Share

CHAPTER 01

“Tay!” I shouted. I was thirteen years old at this moment and I already suffered a lot of dilemmas in life. I thought kids at this age will just roam around, play and enjoy their kids days. But, I guess the world is really too cruel, or maybe the living creatures who lives on it.

Umiiyak ako habang tinitignan ang aking nanay na nagmamakaawa kay tatay na h’wag kaming iwan. Nanay is kneeling in front of tatay and she’s holding his legs tightly, kakauwi ko lang galing sa paaralan at ito kaagad ang nadatnan ko.

“Anak iiwan na tayo ni tatay mo,” she said when she noticed my presence. She’s still kneeling while tears are dropping in her eyes,  my father keeps on struggling his legs just to shoo her. 

“Tay, iiwan muna kami?” I asked, and couldn’t stop thyself from crying too loud. 

I quickly ran into them and held tatay’s hands. “Iiwan niyo na po ba kami? Bakit po? Hindi niyo na ba kami mahal?” I asked as I held his hand hoping that through this gesture, he’ll change his mind.

Mapait siyang ngumiti, lumuhod upang magkapantay kami, marahang ginulo niya ang buhok ko at pilit inaalis ang luhang umaagos sa mukha. “Anak, hindi ibig sabihin na kapag ikaw ay iniwan ay hindi ka na agad mahal.” saad nito. My forehead creased for what he said. 

“Pero 'tay diba kapag mahal mo mananatili ka?” ang kuryoso kong tanong, natigilan naman ito. This is what our teacher always said when everytime we talked about love. 

"Kapag mahal ka ng isang tao, kahit mahirap na ang sitwasyon niyo, mananatili at mananatili parin ito dahil mahal ka niya. Siguro hindi niyo pa ito nauunawaan sa ngayon dahil bata pa kayo, pero paglaki niyo, malalaman niyo rin ang kahulugan ng bawat katagang sinambit ko." Ang mahabang ani ng aming guro.

“Pero ‘tay bakit niyo po kami iiwan ni nanay?” I added. 

“Kasi mahal ko kayo at kahit masakit, kailangan ko ‘tong gawin.” aniya. Napatigil ako sa pag-iyak at tinignan siya. 

“Mahal niyo kami pero kailangan mo kaming iwan? Ang labo mo naman ‘tay.” nakanguso kong saad. 

“Babalik ka po ba?” tanong ko ulit. Hindi agad siya nakasagot, bata pa lang ako pero nakita ko na ang mga emosyong nilalaan sa mata ni tatay, may lungkot at pagsisisi ito. Bumuntong hininga siya at tumango kaya agad akong napayakap sakanya. 

“Yehey! Babalik naman pala si tatay kaya wag ka na umiyak diyan, 'nay.” baling ko kay nanay na tahimik lamang habang pinagmamasdan kami. She forcely smile at and gave a thumps up, pero nakikita ko pa rin na malulungkot ang mga mata niya kaya agad akong lumapit sakanya at hinawakan ang mukha. 

"Mahal po tayo ni tatay at babalik po siya, diba 'tay?” baling ko kay tatay, hindi naman siya kaagad nakasagot pero maya-maya’t tumango na ito. Hmp, ang weird naman ni tatay.

“Ingat tay!” I shouted and waved my hand. May dalang maraming bag si tatay at may nag-aabang na tricycle sa harapan ng bahay namin. 

“Bakit ang raming dala na bag ni tatay, inay? Diba babalik siya? Parang hinakot niya yata yung lahat ng mga gamit niya,” hagikhik ko. Nang hindi sumagot si nanay, tiningala ko ito, mapait akong napangiti nang makitang may butil na luha ang umaagos sa mukha niya.

“Nay,” malungkot kong saad. Tumingin naman ito sa’kin, pinahiran ang luha niya at pilit na ngumiti. Pumantay ito sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. Binabawi ko na, hindi lang pala si tatay ang weird ngayon, pati rin si nanay. Kung maka-iyak naman kasi si nanay parang hindi na uuwi si tatay, mas nagmumukha tuloy siyang bata sa'kin.

Night came, days, weeks, months, and years passed by pero hindi na namin alam kung nasaan si tatay. Hindi man lang siya nagparamdam, akala ko ba uuwi siya sa’min? Akala ko ba mahal niya kami?

Lagi kong nakikita si nanay na umiiyak sa kwarto niya, pinipigilan na mapalakas ang hikbi para hindi ko malaman na nagtatangis na pala siya. Pero ang hindi niya alam, araw araw akong nanunuod sakanya habang yakap yakap nito ang family picture namin. Ang daya ni tatay.

“Sana naman po bumalik na si tatay.” I prayed to Him. People said that if we need something, we must talk to our God. He will heal, protect and willing to love us again despite of our mistakes and sins. 

“Umalis kayo dito!” A loud voice came out of nowhere. Nagtataka kong binalingan ng tingin si nanay, kumakain kami ngayon sa hapag. Kinakabahang tumigil siya sa pagkain, dali-daling tumayo at binuksan ang pintuan. Bumungad sa’min ang may ari ng bahay kaya’t nagsimula na akong kinabahan. Ilang buwan na pala kaming hindi nakakapagbayad ng upa. 

I was fifteen when the owner of the house forcefuly kicked us into the house at dahil sa upa na hindi namin nabayaran, tanging mga damit lang ang ipinadala sa’min. Marami pa kaming mga gamit sa loob ngunit pinigilan niya kaming kunin ito at sabay sabing, “Bayad niyo na 'yan sa upa niyo, ilang buwan na kayong ‘di nagbabayad kaya magsilayas kayo!” sigaw nito sa pagmumukha namin. Humagulgol si nanay at nagmakaawa ngunit hindi na kami pinakinggan nito. 

“Alis na sabi!” aniya at itinulak si nanay. 

Nagulat si nanay at hindi agad nakailag kaya napasalampak siya sa lupa, agaran ko naman itong dinaluhan.

“Ang pangit ng ugali mo, kasing pangit ng pagmumukha mo!” malakas kong hiyaw. Hindi nakaligtas sa’kin ang panlalaki ng mga mata nito, susugurin na sana ako ngunit agad siyang napatigil, napatingin sa mga trabahador niya na kanina pa nagpipigil ng tawa. Ibinuntong niya ang galit sa kanila kaya’t pinilit ko si nanay na dapat na kaming umalis. 

Napilitan kaming lumawas sa Maynila at dahil wala naman kaming kakilala dito, nangupahan muna kami. 

“Nay pa’no ang pag-aaral ko?” tanong ko. Malungkot naman siyang tumingin sa’kin at umupo sa tabi ko. “Pasensya na anak,” saad nito at niyakap ako. 

“Nay paano po natin sunod na mababayaran ang upa dito?” I curiosly asked. 

“Bukas na bukas maghahanap ako ng trabaho, aasikasuhin ko rin ang mga papeles sa paaralan mo noon para dito ka na mag-aaral. Pagbutihin mo anak ha,” she said and kissed my forehead. Dali-dali akong tumango at agad napangiti. Sana naman may mabubuting kaibigan ako na makikilala dito. Sa bahay kasi sa probinsiya wala akong masyadong kaibigan dahil ang sasama ng mga ugali. They always tease and bullied me, buti nalang talaga may isa akong kaibigan na lalaki na parating nagtatangol sa’kin. I smiled sadly when I remembered that I didn’t have the chance to say my goodbye to him, mamimiss ko ang alipungang ‘yon at sigurado akong hahanapin ako nito. Hindi kagaya namin, may kaya sila sa buhay.

Naging katulong si nanay sa isang mayamang pamilya, ‘yan ang sabi niya. Nasanay narin ako na palagi siyang wala kaya’t minulat ko na ang aking mga mata sa ganitong pangyayari. Gusto kong pasalamatan si nanay sa mga sakripisyo niya para sa’kin, kaya’t minabuti ko talaga ang pag-aaral ko. 

Minsan napapaisip ako kung bakit kami iniwan ni tatay, siguro napagod na siya sa’min kaya siguro umalis. Isa siyang alipugha dahil hindi niya ginampanan ng maayos ang kanyang tungkulin. I badly want to blame my father for what happened pero worth it naman pala ang ginawa niya, minulat niya ang aking mga mata laban sa mga manloloko, sinungaling at masasamang mga tao. Gustong-gusto ko sabihin sakanya na makakaya namin ang sarili namin kahit wala siya. Siya pa naman mismo ang padre de pamilya sa bahay ngunit siya ang unang tumagilid sa kanyang posisyon at minabuting sumuko nalang kahit marami pang paraan upang siya ay umusad.

“Nay!” I shouted loudly when I saw my mother. Sumalubong ang matamis na ngiti niya kaya’t agad akong tumakbo sa kanya at niyakap ito.

“Hindi naman halatang namiss mo ako, anak ‘no,” tukso nito. Tumawa lamang ako at siniksik ang sarili sa kanya. Tatlong araw na hindi umuwi si nanay dahil sobrang busy daw niya. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya bago naramdaman ang pagkurot nito sa tagiliran ko na siyang naging sanhi upang mapahiyaw ako.

“Nay naman!” I pouted and took a steps backward. Mabuti na at maging alerto.

“Ang laki-laki mo na pero ang bata mo parin umasta,” naiiling na saad nito pero may munting ngiti sa labi.

“Namiss mo lang ako eh,” pang aasar ko sakanya. Umiling lamang ito at nagsimulang maglakad papunta kwarto niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status