nilingon ko si Weino. Kumislap ang dilim sa kanyang mga mata nang magtama ang aming tingin. 

He neared to me. Hinapit niya ako sa beywang. Bumaba ang tingin ni Richard sa kamay niyang nakahawak sa akin at hindi na naiwasang mangiti ngayon. 

Weino gently pulled me to his side, making us a bit more closer. 

"Let's eat now," he whispered.

Pasimple kong kinakalas ng paisa-isa ang kanyang mga daliri sa aking beywang. Pero sa tuwing isang daliri nalang ang kailangan kong alisin ay bigla nalang na hahawak ulit ang iba. 

I sighed my frustration. There is no way this man will let me get away from his hold.

Napilitan akong magpatianod sa kanya nang nilakad niya ang maliit na distansya ng mesa. He started distributing the food with his other hand not leaving my waist. 

"This man is possessive and territorial!" biglang humagalpak ng tawa si Richard, hindi makapaniwala.

Pinamulahan ako sa sinabi niyang iyon. Ibinagsak ko ang tingin sa pagkain para iiwas ang namumulang mukha sa tingin ng dalawa.

Weino never uttered a word since then. Inabala niya ang sarili sa paglalatag ng pagkaing dala ng kaibigan. At habang tumatagal ay humihigpit ang hawak niya sa beywang ko. 

"Eat..."

Napapitlag ako sa biglang pagbulong niya malapit sa aking panga. Iisipin ko na sana na masyado siyang yumuko at nakaligtaan ang posisyon ng aking tenga ngunit nang lingunin ko siya at nadatnan ang mga mata na nakatingin sa aking labi ay alam kong sinadya niya iyon.

"I'm here now, Weino. What's with the sudden call? Sabihin mo na dahil tinakasan ko ang photoshoot ko ngayon para sa sasabihin mo," untag ni Richard saka kumuha na ng kutsara't tinidor.

Binawi ni Weino ang tingin sa akin para balingan ang kaibigan. I got myself a spoon and started feeding my tummy. Hindi ko naman magawang hawakan ang tinidor dahil sa katawan ni Weino na halos nadadaganan na ang kabilang parte ng katawan ko.

It seems to be so important and personal that the two of them excused themselves for a while. Wala naman akong naging paglabag dahil ngayon lang din naisipan ni Weino na ialis ang pagkakahawak sa akin.

Nanatili ako rito sa kinauupuan habang ang dalawa ay nasa sulok malapit sa bintana. Nagnanakaw naman ako ng tingin pero bigo akong makasagap ng clue sa kung ano ang pinag-uusapan nila.

I shrugged the thought off my mind. Eavesdropping is not my thing. Sasabihin naman nila iyon kung kailangan kong malaman.

They both look so serious. Natapos na lang ako pero nandoon parin sila. Tinamaan ako ng pagkabagot. I decided to scroll on my phone and visit some of my social media accounts.

Wala gaanong balita tungkol sa mga kaibigan ko. Zeri's last update on her I*******m was our photo. Iyong huling kita namin sa San Hartin. Si Polona naman ay napakapribado sa social media. Her lowkey stalking life never surfaced.

Ilang sandali pa ay nahanap ko ang sarili na nagtitipa ng isang pamilyar na pangalan sa isang search engine. 

Richard Camilon...

I wasn't surprised with the information that he is a model. Halata naman sa katawan niya. Sa tindig, kilos, at galaw ay mahahalata na iyon.

Ang malaman na isa siyang model sa ilalim ng Cervinero Modelling Agency ang bahagyang gumulat sa akin. That agency holds most of the famous models in the whole country. Balita ko pa nga ay kinakausap na nila ang isang international modelling agency for a partnership. 

"Mababaliw ako sa mga naiisip mo, Weino! Ipinagpalit ko ang trabaho para lang sa kaonting problema mo!"

Napaangat ako ng tingin at bumaling sa kanila. Naiiling na si Richard habang si Weino naman ay medjo namumula na ang tenga dahil sa pagpipigil. 

Lumapit sila sa akin. Richard then started throwing questions at me. Tungkol iyon sa nangyayari sa akin dito sa Priacosta. Just a casual friendly talk.

"Buti walang bodyguard na nakasunod sa'yo?" he asked. "I'm kinda wondering why you don't have anyone to be your guard. Anak ka ng gobernador, Chio. Maaari kang pagtangkaan ng mga kalaban ng Papa mo kung meron man."

I smiled and shook my head.

"I'm fine, Richard. Hindi rin naman siguro kailangan. People know me as his daughter but they don't give a care."

"Even if you came from de Alvero clan? That's weird..."

"Pero kapayapaan ko iyon. Ayokong may sumusunod sa akin sa kahit saan ako magpunta. I can take care of myself. I don't want to bother people."

Kaagad na lumipad ang tingin ng kausap ko sa kaibigan. May multo ng nang-aasar na ngiti si Richard na halatang nang-iinis na kay Weino.

"Rinig mo iyon? Keep your distance, Weino. Ayaw raw ni Chio sa palaging nakasunod sa kanya!"

Richard fell into laughter. Pero sa kabila ng tawa ay hindi man lang natinag si Weino.

"I'm a bother then," Weino said and glanced at me.

Nagkatinginan kami saglit. Kumislap ang inis sa kanyang mga mata. Nakagat ko ang pang-ibabang labi para pigilan na mangiti. 

"Bother me, then."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status