Patuloy ang laboratory at iba pang test ginawa kay Aling Susan ngunit sabi ng mga doktor mukhang malabo na itong tumagal, hindi malaman ni Kathy ang gagawin sa mga nalaman niya, di niya alam kung matatanggap na lang ba kadali ni Ella ang mga ito, lalo na't sumigla siya ng nagising na si Aling Susan. "Chang, palakas ka alang-alang po kay Ella. Nalulungkot po 'yon kapag nakikita kayong nanghihina kaya sana tibayan mo pa din ang loob mo, laban lang po," masayang sabi niya para sa ina ng kaibigan. "Oo Kathy," mahinang tugon nito kahit hirap magsalita "Lagi mo pong tatandaan, mahal ka po namin ni Friendship. Tsaka wag mo pong alalahanin si Ella matapang po 'yon malalagpasan din po natin ang mga problemang ito," pinapalakas ang loob nasabi ni Kathy Tumulo ang luha ni Aling Susan dahil ramdam niya anytime pwede na siyang mawala. Ipinikit na lang ang mata at ipagdasal ang anak na sana ay makayanan ang lahat kapag nawala na siya. Sa opisina naman masaya ang araw ni Ella, dahil alam niyang
Sa kalasingan nakatulog na si Ella sa table na kanyang inukopa para lunurin ng alak ang sarili, ngunit lingid sa kanyang kaalaman may lalaki na kanina pa gustong lumapit sa kanya subalit sinusubaybayan lamang siya nito, at may lumapit na lalaki kay Ella. Samantalang inaalalayan na si Ella nito bagaman nagising siya ngunit natalo siya ng kanyang kalasingan, "Hoy! sino ka? di kita kilala bakit mo ako hinahawakan? leave me alone!" pasinghal na sabi ni Ella "What do you think you're doing? she's my girlfriend!," paasik na wika ng isang lalaki na kanina pa pilit di inaalis ang tingin kay Ella. "Easy lang pare. Akala ko kasi wala siyang kasama." Nang-aasar na wika nito at tumalikod iniwan na si Ella. Binuhat na si Ella ng nagpakilalang girlfriend niya ito. Sinakay na niya sa sasakyan at habang nasa sasakyan sila at tulog na tulog si Ella tinitigan niya ito simula ng pagpasok nito sa bar ay kanya na itong binabantayan dahil alam niya na mag-isa lamang itong umiinom. Hindi niya alam kung
Nagpahinga sandali si Ella. Dahil ngayon lang ulit siya nakapag-jogging since ng lumipat siya sa bagong bahay na inuupahan, naligo siya pagkatapos ng sandaling pagpapahinga di pa man siya natapos sa pagligo may kumatok, nagmamadaling kinuha niya ang tuwalya at mabilis na nagbihis. "Sandali lang! sino ba naman yan ang aga-aga," maktol na pabulong nasabi niya. Pagbukas niya ng pinto laking gulat niya kung sino ang dumating. "Hi, dito pala 'yong bagong house mo." Si Edward. "Sir ikaw pala! "Yeah, si Shy ang nagbigay ng new address mo." tipid na sabi Edward "Ah! opo kinukulit po kasi ako. By the way pasok ka sir," paanyaya ni Ella. Unang lalaki nakapasok sa loob ng bagong bahay ko, sa isip ni Ella. "Hmm! Sir ano po pala ang sadya mo? bakit ganito kaaga mo po ako pinuntahan?" takang tanong niya. "Actually, may usapan tayo di ba sa office last time. Nakalimutan mo na ba?" ngiting paalala nito. "Sorry Sir i forgot! paumahin sabi ni Ella. Nagpaalam sandali si Ella upang ayusin ang m
"Happy birthday, Ella!'' Pagkatapos ng malakas na awit na nagpasaya kay Ella. "Guys wait lang successful ang punta namin sa boracay last saturday isang kilalang investor ang napapirma namin ni Ella and guess what? bukas pupunta siya dito sa company at gusto niya ma-meet ang bawat empleyado dito." "At remember kailangan prepared ang lahat ha!" dagdag pa ni Edward "Yes, Sir." sagot ng lahat Biglang tumahimik ang lahat ng pagsalitain ni Edward si Ella kung ano ang masasabi nito sa surprise sa kanya ng mga mga katrabaho. "First of all, thank you guys for celebrating my birthday with me this day. pag-out natin mamaya papalibre na lang ako ng masarap na ramen sa favorite nating Ramen House," masayang sabi niya sa mga katrabaho. Nasa Ramen House na ang bawat isa ng Accounting department, hindi man sana trabaho ni Edward iyon ngunit siya na lang ang nakipagkita sa mga investor sa boracay dahil iyon ang gusto ng Chairman ng company. "Ang sarap naman talaga ng libre eh," si Shy. "Sabi m
"Wow! ang daming tao, tsaka ang mga bisita bigatin!" si Shy habang nakamasid sa mga papasok na bisita. "Kaya nga e. I agree with you." Ani Bench . "Wala pa si Ella ang tagal naman ng babaeng iyon..." "Naku girl baka nagpasalon pa!" pabirong sabi ni Bench. Umalingawngaw na ang musika sa loob ng bulwagan. Halos mga kilalang tao ang mga invited guest. Di maipagkakaila na talagang pinaghandaan ang welcome party na ito. Sinundo ni Edward si Ella dahil ito ang date niya sa gabing ito, tinulungan ni Edward habang pababa ng kotse si Ella. "Sir Edward! you look great tonight." "Thank you." "You too," si Edward habang ang mata nito titig pa rin kay Ella. Napalingon sila parehas ng may tumigil na mercedez benz sa harap nila, laking gulat ni Ella ng makita ang lalaking pamilyar sa kanya si Jk at maagap nitong inalalayan ang isang babae. Sa tingin niya ito ay nobya nito. May kirot na sumundot sa puso ni Ella sa mga oras na 'yun. bakit hindi siya naaalala ni Jk, o talagang kinalimutan siya
"Good morning everyone!" bati ni Mrs.Cheng sa kanyang mga empleyado. "Good morning din po." bati din ng mga empleyado.Samantala pinatawag si Kathy sa office ni Mrs. Cheng "Ma'am pinatawag mo daw po ako." si Kathy. "Yes, come in!" "Kumusta naman ang party? Katherine." "Actually Ma'am maraming tao at sa pag mamatiyag ko po parang mga kilalang tao ang mga naroon." Tugon niya kay Mrs.Cheng. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap lumabas din agad si Kathy sa opisina ni Mrs. Cheng at bumalik sa trabho niya. Samantala sa opisina naman ng Alvaro makikita ang kilos ng mga empleyado kung gaano sila nangingilag sa pagdating ng kanilang boss na si Jk. "Good morning Sir!" bati ng mga nadadaanan niya. Diretso sa elevator si Jk at bago pa tumuloy sa kanyang opisina inikot na muna niya ang bawat department ng kompanya. Habang ang department naman ni Edward ay abala na sa kanilang mga trabaho hindi nila namalayan ang pagpasok doon ni Jk. "Uhm!" paramdam ni Jk na nadoon siya. Sabay-sabay tumayo an
"Hay ano ba yan male-late na ako, wala pa din jeep." Na late ng gising si Ella dahil ng nagdaang gabi halos mag-uumaga na din siya nakatulog sa dami ng kanyang iniisip. Ngunit di niya napansin ang paghinto ng isang mamahaling sasakyan sa harap niya. Bumaba ang bintana ng sasakyan. "Miss Alvarez sakay na alam kung male-late ka na," wika ng lalaki sa loob ng sasakyan. Nakilala ni Ella agad kung sino ang nagda-drive ng sasakyan. "Okay lang po hintay na lang ako ng jeep." Si Dr. Tenorio pala ang may-ari ng sasakyan nakangiti pa ito sa kanya. Wala ng nagawa si Ella kundi sumakay na lang siya nahihiya man siya ngunit she take the priviledge para di siya ma-late sa trabaho. Pagdating nila ng Makati ave. kung saan nagtatrabaho si Ella nakita ni Juan Karlos si Ella sakay ng puting sasakyan. huminto ito sa harap ng building na pagmamay-ari ng mga Alvaro. "Salamat Dr. Tenorio next time makakabawi din ako. Ingat sa pagmamaneho." Sa di kalayuan bumaba na din si Juan Karlos sa kanyang kotse
Ipinikit ni Juan Karlos ang mata niya hindi niya maintindihan bakit tila kahit noong unang pagkikita pa lang magaan na ang loob niya kay Ella hindi man niya ito ipakita ngunit tila may concern sa babaeng ngayon pa lang niya nakita. Nasa kwarto na silang dalawa ngunit tila hindi parin dalawin ng antok si Juan Karlos ngunit taliwas naman kay Ella tulog na tulog na ito. "Grabe talaga ang babaeng ito hindi man lang nag-alala sa kanyang sarili, nakakatulog na may kasamang lalaki sa kwarto." Sa kabilang banda masarap sa pakiramdam na ang babaeng kasama niya sa kwarto ay may tiwala sa kanya.Nakatulugan na lang niya ang ang pag-iisip niya sa lalaking nakita niya sa wallet ni Ella minsan ng iuwi niya ito sa condo niya ng malasing ito. Kamukha niya ito ngunit wala siyang maalala kung siya ba ang lalaking iyon disin sana kung hindi lang siya nawalang ng memory ng nakaraan maaalala sana niya kung nagkita naba sila ni Ella dati. "Paano nga kung ako ang lalaking iyon?"Isang tanong sa isip niya