Share

Chapter Thirteen

NANG MAKARATING sa bahay ng mga Bueno ay hindi na ginising ni Carlo ang bata. Kinarga na lamang niya ito at inihatid sa naghihintay na si Cherry. "Ako na maghahatid sa kanya sa kwarto nyo, Cherry." ani Carlo sa dalaga. "Napagod siya sa maghapong paglalaro," dugtong pa nito at dinala na sa taas ang bata. "Salamat, Carlo. Ilapag mo na lamang siya sa kama, ako na ang mag-aayos sa kanya," saad ng dalaga.

"Cherry... may hihingin sana akong pabor. Kanina kasi nasabi ng anak natin na gusto raw niyang makapasyal na magkakasama tayong tatlo. Gusto raw niyang ma-experience na kumain at mamasyal na kasama tayong dalawa. Sana'y mapagbigyan mo ang simpleng hiling ng bata," ani Carlo.

"Pasensya na, Carlo, hindi ko iyon maipapangako sa ngayon. Masyado akong busy sa trabaho at sa pag-asikaso sa kasal namin ni Marvin." Hindi na nabigla si Carlo sa sinabi ng dalaga dahil naikwento na kanina ng anak. Pero bakit mas matindi ang kirot na naramdaman niya ngayon. Parang pinipiga ang kanyang puso sa kanyang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Virgie Acebo
Ang ganda n po miss a sana sila carlo at cherry parin hintayin ko ung magtapat si carlo kay cherry na mahal nya ito
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status