"ANAK?" narinig ni Hebe iyon ng makapasok na siya sa pintuan ng kanilang bahay, naluluha siya sa sobrang saya dahil matapos ang dalawang taon ay nakita niya na ulit ang kanyang ina, agad na sinugod siya nito ng yakap at halik sa pisngi. "Anak ikaw nga, saan ka ba nagpunta alam mo bang sobra mo kaming pinag-alala ng daddy mo."
"Mommy na-miss ko kayo, ikaw at si Daddy, sorry kung umalis ako ng walang paalam pero ang mahalaga ngayon nandito na ako" naramdaman niya ng igiya siya ng Mama niya papunta sa kusina at agad na nagpahanda ito sa mga katulong, agad na umuwi ang daddy niya ng malamang nakauwi na siya sa kanila, nang makarating ito sa bahay nila ay agad siyang niyakap, marami silang pinag-usapan habang sabay-sabay na kumakain at marami din siyang na kuwento sa mga ito, nang itanong ng mga ito ang tungkol sa kanila ni Gael ay ipinaliwanag niya na ayos na silang dalawa, matapos ang pagdalaw niya sa kanyang mga magulang ay agad siyang sinundo ni Ga
5 years ago... NAKATINGINlang si Hebe sa mga monitor na nasa kanyang harapan, hinihintay ang oraspara i-anunsyo na kailangan na niyang sumakay sa eroplano dahil aalis na ito, aaminin niyang kahit kaunti ay nag-aasam siyang baka dumating si Gael at pigilan siya pero alam niyang hindi ito kagaya ng mga nababasa niya sa mga paperback novels na kung saan maghahabol ang male protagonist sa babaeng minamahal nito. Napayuko siya at pinipigilan ang luhang nagbabadyang pumatak mula sa kanyang pisngi, kailangan niyang tatagan ang loob, alam niyang sa oras na gawin niya ito ay wala ng atrasan, pwede pa siyang bumalik pero ano na lang ang mukhang maihaharap niya kay Gael? Do this Hebe, it's for the better,pilit niyang pangungmbinsi sa sarili. "Miss nalaglag mo yata," napalingon siya sa babaeng nasa likuran niya, nakangiti ito sa kanya habang hawak hawak ang
"GAELano na naman bang problema?" tanong ni Hebe sa kaibigan habang nakaupo sila sa sofa sa may loob ng kwarto nito."Wala lang," sagot nito sa kanya."Wala lang, sigurado ka? Eh sa itsura mo para kang pinagsakluban ng langit eh.""Kasi..." bigla siyang niyakap nito at inilagay sa kanyang balikat ang ulo nito, maya-maya'y may naririnig na siyang hikbi mula rito, kapag ganon si Gael ay alam na niya agad na may dinadala itong problema at walang makatutulong dito kundi siya lang ang tinuturing na best friend nito, niyakap niya rin ito. Hinaplos niya ang ulo nito na para bang sinasabihan niyang tumahan na.“Ano ba kasi 'yon?" usisa niya rito."Si Jhed kasi, akala ko meron na kaming something kasi ang sweet niya yun pala nakikipaglapit lang siya dahil sa'yo.""Anong para sa akin?" naramdaman n
TUMINGINsi Hebe sa kanyang wrist watch, it's almost 8 in the evening, hindi naman siya nag-aalala kung sobrang gabi man silang umuwi dahil nagpaalam naman siya sa Mama niya at pagkasama niya si Gael ay pakiramdam niya ayos lang ang lahat, pag natutulog siya sa gabi ay napapanaginipan niya ang mga masasayang pangyayari pag magkasama sila, minsan pa nga ay nasa simbahan sila at ikinakasal ngunit alam niyang panaginip lang iyon at sana nga lang ay totoo na lang, pagkasama niya si Gael pakiramdam niya ay sobrang saya niya na may halong dahil alam niyang walang relasyon sa pagitan nilang dalawa maliban sa mag bestfriend at wala ng hihigit pa roon, minsan ay naiinis siya sa kanyang puso dahil nararamdaman niyang naroon ang pag-asam na meron pang pag-asa sa kanilang dalawa, na siguro nga maari ding maging silang dalawa.Nakarating sila sa isang disco bar sa Malate, ipinark ni Gael ang sasakyan at pagkatapos noon ay lumabas na sila ng kotse. Pagkapasok a
PAGKATAPOS kumain ay pumunta si Hebe sa bahay nila Gael, nang makarating ay sinabi ng mga katulong na nasa kwarto si Gael na nagmumukmok at nagkukulong, inisip niyang marahil ay dahil sa nangyari rito kahapon, inakyat niya ito sa kwarto at ng madatnan niya ito ay nakita niya ang magulo nitong kama, gising na ito at nakayuko, agad niyang nilapitan ito."Gael is everything Okay?" tanong niya rito at hinawakan ito sa balikat at hinimas-himas iyon."No, everything's wrong, everything's a mess," sagot nitong nakayuko pa rin, maya-maya'y gumalaw ito at tumingin sa kanya tumitig ito ng matiim sa kanyang mga mata, puno ng pagdududa at pagtatanong sa kanya, bigla ay ang pagbundol ng kaba sa kanyang dibdib."Alam mo na ba ang tungkol sa napagkasunduan ng mga pamilya natin?""Anong kasunduan?""Na ipapakasal nila tayo? Kanina nag-usap kami n
NANG lumabas siya ay hinanap niya si Gael ngunit hindi niya nakita ito sa paligid kaya't ilang minuto na siyang naglalakad ng makita niya ito sa park ng village nila, nakaupo ito sa isang bench maya-maya'y nilapitan niya ito."Gael," tawag niya rito, alam niyang galit ito."What do you need?" tanong nito na halata ang galit sa boses, tumayo ito at tumapat sa kanya, napayuko siya."Ba't ka nagsinungaling? Ba't mo sinabing nagpropose ako sayo ng kasal?""Gael, ito lang ang naiisip kong paraan para maging okay ang lahat.""Okay? Tingnan mo nga ako ngayon Hebe, sa tingin mo okay ba ako?" tiningnan niya ito at nakita niya ang luha nito sa mga mata."Gael, ayokong masaktan ka, ito lang ang paraan na wala ng mang-aapi sa'yo.""Hebe, hindi ko alam kung bakit mo ginagawa 'to, pe
ANG saya ng araw ni Hebe dahil pinansin na siya ni Gael at hindi lang iyon, hindi na niya ramdam ang galit nito sa kanya, nakakita siya ng pag-asa na baka nga may panahon pa silang magka-ayos at magtiwala ulit ito sa kanya, posible ring matutunan na siya nitong mahalin, noong mga unang araw ng kasal nila ay hindi niya alam kung may panahon pa nga talagang mangyari ang mga bagay-bagay na iyon pero ngayon ay parang nakakita siya ng liwanag at nahalata iyon ng matandang katulong. "Uy si Ma'am sobrang saya," pagpuna nito sa kanya, wala siyang ibang sinagot kung hindi ngiti.Maya-maya'y may pumasok sa isip niya kaya't bigla niya iyong naisatinig. "Yaya, pag may bakla kang kaibigan, sa tingin mo may posibilidad na ma-inlove yun sa'yo?" tanong niya rito."Ba't nyo po natanong Ma'am?""Wala lang, bigla lang pumasok sa isip ko," ayaw niyang sabihin sa katulong ang totoo na si Gael ay isang bakla dahi
NAGUGULUHAN si Hebe, hindi niya alam kung anong dapat gawin, nagulat siya sa mga pangyayari. Hindi niya inaasahan na magiging ganoon ang tugon ni Gael sa mga pang-aasar niya, ang gusto lang naman niya ay malaman kung may tsansa nga itong magpakalalaki, pero it turns out na sa ginawa nito ay binigyan na siya ng sagot na oo. Nakakapit lang ang kanyang mga braso sa batok nito, nakadampi lang ang labi nila sa isa't isa walang gumagalaw, parang nagpapakiramdaman lang sila. Maya-maya'y naramdaman niyang kumilos si Gael, tinanggal ang kanyang mga braso, ayaw pa sana niya itong pakawalan, she wants more pero ito na mismo ang umiwas, tumalikod ito sa kanya. "Sorry, hindi ko alam kung bakit ko ginawa 'yon," yun lang at lumakad na ito paalis. Samantalang siya ay nanatili doon na nakatunganga at wala sa sarili na nangingiti, hinalikan si
HABANG naglalakad si Hebe papunta sa isang bar ay nakita niya si Gael sa may dalampasigan at nakaupo lang.Tiningnan niya itong mabuti, para bang ang lalim ng iniisip nito habang nakatingin sa malayo, tumago siya.Sa isang puno na malapit doon at mas tinitigan pa ito ng matagal, ngayon niya napagtanto na ang lapit lang ni Gael sa kanya pero parang ang hirap nitong abutin, parang ang layo nito sa kanya, nakita niyang may lumapit na isang lalaki dito matipuno at gwapo, nakita niyang ngumiti si Gael dito at ang sumunod ay hindi niya na alam kung anong mararamdaman.Yumakap ang lalaki kay Gael, hindi niya alam kung ano ang meron sa dalawang iyon, pero para sa kanya hindi naman.Normal para sa dalawang lalaki ang magyakapan doon kung saan maraming tao, naramdaman niya ang selos sa dibdib.Ang sakit, at ang pagdududa, nais niyang malama