Share

Chapter 5

“Let’s go.”

Umawang ang labi ko nang sa isang iglap hawak na ng lalaki ang kamay ko. Hindi ako nakagalaw agad. Parang napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kamay kong hawak niya.

"Where are you going Hunter Cole? I didn't do anything to the kid."

Wala naman talagang ginawa si Senyorito Gustavo sa akin pero galit siyang tiningnan ni Hunter na parang may kasalanan itong ginawa. Sinubukan ko pang kunin ang kamay ko sa kanya pero humigpit lang ang hawak niya sa kamay ko. Ayaw akong bitawan. Tinapunan niya pa ako ng tingin na may halong pagbabanta.

Ba't siya nagagalit?

"Hunter Cole." Ulit ni Sneyorito Gustavo pero hindi niya na ito nilingon.

"Sir—" Tawag ko sana sa kanya pero mabilis niya akong pinutol.

"I said, let's go." Ang kulay asul niyang mga mata ay matalim ang tinging pinukol sa akin.

"Saan po?"

Hindi niya ako sinagot. Sa halip hinila niya ako palapit sa kanya. Kung makahila siya sa akin akala mo talaga may gustong umagaw sa akin mula sa kanya.

Pagkatapos, inutusan niya ang mga gwardya na ilagay sa bag ko ang mga gamit kong nagkalat sa semento. Dali-dali namang sumunod sina Manong.

Kukunin ko sana ang bag mula kay Manong pero bago ko pa ito makuha hawak na ito ni Hunter gamit ang bakanteng kamay niya. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Senyorito Gustavo kaya nabaling ang tingin ko dito pero lalo lang akong natulala ng masungit siyang tinapunan ng tingin ni Hunter.

"What's wrong with you, kiddo? I said, I didn't do anything. " Natatawang sabi ni Senyorito Gustavo sa kanya pero hindi niya na ito pinansin. Sa halip binaling nya ang tingin sa akin at walang paalam na hinila ako papunta sa sasakyan niya. Naguguluhan man walang akong reklamong nagpahila ng kamay sa kanya.

"Take care of the kid, Hunter Cole!" Pahabol ni Senyorito Gustavo. Nahihiya naman akong lumingon at maliit na kumaway sa kanya. Na sana pala ay hindi ko ginawa dahil paglingon ko kay Hunter lalo lang nagkasalubong ang mga kilay nito.

"Saan niyo po ako dadalhin, Sir?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at masungit akong inutusan.

"Get inside."

Uy! Parang eksena sa pocketbooks ah! Kung may 'stop the car', meron ding 'get inside'.

Pero dalawang salita lang napasunod niya ako. Walang pagdadalawang isip akong pumasok sa loob ng sasakyan niya. Siguro dala na rin ng takot ko na nawala ko ang card niya.

Pagkapasok ko sa loob, sinara niya ito bago ito umikot sa kabilang bahagi para magmaneho. Lahat ng galaw niya kalkulado.

"Sir—" Pero agad akong natameme nang sinulyapan niya ako, nakasimangot pa rin.

Nakakatakot naman ang lalaking ito. Nagagalit ng hindi ko alam ang dahilan. Baka maya niyan bigla na lang ako nitong sakalin. Parang gusto ko na tuloy bawiin na crush ko ito.

Walang salitang may inabot ito sa bandang uluhan ko. Nanigas ako dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Naamoy ko pa ang panlalaking pabango niya. Parang nanunuot ito sa ilong ko sa sobrang bango. Hindi ko alam pero bigla akong napapikit.

Matagal. Akala ko may gagawin siya sa akin pero nagulat na lang ako ng biglang may pumitik. Yun pala ay ang seat belt. Pagdilat ko nakita ko ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi niya.

Akala ko kung ano na. Seatbelt pala yung inabot niya sa uluhan ko. Medyo assuming ako sa part na yun. Akala ko kukinin niya na ang first kiss ko, yun pala seatbelt lang. Kakabasa ko ito ng pocket books.

First time ko kasi naka experience ng ganito. First time ko rin nakasakay sa private na sasakyan at sa harapan pa. And take note si Hunter pa talaga ang nagmamaneho. Kaso nga lang wala man lang ka sweet sweet sa katawan. Apaka sungit pa.

Sabagay bakit naman siya magiging sweet? May kasalanan pa nga ako.

Kung sa ibang pagkakataon siguro ito magbubunyi na ako. Kaso mali ang timing eh. Ngayon kasi mas nanaig yung takot ko sa magiging reaksyon niya. Baka after nito pulis na ang magsusundo sa akin sa labas ng gate nila. Baka kulungan ang bagsak ko.

Ang daming tanong agad ang pumasok sa utak ko.

Kung may kumuha ng card sa bag ko, magagamit niya ba yun? Hindi ba hahanapan ng pin? Swipe lang ba agad?

Medyo malayo na ang tinakbo ng sasakyan niya pero hindi pa rin ito nagsasalita. Sinulyapan ko siya. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada pero mukhang galit ito dahil pansin ko ang paggalaw ng panga niya. Mahigpit din ang hawak niya sa manibela.

Mukhang wrong timing pa ata ang pagpunta ko at mainit ang ulo niya. Paano ko ngayon sasabihin sa kanya na nawala ko ang card niya?

Hindi ko tuloy alam kung paano ko sisimulan.

"Sir?" Mahina kong tawag sa kanya pero masungit niya lang akong sinulyapan." May s-sasabihin-"

"Later." Putol niya sa akin.

Madamot na nga sa ngiti, pati ba naman sa salita?

Ganunpaman sinunod ko ang sinabi niya. Tumahimik na lang din ako at binaling ang tingin sa labas ng bintana.

Ngayon lang ako nakapasok dito sa hacienda ng mga Sandoval. Ang ganda pala. Ang lawak. Puro green ang paligid.

Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero base sa dinadaanan namin nasa bandang manggahan nila kami. Nakahilera yung mga mangga, parang yung sa farm ville, ang ganda tingnan.

Sa gitnang bahagi ng mangghan nakita kong may tatlong lalaking n*******d habang nakasakay sa ibabaw na kabayo. Tig-iisa silang kabayo at mukhang nagpapaligsahan. Nagtatawanan pa ang mga ito.

Wow! Ang galing! Parang yung nababasa ko sa mga pocketbooks na mga magkakapatid na haciendero. Akala ko sa hanggang imagination ko lang ito pero ngayon nandito sa harapan ko, totoo.

Napangiti ako nang makitang kong nangunguna na yung may-ari ng kabayong kulay itim. "Ang galing!" Sabi ko sa isip ko pero lumabas pala sa aking bibig.

Agad namang nabura ang ngiti ko nang marinig ko ang pagtikhim niya. Nalipat ang tingin ko sa kanya na mukhang hindi ata nagustuhan ang pagngiti ko. Sa pagkakataong ito lalo nang nagkasalubong ang mga kilay niya.

"Why are you smiling? "

Marahas akong lumunok para mawala ang bara sa lalamunan ko. Pati ba pagngiti bawal din 'pag kasama siya?

Hindi ako sumagot pero dama ko ang pag-iinit ng aking pinsgi. Alam kong nahuli niya akong nakatingin doon sa mga lalaking n*******d habang nakasakay sa ibabaw ng kabayo. Ang masaklap ay nahuli niya pa akong nakangiti.

Tinaasan niya ako ng isang kilay at nilipat ang tingin dun sa mga lalaking nagpapaligsahan. Pagkatapos nakita ko ang pag-igting ng panga niya nang binalik niya ang tingin sa akin.

Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya pero palayo na ang tatlo. Hindi nagtagal hininto niya ang sasakyan.

Nakakabingin katahimikan ang namagitan sa amin.

Ang boring niyang kasama. Bilang lang kung magsalita.

"Speak."

Pati ang paraan ng pagsasalita niya ay masungit pa rin. Mababa lang pero puno ng otoridad.

Malakas na buntong hininga ang aking pinakawalan at bago ako nagsalita.

"May kasalanan ako sayo Senyorito. Nawala ko po ang card niyo." Diretso kong sabi. Ayoko nang magpaligoy ligoy pa dahil doon lang din naman ang punta."

Hinanda ko na ang sarili ko na mabulyawan niya pero hindi ito nagsalita. Nanatali lang na masungit ang tingin nito sa akin. Hindi na talaga nawala ang pagkakunot ng noo niya.

Hinihintay ko na magkomento siya pero mukhang hindi yun mangyayari kaya tinodo ko na ang gusto kong sabihin. Bahala na si batman.

"Hindi ko alam kung paano nangyari. Pero bago ako umalis ng bahay, nilagay ko po yung card niyo sa bag ko kasi balak ko po talagang isauli sa inyo ngayon. Hindi ko rin naman kasi yun magagamit at hindi ko rin alam paano gamitin."

Wala pa rin itong reaksyon nakatingin lang sa akin.

"Kung alam ko lang na may kukuha nun sa bag ko sana pala hindi ko na lang dinala. Sana pala iniwan ko na lang sa bahay. Hindi ko naman kasi alam na may magnanakaw sa loob ng classroon namin. Pero tinago ko naman po yung card niyo. Nilagay ko po sa secret pocket sa loob ng bag ko."

Still no reaction mula sa kanya.

"Ngayon ko lang din nalaman Senyorito na nawala ko ang card mo. Nung nandito na ako sa hacienda niyo. Yung nakita mo kanina kasama ko si Senyorito Gustavo, yun ay dahil tinatanong niya ako kung anong nawala sa akin. Hindi ko nasabi sa kanya na nawala ko ang card mo at baka pati siya magalit sa akin. Pero maniwala po kayo Senyorito, hindi ko po sinasadyang iwala ang card niyo."

Nakita ko ang bahagyang pag-angat ng isang kulay niya na tila ba hindi ito naniniwala sa sinabi ko.

"Maniwala po kayo sa akin. Hindi ko po talaga sinasadya. Pero bukas ere-report ko po sa school na nawalan ako ng gamit."

Pero natigil ako, kung magre-report ako na nawala ang card niya siguradong tatanungin ako kung bakit nasa akin ang card na hindi ko naman pagmamay-ari.

Pagtingin ko ulit sa kanya parang may nakapaskil na question mark sa noo niya. At tila ba sinasabi nitong ipatuloy ko ang aking sasabihin.

"Bakit ba kasi hindi na lang ikaw ang bumalik doon sa amin? Tingnan mo tuloy ngayon problema ko pa. Kung sana inutusan mo nalang si Kuya Buboy na kunin ang card mo doon sa amin hindi ako mamo-morblema ngayon ng ganito. Maypa let her come ka pa kasing nalalaman."

Tama bang bigla akong kumambyo? Hindi pwedeng ako lang ang mastress dito.

Angasan mo Sky! Wag kang papasindak sa kanya.

Tama! Bakit ba ako matatakot sa ungas na 'to. Oo crush ko siya pero hindi niya ako pwedeng ganitohin na lang. Anong akala niya sa akin?

Hindi pwede 'to. Hindi pwedeng ako lang ang may kasalanan dito dahil una pa lang kung di niya ito iniwan sa akin hindi ko ito mawawala. Diba, tama naman ako?

Pagtingin ko sa kanya hindi na ito nakasimangot pero mukhang gusto namang matawa.

"Alam mo Senyorito sa totoo lang naiinis ako sayo. Ikaw na nga ang may utang sa akin ako pa ang inaabala mo. Kung sana hindi mo iniwan yung card mo hindi ko ito nawala. Alam mong magpapa-load ka diba? Bakit di ka nagdala ng cash?"

"Hindi mo ba alam na dito sa probinsya walang machine para sa card-card na yan ang mga maliliit na tindahan gaya ng sa amin? Ano sa palagay mo, tao po pabiling mantika, yung tig lilima, itong bayad ko kunin mo na lang sa card ganern? Walang ganyan dito, Senyorito. Cash ang tinatanggap namin. Barya o papel. Ngayon sabihin mo sa akin anong gagawin ko sa nawawalang card mo? Ikaw na nga ang may utang sa akin ako pa ang naperwisyo mo!"

I was expecting for him to apologize but to my surprise mukhang siya pa ang galit sa akin.

—————————————————-

04-24-2024

Komen (4)
goodnovel comment avatar
Lhaine🤎💖🤎💖🤎💖
thank you po sa update miss A! 🤎🤎🤎
goodnovel comment avatar
Lhaine🤎💖🤎💖🤎💖
ginamitan nya ng pinagbabawal na teknik. haha
goodnovel comment avatar
Lhaine🤎💖🤎💖🤎💖
style lang ni mangangaso yan sky. haha
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status