Share

Chapter 3

YEARS LATER...

"Mano po, manang," pang-aasar ng mga kaklase ko. Unang araw ngayon ng klase. Second year college na ako pero hindi pa din sila nagbabago sa pakikitungo sa akin.

Wala na silang kasawa-sawa sa pam-bu-bully na ginagawa nila sa akin na kinalakihan at kinasanayan na nila, ginagawa na nila ito sa akin mula pa ng mga high school kami.

Nasanay na din ako sa pang-aasar nila. Noong una ay umiiyak pa ako kapag nagsisimula na silang mang-asar pero kalaunan ay pinag-walang bahala ko na lang.

Hanggang sa mag-first year college na kami ay doon ako napuno, natuto na din akong lumaban sa kanila. Hindi naman ako nakikipag-away o nakikipag-sabunutan pero pinapakita ko sa kanila na hindi ako natutuwa sa ginagawa nila. Iniirapan ko sila kapag ganiyan na sinimulan na akong asarin. Pinupukulan ko sila ng masamang tingin.

At ang pasimuno? Si Kian. Hindi na yata nakokompleto ang araw niya kapag hindi niya ako inasar o kaya'y pintasan.

Parang kulang siya sa aruga sa mga inaasta niya. Akala mo walang nanay o kaya'y kapatid na babae dahil babae na walang kalaban-laban ang puntirya niya.

At ang nakakainis pa ay ako lang ang ang bukod tanging napagkakatuwaan niya. Guwapo siya, oo, at pantasya siya ng mga kababaihan.

Hindi siya nakikipagrelasyon pero madami siyang kalandian. Magkaklase kami mula elementarya. Noon pa man hindi kami naging close, at hindi din kami nagpapansinan.

Pero ng tumuntong kami ng high school ay nagsimula na siya sa pambu-bully sa akin.

Kaya naman sa pinakadulong upuan ng classroom lagi ako umuupo, para maiwasan ang pambu-bully nila sa akin. Madalas kasi kapag sa harap ay binabato nila ako ng mga papel o kung ano-ano pa.

PASALAMPAK akong umupo sa sofa ng makarating ng bahay. As usual mag-isa na naman ako. Nasa probinsiya sina mama at papa para asikasuhin ang poultry business nila.

Nasa ilang minuto akong nakapikit ng tumunog ang celphone ko. Napangiti ako ng makita ko kung sino ang caller.

"Dave," masigla kong sambit ng sagutin ko ang tawag.

"Hey," sagot niya. Ang guwapo talaga ng boses niya. Nasa limang buwan ko ng ka-chat at katawagan si Dave. Nakilala ko siya noong minsang mapasama ako sa party na dinaluhan ng pinsan ko.

"What are you doing?" tanong niya.

"Nakaupo, just got home from school. Alone and bored," tamad kong sagot sabay buntong hininga.

"Mind if I join you there?"

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Hmmm," tanging sambit ko.

"Be there in fifteen minutes." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Seryoso?" Napatayo ako at nakaramdam ng excitement.

"Yeah, if you want me too."

"O-Oo naman. You are welcome here," kinakabahan kong sagot.

Nang binaba niya ang tawag ay mabilis akong pumasok ng banyo para maligo.

Sakto namang paglabas ko ng banyo ay narinig ko ang pagtunog ng doorbell. Hindi na ako nag-abala pang magsuot ng damit. Agad kong tinungo ang pinto upang pagbuksan si Dave.

"Hi," bati niya sabay angat ang bitbit niyang pagkain at alak. Niluwagan ko ang pagkabukas ng pinto para makapasok siya.

Nang malapag niya sa center table ang bitbit niya ay agad niya akong sinunggaban ng halik. Napangiti ako at agad tinugunan ang mga halik niya.

Hinaplos niya ako sa aking likod hanggang sa aking bewang. Agad ko namang hinawakan ang laylayan ng kaniyang tshirt.

"Are you sure about this?" tanong niya. Tumango ako at napaungol ako ng pisilin niya ang dibdib ko.

"Ahh. Oh," ungol ko at hindi ko namalayan na natanggal na pala niya ang tuwalya na nakapulupot sa katawan ko.

Mahigpit ko siyang niyakap habang patuloy ang mapusok naming halikan. Napaliyad ako ng hawakan niya ang puwetan ko at himasin.

Nahubad ko na din ng tuluyan ang tshirt niya. I can feel his warm palm on my waist until it reach my breast.

"Ahhhh." Napaliyad ako ng laruin niya ang aking nipples. Nag-init ako at pakiramdam ko nababasa na ang aking panggitna.

Agad kong hinawakan ang buckle ng kaniyang belt habang patuloy pa din ang aming halikan at siya naman ay malayang hinahaplos ang aking balat.

Nang matanggal ko ang kaniyang belt ay sakto namang tumunog ang cephone ko. Hindi ko pinansin ang tawag at pinagpatuloy lang ang pagtugon sa halik ni Dave.

Nang magsawa ang tumatawag ay ang telepono naman ang tumunog.

"Sagutin mo muna," wika ni Dave at pinutol ang aming halikan..Tamad kong nilapitan ang telepono upang sagutin ang tawag.

Baka ang mga magulang ko ito at kukumustahin ako.

"Hello," sagot ko. Wala agad sumagot sa kabilang linya kaya naman natitiyak kong hindi si mama ang caller.

"Hello," ulit ko.

"I'm watching live porn, right now," sabi sa kabilang linya. Bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa sinabi niya.

Hindi ako agad nakasagot.

"Hmm. The nerd and her video scandal," mapang-uyam niyang sambit. Namutla ako sa sinabi niya.

No! This can't be.

"What do you want," tamad kong sagot at hindi pinahalata ang takot at kaba na nararamdaman ko ngayon.

"First, I want you to send your boy away." Nilingon ko si Dave na nakaupo sa couch.

"What else?" tanong ko pero binaba na niya ang tawag. Mahigpit kong hinawakan ang telepono dahil sa inis na nararamdaman ko.

"Are you, okay?" tanong ni Dave.

"Ah, yeah. I'm sorry, Dave, mukhang hindi ka puwedeng mag-over night, pinapapunta ako sa bahay ng tita ko," eksperto kong pagsisinungaling.

"It's okay," aniya at tumango. Tumayo siya at nilapitan ako. Muli niya akong sinunggaban ng halik.

Nailang akong tumugon at hindi ko alam kung itutulak ko ba siya pero laking pasalamat ko ng muling tumunog ang telepono.

Tumigil si Dave at nginitian ako. Hinaplos niya ang pisngi ko bago niya pinulot ang damit niya at isuot.

Hindi ko na sinagot ang tawag at hinayaan na magsawa sa kabilang linya si Kian.

Nang makaalis si Dave ay napasandal ako sa pader. Nanghihina ako.

Napamura ako ng mapansin ko ang bintana na hindi gaanong nakasara.

Kung bakit kasi dito pa namin naisip maghubad at m********n ni Dave.

Muling tumunog ang telepono. Hindi ko ito sinagot kaya naman nakaramdam ako ng inis ng sabay niyang tawagan ang telepono at celphone ko.

"Ano'ng kailangan mo?" walang gana

kong usal.

"Come here," aniya at pinatay ang tawag. Pinaikot ko ang mata ko at tamad na pumasok ng silid ko para magdamit.

Pinindot ko ang doorbell ng dalawang beses. Inip akong nakatayo dito sa labas ng pinto nila habang hinihintay siyang pagbuksan ako.

Nang magbukas ang pinto ay bumungad sa akin ang hubad baro na si Kian. Napaiwas ako ng tingin pero napasadahan ko na ng buo ang kaniyang mga abs.

Narinig ko ang pagngisi niya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila papasok ng bahay nila.

"Ano ba! Bakit kailangan pa akong hawakan," irita kong wika sa kaniya.

"Arte," aniya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit mo ako pinapunta dito?" tanong ko at seryoso siyang tinignan.

Tinignan niya ako gamit ang kaniyang maloko na awra kaya naman napairap ako.

"Huwag mo nga akong pakitaan ng ganiyang ugali mo. Be good, kung hindi ipapakalat ko ang video mo," banta niya.

Bumuntong hininga ako. Na-i-imagine ko na ang sarili ko habang naglalakad sa campus habang ang mga estudyante ay pinagpipiyestahan ang scandal ko na pinagkalat ni Kian.

Hindi puwede 'to. Baka ma-suspende ako sa school.

"Ano'ng gusto mong gawin ko kapalit ng pagbura mo ng video?" tanong ko. Ngayon pa lang natatakot na ako sa maaring ipagawa niya. Baka plano niya akong gawing alipin.

"Be my woman," sagot niya. Halos mabulunan ako sa sarili kong laway.

What did he say? He wants me to be his woman? Bakit ako?

Ako na tinatawag na manang at ako na binu-bully niya?

Hmmm. Baka naman mali pagkaintindi ko. Dalawa lang ang puwedeng ibig sabihin ng sinabi niya.

Woman as in girlfriend.

Or woman as in, his fvck buddy.

Sh-t!

Natahimik kami parehas. Gusto kong linawin niya ang sinabi niya. Pero ilang minuto na ang lumipas ay nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

"What does your woman does?" tanong ko dahil naiinip na ako.

Ngumisi siya at tinignan ako habang nakataas ang isang kilay niya.

Nag-iwas ako ng tingin. Fvck! Sa kaniya ko pa yata mabibigay ang vcard ko.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Acaly JEan D Garci
naku naku naninilip ka pala kian
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status