Share

Kabanata 3: MARRIAGE

Marriage

Sayna’s POV

KAHIT gusto ko sana na gawing sikreto lang ang kasal dahil peke lang naman ito ay hindi ko pwedeng gawin. Kaya nga ako pumayag na magpakasal kay Enver kasi kailangan kong linisin ang pangalan niya. It was just me who can do it. It feels surreal that we will got marry in just few weeks after we got a chance to know each other. Siguro kailangan ko lang kumalma, hayaan na makasal sa kanya at makuha ang promotion ko pagkatapos nito.

Tama. Iyon na lang talaga ang kailangan kong gawin, ang isipin na kapag ginawa ko 'to, matutupad na ang matagal ko nang pinangarap sa buhay.

Kinabukasan, kaagad na pinahanda ni Mr. Clinton ang malaking balita na unang hakbang pa lang sa plano niya. They will release a news about us, the new Chief Executive Officer Sayna Astrid Reyes, and Servencio Prince Enver James Servencio’s wedding.

It’s been four days since I’ve met him and agreed with this. Malamang napilitan lang siya tulad ko na may magkaibang rason. Pinatawag kami ulit ni Mr. Clinton, nandito na ako ngayon sa harap niya.

Bumukas ang pinto, hindi ko inabala ang sarili ko na lumingon kung sino ang pumasok. I just know that it was him, when he stand next to me, tall and proud.

Gumilid ang tingin ko at saktong nagtama ang tingin namin dahil nakatingin din siya sa akin, hinagod ako ng tingin ang kabuuan ko. Hindi ako nagpatalo, sinipat ko rin ang kabuuan niya bago pasimpleng umirap. He indeed a good looking man with his coat and a black pants, with his dark brown shoes, and white button-down inner shirt. Maayos din ang buhok na malayo sa unang beses na nakita ko siya. Pansin ko rin na magkamukha sila ni Mr. Clinton pero hindi sila magkasundo.

Sa gwapo niyang mukha pangit naman ang ugali kaya ‘wag na lang.

“I know nakita niyo na ang article na lumabas, the news running very well,” si Mr. Clinton.

Rinig kong humikab si Enver, kaya muling gumilid ang tingin ko at tamad siyang humilig sa kanyang upuan.

“But of course, there are some tabloids were putting some negative news about it,” dugtong pa ni Mr. Clinton na muling nagpabalik ng tingin ko sa laptop na hinarap niya sa amin.

Pumukaw atensyon ko ang mga headlines.

‘Ms. Sayna Astrid Reyes deserves someone better’

I clicked the arrow button to see more.

“Servencio Prince’s girlfriend is a drug addict, Alicia Magsalang,” malakas na binasa iyon ni Enver na tila natutuwa pa.

‘Reyes' boyfriend is a lawyer.’

‘Servencio’s announcement of marriage is all about publicity’

“Hindi naman nila kailangan na maniwala kasi peke naman talaga.” Komento ni Enver.

Naging masama ang tingin ni Clinton sa kanyang anak.

Tumikhim ako. “Sir, we can just ignore these tabloids. Base sa mga pinanggalingan ng balitang ito, kilala sila bilang mga nagpapakalat ng balita kaya hindi tayo kailangan mabahala,” pormal kong turan.

Marahang tumango si Mr. Clinton, tila nag-isip. At muli ko na namang narinig ang mahinang tawa ni Enver.

Ignore him, Sayna!

“But we can do something to disprove this new,” aniya ni Mr. Clinton bago gumawa ang tingin sa aming dalawa. “Kasal niyo na next week, you have photoshoots, gown fittings, and we can still… insert something… to make the public believes in your relationship. Kung hindi natin ito gagawin, malamang kakalat lang ang iba pang balita tungkol sa inyo. They can make it more shady and I won’t let that happen. This is the only way to clean Enver’s name, and not to attract more intrigues.”

“Like we are going on a date?” si Enver.

Sinulyapan ko siya at may naglalarong ngiti sa kanyang labi.

“Yeah. Pero umayos ka, Enver. Don’t make a scene,” balala ni Mr. Clinton.

At iyon ang ginawa namin, kaya kami nandito sa isang high-end restaurant para simulan ang pagiging couple. Gusto kong masuka pero tiis lang.

Enver opened the door for me. Naghihintay ang valet sa gilid niya, hinihintay kaming makaalis sa sasakyan. Nakalahad ang kamay ni Enver sa akin at may plastic na ngiti. Inismiran ko siya at tinanggap ang kamay niya. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niyang pang-iinsulto sa akin na tawagin akong kabit ng tatay niya. Hindi namin gusto ang isa’t-isa pero kailangan namin itong gawin.

He’s rich and he got everything he wanted. Kung ano man ang dahilan ng pagrerebelde niya malamang sobrang lala para umabot sa ganito.

I’m not interested to know though.

Tuloy-tuloy lang ang pagpapanggap naming dalawa. Tinatanggap ko ang kunwari niyang pagiging gentleman kahit hindi naman bagay sa kanya. There’s always a smirked underneath his moves.

“Please give us some sparkling juice, instead…” turan ko nang makitang naglabas ng wine ang butler.

Nalusaw ang kunwaring ngiti ni Enver.

“Right away, Miss.” Kaagad na umalis ang butler.

“Do you think I’m alcoholic?” kalmado niyang tanong pero banayad na na-insulto siya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Binigyan ko siya ng makahulugan na tingin. Tinatanong niya ako? I don’t know but whether he is or not, I think he needs to sober up. I’m not acting as if I am his rehab.

“Keep your voice low, love. Baka may makarinig sa ‘tin. Don’t lose your cool,” I said, winking at him.

He smirked again, slowly nodding his head.

Wala akong problema sa pakikipagbangayan sa kanya pero hindi namin ito pwedeng gawin sa public. Mamaya may mga paparazzi na nanonood sa amin o baka kanina pa meron na pagbaba pa lang namin ng sasakyan. Medyo mahirap ang lahat ng ito sa akin kung hindi makikisama si Enver. Kaya naman sinusubukan kong magkaroon ng maayos na usapan sa kanya para hindi mahalata na peke ang lahat. Pero lagi kaming nauuwi sa bangayan.

“Don’t worry, I’ll be a good boy.” Panunuya niya.

Don’t roll your eyes, Sayna! May nahagit akong kumuha ng picture namin at sa palagay ko naramdaman din iyon ni Enver kaya inabot niya ang kamay ko. Wala akong nagawa kundi ang ngumiti na lang. Para kaming ewan na nag-ngingitian habang kumakain.

“I’m a good catch for you, Sayna,” binitiwan niya ang kamay ko para kunin ang kanyang juice. “Mukhang kilala mo na ako bago pa lang arrangement na ‘to. I think you seduced me that night kasi alam mong anak ako ng boss mo.”

Sinamaan ko siya ng tingin pero pinilit kong umayos. “You might be a good catch but your name is nothing without me," mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya nang sabihin ko 'yon pero nagpatuloy ako. "Kilala nga kita. You’re the Servencio prince. You’re my boss unico hijo, Mr. Enver. You were handsome and a party boy who got detained for an hour because of drug scandal.  And who would miss to know it?”

His face darkened, furious.

“I just know you by your name and your past issues. Hindi ko alam kung anong itsura mo. Mas marami pa akong kailangan na gawin kaysa ang kabisaduhin ang mukha mo.”

“At kasama na sa trabaho mo ang Papa ko?”

I lost my appetite this time. Bakit laging sinasabit niya sa usapan si Mr. Clinton?

“Anong ibig mong sabihin? Talaga bang iniisip mo na kabit ako ng tatay mo? Kung gusto ko nga si Mr.Clinton, sa tingin mo papayag akong magpakasal sa ’yo?” iritable kong tanong sabay tingin sa paligid.

He shrugged, keeping his fake smile. “Who knows? Malay ko ba na kaya ka lang pumayag para matakpan ang relasyon niyo ng kasal natin. Nobody’s gonna know while you’re married with me, you’re fvcking my father.”

Mariin kong kinuyom ang kamay ko na may hawak na bread knife. Kung hindi ko lang naalala kung bakit ko nga ba ito ginagawa at bakit ako nandito, kanina ko pa siya sinampal. Don’t forget your ambition, Sayna! Just deal with him properly.

Pinunasan ko ang labi ng table napkin. “Umalis na tayo dito bago pa tayo makagawa ng eksena.”

Ngumisi siya at tumayo. Lumapit siya sa akin, tumayo na rin ako. Hinuli niya ang kamay ko at pinagsakop ang daliri namin. Gulat ako pero hindi na umalma pa. This is for the show, Sayna.

Ngayong nasa sasakyan na kami, hindi pa rin maalis ang nakakainis na mapanuri niyang tingin.

“Kung hindi ka kabit ng Papa ko, kung ganun pumayag ka dahil may gusto ka sa akin?” he snapped my fingers, his smile widens. “May gusto ka nga siguro sa akin.”

“Shut up, Enver. Huwag kang masyadong mayabang dahil hindi nga kita kilala. Your father and I just got into agreement to clean your name.” iritable kong sagot.

“And you sell off your freedom in exchange of?”

I rolled my eyes at him. “To be on the top of your company. So, kung ano man ang iniisip mo tungkol sa amin ni Mr. Clinton nagkakamali ka. After I clean the messed you made, we can get an annulment.”

“So, your honor is nothing but bullshit?”

“How dare you say that?” I heave a loud sigh, trying to control my anger.

“Huwag kang mag-alala dahil ako pa mismo ang unang mag-fi-file ng annulment nating dalawa. I’ll convince your father to do it as much as possible. Maliit na sakripisyo lang ito sa lahat ng tulong sa akin ni Mr. Clinton at may prinsipyo ako, hindi ko babawiin ang pangako ko sa kanya hanggang sa matapos ang usapan namin. Wala lang sa akin ang kasal kaya hindi mo mamamayalan na tapos na ang lahat.”

Binasa niya ang kanyang labi, naiinis pa rin. Ngunit walang lumabas sa kanyang bibig.

“I hope we are clear now,” pagtatapos ko ng argumentong ito.

Hindi pa rin siya sumagot. Binuhay na ni Enver ang sasakyan para makaalis kami.

The night was overall irritating. Makailang beses ko siyang kinakausap tungkol sa paratang niya pero wala siyang imik, puro pag-igting lang ng panga ang sagot niya. Hindi rin naman ako sanay na pinagpipilitan na magtanong nang magtanong sa taong ayaw naman sumagot. Kaya tumahimik na lang din ako. Hanggang sa makauwi kami ay binalot kami ng katahimikan.

After all of the fake dates, gown fittings, and prenuptial pictures, I stood at the entrance of the door. Walang maghahatid sa akin sa altar dahil wala na namang akong kamag-anak pa. Wala dito ang kaibigan ko na may laban ngayon sa korte. He couldn't miss it plus he don't like to watch this fake event of my life. I don't mind it though. 

Hindi pa rin ako makapaniwala. Lahat mabagal sa paningin ko. Nang bumukas ang pintuan sa harap ko, nagsimula na akong mabagal na lumakad. Hindi ako relihiyosong tao pero sa aking isipan, pinapaubaya ko na sa Kanya ang lahat ng maaaring mangyari.

Habang lumalakad ako, natatakot ako. It’s so scary when you know that no one is here for you. Gusto ko mang tumingin sa likod at tumakbo sa takot pero nag-ugat ang tingin ko sa harap. 

Nilunok ko lahat ng takot at pride ko nang tuluyan na matanaw si Enver sa altar. Pirmi ang mata niyang nakatingin sa bawat hakbang ko papalapit sa kanya.

Seryoso siya at walang bahid ng kahit anong luha ang kanyang mga mata. Of course, he’s a playboy, and heartless man. He couldn’t cry. Peke lang din naman itong lahat. Dahil doon, napawi ang takot ko at napalitan ng ngiti.

Nakatayo siya ngayon doon na tila gusto niya ang hinihintay niya.

Pero sa buong sermonya, binalot ako ng kaba pero matagumpay na ipinakita ko na kaya ko ang pekeng kasal na ‘to. 

Kung may simula, may katapusan…

“I now pronounce you, husband and wife. You may kiss the bride,”

Nang inangat ni Enver ang belo, sumilay ang mapanghamon niyang ngisi. Tinaasan ko siya ng kilay at ngumisi na rin, para tanggapin ang hamon niya. Binasa niya ang kanyang pang-ibabang labi kasabay ng romantikong tugtugin. Tila totoo ang lahat kahit na malaking kasinungalingan.

Hinapit ni Enver ang bewang ko na nagpagulat sa akin. Mas lumaki ang silay ng kanyang ngiti at bago pa ako makabawi ay siniil niya ako ng hal*k. Dilat pa ang mata ko nang humawak ang isa niyang kamay sa panga ko para igayak ang labi ko sa kanya. Nanghina ang katawan ko sa kanyang labi at napapikit na at tumugon na rin. Ramdam ko ang pagngiti niya sa bawat halik. Isn’t this too much for our first kiss?

Kumalas siya sa halik at matamnan akong tinignan, nanghahamon pa rin ang loko.

Pero hindi lang dapat siya ang nag-e-enjoy sa pang-aasar.

I tilted my head as I kissed him. Enver stiffen with every soft kisses I give him. Ako naman ngayon ang nakangiti sa kanyang gulat na reaksyon.

“What’s the matter, my love? Don’t you like my sweet kisses?” mahina kong turan habang malapit pa rin ang mukha sa kanya.

"I like it,"

I smirked. Muli akong lumapit at binigyan siya ng mababaw na h*lik. Nang akma niyang papalalimin ang h*lik ay nilayo ko na ang mukha ko. Naiwang nakaawang ang kanyang labi at namumungay ang mga mata, naghahanap pa ng kasunod. 

"Relax, my love. That was just a kiss," mapang-asar kong turan, nag-iwan ng magandang ngiti sa labi ko ang ekspresyon niya na tila nagpipigil at nananabik.

“Dammit,” he whispered.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status