Share

Chapter 03

Sandali pa akong namalagi at nang marinig ko ang boses ni manong na nagtatawag ay agad naman akong tumayo upang salubingin siya. Nang makabalik kami ay wala akong balak na umakyat agad at magkulong na namang mag-isa sa kuwarto namin. Malungkot doon, ayaw ko namang dalhin ang kalungkutang nakapaloob dahil baka tuluyang mabaliw na ako.

Naagaw ng paningin ko ang kabilang banda ng Isla. May mga souvenirs shop ang nakahelera at dagsaan ang mga tao.

Sinubok kong lumapit at gano'n na lamang ang galak ko nang makita ang iba't ibang key chain, necklace at iba pang maaaring maging abubot na inspired sa mga shells. Namulot ako ng isa at isinukat iyon, napangiti ako sa itsura ng isang bracelet sa aking pulsuhan.

"That looks great on you." Aniya ng isang boses.

Agad na naagaw no'n ang paningin ko't napakunot naman ang noo ko nang hindi ko mahagilap kung kanino galing 'yon.

"In front of you, Ma'am." Pagkasabi no'n ay napatingin ako sa tindero.

My jaw dropped as I realized who was behind that deep voice. For a brief moment, I was transfixed by his appearance. He looks exactly like Chris Evans, but in an Italian way. Agad naman akong nahimasmasan nang matawa ito ng payak, napayuko ako dahil sa kahihiyan.

"Sanay na ako sa ganiyang tingin, huwag kang mag-alala." Mahanging sabi niya na muli kong ikinataas ng tingin.

Naningkit ang mga mata ko. "You're so full of yourself, Mr." Saad ko at muling ipinagpatuloy ang pagpili.

I heard him again, laughing on the other side. "Chill, I'm just telling the truth. By the way, you're one of the Vejar right?"

Napataas ang aking kilay. Bago pa man ako makapagsalita ay inunahan niya na ako. Naglahad ito ng kamay at ngumiti ng abot tainga.

"Sébastien Lemuel Parisi, Vejar's business partner. Nice to meet you, Mrs. Fayra Vejar."

Agad na nagningning ang paningin ko nang mabalik sa alaala ko ang taong ito. Mabilis kong inabot ang kaniyang kamay at nakipagkamay sa kaniya.

"Bastien, the man who cut my wedding cake!" I exclaimed, laughing.

Napabitaw naman siya sa akin at nagkamot ulo. "I was too drunk at that time, and it's the most embarrassing moment of my life. Huwag mo nang ipaalala pa."

Natawa naman ako at tumango tango.

"Anyways, are you alone?"

Umiling ako. "I'm with my husband together with his brother, Morgan and his wife."

"How about at this moment?"

"What do you think?" Balik na tanong ko ngunit sarkastiko iyon.

He bit his lower lip. "Sarcastic. I like it." Aniya niya.

Hindi ko na lang iyon inintindi bagkus ay umarangkada naman ang kuryusidad ko.

"Ano nga pa lang ginagawa ng isang Parisi sa pwestong ito? Bakit naging tindero ka agad?"

Napaupo siya sa tanong ko at bigla na lamang nangalumbaba at inginuso ang kaharap niyang tindahan.

"See that woman in a red dress?"

Bago ko siya sagutin ay sinuyod ko muna ng tingin ko ang kabila ng tindahan, doon ko nakita ang isang babae. Nakangiti ito habang inaasikaso ang kaniyang mga mamimili. Naka simple red dress lamang at nakalugay ang maalong itim na mahaba nitong buhok na simahan pa ng pearl clip sa may bandang tainga niya.

"She's beautiful isn't she?"

Naagaw muli ni Sébastien ang atensyon ko. Nang magkatinginan kami ay payak siyang ngumiti, maging ako ay gano'n din.

"Goodluck then, Mr. Parisi." Naging sambit ko na lang at iniabot na sa kaniyang ang mga napili ko. Sandali pa kaming nagtalo dahil ayaw niyang pabayaran ang mga napili ko, sa huli ay pinabili niya na lang ako ng dalawang buko juice bilang kapalit.

"See you when I see you, Madam!" Pagsigaw niya sabay kaway ng dalawang kamay sa ere. Natatawa ko siyang kinawayan pabalik.

Natatawa ako habang papalapit na ako sa hotel. Hindi ako mahilig sa lovelife ng iba, but seeing that Parisi and that woman in a red dress, gave me butterflies.

How I wish Mateo would be like Parisi who looks up to me in that way.

Nang bumukas ang elevator ay marahan akong naglakad habang isinusukat ang isang bracelet sa pulsuhan ko. It's really nice, ang mga beads na may kahalong pearl ay napakagandang pagmasdan, all crystal white kaya naman mas lalong nakaagaw pansin.

Mayro'n ring ilang freebies na ibinigay si Sébastien. Freebies na alam kong puwede ng pampuhunan para sa mga bracelet na katulad nito kung sa iba niya ibibigay.

Nang makalapit ako ay isinuksok ko ang card ko ngunit agad akong natigilan, our door was not locked. Mabilis kong ipinasok muli sa plastic ang mga bracelet. Nagtataka akong lumapit doon at nanlaki ang mata sa mga sigawan ng pamilyar na boses na nagpapalitan sa loob.

"SINABI KO NA SA 'YO, MORGAN. SHE'S JUST ON THE OTHER ISLAND! BAKIT BA ALALANG-ALA KA?!"

"FUCK YOU, MATEO! ALAM MO BA KUNG ANONG KLASENG TANONG 'YAN?! ASAWA MO SI FAYRA, YOU SHOULD BE THE ONE WHO'S ACTING LIKE THIS BUT THE HELL ON YOU, PARANG WALA KANG PAKIALAM!"

Natigilan ako sa pagpihit sa pinto ng kwarto namin ni Mateo. Hindi ko man sila makita ay gano'n na lamang ang kalabog ng aking dibdib nang marinig ko ang malakas na paghampas ng kung ano sa pader. Naalarma ako dahil doon kaya agaran akong pumasok.

"SHIT! ARE YOU INSANE?!" Gigil na tanong ni Mateo habang kapa-kapa ang likod niya.

Nakahalumpasay si Mateo sa sahig habang si Morgan naman ay nakatayo sa harapan niya't mabilis na itinayo si Mateo. Kinuwelyuhan niya ito at nanggigil na isinandal ang kapatid sa pader.

"IT'S ALREADY MIDNIGHT, MATEO. KUNG HINDI PA KITA PINUNTAHANG HAYOP KA DITO SA KWARTO NIYO, HINDI KO PA MALALAMAN NA WALA PA RIN DITO ANG ASAWA MO. TANGINA MO MATEO, NAPAKA PUTANGINA MO PARA SABIHIN SA AKING NASA KABILANG ISLA LANG ANG ASAWA MO!" Sigaw niya't malakas na sinuntok si Mateo.

"ANONG MAGAGAWA KO?! ALANGAN NAMANG SUNDAN KO SIYA DOON?! TANGA KA BA, MORGAN? EH, PAANO KUNG PAUWI NA 'YON? EDI MUKHA AKONG TANGANG HANAP NANG HANAP SA KUNG SAANG PESTENG LUPALOP MAN SIYA NAROROON!"

Nangangatal ako sa nasaksihan nang paulanan ni Morgan ng sunod sunod na suntok si Mateo na sinasalag naman ni gamit ang kaniyang braso.

"EH, PUTANGINA KA PALA TALAGANG LALAKI KA!"

Dahil sa nasaksihan ay hindi agad ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Ni hindi ko magawang sumigaw upang mapahinto silang dalawa. Nag-umpisa na rin akong manginig sa takot dahil sa nasasaksihan ko. Akmang sasagot na sana si Mateo nang mapalingon naman siya sa akin. Agad na lumukot ang mukha nito at puwersahang itinulak si Morgan.

"TANGINA, NAPAKA OVER REACTING!" Saad niya sabay dura ng dugo. "Tingnan mo nga sa likuran mo, Morgan. Fayra's here, safe and no traise of bruises." Nanlilisik ang matang turan niya sa kapatid.

Napahinto si Morgan at nang malingunan ako ay mabilis na nanlambot ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Dali dali siyang lumapit sa akin at inaya ako sa may sofa.

"Where have you been?!" Bakas sa tono ang pag-aalala niya habang panay ang suyod sa akin ng tingin.

Ngunit hindi ko magawang sagutin si Morgan dahil sa matalim na titig na ipinupukol ni Mateo sa akin. Tila nahalata naman iyon ni Morgan kaya nilingunan niya ang kapatid.

"Ipaghanda mo siya ng pampaligo, Mateo." Maowtoridad na utos niya sa kapatid. Nagsalubong ang kilay ni Mateo at aangal pa nang maunahan naman siya ni Morgan. "Kikilos ka o sasapakin ulit kitang hudyo ka?" Andoon ang inis sa tono ni Morgan.

Isang pagtakla ang ginawa ni Mateo at umiling iling na tumungo sa may banyo. Napabuntong hininga na lang si Morgan nang marinig namin ang lagaslas ng tubig mula sa loob.

Nang humarap siya sa akin ay napayuko ako. Hindi pa man siya nagsasalita ay tila nahuhulaan ko na ang gusto niyang sabihin.

"Parang kanina lang, ipinagtatanggol mo pa ang kapatid ko. Ano namang palusot ngayon, Fayra?"

Hindi ako umimik.

"Narinig mo lahat?" Tanong niya sabay abot ng isang water bottle sa akin.

"Kakarating ko lang." Naisagot ko.

Sandali kaming nanahimik. Kasunod naman no'n ay ang paglabas ni Mateo sa banyo at ang muling pagsama ng tingin nito sa amin. Napayuko ako at napapikit. Hindi pa rin mawala ang kalabog sa aking dibdib. Unang beses kong makasaksi ng ganitong uri ng gulo. Pakiramdam ko ay babangungutin ako mamaya.

"Magbabad ka muna Fayra, nang sa gano'n ay maibsan ang takot mo." Mahinang sambit ni Morgan. Napataas ako ng tingin, isang tango naman ang iginawad niya sa akin na tila nahulaan ang nararamdaman ko.

"At ikaw naman Mateo," baling niya sa kapatid nang makatayo. "Ipagamot mo kay Fayra 'yang pagputok ng labi mo---"

"Bakit hindi ikaw ang gumawa?" Putol ni Mateo. "Siya ba ang sumapak sa akin kaya ako nagkaganito? Tangina, magkakapasa pa ako dahil sa letcheng suntok mo!" Dugtong pa niya.

Ngumisi naman si Morgan at tinapik tapik ang balikat ni Mateo. "Hindi kita masasapak kung hindi mo ginago ang pagsagot mo sa akin, Mateo. Huwag kang umarte ja'n dahil hindi mo naman ako asawa!" Sabay tulak niya dahilan para mapahiga si Mateo sa kama. "Kung si lolo ang nandito at siya ang sinagot mo nang gano'n, tingin mo 'yan lang ang aabutin mo? You should always look for your wife, Mateo. Don't be an asshole."

Natatawang lumingon ulit si Morgan sa akin. "Mauna na ako Fayra, baka mamaya ay ang misis ko na naman ang hanapin ko't mabugbog ko lahat ng tao dito---"

"Just go immediately dude, ang dami mong dada."Mateo interrupted.

Muli namang bumungisngis si Morgan at mabilis na naningkit ang aking mga mata nang mapansin ko ang putok niyang kilay.

"Wait, Morgan." Pigil ko nang maglakad na ito. "Yung kilay mo...." Duro ko ng tumaas ang kilay niya.

Kinapa niya iyon at bahagyang napangiwi. "Before I go, should I ask you to give me first aid, Fayra?" Ngising tanong niya.

Akmang sasagot na sana ako nang nagulat ako sa biglaang paghila sa akin ni Mateo sa kaniyang likod. Nakatayo na siya ngayon sa harapan ko't nakikipagtitigan ng masama kay Morgan.

"Leave, Morgan. Hinding hindi ako papayag na asawa ko pa ang pagagamutin mo niyan, sinuntok mo na nga ako, dito ka pa magpapa-gamot. Gago!" Sigaw pa niya at mahinang sinipa ang kapatid.

Napapailing na kumaway si Morgan sa akin. "Magpapadala ako ng pagkain para sa inyo at lalo na sa 'yo Fayra. Hintayin niyo na lang." Pagkasabi niya no'n ay sa isang iglap lang ay nakalabas na ito ng kwarto namin.

Nagbaling naman si Mateo sa akin kinalaunan. "Go and take a bath now." Aniya sabay kuha sa phone niya.

"Gamutin ko muna 'yang sugat---"

"Don't bother, I already texted Rose." Singit niya at mabilis na nagpalit ng pang-itaas. "If ever Morgan finds Rose and I, don't you dare tell him that we're together. If you say so, we're both having a problem." Andoon ang pagbabanta sa kaniyang tinig.

"Fuck! Rose will probably be mad at me because of this. Kung sana ay hindi ka nagpa-importante, kanina pa sana kami nagsasaya. Next time, Fayra, ugaliin mong umuwi lalo na kung kasama na'tin si Morgan. Huwag kang masyadong magpa-importante dahil nadadamay ang oras ko." Mabigat niyang litanya.

Hindi na ako nag-atubiling sumagot pa, tumalikod na lamang ako at tuluyang inilakad ang mga paa papalayo sa kaniya. When I entered the bathroom, akala ko iiyak ulit ako, ngunit walang luha ang gustong pumatak. Napapikit na lamang ako at ninamnam ang maligamgam na tubig sa aking katawan.

Somehow, naiganti ako kahit papaano ni Morgan. May parte sa aking naaawa sa kaniya ngunit nang marinig ang mga sinabi niya ngayon, maybe he deserved what Morgan did to him. He deserved his punches, kulang pa nga ata. Sana ay inalog niya na rin ang ulo ng kapatid niya. Baka sakaling matauhan at magising sa katotohanang napakasakit niyang mahalin.

Ang daming ganap ngayong araw. I wasn't expecting everything to come at once. I can't take in everything. It feels depleted to me. However, I must not dwell on it all at this time. For the time being, I just want to be at ease.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status