Share

Kabanata 2: ARRANGEMENT

Arrangement

Sayna’s POV

NAPATINGIN ako sa katawan ko at marahang umalis sa bisig ng isang lalaking mahimbing ang tulog. Gusto kong magwala at sobrang nahihiya ako sa ginawa ko. It’s shameful to have a steamy night with a stranger.

“Aalis ka na?” takang tanong niya.

Mabilis akong tumango at sinuot ang aking damit kahit masakit pa ang ilang parte ng katawan ko.

“Why? This is your first time… we can stay here for a while and cuddle…” he said, smirking.

Nakakahiya dahil first time ko nga tapos pinamumukha niya pa sa akin. He didn’t want to cuddle, he likes to annoy me.

Inirapan ko siya at mas lalong binilisan ang pagdadamit. “I don’t care. First time ko nga pero hindi naman ako desperada.”

“Hindi ba sentimental ang mga first timer?”

“I’m not like them,” inis kong turan.

“I satisfied you and provided a good sex. Are you sure you don’t want to?” pagmamayabang niya.

Tama naman siya. He satisfied me in bed but it was my first time. Obviously, hindi ko alam kung siya na ba ang magaling dahil wala akong maikomparahan. Pero wala na siyang karapatan para insultuhin ako. Ang yabang ng lalaking ‘to!

“This is just my sexual debut so I can explore more to other men. Umpisa pa lang ‘to kaya ‘wag kang ano. Baka may makilala pa ako na mas magaling kaysa sa’yo.”

Napawi ang mapang-asar niyang ngiti.

I smirked. “Thank you and I’m leaving,” may matamis na ngiti na naiwan sa labi ko dahil sa pagsama ng kanyang tingin.

“Good luck then,” aniya niya na halatang iritado.

Iniwan ko siya doon na nakahilata sa kama. Sa akin pa rin ang huling halakhak. Nakakahiya na gamitin niya ang kahinaan ko na first sex ko ‘yon para mang-insulto. Hindi ko naman siya kilala at marahil ito na ang huli naming pagkikita. Ikakasal na ako, magbabago na ang buhay ko.

Tuwing sumasagi ‘yon sa isip ko para akong nababaliw.

“Sigurado ka na ba talaga d’yan?”

Humilig ako sa sofa at binalingan si Vince. “Yes. Sigurado na ako. Kaya nga ako nandito para masigurado na hindi ako maiipit sa kasal na ito.”

Vince is my friend and he’s a lawyer.

“Paano kung pikutin ka nun?”

“Walang pipikot ng kahit sino, Vince. After ng kasal namin, konting pakita lang sa public at pagkatapos baka umalis na ako papunta sa Europe to lead the organization.” napangiti ako dahil na-imagine ko na matutupad na ang pangarap ko. 

“So, hanggang kailan ang kasal niyo? Bakit mo ba kasi tinanggap?”

“Hindi ko pa alam,” aniya ko sabay buntong-hininga. “Ang hirap lang talaga na tanggihan si Mr. Clinton dahil malaki ang utang ko na loob ko sa pagtanggap sa akin.”

“Wala kang utang na loob dahil pinaghirapan mo naman lahat. You deserve the recognition and all,” seryoso niyang sambit.

Tumango ako.

“Bukod pa kasi doon, may malaking alok sa akin na matagal ko nang pangarap. I don’t value marriage and I don’t mind having a divorce.”

“Sabi mo eh. Basta ako na ang bahala sa divorce paper niyo,” aniya ni Vince.

Marahil nga na nakarating ako ngayon kung nasaan ako dahil sa sipag at pagpupursigi ko pero hindi ko rin ito matatamasa kung walang tulong ni Mr. Clinton. My connection with him help me a lot to be on top. Kaya naman gusto lang suklian ang lahat ng tulong niya sa akin. Tsaka hindi rin naman magtatagal ang agreement na ito. Baka isang taon lang mag-file na din ako ng divorce, depende pa rin kung magiging maayos ang marriage namin.

Hindi rin naman ako mag-e-expect ng maayos na marriage sa anak ni Mr. Clinton.

“Sir, nandito na po ang anak niyo,” turan ng kasambahay.

Nasa bahay ako ni Mr. Clinton Servencio para makilala ang anak niya. Sa totoo lang bahagya akong kinabahan, tila hindi pa ako handa. Hindi. Hindi pa talaga ako handa. Wala pa akong gana at masakit ang ulo ko nang humalubilo sa amin ang anak ni Mr. Clinton. A man with a black messy hair proudly walk his way towards us. Bigla akong nanlamig nang mapagtanto kung sino ang lalaki.

Nagtama ang paningin namin. Namilog ang mata ko ganun din siya pero kaagad itong naningkit ng may magandang ngiti sa labi. Umiwas kaagad ako nang tingin ng makalapit ito katabi ng kanyang ama.

Sa lahat ng nagawa kong desisyon ito pa lang ang pinakapagsisihan ko. Hindi na dapat ako lumabas kagabi. Damn it! I had a one night stand with Enver James Servencio himself!

“Enver, this is Sayna. She is the new head of the Servencio Hotel & Resort International,” pagpapakilala sa akin ni Mr. Clinton.

His lips slowly pursed with a small smirk, as he held out his hand.

Uminit ang pisngi ko at nag-uunahan ang tahip ng aking puso.

“Nice meeting you, Sayna.”

“Nice meeting you…”

Inabot ko ang kamay niya at pilit na pinakalma ang sarili. Is this real? Totoo ba na ang lalaking nakasama ko ng isang gabi ang siyang papakasalan ko?! Pakiramdam ko panaginip ang lahat.

Umayos ako ng tayo at kaagad binawi ang kamay niya na bahagya niya pang pinisil at mukhang wala akong balak na bitiwan.

Nakangisi ang mokong habang namamangha na nakangiti. Malamang tulad ko, hindi rin siya makapaniwala kung paano maglaro ang tadhana sa amin. I looked at him with a smug look on my face.

May isa kaming kasama na may edad na para ipaliwanag ang gaganaping kasal. Sinubukan kong makinig lalo pa’t buhay ko ang nakasalaylay dito pero hindi ako komportable sa tingin ni Enver na kinikilatis ang aking mukha habang nakangalumbaba.

Mr. Clinton clears his throat. Nag-usap silang dalawa bago tuluyan na umalis ang lalaki. Naiwan kaming tatlo ulit at pansin ko na hindi man lang naputol ang tingin ni Enver sa akin. Problema ng lalaking ‘to?!

“Enver, this marriage is to clean your name. Be good to Sayna,” seryosong aniya ni Mr. Clinton.

He tilted his head a bit to the side. “I’ll be good… promise…” sagot niya pero nakatingin sa akin bago dumapo ang tingin sa kanyang ama. “Pero syempre ngayong ikakasal na kami, akin na siya.”

“I’m not yours, Mr. Enver.” Matigas kong turan.

“Kung ganun kanino ka? Sa Papa ko?”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Bumaling ako kay Mr. Clinton na gulat din sa sinabi ng anak niya. Mr. Clinton clenched his jaw and bailed his fist like he wanted to land a punch to his son.

“Walang nagmamay-ari sa akin,” sabi ko sabay tingin kay Enver na may ngiti sa labi, nang-iinis.

“Hindi iyan ang nakikita ko.” Giit ni Enver.

“Shut up, Enver! Open your mind, not your mouth. Are you out of your mind talking about that? Saan-“

“It’s a simple yes or no. Are you his mistress?” tanong ni Enver sa akin imbes na pansin si Mr. Clinton.

“N-no.”

He slowly nod his head and then smirked. “Akala ko isa ka rin sa koleksyon ng mga babae niya. Hindi na rin naman ako magugulat kung babae ka nga niya, kunwari lang ipapakasal sa akin pero kayo talaga after ng divorce.”

Nagulat ako nang biglang tumayo si Mr. Clinton at mabilis ang paghinga.

“Anong sinasabi mo, Enver? She’s here to save your ass from drug scandal pero hindi mo siya kayang irespeto?! You need her help. Insultuhin mo na ako pero hindi ako makakapayag na bastusin mo si Sayna!” umalingawngaw ang boses ni Mr. Clinton sa buong kwarto.

Insulto talaga ‘yon sa akin, isang malaking sampal.

Lumunok ako at masamang tinignan si Enver. Malakas ang loob kong tumingin sa kanya dahil wala sa akin ang tingin niya kundi na kaya Mr. Clinton. Pero napansin niya marahil ang titig kaya nilingon niya ako.

“Malay ko ba na kaya mo lang ako ipapakasal sa babaeng ‘to kasi may relasyon kayo. You know, hitting two birds in one stone. Malinis na ang pangalan ko at pwede mo pang makasama ang mapapangasawa ko,” si Enver.

“Wala kaming relasyon, Mr. Enver. I’m just trying to help you.” Giit ko, pinandidilatan siya ng mata.

“Bakit wala na bang ibang paraan?”

“Wala na!” Mr. Clinton shouted. “You asking kung may ibang paraan? Sana tumino ka noong una pa lang o hindi nasangkop sa drugs para wala tayong problema ngayon! Kailangan mong matuto sa ginawa mo, Enver. You will marry her because no one is willing to marry you! Takot silang gumawa ka ng kalokohan at baka maging magulo pa lalo ang lahat pati reputasyon nila. Your name is stained and only Sayna can help you. Marriage is the only way out to this scandal.” Sunod-sunod na sinabi ni Mr. Clinton na talagang lumapit pa kay Enver.

Natakot ako dahil baka bigla na lang niyang suntukin ang anak niya at magkagulo. Pero hanga rin ako sa haba ng pasensya ni Mr. Clinton at hindi niya pa nasusuntok ang anak niya. Kasi ako, kating-kati na akong masampal siya. Bakit niya pag-iisipan ng masama ang ama niya na gusto lang naman siyang tulungan? Grabe na ang pagrerebelde niya!

Amba akong magsasalita pero naunahan ako ni Mr. Clinton.

“She’s the best candidate for you and I trust her-“

“More than me.”

Naiipit ako sa away ng mag-ama. Hindi ko alam na ganito pala kalala ang relasyon nila. Ayokong manghimasok perp damay na ako kasi papakasalan ko ang batugan na anak ni Mr. Clinton.

Mr. Clinton sighed. “Just don’t hurt her, Enver. Treat her nicely before, during, and after your marriage. Magdi-divorce din naman kayo kalaunan kapag humupa na ang lahat ng isyu. I just needed you, Enver, to cooperate,” dugtong pa nito pero punong-puno ng pagbabanta ang tingin sa anak na ngayon ko lamang nasaksihan.

Alam kong hindi ako gustong pakasalan ng anak ni Mr. Clinton. At parehas kami! Hindi ko rin naman siya gusto pero wala lang talaga akong choice. Marahil meron pero hindi ko nakakalimutan ang pangarap ko at mga ambisyon ko sa buhay na matutupad kapag pinakasal ko si Enver. One round of sex doesn’t change anything and I won’t be on his side. His father’s wishes and my ambitious comes first. I don’t lose track over a freaking night.

Enver sigh in defeat. He gritted his teeth, shook his head.

Hindi pa rin siguro niya gusto ang ideya ng kasalan kung kaya kung ano-anong paratang ang naiisip niya.

“This is hard for me, Enver. Do you think I’d like to marry off to someone like Sayna who is a great asset of our company and the person I trusted the most? Marrying you to someone isn’t part of my plan. Hindi ko na kayang panoorin ka lang na wasakin mo ang buhay mo kahit pa magalit ka lalo sa akin.” Fluttered ako sa sinabi ni Mr. Clinton pero akong marinig itong sinasabi niya sa anak niya. For some reason, it annoys me.

I shifted my weight, it makes me uncomfortable too.

“Do you think I want to be your son and marry her? I know this is all bullshit, ‘Pa. But then, let’s do this. I’ll marry her para matapos na ang lahat. I can’t wait to spend the rest of my life with her…” nilingon niya ako at ngumiti pero puno ng galit ang mata. “… right, my future wife?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status