NANDITO ako ngayon sa fountain. Tinitignan ko ito. Sobrang ganda kasi dito, lalo na kung gabi.
"Kara, nandito na siya." Nilingon ko si Mother Superior, napangiti ako dito. Tapos ay pumunta ako sa kanya. "Mag-iingat ka doon," sabi nito sa akin. Hinaplos nito ang aking buhok. "Wag kang magpasaway. Para di magalit sa iyo ang bago mong pamilya."Ngumiti lang ako kay Mother. "Opo, Mother. Salamat po sa pag-aalaga sa akin. Promise po, magpapakabait po ako at dadalawin po kayo dito pag may time po ako," sabi ko sa kanya.Niyakap ako ni Mother. "Mamimiss kita," sabi nito sa akin. May luha sa mga mata nito, nang ilayo niya ako sa kanya.Pumunta na kami sa opisina ni Mother. Dahil nandoon ang magiging foster father ko. Masaya ako kasi ako ang inampon talaga ni Mr. Romolo."Mr. Romolo, nandito na po si Kara," nakangiting sambit ni Mother kay Mr. Romolo. Dahil nakatalikod ito ay unti-unti itong humarap.Ngumiti ang isang lalaki na di naman gaano katanda. Sumama ako sa kanya, nagpaalam na ako kay Mother.GUSTO kong umiyak. Dahil 'di ko naman talaga ginawa iyon.
"Tonta!" sigaw nito sa akin."Ano na naman ba iyan?" tanong ng isang pamilyar na boses."Itong ampon mo. Sinabuyan ba naman ako nang tubig," sumbong nito kay papa."'Pa, hindi ko naman sinasadya." Paliwanag ko kay papa.Nilapitan ako ni papa at hinawakan ang aking balikat."Pumunta ka na sa kwarto mo, Kara. Doon ka muna. Kakausapin ko muna ang Mama Delyn mo.""I am not his mother. Hindi ko gustong mag-ampon, pero mapilit ka!" sigaw nito kay papa.Wala akong magawa. Umakyat ako sa kwarto ko. Nasa hagdan na ako nang bumaba si Eliza ang totoong anak ni Papa Mateo."Ano na naman ang ginawa mo this time?" tanong nito sa akin.Yumuko ako. Ayaw ko siyang tignan. Gumilid ako para makadaan siya. Alam ko tinignan nito ang parents nito na nag-aaway."Nag-aaway si mama at papa. Ano ang ginawa mo?" tanong nito. 'Di naman ito galit, pero base sa tono ng boses nito ay hindi ito natutuwa."Hindi ko naman sinasadya iyon. Hindi ko sinasadya na masabuyan nang tubig si mama," mahina kong paliwanag dito."Sinasadya mo o hindi, nagalit pa rin si mama. Ayon tuloy, nag-away na naman sila ni papa. Kahit kailan talaga ang clumsy mo. Masyado ka kasing epal," sabi nito sa akin.Dumaan ito sa gilid ko, pero talagang sinadya nitong bangain ang balikat ko, kahit na nasa gilid na ako.Umakyat na lang ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad akong umupo sa kama ko. 'Di ko mapigilan ang umiyak. Hindi ganito ang buhay na gusto ko. Gusto ko lang naman na magkaroon ng isang matatawag na pamilya. Binigyan nga ako, pero inaapi naman ako. Pinapakita talaga ni Mama Delyn na ayaw nito sa akin.Agad kong pinahid ang mga luha ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Iniluwa noon ang foster father ko.
Napabuntonghininga ito. Umupo ito sa kama ko. Habang ako ay nakayuko.
"I am sorry, Kara. Pag pasensyahan mo na ang mama mo," sambit nito sa akin.Umihingos ako, dahil 'di talaga umaawat ang mga luha ko sa pag-agos."Okay lang iyon, papa," tanging nasabi ko na lang."Pasensya ka na din sa sinabi ng mama mo. Sana ay 'di na lang kita inampon, siguro maganda ang buhay mo ngayon," sabi nito sa akin.Nanatili akong nakayuko. Ayaw kong tumingin sa kanya."Kung pwede ko lang ibalik ang panahon, 'di kita kukunin sa ampunan. Patawarin mo ako, kara, naghihirap ka dahil sa akin." Pumiyok ang boses nito.Tumayo ako at nilapitan ko ito. Umupo ako sa tabi nito, hinawakan ko ang kamay nito."Okay lang iyon, 'pa. Nagpapasalamat nga ako, dahil kahit kailan ay 'di ninyo ako pinabayaan. Kahit na ayaw ni mama na mag-aral ako ay pinaglaban ninyo ang pag-aaral ko. Isang taon na lang 'pa. Makakapagtapos na ako ng kolehiyo," sambit ko dito.Hinawakan din nito ang ibabaw ng kamay ko. "Mabait ka na bata. Alam ko na 'di ka pababayaan ng Panginoon," sabi nito sa akin.Napangiti ako nang mapait. 'Kung may Panginoon, papa sana ay 'di niya ako hinayaan na maghirap ang kalooban.'DALI-DALI akong pumasok sa gate ng campus namin. Nag-aaral kasi ako sa pristeryosong paaralan dito sa lugar namin. Maaga naman akong nagising, pero talagang ginahol ako sa oras. Ang dami kasing pinagawa sa akin ni Mama Delyn."Best, late ka na naman," sambit ng kaibigan ko."Sorry, alam mo naman sa bahay," sabi ko dito."Iyang, ina-inahan mo talaga," gigil nitong sambit.Alam kasi ni Mera ang totoong pagkatao ko. Alam nito na ampon lang ako at inaalila sa bahay na tinitirhan ko. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawin bahay. Kaya kahit na mahirap ay kinakaya ko."Mabuti na lang at wala pa si Ma'am. Baka nalagot ka noon."Terror kasi ang unang subject teacher namin. Kaya natatakot kaming mahuli. Ilang minuto din ay pumasok ang guro namin.NASA Cafeteria kami ngayon ni Mera, para bumili nang makakain. Pumila kami sa counter. Mayroong sumingit.
Gusto ko mang magalit ay 'di ko ginawa."Eliza, nauna kami," turan ni Mera sa kapatid ko.Nilingon niya kami, pero sa akin nakatingin. She just rolled her eyes. Tapos ay bumalik ang paningina sa unahan."Tumigil ka na Mera. Ayaw ko nang gulo," pigil ko sa kaibigan ko. Dahil hindi talaga nagpapawat si Mera.Hinayaan na lang namin si Eliza na mauna. Ayaw ko nang gulo. Hindi ito mahilig mag-eskandalo, pero patago ito kong mang-away.
Dahil tapos na kaming kumain ay pumunta muna ako ng banyo. Pumasok ako sa cubicle. Pagkalabas ko ay nasa labas na sila Eliza.
Nasa harapan ng salamin si Eliza. Naglilipstick, habang ang mga kasama nito ay nasa gilid lang. Nagpunta ako sa sink, para maghugas ng kamay nang matapos ako ay agad akong lumabas.Pero 'di natuloy ang paglabas ko, dahil pinigilan ako nang isa sa kasama ni Eliza. Ibinalik niya ako sa harapan ni Eliza. Pagkaharap ko sa babae ay agad niya akong sinampal. Nakasalampak ako sa sahig, habang hawak-hawak ang pisngi ko na sinampal nito."Anong sabi ko sa 'yo? 'Di ba sabi ko ay wag ka o iyong kaibigan mo na makialam? Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" 'Di ko napigilan ang umiyak. Gusto ko mang lumaban ay wala akong magawa. Madami sila, ako lang ang nag-iisa.Nanatili ako sa sahig. 'Di ko siya tinignan. Dahil naka kung ano na naman ang gawin niya sa akin.
"Bakit kasi inampon ka pa ni papa. Ewan ko kung ano ang nakain ni papa at nag-ampon pa siya ng isang katulad mo," sambit nito sa akin.
"Hindi ko kasalanan na inampon ako ni papa.""Don't call my father, a papa. Hindi ka naman talaga inampon legally." Nanlaki ang mga mata ko sa nalaman.
Natawa ito. Dahil sa reaksyon ko. "Akala mo siguro, ampon ka talaga legally? Remember na hindi pumayag ang mama ko. Pero pinatira ka pa rin namin sa bahay namin. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni papa, para magmukhang legal ang pag-ampon sa iyo," sabi nito sa akin.Bumuhos ang luha ko. All this time ay akala ko, I am legally adopted, hindi pala."Kaya wag kang humarang sa daraanan ko. Dahil hindi kita sasantuhin." Umalis ito sa harapan ko. Lumabas na ito, kasama ang mga kaibigan nito.Hindi ko mapigilan ang umiyak. Dahil sa nalaman ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. All this year, akala ko talaga legally adopted ako ng Pamilya Romolo. Ayaw lang ni Mama Delyn na gamitin ko ang apelyido nila.Nasa ganoong ayos ako nang pumasok si Mera."God, best!" sigaw nito.Agad niya akong inalalayan, para makatayo. Gusto ko mang pumasok ay di ko magawa."Ano ang ginawa nila sa iyo." Umiling ako.Ayaw kong madamay ang bestfriend ko. Gusto ko na ako lang ang masaktan."Uuwi na muna ako, Mera," sabi ko sa kanya."Sige." Pagpayag nito.Lumabas kami sa banyo, habang akay-akay niya ako. Dahil para bang nawalan nang lakas ang mga binti ko para humakbang.Inihatid niya ako sa may gate at pinasakay ng tricycle, nakasakay na ako, pero pinahinto ko sa may tulay ang tricycle. Pagkahinto ay agad akong pumunta sa may tulay. Dumungaw ako ay nakita ko ang tubig."Kung balak mong magpakamatay, wag d'yan," sabi ng isang malamig na boses.Nilingon ko ito. "Hindi ako magpapakamatay!" asik ko dito."Kung ganun, ano ang gagawin mo?" tanong nito sa akin."None of your business," sambit ko."Okay, pero kung may mangyari sa iyo. Konsensya ko pa."Hinarap ko ito. "Pwede ba, umalis ka na lang. Gusto kong mag-isa!" sigaw ko dito.Inilagay nito sa bulsa ang mga kamay at tinitigan ako nang seryoso. Ngayon ko lang natitigan nang maigi ang mukha nito. He had a thin lips, matangos na ilong at grayish eyes."Are you done, checking me?" tanong nito sa akin. Ngumisi ito. Inirapan ko ito."Umalis ka na lang." Taboy ko dito."Okay, pero kung tatapusin mo ang buhay mo, ay wala na akong paki. Pag-isipan mo ang buhay na meron ka. Kung sino ang mga nag-mamahal sa iyo. Ang mga tao na nasa paligid mo," sabi nito.Bigla ay sumagi sa isipan ko ang nakangiting si Mera, si papa at ang mga tao na nasa paligid ko.Umalis na ang lalaki. Hindi ko man lang nakuha ang pangalan nito.'Magkikita pa kaya tayong muli? Mukhang malabo na,' ngiting sambit ko sa aking isipan. Nilingon ko ang tulay, tapos ay umatras ako. Pumara ako ng tricycle at nagpahatid sa bahay namin. Gusto kong malaman ang totoo kay papa. Gusto kong malaman mismo sa kanya ang lahat."Mateo, ano itong ginawa mo!" sigaw ni mama.
Rinig ko ang boses ni mama mula sa loob ng bahay namin. Gusto ko mang pumasok ay baka magalit ito nang tuluyan sa akin."Bakit ka nangutang? Dahil ba sa ampon mo?" tanong ni mama, kay papa.Yumuko na lang ako. Dahil sobrang sakit ang sinabi ni mama."Hindi, Delyn. Naitalo ko sa sugal ang pera na inutang ko."May bisyo kasi ang papa ko. Mahilig itong nagsugal nang magsugal. Para bang hindi ito nanghihinayang sa pera na pinapatalo nito isang casino."Puro ka kasi sugal. Ngayon, sisinggil na tayo. Kung hindi tayo magbabayad ang anak nating ang kukunin nila. Hindi ko kaya na mawala si Eliza, Mateo. Kaya si Kara na lang ang ibigay mo," sabi ni mama kay papa.Pumasok ako ng wala sa oras. "Bakit ako?" tanong ko sa kanila.Sabay silang napatingin sa akin. "Bakit hindi? Ampon ka lang naman. Ayaw kong ibigay ang anak ko. Kaya ikaw na lang," sabi nito sa akin."Hindi ako laruan para ipamigay ninyo kung kailan ninyo gusto. Tao ako, tao!" sigaw ko.Hindi ko mapigilan ang lumuha. Nilapitan niya ako at hinawakan ang pisngi ko nang mahigpit."Delyn!" sigaw ni papa. Pero 'di nagpaawat si mama."Oo, tao ka nga. Pero ampon ka lang, sampid ka lang sa pamamahay na ito!" sigaw nito sa akin. Galit niya akong tinignan. "Kaya sa ayaw at sa gusto mo, ikaw ang ipambabayad namin sa utang namin," madiin na sambit ni Mama Delyn.Nang bitawan niya ako ay agad akong umakyat sa kwarto ko at umiiyak nang umiyak sa kama ko. Hindi ko alam kong ano ang naging kasalanan ko at pinarusahan ako nang ganito. Sana pala ay nagpakamatay na lang ako kanina.PUMASOK ako sa school na para bang wala sa sarili. Akala ko kinabukasan ay magiging okay na ako. Pero hindi pa pala."Best!" sigaw ng kaibigan ko. Nagulat ako sa sigaw nito. "Ano ba ang nangyayari sa iyo? Are you okay?" tanong nito sa akin."Best, paano kung malaman mo na ipambabayad ka ng utang ng parents mo? Ano ang gagawin mo?" tanong ko sa kanya.Kumunot ang noo nito. Tapos ay sumandal ito sa upuan na katapat ko."Siguro, aalis ako, maglalayas or much better magpapakamatay ako," sambit nito. "Teka nga muna. Ano na naman ang ginawa ng magaling mong ina-inahan?" tanong nito. May bakas na galit sa boses nito.Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Akala ko wala nang luha na lalabas sa aking mga mata. Bigla ay napalitan nang pag-alala ang mukha nito. Tumayo ito at nilapitan ako, niyakap.Humikbi ako. "Hindi ko na alam ang gagawin ko best. 'Di ko naman pwedeng iwan si papa. Naging mabait din naman siya sa akin kahit papaano," sabi ko sa kanya. "Gusto kong umalis sa bahay na iyo
MABUTI na lang at pumayag si Grand na makapag-aral ako at matapos ako sa pag-aaral ko. Pero sa isang kundisyon, iyon ay 'di na ako. Makikipagkita sa pamilya ko.Mahal ko ang kinikilala kong pamilya. Pero kung buhay din naman nila ang kapalit ay handa akong magsakripisyo para sa kanila.."Salamat sa paghatid, Grand," nakangiti kong paalam dito.Hindi muna ako pumasok sa loob ng campus. Pumihit ako papasok sa gate ng campus, pero sobrang gulat ko at napahawak ako sa aking dibdib."Aatakihin ako sa iyo, best!" angil ko dito.Tumaas ang kilay nito. "Sino iyong naghatid sa iyo?" tanong nito sa akin."Grand Acosta," nakangiti kong sabi dito."The who?""Grand Acosta. Ipapaliwnag ko sa iyo mamaya," tanging nasabi ko na lang dito.IPINALIWANAG ko ang lahat kay Mera, nagulat ito sa sinabi ko."Ang sama talaga ang foster mother mo. Wala siyang kasing sama. Buti naman ay hindi ka sinaktan," pag-aalalang sambit nito.Ngumiti ako nang wala sa oras. "Ang bait niya, pero kahit na mabait siya, wala a
UNTIL now ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang halik na pinagsaluhan namin. Isang linggo na din mula nang may mangyari sa amin at hindi na naulit pa.At ayaw ko din ulitin iyon. Nagkamali ako na agad akong bumigay sa lalaking iyon. Hinawakan ko ang labi ko, tapos ay kagat labi akong napatingin sa kawalan."Hoy! Best, anong nangyayari sa iyo? Para kang nanuno sa punso," malakas na sambit ni Mera."Wala, may naisip lang ako." Palusot ko dito.Hindi pwedeng malaman ni Mera ang nangyayari sa akin sa mansion. Baka atakehin ito sa puso."Ano ang status niyo ng Grand mo?" nakangisi nitong sambit.Napalingon ako dito nang wala sa oras. "Alam mo, Mera. Tumahimik ka na lang. Wala akong gusto kay Grand. He is like a brother to me. Ni katiting wala akong gusto sa kanya." Napatigil ako sa pagsasalita.'Pero kay Brandon? Kakaiba ang nararamdaman ko para sa kanya. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Am I in love with that man?' ani ko sa aking isipan.Umiling ako. "Hindi pwede," sambit ko sabay tayo. N
"Ahhh! Ahhh!" ungol ni Eliza. Habang nakahiga ito sa isang mesa at nasa ibabaw nito si Daniel.Akala siguro nito at hindi ko malalaman ang plano nito. Walang sino man ang makakapagpaalis kay Kara sa mansion ko. Nasa swevil chair ako ngayon. Umupo at naninigarilyo.Alam ko na pagod na itong si Eliza, dahil kanina pa ito pinagpapalitan ng mga kasama ko. Alam ko din na hindi na virgin ang babaeng ito. Akala niya siguro ay makukuha nito ang gusto nito."Tama na please. Masakit na," umiiyak nitong daing.Tumayo ako, nilapitan ko ito. Habang nasa likuran na nito si Daniel.Hinawakan ko ang buhok nito."Next time na sasaktan mo si Kara. Hindi lang ito ang makukuha mo. Kahit na sino, walang pwedeng manakit kay Kara. Ako lang ang mananakit sa kanya," madiin kong sambit sa babae."Lubayan n'yo na iyan. Itapon iyan sa labas ng bahay nila," utos ko sa mga tauhan ko."Wala kang puso. Akala ko pa naman mabait ka. Hindi pala!" sigaw nito sa akin.Ngumisi ako. "I am kind. Pero sa mga tao na karapat-d
NASA labas ako nang dati kong bahay. Gusto kong lumabas para makiramay sa nakagisnan kong pamilya."Puntahan mo na."Hindi ako natinag sa kinauupuan ako. Nilingon ko siya."Paano kung ipagtabuyan nila ako?" tanong ko sa kanya."Kung mangyayari iyon, aalis ka nang matiwasay at 'di na babalik sa pamamahay na ito."Tumango ako, tapos ay lumabas ng kotse nito. Nilingon ko pa siyang muli, bago ako pumasok sa loob ng bahay. Hindi naman marami ang nakikiramay. Agad kong nakita ang kabaong ni Eliza, nasa sala ng bahay namin. Kahit na hindi kami magkasundo ni Eliza ay itinuring ko siyang kapatid ko.Nasa harapan na ako nang kabaong ni Eliza. Nakatingin ako ngayon sa kanya. Nagbigay ako nang taimtim na panalangin, para sa ikakatahimik ng kaluluwa nito."What are you doing here? Umalis ka na, bago pa kita kaladkalarin. Hindi gusto ng anak ko na nandito ka," madiin at may bahid ng galit sa boses nito."Gusto ko lang makiramay 'ma.""Don't call me, that name. Nakakarindi. Hindi ka parte ng pamilya
UMUWI kami nang gabing iyon na tila wala ako sa sarili. Dahil sa ginawa namin sa CR ng hotel na iyon. Naulit pa ang pag-angkin nito sa akin sa kwarto ng hotel.Kinukuskos ko ang sarili ko. Nagiging marupok na naman ako. Dapat ko na talaga siyang iwasan. Dapat ko na siyang layuan. Hindi pwede na ipilit ko ang nararamdaman ko sa kanya. Dahil baka ako lang din ang masaktan.Lumabas na ako ng banyo at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Brandon na nakaupo sa kama ko. I know he is Brandon. Dahil ang paraan nang pagtitig nito sa akin ay kasamang pagnanasa. Habang si Grand ay hindi. Purong kaibigan lang talaga. Walang pagnanasa sa mga mata nito.Nakakatitig lamang ito sa akin. Habang ako ay panay ang lunok at hinawakan nang mahigpit ang tuwalya na nakapulupot sa aking katawan."What are you doin' here?" tanong ko sa kanya. Pero nanatili ang titig nito sa akin."Visiting my fianceé," walang emosyong nitong sambit."I am not your fianceé, so stop that crap!" madiin kong sambit.Tumayo ito.
KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Ako na nagluto ng ulam sa bahay namin. Since tulog pa sila papa at Mama Delyn ay ako muna ang gumagalaw sa kusina.Hindi maalis ang ngiti sa aking labi. Dahil lang sa nangyari kagabi. First time iyong isinayaw ako ni Alexander. Hindi ko makakalimutan ang gabing iyon.Pagkatapos kong magluto at umakyat na ako sa kwarto ko para maligo, pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako. Para bumaba at kumain na. Maaga pa naman baka maglalakad lang ako mamaya. Nauna na akong kumain kina papa. Dahil alam ko na mamaya pa ang gising ng mga iyon.Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko ang pinagkainan ko, tapos ay pumunta ako sa sala para kunin ang bag ko na nasa sofa. Lumabas na ako ng bahay. Hindi ko na inaantay si Eliza, dahil mamaya pa iyon magigising. Ayaw din naman niya akong makasabay. Naglalakad ako, nang mapansin ko na para bang may sumusunod sa akin. Hindi ko iyon pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Isang bosena ng sasakyan ang nagpahinto sa aki
KINABUKASAN ay para bang ayaw kong bumangon sa kama. Dahil ayaw kong makita ang lalaking una kong minahal pero sinaktan lang ako. Pero wala akong magagawa, dahil nasa isang paaralan kami..Bumangon na ako at ginawa ang nakasanayan kong gawain. Nagluto ako ng almusal, pagkatapos kong magluto ay umakyat ulit ako at naligo. Bumaba ako para kumain at nagtungo na sa paaralan.Naglalakad ako papalabasa ng subdivision nang maramdaman ko muli na para bang may tumitingi sa akin. Napalingon ako sa kanang bahagi ko, nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa beranda ng bahay na iyon. Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko sa kanya. Nakatitig ito sa akin, pero agad akong umiwas ng tingin at naglakad nang mabilis.Nakarating ako sa labas ng gate. Tinanong ko si Manong Berting kung sino ang nakabili ng bahay na iyon. Ayon dito ay Acosta daw ang apelyido ng nakabili sa bahay na iyon. Agad akong nagpaalam kay Manong Berting para pumasok na sa paaralan. Pero hindi pa ako nakakalayo ay may bumusina m