Ang pag-ibig ay mas matamis sa ikalawang pagkakataon. Tama nga siguro ang kasabihan dahil walang paglagyan ang kasiyahan na nadarama ng puso ni Lucas at ni Lera. Tila ba isang gamot na pampalimot ang pag-ibig, na nagawa nitong burahin sa kanilang alaala ang mga pinagdaanan noon.
"Papa, tama po ba ito?" tanong ni Arim habang pilit na itinatali ang munting na kurbata sa kan'yang leeg.Bahagyang umupo si Lucas upang magpantay sila ng anak at inayos ang pagkakatali ng kurbata. Napangiti siya nang makita na maliit na bersyon niya ang anak dahil pareho sila ng suot pati ang pagkakahagod ng buhok palikod."Papunta na daw siya dito." Mabilis siyang napaayos ng tayo nang marinig ang humahangos na boses ni Maris.Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng lugar bago pa man patayin ang ilaw doon.Nabalot ng dilim ang function hall ng hotel na ipina-reserve niya. Kinuntsaba niya ang malalapit na kaibigan ni Lera kabilang na si Jervy, na nirerespeto angAng maingay at masayang mansyon ay nabalot ng katahimikan. Pakiramdam ni Lera ay bumalik siya sa panahon kung saan pinagpaplanuhan niya pa lamang na bawiin ang anak. Nakakapanibago. Nakakalungkot."Hindi talaga naubusan ng paraan si Ginang Juana para makuha sa'yo ang mag-ama mo."Hindi pinansin ni Lera ang sinabi ng kaibigan. Ang kan'yang mga mata ay tutok sa wedding gown na ipinadala kaninang umaga ng designer sa mansyon. Biglaan ang mga pangyayari kaya kahapon pa lang siya nakaabiso dito na kanselado ang kasal."Ikakasal na kayo bukas pero nagawa pa din ni Lucas na umalis kasama pa si Arim," dagdag pa ni Maris na umupo sa kama at pinagmasdan ang malungkot na kaibigan."Nasabihan mo na ba ang mga bisita na hindi na tuloy ang kasal bukas?" pagkalaon ay tanong ni Lera.Marahan na tumango si Maris. Sa totoo lang ay naaawa siya sa kaibigan, ngunit wala naman siyang magagawa kung sa bandang huli ay nais maging kontrabida ni Ginang Juana.
Pag-ibig. Isang makapangyarihang pakiramdam ang pag-ibig. Oras na magmahal ka, nabubulag ang puso mo sa iba pa'ng pakiramdam. Ang sakit at puot ay hindi mo madarama dahil ang tibok ng pusong nagmamahal ay ang natatanging emosyon na nais mong maramdaman. Hindi ka manhid, hindi ka bulag. Tinuruan ka lang ng pag-ibig kung paano makita ang positibo sa bawat bagay. Ito ang pag-ibig, emosyong mahirap pigilan at kalabanin."Relax Lucas." Ang pampapalubag loob na mga salita mula sa mga nakakatandang kapatid ni Lucas sa kan'yang likod ay hindi nakatulong upang maibsan ang malakas na tibok ng kan'yang puso.Marahan niyang minasahe ang kamay, pagkalaon ay inaayos ang kurbata at hinahagod ang buhok palikod. Paulit-ulit niyang ginagawa ngunit naroon pa din ang kaba."Papa, relax ka lang po." Napatingin siya sa tabi nang magsalita ang anak na kagaya niya ang suot na tuxedo."Ang tagal kasi ng mama mo. Nasa labas na siya 'di ba anak?" Ang mga naglalakad
"Hindi ka sasama kay Maris patungong Japan!" Ang dumadagundong na boses ni Manong Leroy ang pumukaw sa mga luhang kanina pa pinipigilan ni Lera. Niyakap siya ng inang si Nora, na pinapahupa ang mainit na tensyon sa pagitan ng mag-ama. Kakatuntong pa lamang niya sa legal na edad nang nakaraang buwan, nang ayain siya ni Maris, matalik niyang kaibigan, na sumama sa tiyahin nito patungong Japan. "Itay, mataas raw po magpasahod ang mga hapon sabi ng tiyahin ni Maris. Nakita n'yo po ba ang ipinapagawa niyang konkretong bahay? Katas po iyon ng pagtatrabaho niya sa Japan. Gusto ko lang naman po na makaahon tayo sa hirap." Sunod-sunod na lumuha si Lera ngunit hindi siya nag-abalang punasan iyon. Nais niyang ipaunawa sa mga magulang na para sa kanila ang kagustuhan niyang magtrabaho sa ibang bansa. "Mag-aaral ka at hindi magsasayaw sa harap ng mga hapon!" Kunot na kunot ang noo ng kan'yang ama at matalim ang titig na ipinukol sa kan'ya. Hindi ito
"Kumusta ang pag-aaral mo sa America, Lucas?" Lihim na napairap si Lucas Valle sa tanong ng kan'yang ina na si Ginang Juana Valle. Nasa hapag sila at pinagsasaluhan ang ipinalutong kakanin ng ginang sa mga katulong. Alas-tres pa lamang ng hapon kaya wala pa ang isa niyang kuya na si Dominic, na siyang abala sa pamamahala sa kanilang sakahan at mga lupain sa Sta. Ignacia. Ang panganay naman sa mga Valle na si Alexis ay mayroon ng asawa at sa ibayong lungsod na naninirahan upang hawakan ang negosyong iniwan ng kanilang ama doon, kasama ang isa pa nilang kapatid na lalaki na si Zeus. Itinabi niya ang platong naglalaman ng malagkit na suman. "Could you please just give me tuna salad? or perhaps cookies? Anything except this one. I don't like it," aniya sa katulong na napangiwi nang marinig ang pag-i-ingles niya. Hindi niya gusto ang mga putaheng ipinapahain ng ina. Sa loob ng anim na taon na pananatili sa Amerika ay nasanay na ang dila niya sa ban
Isa sa mga mahahalagang bilin kay Lera ng kan'yang ina ay panatilihin ang kabirhenan hanggang sa mahanap niya ang lalaking magbibigay ng tunay na pag-ibig sa kan'ya. Iyon ang kan'yang nasa isipan habang nagpupumiglas sa lalaking sinisiil siya ng h***k. Pilit siyang kumakawala sa higpit ng yakap nito subalit higit na malakas ang lalaki at nagawa pa nitong pumaibabaw sa kan'ya. Matindi ang pangangamoy ng alak sa bibig ng estranghero kaya pakiramdam niya'y ganoon na rin ang amoy ng kan'yang katawan nang masimula itong h*****k sa bawat parte. Buong lakas niya itong itinulak ngunit hindi ito ininda ng lalaki at sa halip ay inipit pa ang ilang hibla ng kan'yang buhok sa likod ng tainga bago siya gawaran ng h***k, na ngayon ay masuyo na at puno ng pag-iingat. Ang banayad na paghalik nito sa kan'yang mga labi ay tila gamot na unti-unting nagpakalma sa kan'ya. Ito ang unang pagkakataon na n*******n siya, hindi niya man aminin ay nagugustuhan ni
Ang mahimbing na pagtulog ni Mateo ay naistorbo ng ingay ng mga tao sa labas ng kubo. Papungas-pungas pa siyang dumilat habang iniinda ang sakit ng ulo. Kaagad niyang inilibot ang tingin sa apat na sulok ng kubo. Pilit na inaalala kung paano siya napunta doon. Hindi niya pa man nasasagot ang sariling katanungan ay nabalot muli siya ng pagtataka nang makitang wala siyang saplot pang-itaas at tanging panloob lamang ang tumatakip sa kan'yang ibaba. Dali-dali siyang bumangon at hinanap ang kan'yang mga damit. Isinuot niya ito nang mabilisan nang marinig ang pagkalampag sa pintuan. Mayroong nagbubukas nito. "Sino ka? Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ng may edad nang babae na pumasok. Hindi siya pinansin ni Lucas. Sa halip ay kinuha nito ang pitakang nasa papag, ngunit napatigil siya nang makita ang kulay pulang mantsa doon, tila ito dugo. Lumalim ang pagkakakunot ng kan'yang noo. Sa isipan niya'y isang panaginip
Bahagyang naaaninag ni Lera ang itsura ng lalaki sa larawan, subalit bago niya pa man lubusang makilala ito ay nakuha na iyon ng hepe mula kay Ginang Juana. Kaagad na nagbigay ng utos ang hepe sa kan'yang mga kapulisan upang hanapin ang anak na bunso ng mga Valle. "Ano'ng nangyari kay Haya, Luisa?" tanong ng ginang sa pinsan ng kan'yang yumaong asawa. Bahagyang ikwenento ni Luisa ang nangyari sa anak at ang ginawang pagtulong ni Lera. Napaayos sa pagkakaupo si Lera nang tumingin sa kan'ya ang pinakamarangyang ginang sa kanilang bayan. Yumuko ang kan'yang ama't ina, na nakatayo sa likod niya, bilang paggalang, habang siya nama'y mataman na nakipagtitigan dito. Iniisip niyang napakaswerte ng mga mayayaman dahil bukod sa limpak-limpak na pera nila ay marami pa silang pribelihiyo, kagaya nito. Hindi pa isang araw na nawawala ang bunsong anak ni Ginang Juana ay mabilis nang tinugunan ng hepe ang kahilingan na hanapin ito, samantalang ang ka
Mabilis na bumaba ng sasakyan si Lucas nang huminto ito sa himpilan ng pulisya. Subalit napatigil siya nang makasalubong ang ina. Nasa likod nito si Haya at Luisa, na kan'yang sadya sa lugar.Hindi niya inaasahan na makita doon ang ina lalo pa't malayo ang loob nito sa mga kamag-anak ng ama.Sa kabila nang hindi nila magandang pag-uusap kahapon ay bumeso pa din siya dito bilang paggalang.Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Ginang Juana, kahit pa ang totoo'y nakahinga siya nang maluwag na makita ang anak.Nilagpasan siya ni Lucas. Nagtungo ito sa kan'yang pinsan.Napaawang ang kan'yang labi nang makita ang benda sa ulo at pasa nito. Marahas siyang bumuntong hininga upang kontrolin ang galit na namumuo sa kan'yang dibdib."Where are those morons?" Ikinuyom niya ang kamao. Labis ang pagbabantay niya sa pinsang si Haya nang nasa America sila, kaya hindi niya matanggap na basta na lamang ito sasaktan ng sinuman.Hinawakan ni Luisa ang