Share

Kabanata 12

Sa buong araw ng Lunes ay naubos ang oras ko sa pagsusukat ng susuotin ko sa reunion. It will be a three day reunion. 

Sa unang araw ay sa mansyon idadaos ang reunion. It is a formal party. Ipapakilala lang ang sarili at makikihalubilo sa iba pang Alcoreza. Sa pangalawang araw ay maglilibot sa Priacosta. We will visit the famous tourist spots. And the last day will be the announcement of some special events. Ang sabi ni Tita sa akin dati ay iaanunsyo ang tungkol sa mga susunod na ikakasal sa pamilya. List of brides is what they call it. 

Lunes ng hapon ay sinamahan ako ni Aling Debbie na bisitahin ang isang jewelry shop na sinabi ni Papa. He has no idea of what jewelry should I wear kaya hinayaan na niya ako na mamili sa bagay na iyon. Sunod naming pinuntahan ay ang shoe house na kilala rito sa Priacosta. 

Before the night came to offer us some sleep and rest, I made sure that everything's fine and good. Kaya naman kinagabihan ay maayos na ang naging tulog ko. 

In the middle of my peaceful sleep, the loud ring of my phone woke me up. Inignora ko ang unang beses na tumunog 'yon. Sa pangalawa ay nagtalukbong ako ng kumot. Ngunit sa pangatlo, ang pinakamalakas na ring, ay bumangon ako.

Hinagip ng kamay ko ang phone sa bed side table saka sinagot ang tawag nang hindi man lang nagmumulat.

"I'm still sleepy..." tamad kong bungad sa kung sino sa kabilang linya.

"Oh, sorry to disturb your sleep, Chio. Akala ko gising ka pa ng ganitong oras."

Curiosity waved at me. Sino 'to?

"Who is this?" 

Pinilit kong imulat ang mga mata pero hindi ko magawa.

"This is Jaeous...I'm really sorry to disturb your sleep, Chio. I'll just end this so you can go back to sleep..."

I'm just to sleepy to even think of saying that it is okay and to prolong the conversation. Sumang ayon ako at hinintay na mawala siya sa kabilang linya.

Bumalik ako sa pagkakahiga matapos marinig ang end beep. Ibabalik ko na sana ang phone sa bed side table nang pumasok ang isang text. I winced, just enough for me to see the call button.

Tumagilid ako habang hinihintay na sagutin ni Jaeous ang tawag. I am too tired to read his message. Kung may sasabihin pa siya sana ay sinabi na niya kanina.

Naputol ang pagriring, hudyat na nasagot na ito.

"May nakalimutan ka bang sabihin, Jaeous? I can't reply to your message...I'm just...too sleepy to do that..."

Jaeous didn't answer. Nagtaka ako pero hinintay ko lang na magsalita siya. 

"So you had a call with that Engineer? Just earlier before you called me?" 

Ginising ng kaba ang diwa ko. Nagmulat ako ng isang mata para silipin ang pangalan ni Jaeous. My eyes widened when Weino's name appeared on the screen. 

Napabangon ako nang wala sa oras. I cleared my throat, trying to find some words to utter.

I checked my messages. Hindi pala si Jaeous ang nag-text! It was Weino! 

Miscreant:

Are you asleep now? I wanted to call you. If you're already sleeping, then my call would wake you up...I guess I'll just let you rest.

Halos masapo ko na ang noo dahil sa ginawa. Bakit hindi ko man lang naisip na basahin ang text?

Pero hindi ko rin naman inaasahan na magtetext si Weino ng ganitong oras!

Lumipad ang tingin ko sa orasan. Ganoon nalang ang gulat ko nang malamang alas dos na ng madaling araw.

"Weino..." I called out for his name. 

The other line went silent. Mas lalo akong kinabahan. It feels like I am now fully attentive to his words. Kaya lang ay hindi siya nagsasalita.

"Weino...are you still there?" untag ko.

"I was so damn happy when you called. But calling me with other's name made me shift into a foul mood."

Bumakas ang inis sa boses niya. Nakagat ko ang pang-ibabang labi para makalma ang sarili. But almost tasting my blood made me regret of doing it.

"Hindi ko alam na ikaw ang nag-text..." I defended myself.

"Hindi ko rin inasahan na tatawagin mo ako sa ibang pangalan..."

"Weino..."

"I stayed up until dawn to hear your voice...only to hear you calling me using other man's name..."

Hinawi ko ang comforter na nakadagan sa akin saka tumayo. I did not mind wearing my slippers. Nilakad ko ang veranda. Mula rito ay tanaw ko ang dagat at sa gilid naman ay ang hotel ni Weino. 

"Nasa hotel ka ba? Can you meet me? Mag-usap tayo..." sambit ko.

"I'm out of my house..." his voice was cold with a hint of anger.

"Good, then let's meet, Weino. Paalis na ako---" pinutol niya ako sa dapat na sasabihin.

"I'm going to meet a girl, Chio. Not now..."

Napaawang ang labi ko. I'm starting to hate this conversation. Kung gumaganti lang ba siya sa akin dahil sa nagawa ko o talagang may balak na siya kanina pa na kitain ang sinong babae ay wala akong pakealam. 

Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. It is not that he is not allowed to meet some random girls out there! 

Bahala siya sa buhay niya!

"Then be happy!" naiiritang sabi ko, medjo sumigaw na.

I immediately tapped the end call button. Humugot ako ng tatlong malalalim na hininga para makalma ang sarili. This is not good.

Tuluyan na akong iniwan ng antok. Kaya naman ay nagpasya akong bumaba nalang at magpahangin. 

I was about to clench my fist. Ngunit pinigilan ako ng hawak na phone. I don't want to make any damage on my phone just because I am irritated.

Pinagsisipa ko ang buhangin na nadadaanan ko patungo sa dalampasigan. Humampas ang maliliit na alon kasabay nang pag-ihip ng hangin.

Malamig na at mas naramdaman ko iyon dahil sa suot. Bahagyang umangat ang laylayan ng suot kong silk night dress dahil sa muling pagbisita ng hangin mula sa malawak na karagatan.

Hinagip ko iyon at pinigilan sa akmang pagtaas. Nahulog ang spaghetti strap ko sa aking braso kaya hinila ko ito pabalik sa aking balikat.

Muntik na akong magsisi kung bakit ko pa naisipan na bumaba at dito magpahangin. I can do that in my room's veranda. Malakas din naman ang hangin doon. Ngayon ay nahihirapan na tuloy akong pigilan ang damit.

Pumagitna ang tunog ng phone sa kalagitnaan ng tahimik na tabing dagat. Sinilip ko kung sino ang tumatawag. 

Tila nanumbalik sa isang iglap ang inis na akala ko ay nawala na kanina. 

Miscreant calling...

I reminded myself about my pride. Hindi ko gaanong ginagamit iyon tuwing may ganitong eksena sa pagitan ko at ng ibang tao. Pride doesn't usually console me. Pero sa tingin ko ay kailangan ko iyon ngayon.

Tumahimik nang naputol ang tawag. I sighed my irritation and stared at the sea in front.

Suddenly, my phone beeped. Labag man sa loob ay binuksan ko iyon at binasa.

Miscreant:

Where are you?

Kusang umikot ang mga mata ko. Ayaw kong mag-reply. Ibababa ko na sana ang kamay nang matigilan dahil sa pares ng brasong yumakap sa akin mula sa likod. 

A familiar scent filled my nose like it was teasing my memories to flash in my mind. The warmth of his embrace consoled the coldness of my body.

He rested his chin on my shoulder, tightening his embrace.

"I found you..." he whispered.

Sinuyo ako ng kanyang malambing na boses. Ganunpaman ay pinairal ko parin ang inis na nararamdaman.

Inalis ko ang nakayakap niyang braso. Nang magkaroon ng pagkakataon ay mabilis akong lumayo sa kanya.

Weino was still in his corporate attire, but a messy one. Maluwag na ang kanyang suot na necktie. Bukas narin ang unang dalawang butones ng kanyang polo at ang buhok ay masyadong magulo.

But despite of his look, my heart is still admiring him for looking so handsome. Kaya mas nainis ako ngayon...sa sarili.

"Why are you here? Hindi ba't may kikitain ka pang babae?" nagmarka ang pait sa boses ko.

Weino's eyes were dark. Pinapantayan ang dilim na bumabalot sa paligid. 

"Am I not allowed to see you?" he asked, with control in his voice.

I faked a smile.

"No, Miscreant. You are not allowed to see me 'cause I am not a side chick! I am not an option that when your girl refused to see you, you'd come to me because you have no choice!" 

For the first time in a while, I felt like Chio with principles is surfacing, beating the version with no principles in life.

His jaw clenched. In this view of him, I can say that he is challenged because of me and my words.

"Why are you so irritated right now, huh?" tanong niya, nanunukso sa kasalanang nagawa ko kanina.

"How's Jaeous by the way?" 

"Why don't you ask him yourself?!"

He advanced to me, tilting his head arrogantly as if he was just dealing with a business deal!

"Didn't you two talked earlier? You supposed to know that..." 

Lumapit pa siya nang lumapit. I managed to compose myself to fight back, not giving in in this argument.

I smirked.

"He is good, Miscreant! Doing so good that I just want to date him because he is so good for a man!" I fired at him.

Mas lalong nagdilim ang kanyang mga mata. Ngayon ko lang ata nakapa ang takot sa sistema ko. 

"You must hate a bad man, then, Chio?" he nodded at his own realization. "Now I wonder why you asked me to meet you to talk about something..."

Nangapa ako ng mga salita. 

"I can also ask you that, Miscreant...but in different context..." nanghahamon kong sinabi.

Ako naman ngayon ang humakbang palapit sa kanya. When we were closely facing each other, I intentionally ran my finger on his loosened necktie. 

"I am also wondering why are you here, Miscreant...I thought you're meeting a girl?" my voice was soft and low.

Marahan akong nag-angat ng tingin. Nagkatinginan kami ni Weino. His eyes were bloodshot. Ang agresibong paggalaw ng kanyang panga ang mas dumepina sa galit na nararamdaman niya ngayon. 

As much as I know how to turn tables, Weino must've known how to switch places.

Ang kaninang kampante kong diwa ay nagsimulang mangapa sa kawalan dahil sa biglaang paghapit niya sa aking beywang.

I tiptoed when he pulled me close to him. Halos lumapat na ang mga palad ko sa dibdib niya pero hangga't kaya ko pang panindigan ang sariling lakas ay hinding hindi ko iyon ihahawak sa kanya!

"You are now irritated with the idea of me meeting a girl, hmm? Now come to think how I felt when you called me with that Engineer's name..." he whispered.

Akala ko ay hihigpit at magmamarka ang hawak niya sa aking beywang pero mali ako. His hold on me was so light, gentle, and full of care. Para bang isang vase na iniingatang huwag mahulog at mabasag.

"I haven't told you her name...that girl is Ghabila..."

I hardly held onto the little sanity I have. His whispers and waist grab just literally made me lost my strength! 

Gusto ko siyang itulak. Gusto ko siyang sigawan pa pero nawawalan na ako ng lakas para gawin pa iyon.

Naramdaman ko ang paglandas ng strap ng suot na damit sa aking balikat. My eyes widened when I realized that I am not wearing my bra!

Sapat na rason iyon para itulak ko siya. Ngunit bago pa man makaipon ng lakas ay tumulong na ang isa niyang braso para ikulong ako sa kanyang bisig.

Sumabay ang pangangalay ng paa. The soles of my feet were about to touch the white sand of Priacosta when Weino didn't let me. Muntik na akong matumba kaya nahila ko ang kanyang necktie. 

Weino, in his full strength, lifted me from the ground. Kung hindi ko lang naitikom ang bibig ay baka kanina pa ako napasigaw na maaaring gumising sa lahat ng nasa mansyon!

"Chio is my cute baby while Ghabila is my baddest darling...I'm two timing girls in one body..."

"Ibaba mo nga ako!" I hissed.

"Stop pulling my tie, darling. That's..." he intentionally cut his sentence.

Nagsalubong ang kilay ko. Weino shut his eyes and swallowed hard. Nang magmulat ay nag-alab ang kung ano sa kanyang mga mata.

"What?" taas kilay na tanong ko.

I can see that he is controling something in him so hard. Paulit ulit siyang lumunok at nag-iwas ng tingin. My brows furrowed.

Sinubukan kong ialis ang nakahawak na kamay sa kanyang necktie pero imbes na mabitawan iyon ay lumapat pa ang kamay ko sa kanyang dibdib. 

His wild beating heart is throbbing against my palm. Ramdam na ramdam ko ng pagwawala ng kanyang puso. The way it reacts to this situation where there are only me and him has grown a flower of emotion in my heart. 

Parang hinaplos ng pagkakataon ang inis na nararamdaman ko. Unti unting naglaho hanggang sa tuluyang nawala. 

His heart was wilder than mine. Out of the wilderness in him, butterflies can be felt inside my stomach.

Weino muttered curses. Hindi na siya makatingin sa akin, siguro dahil sa hiya na nalaman ko kung paano nagwawala ang puso niya ngayon.

My hands went up to cup his face. I guided it to face me. Pumungay ang kanyang mga mata habang nilalabanan ang tingin ko. 

I bit my lower lip to suppress a smile. Bumakas ang pagtataka sa kanyang mukha. I lowered my head so I could reach his jawline.

I showered him small kisses tracing his prominent jaw. Tumigil ako sa kanyang kanang pisngi. Nang sinalubong kong muli ang kanyang mga mata ay kuminang ang pinaghalong gulat at galak doon.

Weino is pleasured?

"Is this how to pleasure you?" tanong ko, walang halong malisya.

A smirk formed along his lips.

"No...Chio...just love me...that's how you pleasure me, darling..."

He craned his neck to offer me a forehead kiss.

"How about you, hmm? How should I pleasure my darling?" he asked in full concern.

Sunod niyang pinatakan ng mapanuyong halik ang tungki ng aking ilong.

"I hate kissing you like this, darling. It's tempting me to go further than this..."

I pouted. So he doesn't want to kiss me, huh?

Weino offered me a kiss on my cheek. Next to my hand, to my neck where my mole is, and then lastly was on my shoulder.

"It will always be the forehead kiss, a kiss on the cheek, and the shoulder kiss, Chio. Always remember that for it means that I respect you, I adore you, and I want you..."

"Weino..."

"The last thing that we will do as a lover is to make love. Holy matrimony must come first more than anything else, baby..."

Namilog ang mga mata ko. Hinampas ko siya sa braso para sabihin na ibaba na niya ako. Weino seemed to understand it. Marahan niya akong ibinaba.

"Since when did we love each other, Weino?" tanong ko saka pinagkrus ang mga braso sa aking dibdib.

Hide it, Chio! You are not wearing your bra, you fool!

He chuckled.

"Is it normal for two people to kiss without feeling in love?" he teased.

Bigla atang nag-init ang mukha ko roon!

"Who would know if you're up for fling, huh?" ismid kong tugon.

He licked his lower lip.

"I don't do fling..." his brows shut. "Don't tell me you do?"

Umirap ako. I don't do fling of course! Hindi ko nga magawang ipasok ang sarili sa isang seryosong relasyon, sa landian pa ba?

Niyakap niya ako.

"What's with the eye rolls, huh? Why are you so grouchy, baby?"

Inilayo ko ang mukha sa kanya.

"I'm not, Miscreant," nag-iba na ng boses ko. 

"Naisip ko lang kung ano nang ginagawa ni Jaeous ngayon. Instead of talking to him, I am here with you. I feel sad..." 

Halos ngumisi na ako dahil sa nasabing pang-aasar. Yes, Weino. I am more than the Chio Ghabila you know. I am surfacing because of you.

"Can I call him? You just stay here. I'll be back in a while..."

Akma na akong lalayo sa kanya pero ang paghigpit ng yakap niya ang pumigil sa akin na gumalaw. I secretly smiled.

"For goodness sake, woman, stay here!" pigil ang inis na sambit niya.

"I thought you are under my command? It was a command, Miscreant!"

"Stop calling me Miscreant if you're using your command against me, Ghabila..." he uttered in a warning voice.

"I'm sleepy...Can I sleep now? I'll be back later, baby Weino...Don't miss me that much, hmm?"

"Ghad, such a bully!" he exclaimed in surrender of my teases.

Nag-angat ako ng tingin. Our eyes met. Namayani ang ingay ng mga alon. Unti unting nagbago ang kulay ng kalangitan. Sa mabilis na pag-ikot ng kamay ng orasan ay dinala kami ng mga emosyon sa oras na kaming dalawa lang ang dumadama sa kapayapaang dala ng mundo tuwing nagpapahinga ang lahat.

"I'm like a statue stuck staring right at you..." hinimigan ko ang isang kanta.

Biglang napangiti si Weino nang marinig ang binanggit ko. Kusang umangat ang mga kamay ko para ibalik sa kanya ang yakap.

"You're just so beautiful and I want you to feel it...'cause so bad I mean it..." he almost whispered.

I tiptoed to reach his lips. 

"The only thing that pleasures me is the view of the one I love..."

One of the few honest things that I have said.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status