Share

CHAPTER 5

We went to work nang hindi magkasabay, I admit na nabigla si Arc sa naging desisyon ko pero hindi naman nya kailangang magalit nang ganon, he can always explain everything to me. Pero hindi na talaga mababago pa ng kahit na ano ang desisyon ko. Mag-aalas singko na ako nakarating sa trabaho, opening kami pareho, I was shocked nang pagdating ko ay naroon na sya at nag-aasikaso sa dining. Alam kong nakita nyang pumasok na ako pero ang damuho hindi manlang talaga ako pinansin, nakakabwisit.

Dirediretso ako sa biometrics at nag-in bago nagsuot na ng apron tsaka tinungo ang kaha.

"Good morning Pris.", malakas na bati sa akin ni Rodel matamis ko syang nginitian kahit na nagmumuryot ang kalooban ko.

"Good morning del.", ganting bati ko.

"Napapadalas ang LQ nyo ni pogi ah?", komento nya na syang ikinasimangot ko. At para namang umarangkada ang kamalditahan at katabilan ng dila ko.

"May mga tao talagang hindi nakakaintindi." malakas kong tugon na syang ikinalaki ng mata at bibig ni Rodel.

"Ikaw, baka may kakilala kang pwedeng maka-one night stand. Gusto ko na kasing magka-bab--",

"Princess Symphony!!!!!!!", malakas na sigaw ni Arc at mabilis na nakalapit at hinigit nang napakahigpit ang braso ko palapit sa kanya. I was shocked, hindi pa yata nauubos ang galit niya at ngayon ay nananakit pa.

"Pre--"

"Fuck off Rodel!!! Wag kang makialam dito", duro nya sa aming kaibigan at binalingan akong muli.

"Hindi ka pa tapos sa kalokohan mo??!!", sigaw nya sa mukha ko, my eyes watered dahil sa sama ng loob.

"Itigil mo ang kabaliwan mo Pris kung ayaw mong iwanan kita nang maaga!!!", my heart rate increased with what he said. Bakit may ganitong pananakot? And is he serious? Hinanap ko ang kanyang mga mata habang ang braso ko ay mahigpit pa din nyang hawak.

"Kaya mo?", garalgal na tanong ko.

"Wag mo kong pilitin Pris! Kung ayaw mo, umayos ka!!!" gigil na gigil nyang asik sa akin. Why are things so hard for him? Marahan kong binawi ang aking braso na hinayaan naman niya dahil lumuwag ang pagkakahawak nya doon. Pasimple kong pinunasan ang ilang patak ng luha na hindi ko na namalayan. Ganon pala? takutan? so kung talagang magpapaanak pala ako, kahit wala syang jowa, mawawala din sya sakin?

Hindi na ako muli pang nagsalita, sobrang sama ng loob ko. Buong araw ng pagtatrabaho ay hindi kami lumapit sa isa't isa kahit sa pag-kain ay kanya kanya kami. At para bang ramdam iyon ng buong team na nakaduty ngayon dahil wala ding nagtangka magbiro o manukso sa amin, sirang sira ang buong araw ko. Galit ako sa kanya, akala ko nung una ako ang selfish, sya pala. Ayaw nya akong maging masaya, habang sya ay maligaya sa piling ng nobya nya.

I am now standing sa harapan ng aking pinagtatrabahuan at matiyagang nag-aabang ng jeep na masasakyan pauwi. Sobrang antok na antok ako, dahil sa kakulangan sa tulog. In my peripheral vision, I saw Arc na lumabas ng resto at lumapit sa kanyang motor but I don't give a damn, hanggang ngayon ay galit pa din ako sa kanya. Nakadagdag pa sa bwisit ko ang walang jeep na bakante, lahat ay punuan. Badtrip! Ngayon pa talaga. Napapitlag ako nang may marahang humawak sa braso ko at nagsalita.

"Let's go Pris.", kalmado at halos pabulong na yaya sa akin ni Arc. I looked at him with one lined brows at alam kong nauunawaaan nya ang expression kong iyon. Kung kanina ay para na syang halimaw sa galit, iba ngayon, para syang maamong tupa na naglalambing sa amo.

Matapos ko syang tingnan nang masama ay bumaling akong muli sa kalsada upang mag-abang muli ng jeep.

"Please Pris. Let's go home." rinig kong pakiusap nya na hindi pa rin binibitiwan ang aking braso kaya naman marahas ko iyong binawi.

"I'm sorry Pris. Please let's talk about this." I heard him once more. Napailing ako, now he wants to talk. May isang jeep na huminto sa aming harapan.

"O dalawa pa! Dalawa pa!", sigaw ng driver kaya mabilis akong kumilos at akmang sasakay na nang muli akong hawakan ni Arc sa braso.

"Sakin ka sasabay Pris.", may diin sa boses nya. May takot akong naramdaman dahil sa mariing utos nyang iyon. Pero galit talaga ako, kaya hindi ko sya inintindi at binawi ang aking braso saka humakbang palapit sa jeep.

"Princess Symphony Tejana!!", hiyaw nya nang iaakyat ko na aking mga paa sa jeep. Napapikit ako nang mariin, wow!! sinigaw pa ang buong pangalan ko. Napatingin ako sa mga tao sa loob ng jeep, halos lahat ng mga ito ay nakatingin sa akin at karamihan ay nakangiti na animo'y kinikilig, nahihiyang ngumiti ako.

"Nice to meet you all.", pilit ang ngiting turan ko dahil para na din nya akong pinakilala sa lahat ng tao dito dahil sa pagsigaw nya sa buong pangalan ko. Natawa ang iba at nagsiurong para makaupo ako. Hindi ko namalayan na nakasunod pala si Arc at umakyat na sa jeep. Dahil bakante ang isang pwesto sa gitna ng dalawang lalaki ay doon ko napilitang umupo, ngunit hindi pa nakakasayad ang aking pwet sa upuan ay muli na namang nagsalita ang mokong.

"You won't seat there! Will you just move?!" utos nya sa isang babae at mabilis naman itong sumunod kaya puro babae na ang magiging katabi ko. Sya ay katapat ko, pero dahil sa laki nyang tao ay yukong yuko sya at halos pangdalawang tao ang sakop na upuan kaya naman hirap na hirap ang dalawang katabi nya at halos idikit na nya ang mukha nya sa akin. His eyes were alternately looking at my eyes and lips, at parang hindi ko iyon matagalan kaya naman binaling ko sa iba ang aking paningin. Pero nang mapunta sa mga pasahero ang mga mata ko ay kitang kita ko ang ibang mga babaeng tila kilig na kilig. Napataas ang aking mga kilay, saan ba kinikilig ang mga ito? sa amin o kay Arc lang?

"Para po!!", sabay sabay na sigaw ng mga estudyanteng kahilera ni Arc, nabigla siguro ang matandang driver kaya biglang preno ito. Ang mga estudyante ay sabay sabay na tumilapon kung nasan si Arc. Ay?! iba den, parang hindi naman ganon kalakas yung impact, ako nga napatagilid lang ng konti, tapos tong mga talanding to lahat napunta kay Arc? Ito namang mokong, halos yakapin na yung katabi nya, ewan ko kung dala lang ng pagiging gentleman o gusto din nitong bwisit na to.

"Careful girls.", sabi pa ng mokong.

"Saree.", maarteng saad ng batang estudyante, leche to ang bata pa ang landi na, halata namang nagpapa-cute lang. Masyado nang masakit sa mata ang nakikita ko kaya naman mabilis akong lumipat sa tabi ni Arc at halos itulak ang hawak nitong babae.

"Excuse me no, bababa na kayo diba?" mataray kong bwelta sa babaeng kanina'y halos yakap na ni Arc, pero dahil pumagitna ako ay napilitan itong bumitaw. I saw how he grinned, tanginang to tuwang tuwa pa, palibhasa naka-tsansing.

"Ang selosa mo naman ate.", simangot na saad ng isa saka isa isa na silang bumaba. Pinagmasdan ko ang pagbaba nila na nakataas ang isang kilay, telling them na hindi ko gusto ang paglalandi nila sa bestfriend ko. At dahil abala ako sa pagtataray ay hindi ko na namalayan na nakapatong na pala ang braso ko sa mga hita ni Arc. Napansin ko lamang iyon nang mahigpit na kumapit ang braso nya sa kabila kong balikat, nakaakbay na ang gago, iba din talaga mga galawan nito, apakabilis. Mabilis ko ring inalis ang aking mga braso at kinuha ang aking pitaka upang magbayad pero naunahan nya akong mag-abot ng bayad, alam kong magagalit ang driver dahil one thousand peso bill ang kanyang binayad, pero nang akmang magsasalita na ang driver ay inunahan na agad nya.

"Keep the change.", matipid nyang turan na nakapagpanganga sa aming lahat na nasa loob ng sasakyan.

"Arc." mahinang tawag ko bilang pagtutol, hello! buti kung one hundred lang yon, pero hindi. Sobrang dami pang mabibili nung sukli non.

"What? it's just a thousand Pris.", parang wala lang na saad nito. Napailing na lang ako sa mga ikinikilos nya, ganon na ba sya kayaman para magbigay ng ganon kalaking halaga?

Mabilis din naming narating ang aming apartment, ako ay dirediretso sa aking unit pero tinawag ako ni Arc.

"Pris, let's talk please.", aniya na hinawakan pa ang door knob ng pinto upang pigilan ako. I faced him at ipinakitang wala akong ganang makipagusap sa kanya.

"Ano?"

"I'm sorry, okay? I'm sorry I just don't like your idea. That's insane.", walang gatol nyang wika. I faced my door once again at inalis ang kamay nya saka mabilis na binuksan ang pinto, ramdam ko ang pag-sunod nya.

"Pris, please. Ayokong ganito tayo, kausapin mo naman ako.", he was behind me nang dumiretso ako sa kusina at kumuha ng inumin. Halos maibuga ko ang tubig nang maramdaman ko ang pagyakap nya mula sa aking likod. Bakit parang iba na ang pakiramdam ko? Palagi naman nya itong ginagawa, parang gustong gusto ko ito at ayaw ko nang bumitaw pa sya. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata nang isubsob nya nang mariin ang kanyang mukha sa gilid ng aking leeg, bahagya ko pang naitagilid ang aking ulo, sana lang hindi nya napansin.

"Please talk to me, alam mong ayokong nag-aaway tayo nang ganito.", muli nyang litanya. I heavily sighed bago nagsalita.

"Buo na ang desisyon ko Arc, gagawa ako ng anak. Ngayon, kung ayaw mong maghanap ng lalaking makakasama ko, ako ang hahanap.", walang emosyong wika ko na nagpatuwid ng tayo sa kanya. Pumunta sya sa harap ko at ngayon ay napakaseryoso at napakadilim na ng mukha nito.

"Pinipilit mo talaga ako?", tiim bagang nyang saad. Nakaramdam ako ng takot, ayaw ko naman talagang iwan nya ako pero ganon din naman iyon. Darating din ang araw na iyon, kaya alam kong tama ang aking desisyon.

"Leave me kung iyon ang pasya mo.", wala lang na sabi ko na ang mga mata ay nakatutok sa kanya, and I don't know kung tama ba ang nakita ko doon, pain! Inagaw nya mula sa akin ang baso at ibinalibag iyon sa lababo dahilan ng pagkabasag niyon at pagkabigla ko, I know I'm pale right now. Muling lumatay sa mukha ni Arc ang matinding galit.

"You want a child?" giit nya habang lumalapit sa akin, sa takot ay napaatras ako ngunit patuloy pa rin sya kaya atras lang ako ng atras.

"Paninindigan mo talaga ang kalokohan mo?", his teeth gritted, at kahit nabunggo na ang aking likod sa pader ay patuloy pa din sya sa pag abante hanggang sa halos gahibla na lang ang layo ng mukha nya sa mukha ko.

"A'right Pris, let's make our child then!", his powerful voice succumb my being at halos nagpaulit ulit sa aking pandinig ang sinabi nyang iyon.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jerilyn de Tomas
wahhhhh andon n eh thnK you s updte author
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status