Matapos makausap ni Seb ang mga mag-asawang Maria at Jimboy ay nagpaalam na siya sa mga ito. Ipinilit pa ni Maria na h’wag na siyang umalis. Kaya ipinangako na lamang niya na dadalaw siya sa mga ito ulit. Naglalakad na siya pabalik sa hotel noong may tumigil na kotse sa gilid niya. Hindi niya sana iyon papansinin ngunit bumukas ang pinto at inilabas si Lucio. Tumigil sa paglalakad si Seb. “Seb! How’s your stay here in Mercedes?” magiliw na tanong ni Lucio. “Well, it’s been nice. May mga ilang lugar na pamilyar sa akin. Actually, napadaan ako sa simbahan kanina. Sarado na pala iyon? Magsisimba sana ako. Ano ba ang nangyari doon?” Natigilan si Lucio. Hindi makapaniwalang ngumiti ito. “Something bad happen in that place. Naalala mo ba?” “Hmm… nope. Pero may nakapagsabi sa akin na may pinatay raw sa loob niyon. Isang buong pamilya raw.” Sumeryoso na ang mukha ni Lucio. “Na aalala mo na?” Umiling si Seb. “I just heard it from the people I talked too.” Ngumiti siya nang makahulugan. “A
“Shit!” sigaw ni Lucio. “Shit! Shit! Shit!”Pinagsisipa nito ang mga lamesa na nakatumba na. Wala nang tao sa warehouse kung saan ang nagsisilbing pasugalan nila. Nagkalat ang mga baraha at majong pieces sa sahig. May mga ilan ding katawan na nakahiga sa sahig mga wala ng buhay. Wala na ang mga taong nanugod doon at sinira lamang ang lugar saka kinuha lahat ng kinita nila. Limas lahat at kahit na piso ay walang tinira.“Putangina! Sino ang gumawa nito?!” tanong nito.Napatungo ang mga tauhan nila. May isang lumapit kay Lucio para magsalita. “Hindi pa rin namin nakilala, Gov.”Bigla na lamang itong bumalandra sa sahig dahil sa pagsuntok ni Lucio. “Hindi iyan ang gusto kong marinig!”Napaubo ang lalake. Dumura ito ng dugo at muling tumayo. “P-Pero may nakita kami, Gov.”“Ano ‘yon?”Pinasunod ng lalake si Lucio sa isang bangkay. Nakasuot ito ng itim na kasuotan. Maging ang maskara nito ay itim din kaya hindi makilala ang mukha. Nilapitan ito ng tauhan ni Lucio at inangat ang kamay. Ibina
“What is the meaning of this, Alfonso?! You promised!” galit na galit na sigaw ni Jose Cruz noong makabalik na sila sa opisina ng gobernador. Hindi siya makapaniwala kanina na ang prinoklama nitong tatakbong Gobernador ng probinsya ay ang bunsong anak nito. Bumuntonghininga si Governor Alfonso at walang ganang tiningnan ang bise niya. “Jose. Pasensya na. My son had an interest to run as a governor. Tsaka, tama lang din na mga Mercedes pa rin ang tumakbo bilang gobernador, ‘di ba?” Hinampas ni Jose ang lamesa ng kaibigan. “You said that I will run the governor position this time. Or at least my son, right?! Pero bakit bise pa rin ang binigay mo?!” “Hindi ba dapat magpasalamat ka dahil mayroon pa rin kayong posisyon?!” nagtaas na rin ng boses si Alfonso. Bumuntonghininga si Sebastian na kanina pa nakaupo sa may sofa at tahimik na nakikinig sa dalawang matanda. Sinuklay niya ang mahaba niyang buhok at napailing. Kauuwi lang kasi nila galing sa isang hotel kung saan sila nagkaroon ng
Tiningnan ni Seb ang sarili mula sa malaking salamin na nasa kaniyang harapan. Napangiti siya. Nakasuot na siya ng puting tuxedo na kaniyang damit para sa kanilang kasal si Pamela ngayong araw. Bahagya niyang inayos ang bulaklak na nakasa kaliwang dibdib niya. Hinaplos niya ang buhok niyang hinayaan niyang nakalugay lamang. “I’m ready. I’m fine.” Muli siyang ngumiti at nagpakawala nang malalim na paghinga. Dapat ay maging masaya siya ngayong araw. Ngunit hindi niya mawari kung bakit tila ba ay kinakabahan siya. “It will be fine.” Biglang bumukas ang pinto ng kaniyang silid. Pumasok ang kanyang ama na nakasuot na rin nang tuxedo. “Wow!” natutuwang sabi nito. “My son look amazing!” Napangiti nang malapad si Seb. “And you look amazing too, Dad. Parang hindi ata ako ang ikakasal ngayong araw,” biro niya. Tumawa ang matanda. Tinapik ni Alfonso ang balikat ng anak. “I’m happy for you, son. I know you’ll be a great father and husband. You are my son, remember?” “Of course. Kanino pa ba
“I’m proud of you, my son.” “Little bro!” “I love you, Seb!” “Aah!” Pawisan at mabilis ang kabog ng dibdib noong magising si Seb. Napaupo siya at sunod-sunod ang pagbuntonghininga ang ginawa. Para siyang biglang umahon sa matagal na pagkakalublob sa tubig. Sa huling pagkakataon ay bumuga ng hangin si Seb bago tumayo na nang tuluyan mula sa kama. Sandali pa siyang napakunot ng noo noong makita ang dalawang babae na himbing na himbing din sa kama. Kapansins-pansin na walang ibang suot na damit ang mga ito maliban sa kumot na nakatakip sa katawan. Napailing na lamang si Seb at kinuha ang pantalon na nasa sahig ng silid. Wala siyang maalala sa nangyari sa kaniya kagabi at wala rin siyang pakealam. Sinuot niya rin ang puting t-shirt. Nahirapan pa siyang hanapin ang tali niya sa buhok at sombrero dahil na iipit pala ng dalawa. “Aalis ka na?” nakapikit pa ang mga matang tanong ng isang babae. Umismid lamang si Seb at bumunot ng dalawang libong piso mula sa kaniyang bulsa at binato sa
“Here. Sorry wala akong mamahaling alak.” Inabot ni Seb ang bote ng beer kay Kit na binili niya sa tindahan. Nasa maliit na apartment na silang dalawa na inuupahan ni Seb. Maliit lamang iyon. Studio type at wala masyadong laman. Malayong-malayo sa mansyon nila noon. Wala halos laman ang loob maliban sa maliit na papag at bag ni Seb na may lamang gamit. Nakaupo nga lang si Kit sa higaan ni Seb na hindi pa rin na aayos ang sapin at kumot.Inabot ni Kit ang bote ng beer. “I can't believe you, Seb. Alam mo bang isang taon na kitang hinahanap? Halos nagalugad ko na ang buong Pilipinas kakahanap sa 'yo tapos narito ka lang pala sa Tondo?”Ngumisi si Seb at uminom ng alak. “Bakit mo kasi ako hinahanap?”Natigilan si Kit at napainom din ng alak. “I… Well, your family is one of the most generous to me. And I am worried about you. Bigla ka na lang nawala sa hospital.”“You shouldn't be there in the first place. Dapat hindi mo na ako niligtas noon. Now, look at myself. I'm done, Kit. Hinihintay
Halos takbuhin na ni Seb ang pagitan nila ni Pamela na nalilitong nakatingin sa kaniya. Ngunit bago pa man siya makalapit dito ay agad na humarang si Lucio sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang braso. "Seb! Stop!" ani Lucio. Bahagya niya pa itong tinulak saka iniharang ang sarili sa dalaga. "W-Who is he?" nagtatakang tanong naman ng dalaga. "He is an old friend, Ericka. I will talk to him." "Emily?" gulat na sabi ni Seb. Pinagpalit-palit niya ang tingin sa dalawa at halos makunot na ang mukha dahil sa labis na pagtataka. "Ericka? Ano'ng ibig sabihin nito, Lucio?!" Nag-iwas ng tingin si Lucio habang nagtatangis ang mga bagang. Hindi niya alam ang isasagot kay Seb dahil kitang-kita niyang nagagalit na ito. 'Ano ba kasing ginagawa niya rito?!' tanong niya sa isipan. Biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang kaniyang sekretarya at mga guards. Doon ay nabuhayan siya. "Sir! Hindi ka pwede rito!" ani ng sekretarya ni Lucio. Agad namang hinawakan ng mga guard ang mga braso ni
"I can't believe it, Lucio! Who was that man? Why are you associating yourself with that kind of person?!" hindi makapaniwalang sabi ni Emily. Kanina pa siya pabalik-balik sa sala ng mansyon ng mga Cruz. Kanina pa siya nakauwi galing sa munisipyo kung saan ay biglang may dumating na lalake at nanggulo roon. "And why did you just come back now?"Bumuntonghininga si Lucio at nilapitan ang nobya. Hinawakan niya ito sa braso at hinila papalapit sa kaniya. Napangiti agad si Lucio noong magkatitigan silang dalawa. Sobrang nag-aalala si Emily kanina dahil sa nangyari. Na ikinatutuwa niya dahil ibig sabihin lamang niyon, hindi na talaga nito makilala si Seb.Sinapo ni Lucio ang mga pisngi ni Ericka at hinalikan ito sa noo. "Don't worry now, okay? Wala na siya.""Sino ba kasi 'yon? Ano'ng kailangan niya sa 'yo? And... why is he calling me Pamela Salvador?"Sandaling natigilan si Lucio. Binitawan niya ang nobya at lumapit sa minibar nila. Nagsalin siya ng alak sa maliit na baso at tinungga iyon.