Share

Chapter 05

KINAGABIHAN, matapos ang pag-uusap ng Phantoms sa barn ni YoRi sa lakad nila sa sabado ay pabagsak na umupo si Tad sa kaniyang mahabang sofa pagkapasok palang niya sa bahay niya. Sumandal siya sa kinauupuan niya at bahagya niyang kinatahimik habang wala siya sa sariling napangiti nang maalala niya ang pag-amin ni ToV sa kanila na nabihag na ni kupido ang puso nito na iba din kung tumanggi noon tungkol sa pag-ibig. Kitang-kita nila ang pag-aalala ni ToV sa mukha nito para kay Karina kaya natutuwa sila para sa kaibigan nila, iniwan nila ito sa barn ni YoRi dahil may kaunting aberya na nangyari sa sasakyan ni ToV, at upang hindi sila makagambala ay iniwan na nila ang dalawa sa barn at mga nagsi-uwian na.

Napabuntong hininga si Tad sa pagkakasandal niya, masyado siyang naging abala dahilan upang magkulang ang pahinga at tulog niya. Bukas ang conference niya sa mga doctors niya para pag-usapan nila ang nangyayaring pagpatay sa ospital niya, kailangan niya iyon maayos bago sila umalis papun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status