“Hijo... anong sinasabi mo?” Nababalisa niyang tanong.“Ma, I’m back the Jk who forgot everyting...”Nanlaki ang mata ni Miranda sa sinabi ng anak, ngayon bumalik na ang ala-ala ng anak siguradong hahalungkatin na naman nito ang mga bagay na matagal na niyang nililihim.“Ouch!” Pinipilit bumangon ni Jk sa pagkakahiga.“Anak, please! ‘wag ka munang kumilos ang sabi ng doktor you need more days to recover.”Muling naalala ni Jk ang huling pangyayari bago siya nabangga. Nakita niya isang babae ang driver na muntik ng makabangga sa kanya kaya kinabig niya papunta sa gilid kaya naman nabonggo siya sa poste.Pauwi na ako galing... “Ella...” naalala niya doon siya galing ng maaksidente.Namutawi sa bibig ni Jk. “I want to go home now.”“But son!!! may mga test pang gagawin sayo.”“Mommy, kelan ka nagkaroon ng care about sa ‘kin!? I think recent lang right? Now, I want to be alone.” Galit na sambit ni Jk.Naiinis na umalis si Miranda sa harap ng anak. Bumalik na nga ang dating Jk na matigas an
Sa isang romantic place siya dinala ni Juan Karlos mula sa pagsundo ng binata sa kanya hanggang sa lugar na ito dala pa rin ni Ella ang kaba at pagkalito dahil ramdam niya ang pagbabago ng kilos ng binata sa kanya.“Maupo ka Ella.”Inalalayan pa siya nito bago ito maupo sa kaharap na bangko.Romantic lights at sinabayan pa ng sweet music na nag-aanyaya upang mapatingin siya kay Juan Karlos. “Anong gusto mo Ella?”“Ahm ikaw? Sir?”Napakunot ang noo na parang natatawa si Juan Karlos sa sinabi ni Ella.Nakita naman niya ang pagkunot ng noo nito kaya naman dinagdagan niya agad ang sinabi.“I mean ikaw Sir Ano ba ng gusto mong kainin?” Nakangiting sabi niya.“Ikaw Ella...” nakatingin ito sa mata ng dalaga.“Ha!”“Joke lang, you’re blushing,” nakatawang sabi nito.“Sige na umorder ka na.” Sabi pa niya habang hawak din ang menu.Hindi alam ni Ella ang dahilan kung bakit niya pinaunlakan ang binata isa lang ang alam niya, makasama ito bago man lang ikasal kay Pau. Sabihin na kiringking siya d
Pinilit na tumayo ni Miranda para makarating sa kinaroroonan ng kanyang medicine kit sa paghahanap ng gamot na pangpakalma nagkagulo-gulo at nahulog na ito sa sahig.“No... Hindi mo pwedeng agawin ang pag-aari ko never....”Pagkakuha n’ya ng gamot mabilis na nilunok iyon halos nanginginig pa ang kamay dahilan sa sakit na tinitiis niya ilang taon na rin ang nakakaraan, ang anxiety niya kapag bumabalik sa ala-ala niya ang kagimbal-gimbal na kanyang nasaksihan.“I beg you... patahimikin mo na ako. Hindi ka na babalik dahil patay ka na...” hindi niya napigilan nabato niya ng vase sa salamin.Ilang sandali pa may kumakatok sa pinto at takot ang nadama ni Miranda.“Wag.... wag kang lalapit.”Isang pagyugyog ang nagpabalik sa ulirat ni Miranda.“Mom what happened ?” Nalilitong tanong.“Please Jk don’t leave me, they’re all hunting me.” Nanginginig ang katawan nito at nanlalamig ang mga kamay.May katanungan kay Jk na hindi niya masagot sa ngayon.“Manong Kanor i-ready mo yong car, dadalhin na
"Tulad pa rin ng dati!" saad ni Jk sa sarili.Habang nakatingin sa labas ng kotse may bumalik sa alaala ni Jk isang tao na gusto niyang makita limang taon lumipas mula ng umalis siya ng Pilipinas ngunit dagli niya itong tinanggal sa isipan, itinuon ang tingin sa daan, he felt annoyed dahil sa hindi pagsundo ng kanyang Ina na busy all day sa kanilang negosyo. ‘Nothing’s change the same pa rin.’At habang nagmamaneho ang driver naisipan niya itanong dito ang kanyang ama na matagal ng panahon na hindi n'ya nakita at wala na siyang balita patungkol dito. Limang taon na din pala mula ang araw na iyon. “Ang daddy kumusta na po?” He asked with curiosity."Sir, pasensya ka na wala na akong balita sa kanya," tugon ng driver habang seryoso sa pagmamaneho.Bumalik sa alaala niya ang huling tagpo nilang dalawa ng kanyang ama, habang papunta s'ya sa isang meeting sa Makati."It’s look familiar to me?” Malakas ang tahip ng kanyang dibdib na sundan ito, umabot sa may lobby ng hotel kawakasang gulat
NASA kasarapan pa ng tulog si Ella ng dumating na ang kanyang Ina galing sa palengke. “Ella, bangon na d'yan may pasok ka pa,” wika ni Aling Susan “Opo Inay,” Habang painat-inat na umupo sa gilid ng kama.Nagmamadaling bumangon si Ella ng maalala may pasok pala siya at mabilis na tumungo ng banyo. Halos tumutulo pa ang buhok ni Ella sa pagmamadali, nakalimutan na niyang kumain ng almusal dahil male-late na naman siya.“Good morning po Madam, Sorry po late na naman ako ngayon, madaling araw na po kasi ako nakauwi kaya na-late po ako." Nahihiyang saad niya kay Mrs. Uy "No problem Ella. I understand naman you worked hard dahil sa inyo ng Nanay mo. By the way next month na ba ang graduation ninyo?" Tanong ni Mrs.Uy. "Opo, Bakit po Madam?" Takang tanong niya. "I'm just asking," ngiting tugon nito. Natapos ang buong araw na pagod ngunit puno ng kasiyahan si Ella dahil iniisip n'ya na sa wakas ay matutupad na din ang kanyang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral, at mabigyan ng maginhaw
Hindi maintindihan ni Ella ang nararamdaman kung maiinis ba siya sa kasungitan ng lalaki sandaling napaisip s'ya dahil naalala niya ito ang lalaking muntik ng makasaga sa kanya sa nagdaang gabi kaya humugot ng lakas ng loob para ikompronta ang lalaking ito, ngunit di pa man s'ya nakakapagsalita umalis na 'to sa kanyang likuran at lumipat sa kabilang pila."Huh! kainis saad ni Ella, akala mo naman kung sino!"Nilingon ni Ella ito sa kabilang pila nagtagpo ang kanilang mga mata, ngunit makikita sa mata nito ang lungkot, matikas ang katawan at husto ang tindig nito ngunit walang kang makitang saya sa awra nito."Ella, bakit parang ang tahimik mo naman?" Tanong ni Kathy"Nakakayamot kasi ang lalaking 'yun, ang suplado at ito pa ha! siya ang muntik na makasagasa sa akin nakaraang gabi."Natawa naman si Kathy sa ginawi ng kaibigan."Hayaan mo na friend, cute naman eh!” pabirong sabi niya sa kaibigan.Sabay kindat kay Ella. Patuloy niya pa rin itong inaasar at di napigilan nagtawanan na lang
Paglabas ni Ella sa kuwarto tila uminit ang mukha niya dahil alam niya na nakatingin sa kanya si Jk na tila lalong nag nagpainit ng kanyang pakiramdam. "Upo kana Iha diyan sa tabi ni Sir Jk." "Opo Mang Dolfo, salamat po." "Nagluto ako ng tinolang manok alam kung paborito mo yan, at pakbet.” Si Aling Susan. At habang kumakain may paminsan-minsan nagkakadaiti ang kanilang balat dahilan magkatabi lang sila ng upuan sapagkat maliit lang ang lamesa, at si Ella naman ay di mawari kung anong nararamdaman dahil ba sa atraksyon niya sa lalake na katabi niya ngayon. Habang naghuhugas ng pinagkainan si Ella, panay naman sulyap ni Jk sa kanya na tila hagurin ang pagkatao niya tila di niya mawari ang nararamdaman sa eksena na ito. "What happened to you Jk?" Tanong niya sa sarili habang nagpapahinga na siya sa kanyang kwarto. Bumalik na naman sa kanyang isipan. habang nakapikit ang mga mata niya naalala ang maamong mukha ni Ella na parang ang sarap hagkan ang mga labi nito at ang katawan ni
Sa mansyon ng mga Alvaro. "Good morning Madam." bati ni aling Ising "Yung kape ko please!" "Opo Madam." sagot ni aling Ising sa amo Sa di kalayuan nakatayo si aling Ising at nakaantabay kung may iuutos ito sa kanya, buong buhay niya ay isinilbi niya sa pamilyang Alvaro. "Aling Ising kumusta naman kayo dito habang wala ako?” "Mabuti naman Madam nasunod naman po lahat ng inutos ninyo sa amin, maliban po kay sir Jk po hindi ko po talaga siya mapigilan sa pagpunta sa Sta. Monica." sagot ni Aling Ising kay Mrs. Alvaro "Matigas talaga ulo ng batang ‘yan," pabulong nito na pagkakasabi.At inutos ni Mrs. Alvaro na ihanda ang damit na susuotin pagpunta sa opisina. "Iutos mo na lang sa mga katulong ang mga iyon, at sumunod ka sa akin sa kwarto." utos nito kay Aling Ising "Opo Madam," tugon nito. Pagpasok ng kwarto may binigay ito na paper bag kay Aling Ising. "This time kunin mo na ‘yan, kasi alam ko naman na gusto mo din magkaroon niyan at para naman hindi nakakahiya sayo sa tagal mo