Sa isang operating theater ng Baek Hyeon International Hospital kung saan may nagaganap na isang surgery, sa isang transparent room na makikita sa bandang itaas ng operating theater ay may mga nanonood na ilang doctors sa nangyayaring operasyon. Lahat sila ay tutok at seryosong pinapanuod ang pag-oopera ng mga doctor na nasa ibaba na pinangungunahan ng kanilang Chief Director at may ari ng Baek Hyeon International Hospital. Isa siya sa pinakamagaling at pinagkakatiwalaang doctor, marami ng naitayong branches ang BHIH sa iba’t-ibang bansa na talagang dinadayo pa sila ng mga banyaga upang personal na makapagpa-check-up kay Doctor Han Baek Hyeon o mas kilala sa pangalang Oscar Han, isang American-korean doctor na dalawang taon ng residente ng pilipinas dahil sa Filipina na minahal at napangasawa nito, na ngayon ay kasama ng mga doctors sa transparent room na humahangang pinapanuod ang asawa sa operasyon na ginagawa nito, habang hawak-hawak niya ang kanilang nag-iisang anak na nagniningning ang mga mata sa ginagawa ng kaniyang ama.
“appaga neomu meos-iss-eoss-eoyo! (Dad was so cool!)” humahangang bulaslas ng pitong taong gulang nilang anak na lalaki na malawak ang ngiting humarap sa kaniyang ina at yumakap sa may binti nito na ngiting ikinalingon ng kaniyang ina sa kaniya.
“eomma! naneun keoseo appacheoleom doegosipda. (Mom! I want to be like my dad when I grow up.)”sambit nito na bahagyang ikinayuko ng kaniyang ina upang mapantayan siya sa pagkakatayo niya habang hinahaplos ang buhok nito.
“Kung sa paglaki mo ay gusto mong maging katulad ng iyong ama, susuportahan ka namin, but first, you need to get used yourself in speaking tagalog.”sambit niya sa kaniyang anak na bahagya nitong ikinanguso.
Limang taon sila namalagi sa Korea habang pinapalago ng kaniyang asawa ang ospital na iniwan din ng mga magulang nito, at dahil sa tiyaga ng kaniyang asawa ay nakapatayo na siya ng mga branches sa iba’t-ibang lugar at nagpasyang manirahan sa pilipinas. Dalawang taon palang sila na namamalagi sa pilipinas at nagkikita nilang nag-aadjust pa ang kanilang anak kahit lagi naman niya itong tinuturuan ng salitang tagalog.
“May usapan tayong dalawa diba, na tagalog ang gagamitin mong language and not Korean?”
“I’m sorry eomma, promise tagalog na po ang gagamitin ko.”saad ng kaniyang anak na matamis na ngiting ikinahaplos niya sa pisngi ng kaniyang anak nang marinig nilang magpalakpakan ang mga kasama nilang mga doctor. Sabay silang mag-ina na napalingon sa may operating theater kung saan natapos na ang operasyon na makikita nilang nagtagumpay.
“appaga neomu johasseoyo—ang galing ni appa. (Daddy was so good-)”natutuwang pahayag ng batang lalaki na ngiting ikinagulo ng kaniyang ina sa buhok niya habang sa kaniyang ama nakatutok ang mga mata niyang nagniningning sa paghanga para dito.
Hinawakan siya ng kaniyang ina sa kaniyang kaliwang kamay na ikinalingon niya dito.
“Tara at salubungin natin ang ‘yung ama.”ngiting ani ng kaniyang ina na akmang lalabas na sila sa transparent room na kinalalagyan nila ng lahat sila ay matigilan ng makarinig sila ng isang flat tone mula sa operating room kung saan biglang bumaba ang pulse rate at heart beat ng pasyente na inoperahan ng mga ito.
“What’s happening?!”tarantang tanong ng mga doctor na kasama nila sa transparent room kung saan nag-aalalang ikinalingon ng ina ng bata sa may operating theater.
“My love…”sambit ng ina ng batang lalaki na naguguluhang ikinalingon nito sa kaniyang ina bago binalik ang tingin sa loob ng operating theater kung saan nakita niyang nagkakagulo ang mga doctor sa loob kasama ang kaniyang ama, na bahagyang ikinatagilid ng kaniyang ulunan dahil naguguluhan siya sa nangyayari.
Walang maunawaan ang batang lalaki sa nangyayari hanggang sa napalingon siya sa kaniyang ina na pabagsak na napaupo sa sahig na ikinalingon niya dito sa nagtatakang tingin.
“eomma?”tawag niya sa kaniyang ina na pinilit ang sarili na tumayo bago siya hinawakan sa kaniyang kaliwang kamay at hinila siya palabas ng transparent room.
Hila-hila lang siya ng kaniyang ina na ikinalingon niya sa kanilang likuran kung saan kasunod na nila ang mga doctor na kasama nila sa may transparent room kanina. At dahil bata lang siya ay wala siyang maunawaan sa nangyayari sa kaniyang paligid, wala siyang imik na ibinalik ang tingin nya sa kaniyang ina ng magningning ang kaniyang mga mata ng makita niya ang kaniyang ama na agad niyang ikinabitaw sa pagkakahawak ng kaniyang ina at patakbong lumapit sa kaniyang ama.
“appa!”excited na tawag ng batang lalaki sa kaniyang ama na nakayukong tumigil sa paglalakad ng mapahinto ang batang lalaki sa tangkang paglapit nito sa kaniyang ama ng may isang lalaking nakalapit sa ama niya at sumisigaw itong isinandal ang kaniyang ama sa pader na agad ikinatakbo ng ibang mga doktor ara pigilan ito.
“Pinatay moa ng anak ko?! Sabi mo ililigtas mo siya, you promised me that you’ll make my daughter live a long a life again but you killed her!”umiiyak at galit na galit na sigaw ng lalaki sa kaniyang ama na pilit nilalayo ng mga doctor dito.
“Pinatay moa ng anak ko!”sigaw pa nito habang nailayo na ito ng mga doctor sa kaniyang ama na siya namang ikinatakbo ng kaniyang ina sa kaniyang ama at niyakap ito.
“I-I’m s-sorry…”
“Sorry?! Maibabalik ba ng salitang ‘yan ang buhay ng anak ko?! Kahit ilang beses kang humingi ng sorry sa akin, hindi magbabago na pinatay mo ang anak ko! Pinatay moa ng anak ako!” galit na sigaw nito na tinabig lahat ng mga doctor na pumipigil sa kaniya at sinugod ang ama ng batang lalaki dahilan upang paupong bumagsak ang ina ng bata ng hawiin ito ng lalaki.
“Yeob—“
Hindi nito natuloy ang sasambihin nito ng malakas siyang suntukin ng lalaki sa pisngi niya na malakas niyang ikinabagsak sa sahig at ikinaputok ng gilid ng labi nito.
“Doc. Han/Oscar!”sabay na sigaw ng mga doctor at ng kaniyang ina na ikinalapit ng mga ito sa ama ng batang lalaki na galit na ikinatakbo ng batang lalaki sa lalaking sumuntok sa kaniyang ama at sinimulang paghahampasin ang hita nito.
“nae abeojileul dachige haess-eo! That’s bad! You’re bad! (You hurt my father!)”galit na ani ng batang lalaki na sabay na ikinalingon ng mag-asawa sa kanilang anak.
“Cho!”tawag ng mga ito nang walang kahirap-hirap itong bitbtin ng lalaki pataas upang tingna itong mabuti na winagayway ang mga kamay.
“nal bonaejwo! (Let me go!) Let me go!”sigaw ng batang lalaki na mabilis na ikinatayo ng mag-asawa at nag-aalalang nakatingin sa kanilang anak.
“Bitawan moa ng anak ko!”naluluhang pakiusap ng ina ng bata na binalingan sila ng tingin nito.
“Pinatay niyo ang anak ko, dapat maranasan niyo din paano mawalan ng isang anak!”pahayag nito.
“No! Huwag mong idamay ang aming anak, he’s too young.”pakiusap naman ng ama ng bata.
“At ano ang anak ko? Napakabata pa din ng anak ko para mamatay, at pinatay mo ang anak ko kaya papatayin ko din ang anak mo!”galit na saad nito na ikinabitbit nito sa batang lalaki paalis sa kinalalagyan nila.
“Cho! Oscar ang anak natin! ”iyak ng ina ng batang lalaki na agad ikinatakbo ng asawa nito upang habulin ang lalaking dala-dala ang kaniyang anak.
Naiwan ang kaniyang asawa sa mga doctor dahil nanlambot ang mga tuhod nitong pabagsak na ikinaupo nito sa sahig, na agad inalalayan ng mga doctor habang umiiyak ito sa takot at pag-aalala para sa anak nila.
SAMANTALA, dinala ng lalaki ang batang lalaki patungo sa rooftop ng BHIH na natatakot na at umiiyak habang bitbit-bitbit niya ito. Nang makarating sila sa rooftop ay agad siyang nagtungo sa pinakadulo nang mapalingon siya sa hinihingal na ama ng batang hawak niya na lubos ang galit na nararamdaman niya dahil pinatay nito ang anak niya.
“Calm down, please, huwag mong idamay ang anak ko. Sa akin ka galit diba? Ako ang sinisisi mo sa pagkamatay ng anak mo kaya ako nalang, not my son, I’m begging you.”pakiusap ng ama ng bata sa lalaki na may hawak sa anak niya na umiiyak na.
“appa!”
“Nagmakaawa din ako sayo, I begged you saved the life my daughter but what did you do?!”galit na pahayag nito na napasigaw sa sakit ng kagatin siya ng batang lalaki sa braso nito na ikinahagis niya sa bata na napasama ang pagkakabagsak kaya nawalan ito ng malay.
“Cho!”sigaw ng ama nito na mabilis nitong ikinatakbo palapit sa anak na agad niyang ikinabuhat dito na siya namang pagdating ng mga security guard at agad hinuli ang lalaki nag alit na pumapalag sa mga ito habang galit na tingin ang binibigay sa ama ng bata.
“Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa anak ko! Hinding-hindi kita mapapatawad!”sigaw na bulyaw nito hanggang sa maialis na siya ng mga guard sa rooftop habang nag-aalalang sinusuri ng ama ng bata ang anak niyang walang malay at may gasgas ang braso dahil sa pagkakagulong nito sa sahig.
Agad niya itong itinakbo paalis ng rooftop upang mas masuri kung napasama ang pagkakatilapon nito. Nag-iisa nila itong anak, kaya ayaw nilang masaktan o mawala ito sa kanila. Agad niyang dinala ang anak niya sa ICU upang masuri agad ito na agad ikinasalubong ng mga doctor na naroroon.
“Look at my son, please!”sambit nito sa mga doctor na agad kinuha ng mga ito sa kaniya ang kaniyang anak at hindi na siya sumama sa loob dahil kahit isa siyang doctor, pag anak o asawa niya ang nasa ganitong sitwasyon, hindi niya kayang hawakan ang mga ito, kaya sumandal nalang siya sa pader at piping dasal na walang masamang mangyari sa kaniyang anak, na siya namang pagdating ng kaniyang asawa na humahangos at umiiyak na yumakap sa kaniya ng makalapit ito.
“Ang anak natin, Oscar?”
“He will be okay, our son is a tough kid.”assurance na sambit nya sa kaniyang asawa.
Kalahating oras ang lumipas ng lumabas ang isang doctor mula sa ICU na agad ikinalapit ng mag-asawa dito.
“How’s my son, Doc. Pascua?”agad na tanong ng ama ng bata na ngiting ikinatingin nito sa mag-asawa.
“Nothing serious happen, Director Han. May bali lang siya sa kanang balikat niya at ilang gasgas na nagamot na namin, but overall, your son was fine.”pahayag nito na parehas ikinahinga ng maluwag ng mag-asawa.
“Actually, gising na siya at hinahanap kayo.”ani nito na agad na ikinapasok ng ina sa ICU at iniwan ang asawang nagpapasalamat sa doktor na kaharap.
“Thank you. I’ll just see my son, then I’ll call a meeting about what happened a while ago. Maapektuhan ang ospital dahil sa nangyari kaya kailangan kong makausap ang lahat.”bilin na pahayag nito na ikinatango ng doktor bago ito pumasok na sa loob ng ICU upang tingnan ang kaniyang anak.
Chapter 01Series 11: Tadeus HanNagkakagulo ngayon ang mga tao sa loob ng KIA international airport matapos may malaglag sa hagdanan na isang matandang lalaki na ngayong ay nakahandusay sa sahig, nakapalibot ang mga tao dito at gulat at naawang nakatingin sa matandang lalaki na pilit pinapalayo ng mga security guard upang walang makagalaw sa katawan ng nahulog na matanda. Nakatawag na ang security team ng ambulansya at hihintayin nalang ito dumating para matingnan at madala sa ospital ang matandang lalaki, na umuungol sa sakit na nararamdaman dahil sa pagkalaglag niya sa hagdanan.Umiiyak at sobrang nag-aalala naman ang dalagang apo nito na kasama ng matandang lalaki, gusto niyang hawakan ang kaniyang lolo pero pinipigilan siya ng mga security upang hindi lumala ang kalagayan ng lolo nito.“Kailangang madala na ng lolo ko sa ospital, can’t you see it? He’s groaning in pain and what if he gets a broken bones, huh?! Bakit tumutunganga lang kayo!”iyak na palahaw at reklamo ng dalaga sa
Chapter 02Series 11: Tadeus Han MATAPOS ANG TAWAG na natanggap ni Tad mula sa Han International Hospital sa Paris ay agad siyang nagpa-book ng flight sa kaniyang secretary sa Kia International Airport papunta Paris. Isinantabi nalang muna ni Tad ang pag-iisip niya sa dalawang buwan na pagka ban nila sa US dahil wala narin naman silang magagawa, kaya itututok muna niya ang kaniyang atensyon sa kaniyang ospital dahil sa sunod-sunod na pagpatay na nangyayari sa mga doctors niya at sa misyon nila na paghahanap kay Roberto Palerma na pinapahanap sa kanila ni Taz.Walang inaksayang oras si Tad kaya after ng tawag ng Director Doctor na ina-sign nya sa HIH sa Paris ay agad na siyang lumabas ng opisina niya at agad nagbilin sa kaniyang secretary tungkol sa bago nilang Doctor na trip lang magtrabaho sa ospital niya. Nabanggit na naman niya sa Phantoms ang problema ng ospital niya na sa una, akala niya ay magagawa pang mapigilan, pero sa tingin ni Tad ay hindi na biro ang sunod-sunod na pagpat
Chapter 03Series 11: Tadeus HanPABAGSAK na umupo si Tad sa mahabang sofa ng Director Doctor niya si Doctor Laurent, kakatapos lang ng pag-iimbestiga ni Tad sa nangyaring pagpatay ng sunod-sunod sa tatlo niyang doctor na pigil ang pagka-inis ni Tad dahil kahit isang clue na pwedeng tumukoy kung sino ang gumagawa ng pagpatay sa mga doktor niya ay wala siya nang nakuha.Isinandal ni Tad ang kaniyang likuran sa kaniyang kinauupuan habang hinihilot ng kanang kamay niyang sintido dahil sa bahagyang pagsakit nito dahil sa kinakaharap ng kaniyang ospital na hindi nya alam ang pinagmulan. Ayaw niyang umabot sa kaniyang ama na nagpapahinga dahil kakarecover lang nito sa pagkaka stroke nito ang nangyayari sa ospital na hinayaan nitong siya na ang mamahala. Nasa South Korea ang mga ito kasama ang kaniyang ina at ayaw niyang bigyan ng isipin ang kaniyang mga magulang sa crisis na kinakakaharap ng Han International Hospital.“Director Han, our other surgeon doctors are scared because of the kill
ALAS-OTSO ng umaga nang makababa ang private plane na sinasakyan ni Tad sa paliparan ng KIA, nag-aayos na si Tad sa pagbaba niya sa private plane matapos siyang sabihan ng flight attendant na pwede na silang bumaba nang makita niya si Shin na hindi parin kumikilos sa kinauupuan nito at nakapikit parin habang suot-suot ang headset ng kinauupuan nito.Nilapitan ito ni Tad at tinapik ang balikat nito na dahan-dahan nitong ikinamulat at ikinalingon nito sa kaniya.“Nasa pilipinas na tayo, pwede na tayong bumaba.”ani ni Tad dito na ikinaalis nito sa headset na gamit nito.“Nasa pilipinas na tayo? Makikita ko na ang ate ko?”“Paano mo makikita ang ate mo dito? Alam mob a kung saan siya nakatira?”tanong ni Tad dito na ikinatayo nito sa kinauupuan nito.“Sigurado ako na inaantay na ako ni ate sa labas ng airport na ‘to, salamat sa pag-sama sa akin.”ani ni Shin bago ito naunang naglakad palabas ng private plane na ikinakunot ng noo ni Tad.“Paano niya nasabi na naghihintay na ang ate niya sa l
KINAGABIHAN, matapos ang pag-uusap ng Phantoms sa barn ni YoRi sa lakad nila sa sabado ay pabagsak na umupo si Tad sa kaniyang mahabang sofa pagkapasok palang niya sa bahay niya. Sumandal siya sa kinauupuan niya at bahagya niyang kinatahimik habang wala siya sa sariling napangiti nang maalala niya ang pag-amin ni ToV sa kanila na nabihag na ni kupido ang puso nito na iba din kung tumanggi noon tungkol sa pag-ibig. Kitang-kita nila ang pag-aalala ni ToV sa mukha nito para kay Karina kaya natutuwa sila para sa kaibigan nila, iniwan nila ito sa barn ni YoRi dahil may kaunting aberya na nangyari sa sasakyan ni ToV, at upang hindi sila makagambala ay iniwan na nila ang dalawa sa barn at mga nagsi-uwian na.Napabuntong hininga si Tad sa pagkakasandal niya, masyado siyang naging abala dahilan upang magkulang ang pahinga at tulog niya. Bukas ang conference niya sa mga doctors niya para pag-usapan nila ang nangyayaring pagpatay sa ospital niya, kailangan niya iyon maayos bago sila umalis papun
TAHIMIK AT HINDI magawang makapagsalita ni Tad sa kinatatayuan niya habang walang imik at seryoso lang ang ate ni Shin na nilalabas ang mga pagkain sa mesa na inorder ng kaniyang secretary. Hindi inaasahan ni Tad na hindi lang sa bar ni Ford bilang DJ ang trabaho nito, hindi niya inakala na pati pagde-deliver ng pagkain ay ginagawa nito. Hindi napigilan ni Tad na mapaisip dahil sa isang hotel ito tumutuloy na maaring mahal ang binabayad nito.“Hindi ko inasahan na delivery girl ka din maliban sa pagiging DJ mo sa JEYA.”pahayag ni Tad na hindi na niya napigilang kausapin ito na katatapos lang mailabas lahat ng pagkain sad ala nitong bag na seryosong lumingon sa kaniya na naramdaman na naman ni Tad ang kabog sa dibdib niya dahil sa babaeng kaharap niya.“Hardworking ang tawag sa ginagawa ko, madami akong expenses kaya kailangan ko ng madaming trabaho.”seryosong sagot nito sa kaniya bago binitbit ang bag na wala ng laman.“1,570 pesos lahat ng pagkain na ‘yan, cash ba ibabayad mo o credi
MATAPOS malaman ni Tad ang mga failed operations ng apat na doctor niya na pinatay ay halo-halo ang kaniyang nararamdaman para sa mga ito. Naawa siya dahil kahit papaano ay matatagal ng mga doctor ng HIH ang mga ito, at nagagalit siya sa mga ito dahil hindi man lang niya nalaman ang mga maling operasyon na nangyari na akala lang niya ay sadyang hindi na maya ng mga pasyente ng mga ito kaya mga namatay nalang. Gusto man magalit ni Tad sa apat na namatay na doktor niya ay alam niyang wala na din naman ‘yun silbi dahil mga wala na ito.Ang hindi maisip ni Tad ay kung paanong hindi nakarating sa kaniya ang mga report tungkol sa mga failed opearations, gayong naniniwala siya sa kaniyang secretary na ibinigay nito ang report na ‘yun.“This is fvcking frustrating! Paanong nawala sa mesa ko ang mga reports tungkol sa failed operations ng apat na doctor na ‘yun? Is there a fvcking traitor in my hospital?”sambit na ani ni Tad na bahagyang ikinaayos niya sa kaniyang pagkaka-upo ng bigla siyang m
NAKATITIG LANG ang Phantoms kay Tad na napaparami na ang inom habang sila ay hinay-hinay lang, nabanggit na nito ang problema nito sa kanila tungkol sa nalaman nitong failed operations ng mga namatay nitong doctor at masasabi nilang ngayon lang nilang nakitang problemado at stress si Tad, pero magaling itong magtago ng totoong emosyon sa kanila na napapakita lang no Tad ngayon dahil sa dami na ng nainom nito."Hoy Han, baka gusto mong maghinay-hinay? Aba sa ating lahat ikaw ang nakakarami na ng inom, ikaw din, mas malaki babayaran mo kay Rosales."sitang puna ni Blue kay Tad na kababa lang ng bote ng alak na naubos nito sa isang lagukan."Kaya kong magbayad, Ynarez! Tangna, anong pakinabang ng pera ko kung hindi ko ilalabas?"singhal ni Tad na ngiting ikinailing ni Balance sa kaibigan."Hayaan niyong uminom ng uminom ang isang 'yan, magsisisi din 'yan bukas pag nalaman niya magkano ginastos niya. Leave it to Rosales."pahayag ni Shawn na siya pa ang nagbukas at naglagay sa harapan ni Tad