Share

Chapter 6

“We’ve found out her location,” ani Wyeth pagkarating na pagkarating ni Stephanie sa headquarters.

Agad na lumapit ang dalaga sa kaniya at tiningnan ang monitor ng computer kung saan naka-project ang isang footage ng CCTV. Saglit pa niya ‘yong tinitigan nang mamukhaan ang babae.

“Nancy?” wala sa sariling sambit niya.

“You know her?”

Nagsimula siyang magtipa at binasa ang mga impormasyon na nakalap ni Froilan tungkol sa babae. “Not personally. Pero mayroon siyang isang sikat na clothing line sa bansa. Is she our suspect?”

“She’s the boss herself, Steph.”

Hindi na nagsalita pa si Stephanie at tinapos na ang pagbabasa. Matapos siya sa ginagawa ay napasandal siya sa upuan at napabuntonghininga. Hinilot niya ang kaniyang sentido nang kumirot ‘yon sa tagal niyang nakatitig sa harap ng screen.

“I didn’t know she’s also a mafio.so,” ani Stephanie. “And a boss at that. WIth this piece of information, there’s still a question we need an answer to.” Napatingin siya kay Wyeth. “Is she the big boss, or is there someone higher than her who’s pulling the strings?”

*

“Sa wakas, dumating ka na!” pambungad na bati ni Avaluan pagkarating na pagkarating ni Stephanie sa Impero Bar.

Naupo siya sa tabi ng dalaga. “One shot of tequila, please,” ani niya kay Enteng.

Napanguso si Avaluan. “Wala man lang kahit hi?”

“Why would I? You didn’t say hi either.”

Napaawang ang bibig ni Avaluan na tila natauhan. “Hi! Sorry. Na-excite lang ako n’ong makita ka. Hindi kasi kita naabutan kagabi rito.”

Hindi nagsalita si Stephanie at muli lang humarap sa dance floor para panoorin ang mga nagsasayaw. Napangiti si Avaluan at um-order din ng isang shot ng tequila.

“Maraming salamat nga pala, ha?” ani Avaluan.

“About what?”

“Doon sa pagpigil mo sa tatay ko.”

Napatango si Stephanie. “Doon sa pagpigil mo sa ‘king pata.yin ang tatay mo?”

Napalingon si Avaluan sa kaniya at halos mapaatras nang mapagtantong nakatingin na ito sa kaniya. “Ah…” Pilit siyang tumawa. “Gaya ng sabi ko, lasing lang siya kaya siya nagkakaganoon. Hindi naman niya ako palaging sinasaktan.”

Napataas ang kilay ni Stephanie. Nang hindi niya alisin ang tingin sa kaniya ay si Avaluan na mismo ang napaiwas ng tingin.

“If you say so,” tanging sambit na lang ni Stephanie.

“Alam mo,” panimula ni Avaluan. “I really want to get close to you. Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko, magiging mabuti tayong magkaibigang dalawa. What do you think?”

“I’m not interested.”

Napanguso si Avaluan. “Hindi mo man lang pinag-isipan. Pag-isipan mo muna bago mo sagutin.”

Saglit na nag-isip si Stephanie. “Still not interested.”

Napanganga na lang si Avaluan nang binalik nito ang tingin sa dance floor na para bang wala lang sa kaniya.

“Bakit?” tanong ni Avaluan. “Siguro loner ka, ‘no?” Napatingin sa kaniya si Stephanie nang nakataas ang isang kilay. “Siguro kaya palagi kang walang kasama rito kasi wala kang kaibigan.”

Napasinghal si Stephanie. “Anong gusto mong palabasin?”

“I can be your friend! Magaling akong magtago ng sikreto. Sa tuwing kailangan mo ng tulong ko, gagawin ko ang lahat para matulungan ka.”

“I don’t need help from you or anyone.”

“Hindi mo masisiguro. Paano kung magkaroon ng pagkakataon kung kailan kailangan mo ng isang kaibigan?”

Huminga nang malalim si Stephanie. “Why? Para kapag ikaw naman ang may kailangan, tutulungan ka rin nila? What? Is friendship a give and take relationship? Kapag tinulungan ka, kailangan tulungan mo rin. How stupid.”

Napangiti si Avaluan. “A friend helps a friend in need hindi dahil obligasyon niya ‘yon bilang kaibigan. Ginagawa ‘yon ng isang tao dahil mahalaga ang kaibigang ‘yon sa kaniya, mahal niya at may pakialam siya.”

“You’re not important to me. I don’t love you nor I care for you. So, bakit kita kakaibiganin?”

Napabuntonghininga si Avaluan. “Dahil ang pagkakaibigan, hindi natatapos sa pagpapakilala sa isa’t isa. Nabubuo ang tiwala sa pagitan ng dalawang tao sa kinatagalan ng panahon. Hindi ka naman agad magtitiwala sa isang taong kakikilala mo pa lang, ‘di ba?”

Natahimik si Stephanie. Ayaw niyang aminin sa babae na tama ito, wala nga siyang kaibigan. Hindi niya masasabing kaibigan ang turing niya kay Wyeth. Bukod sa palagi lang naman silang magkasama dahil sa mga misyon nila, wala na siyang alam tungkol sa binata. Bukod sa pangalan at mga magulang nito, wala na siyang alam.

Ni hindi nga sila lumalabas ng headquarters kung hindi dahil sa trabaho nila. Ni hindi niya alam kung may kaibigan ba ito sa labas ng trabaho niya, o gaya niya ay wala rin.

“So?” tanong ni Avaluan. “Pumapayag ka na ba?”

Hindi nagsalita si Stephanie. Um-order lang siya ulit ng isa pang shot bago umiwas ng tingin. Gusto niyang tanggapin ang alok ng dalaga dahil wala namang mawawala kung susubukan niya. Pero mayroon ding parte sa kaniya na ayaw pumayag dahil sa hindi malamang dahilan.

*

Nakatulala sa kawalan si Stephanie habang nakatambay sa isang coffee shop. Hindi siya mahilig sa kape, ngunit gusto niyang subukan. Kaya naman matapos ang trabaho sa araw na ‘yon ay rito siya nagtungo malapit sa headquarters.

Iniisip pa rin niya ang naging pag-uusap nila ni Avaluan noong gabing ‘yon sa Impero Bar. Ayaw niyang masyadong isipin pero hindi niya mapigilan. Hindi talaga siya tinitigilan n’on kaya halos wala siyang tulog kagabi.

Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip nang maramdaman ang paglapit ng isang tao sa kaniya. Pinakiramdaman niya kung ano ang gagawin nito. Ngunit bago pa siya makapag-react ay nakita na niya ang nakadungaw na mukha ni Avaluan sa gilid niya.

“Sabi ko na, eh!” bulalas nito.

Napapikit siya sa biglaan nitong pagsigaw sa tainga niya. “Can you please lower down your voice?”

“Oops! Sorry. Akala ko kasi namamalik-mata lang ako. Ngayon lang kasi kita nakita rito. Hindi ko alam na mahilig ka pala sa kape. Akala ko ay puro tequila na ang laman ng tiyan mo.”

“Hindi ako mahilig sa kape. This is my first time drinking it.”

“Oh, nice!” Napatingin si Stephanie sa lalaking tumawag sa pangalan ni Avaluan. “Oo nga pala. Nandito ako kasama ang mga pinsan ko. Mahihilig kasi kami sa kape kaya halos araw araw kaming nandito.”

Nakilala niya ang pamilyar na bulto ni Casper na sumaludo sa kaniya bilang pagbati. Tinanguan niya lang ito bilang tugon. Kasama ulit nila ang dalawa pang lalaki at isang babae na sa tingin niya ay pinsan din nila.

“Gusto mong sumalo sa ‘min?” tanong ni Avaluan. Ngunit bago pa man makaangal si Stephanie ay tinawag na nito ang mga pinsan niya. Hindi na ito umangal pa.

Gustong matawa ni Stephanie nang imbis na siya ang sumalo sa mga ito ay sila na ang nagpunta sa pwesto niya at umupo. Hindi na siya umangal at nakinig na lang sa kwentuhan nila.

Nakilala niya si Peter na sobrang hyper. Siya rin daw ang pinakabata sa kanila na katutungtong lang sa kolehiyo ngayong taon. Si Ralph naman ay isang piloto na kaga-graduate lang at si Leslie ang babae nilang pinsan na graduating sa college.

Doon lang nalaman ni Stephanie na graduating na rin pala si Avaluan sa kursong business administration. At pagkatapos ng klase niya ay araw araw silang nagpupunta sa bar. Dahilan pa nito ay hindi naman siya madalas uminom at talagang nakasanayan lang ang pagpunta roon.

“Hindi raw araw araw umiinom,” natatawang sambit ni Peter. “Parang noong isang araw lang, sunod-sunod na araw kang lasing. Mabuti nga hindi ka pinagalitan ni tita noong nakitulog ka kina kuya Casper.”

Pinandilatan ni Avaluan ang pinsan niya bago napatingin kay Stephanie. “Huwag ka ngang maingay. Hindi mo naman kailangang sabihin ‘yan sa harap ni Stephanie.”

“Bakit hindi? Araw araw ka nga niyang nakikita sa bar, eh. ‘Di ba, ate Steph?”

“Huwag kang maniniwala!” bulalas ni Avaluan bago pa makasagot si Stephanie. “Broken lang talaga ako no’n kaya ako umiinom. Pero hindi ako umiinom araw araw.”

Manghang napatitig si Stephanie sa kaniya. “Broken?”

Napakamot sa ilong si Avaluan pero hindi nagsalita. Natahimik na rin sina Peter nang makitang naiilang ang pinsan sa naging direksyon ng usapan. Mabuti na lang at nakapag-isip agad siya ng ibang paksa.

“Ikaw, ate Steph?” tanong ni Peter. “Nag-aaral ka pa ba o nagtatrabaho na?”

“I’m already working. Finished accounting in college.”

“Wow! Numbers. Hindi keri ng utak ko ‘yan,” ani Peter.

Nagpatuloy sila sa pagkukuwentuhan hanggang sa mapagpasyahan nilang umuwi na. May kaniya-kaniya pa silang mga lakad kaya hindi rin sila pwedeng magtagal.

Dahil nasa iisang dereksyon sina Avaluan at Stephanie ay sila ang magkasabay. Nahihiya pang pumasok si Avaluan sa sasakyan nito.

“Pasensiya na talaga, ah?” ani Avaluan. “Naabala pa kita sa paghatid sa ‘kin. Tamad kasi talaga ‘yong pinsan kong ‘yon magmaneho, ayaw nang pabalik-balik.”

“Hindi naman ‘to abala. We just happened to be going on the same direction. If not, I won’t give you a ride, too.”

Nakagat ni Avaluan ang ibabang labi upang pigilan ang sarili na mapangiti. Ngunit hindi naman siya naging matagumpay dahil napangiti rin siya. Napansin naman ‘yon ni Stephanie kaya agad itong nagtanong kung bakit.

“Ang consistent lang kasi ng ugali mo,” ani Avaluan. 

“I’ll take that as a compliment.”

“Actually, hindi siya compliment.” Natawa ito. “Mula umpisa kasi, ang sungit mo na sa ‘kin. Pero kanina, napansin ko na masungit ka lang talaga kahit kanino. Miski mga pinsan ko sinusungitan mo kapag may pagkakataon ka.”

“I don’t know what to say to that. Pinanganak lang talaga akong masungit.”

“Sinabi ko lang naman. Hindi mo naman kailangang magsalita o kung ano. Mukhang tanggap mo namang masungit ka talaga.”

Hindi nagsalita si Stephanie at tinuloy lang ang pagmamaneho. Ngunit mayamaya ay nabigla si Avaluan nang magsalita ito.

“Your cousin said that you’re broken. What does that mean? Broken ka ba dahil sa pamilya mo?” Natahimik si Avaluan. “You don’t have to answer if you’re not comfortable. Na-curious lang talaga ako.”

Napayuko si Avaluan bago napangiti. “Sabi ko gusto kong mapalapit sa ‘yo, ‘di ba? I guess, ito na ang first step.” Hindi umimik si Stephanie. “Noong unang beses na nagkita tayo sa banyo, umiiyak ako no’n dahil nakipag-break ‘yong jowa ko sa ‘kin.”

“Well, that’s unexpected. Ang buong akala ko kaya ka umiiyak noon ay dahil sa tatay mo.”

“Actually, connected silang dalawa. Nakipag-break siya sa ‘kin dahil natatakot daw siyang baka saktan din siya ng tatay ko.”

“That’s it? You didn’t even convinced her to stay with you? To fight with you? Or whatever.”

“Of course I did. Kaya nga ganoon na lang ang nangyari sa ‘kin matapos niyang i-reject ang idea na ‘yon. Siguro hindi ako ‘yong tipo ng tao na kaya nilang ipaglaban. Siguro past time lang talaga ako para sa kanila. After all, alam ko rin naman sa sarili kong hindi magtatagal ‘yong relasyon namin.”

Kumunot ang noo ni Stephanie. “How pessimistic.”

Natawa si Avaluan bago humarap sa kaniya. “Realistic lang talaga ako. May kakilala ka bang dalawang babae na nagtatagal ang relasyon? At some point, maghihiwalay rin sila at mas gugustuhin na bumuo ng isang pamilya.”

Napaawang ang bibig ni Stephanie at napatingin sa kaniya. “Oh, I didn’t know.”

“It’s okay. Alam ko namang marami ang hindi pa rin tanggap ang relasyon sa pagitan ng dalawang babae o dalawang lalaki.”

“It’s not that. I didn’t mean anything with that reaction. At wala ring kaso sa ‘kin kung nagmamahalan ang dalawang babae o lalaki. I was just not expecting it from you. I guess I can’t judge anyone so quickly.”

Napangiti si Avaluan. “Thank you.”

“That’s nothing. Kahit naman sino, they’re free to do what they want.”

“Have you ever been in love?” pag-iiba ni Avaluan.

Mabilis na napatingin si Stephanie sa kaniya bago binalik sa daan. “That’s so random. But nope, I haven’t yet.”

Napataas ang dalawang kilay ni Avaluan. “Seriously?”

Napabuntonghininga ito. “Seriously. I just haven’t had the time yet. Or haven’t met the right one yet.” I was busy completing my missions.

“Hindi naman kailangang madaliin ‘yon. Kusa namang darating ang taong para sa ‘tin. Siguro masyado lang akong excited kaya akala ko sila na ‘yong para sa ‘kin. O baka sila ‘yong para sa ‘kin, hindi lang ito ‘yong tamang oras.” Napatingin siya kay Stephanie nang bumuntonghininga ito. “Bakit?”

“Ang dami kasing requirements sa pagmamahal. It’s too complicated. Right time, right person, whatever. Bakit hindi na lang kasi pagsamahin ang dalawang tao kung sila naman pala ang para sa isa’t isa.”

Natawa si Avaluan. “Kung gan’on lang ‘yon kadali, wala sanang gaya ko na iniiyakan ang ibang tao.”

“Hindi mo naman kasi sila kailangang iyakan,” bulong ni Stephanie.

“Ano ‘yon?”

“Nothing.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status