"Shan?"Gulat na may pagtataka si Tad sa pagkakasalubong niya kay Shan mula sa paglabas nito sa Galina Hotel Spa, na hindi niya din naiwasan na tingnan si Shan mula ulo hanggang paa nito dahil sa kakaibang pananamit nito na ngayon niya lang nakita sa dalaga."What?"aning tanong ni Shan na ikinabalik ng tingin ni Tad sa kaniya at may pagturo pa ito sa kaniya."What's with your get up? Tsaka bakit ka narito?"tanong ni Tad kay Shan na nagcross arms sa harapan niya na kahit may pagka nerd ang get up ni Shan ay maganda pa din ito sa paningin niya."Ano bang masama sa suot ko? Hindi ba ako pwedeng magdamit ng ganito? Tsaka ano bang ginagawa sa isang spa? Common sense lang Mr. Han."panunungit ni Shan kay Tad na hindi napigilang ikangiti nito sa kaniya."Sinusungitan mo na naman ako, bakit ba ang sungit sungit mo talaga pag ako ang kaharap mo? Can't you be nice to me even a little bit?""Nasabi ko na naman sayo diba? Sinusungitan ko ang mga taong ayaw ko, kaya bakit magpapakita ako ng a littl
Chapter 11 Series 11: Tadeus Han MAGDIDILIM na ng makabalik si Shan sa kwarto niya sa hotel na tinutuluyan niya, ibinagsak niya sa lapag ang bag niya na pinaglalagyan lahat ng mga ginamit niya sa kaniyang misyon. Kinuha niya ang damit na suot niya kanina na puro bahid ng dugo at dinala iyon sa banyo, itinapon niya iyon sa sahig na hindi masyadong basa bago nagpunta ng mini refrigerator na gamit niya at kumuha ng isang bote ng alak na iniinom niya pag may gabi na nahihirapan siyang makatulog sa gabi. Pagkakuha niya ng alak ay naglakad siya pabalik sa banyo at ibinuhos iyon sa damit na may mga bahid ng dugo hanggang sa maubos iyon, nang wala ng laman ang bote ay kinuha niya ang lighter na meron siya bago niya sinunog ang damit na agad nagliyab dahil sa alak na ibinuhos niya dito. Naglakad na siya papunta sa kama niya at inilapag ang susi ng kotse ni Tad sa side table ng kama niya at pinabayaan lang ang damit na nasusunog sa may banyo niya. Kumuha siya ng maikling itim na short at sle
MATAPOS ilang oras na biyahe nina Tad papuntang Hawaii upang kunin si Roberto Palerma ay pagkababa palang nila sa airport ay deretso na agad silang nagpunta sa Royal Grove Waikiki Hotel, kung saan tumutuloy ang pakay nila base sa impormasyon na nakuha ni YoRi. Kahit alas dies na silang nakarating ay sinabi ni Paxton sa kanila na wala silang pahinga na gagawin dahil kailangan na nilang makuha si Roberto Palerma at madala kay Taz.Wala namang umangal sa kanila kaya pagdating nila sa hotel ay agad si ToV na ang nagkusang nagpunta sa information desk upang tanungin kung anong kwarto ang kinalalagyan ngayon ng pakay nila, pero hindi binigay ng staff batay sa protocol na sinusunod ng mga ito.“Anong gagawin natin? Hindi tayo pwedeng pumasok basta-basta maliban nalang kung kukuha tayo ng kwarto dito.” saad ni Travis na ikinasang-ayon ni Sergio.“Ayokong gumastos ah, nag-iipon ako sa pang college ng anak ko.”ani ni Sergio na ikinalingon ni Tad sa kaibigan.“Gago lang Fritz? Pang college agad
Chapter 13Series 11: Tadeus HanKINABUKASAN sa malaking kwarto na nakuha ng Phantoms sa Royal Grove hotel na mula atm card ni Tad at ni ToV na naawa dito kaya nakihati ito sa bayari sa pananatili nila sa hotel. Pinag-uusapan nila ang nadatnan nila sa paghahanap kay Roberto Palerma na isang malaking rebelasyon sa kanila na isa pala itong babae. Sa buong gabi na pananatili nila sa kinuha nilang presidential suite ay wala pa silang matinong tulog habang si YoRi ay patuloy sa pagte-trace kung saan nila makikita ang babaeng Palerma na tinakbuhan sila.Abala sa kani-kanilang pwesto ang Phantoms habang hinihintay nila si YoRi na abalang-abala sa harapan ng laptop nito, sina Balance, Ford, Travis at Shawn ay nag-uusap lang sa isang pwesto, habang tahimik lang si Devil sa kinauupuan niya malapit kina Balance. Nanunuod naman ng T.V sina Lu, Sergio, at Blue. Si ToV naman ay nasa tabi ng bintana habang hawak-hawak ang cellphone habang may tinatawagan na bakas ang inis sa mukha nito. Sa may coun
“Here we go Phantoms, make way for my masterpiece.”Agad na nagpunta sina Paxton sa harapan ni Tad maliban kina YoRi at Devil na tahimik lang sa kanilang kinauupuan, nang sabay-sabay magsitawa ang mga ito. Dalawang oras na inayusan ni Sergio si Tad matapos nitong bumalik na may dala-dalang mga gagamitin nito para sa gagawing misyon nina Tad upang mahuli ang babaeng Palerma. Natawa pa sila Sergio at Travis ng malaman nila na si Tad b ang gaganap bilang asawang babae na ikinamura nito sa kanila.Kahit nakatanggap ng masamang balita si Tad ay hindi ito nagpa-apekto para sa misyon na gagawin nila, sinabi naman niya sa Phantoms ang natanggap niyang balita, though nanghinayang si Tad sa buhay ng babaeng maaring makaalala sa itsura ng babaeng pumatay sa doktor niya na si Doc. Mercurio. Binigyan naman siya ng choice nina Balance na umuwi na din ng pilipinas pero pinili niyang manatili dahil wala naman kinalaman sa mga doctor niya o ospital niya ang balitang natanggap niya.“Tangna niyo! Mas
ISA-ISANG INALIS ni Shan ang suot niyang damit pang matanda na may bahid ng dugo at inihagis iyon sa laundry basket sa may banyo niya, bago niya inalis ang mga nilagay niya sa kaniyang mukha upang magmukhang matanda ang appearance niya at itinapon iyon sa basurahan sa banyo niya, at inalis na rin niya ang wig na suot niya bago nilingon ang sarili sa salamin.“What’s gotten into me?” tanong ni Shan sa kaniyang sarili habang nakatingin sa salamin na hindi niya napigilang ikangisi sa kaniyang sarili, na agad ding napawi at bumalik sa isipan niya ang nangyari sa ospital ng HIH, sa pagitan ng doctor na isusunod niyang mga napatay niyang doctor ng ospital ni Tad.*FLASHBACK*“Hindi naman, handa naman akong maghintay sayo, Doc. Ysharra El Diente.”sagot ni Shan sa matandang boses habang unti-unti niyang nilalabas ang kaniyang dalang punyal sa may hita niya habang maamong nakatingin sa susunod na target niya na nasa kaniyang harapan.Handa ng tapusin ni Shan ng mabilisan ang gagawin niya ng ma
ITINAGO na ni Tad ang kaniyang cellphone matapos niyang mai-send kay Shan ang message niya dito, hindi man ito nagreply sa kaniya alam niyang makikipagkita ito sa kaniya dahil sa kotse niya na nasa pangangalaga nito. Matapos nilang makuha ang babaeng Palerma at ang bantay nito ay si Tad nalang ang bumalik sa hotel upang mag check-out, nanatili nalang sina Paxton sa van na dala nila dahil hindi rin naman sila makakapasok sa hotel na bitbit ang dalawa dahil alam nilang matatanong pa sila.Kahit pinagtitinginan siya ng mga tao sa hotel dahil sa suot at make-up sa mukha niya ay hindi na niya pinansin, wala na siyang time magpalit at mag-ayos kaya hindi na siya nag-iinarte lalo pa at kailangan na nilang makaalis sa Hawaii.“Thank you for staying in our hotel.” Magalang na ani ng babaeng staff na ngiting ikinatango ni Tad dito bago siya nagsimula ng maglakad palabas sa hotel.Pagkabalik niya sa kotse na silang dalawa ni Blue ang nakasakay at ang dalawa nilang bitbit ay nag ok sign siya kina
Chapter 17Series 11: Tadeus HanPAGKARATING nina Tad sa barn ni YoRi ay sina Travis at Shawn na ang nagtali sa dalawa nilang bihag sa ikalawang palapag ng barn ni Yo na pinatulog nila ulit sa biyahe nila kanina, nakaupo lang si Tad sa pang-isahang sofa habang nasa isipan parin niya kung Shin ba talaga ang nakita niya sa labas ng KIA. Sa biyahe niya pa naiisip ang nakita niya dahil hindi siya pwedeng magkamali sa nakita niya, alam niyang si Shin ang nasa airport at isang tanong ang nasa isip ni Tad kung bakit naroon iyon.“Oi Han!” agaw pansin ni Paxton kay Tad na naputol ang pag-iisip at napalingon sa kaniya.“What?”“Anyare sayo? Kanina pa namin napansin simula sa biyahe natin mula sa KIA hanggang dito sa barn ni Ringfer ay tulala ka, ano bang umaagaw sa atensyon mo ngayon? Ospital mo ba?” tanong ni Paxton sa kaniya.“Alam mo Han, kung kailangan na kailangan ka ng ospital mo ngayon wala namang problema kung mag focus ka muna doon. Nakuha na naman natin ang babaeng Palerma, at ban pa