“Sigurado ka po bang hindi mo na hihintayin si mommy?” tanong ng kanyang kapatid sa hindi niya mabilang na pagkakataon.Tipid siyang ngumiti rito at humugot ng malalim na hininga. “Hindi na, Eli. I have a lot of things to do. May mga plates pa akong kailangang gawin at kailangan ko nang umalis.”Ngumuso ang kanyang kapatid. Hindi niya na lang pinansin ang pagdadrama nito at nilapitan na lang niya. Binalot niya ito sa mahigpit na yakap. And did she ever forget to mention that her brother is taller than her?Yes, mas matangkad is Elijah sa kanya at hanggang leeg lang siya nito. He’s that tall. Na sa lahi naman nila ang pagiging matangkad kaya hindi na siya magtataka kung isang araw, mas matangkad na sa kanya ang kanyang dalawang lalaking chikiting.“But can I take you home?” sambit nito. “Ako na maghahatid sa ‘yo pauwi.”Agad siyang umiling. “Hindi na. Kaya ko na ang sarili ko. May dadaanan din ako bago ako umuwi. Walang magbabantay kay Lolo.”Umirap lang ang kapatid sa kanya ngunit hin
Hindi alam ni Emory kung ano ang kanyang sasabihin. Nangangapa siya ng sasabihin dahil pareho silang dalawa ni Beau na walang imik. It was awkward. She doesn’t know how o freaking start the conversation. And besides, nag-aalala rin siya sa mga anak niya. Alam niyang ilang saglit lang ay tatawag na ang mga ito at magtatanong kung bakit hindi pa siya nakakauwi.She took a very deep breath. What’s the purpose of this meeting kung hindi rin naman pala sila mag-uusap? Business is business. She has to finish this project as soon as she can because she wanted to leave this place.Oo, may karapatan si Beau na malaman na mayroon silang anak. But she’s still not ready of how her triplets would react. Lalong-lalo na si Gem na panay ‘I want Daddy to come home’ ang bukambibig. At gaya ng sabi niya, hindi niya sinisiraan si Beau sa mga mata at isip ng bata. Ayaw niyang magtanim ng galit ang mga bata sa kanilang ama when in the first place, siya naman ang naglayo sa mga ito.“Do you have some ideas
“Coffee or liquor?” tanong ng kanyang kaibigan nang lumapit ito sa kanya sa balkonahe.Nilingon niya ito at mahinang natawa. “I’ll take the liquor.”“Wrong. It’s coffee. I’m letting you guess, silly.” Mahina itong natawa at inabot sa kanya ang hawak nitong tasa.Emory shook her head and accepted the cup of coffee. She turned her head back to the night sky and took a very deep breath. Malalim na ang gabi at tapos na rin niyang patulugin ang tatlong makukulit niyang chikiting. May lalakarin siya bukas ngunit hindi siya makatulog kaya’t mukhang sa plane na lang yata siya babawi.Tumabi sa kanya ang kaibigang si Selim at sinamahan siyang tumulala sa kawalan. Hindi pa rin maalis sa kanyang isipan ang paraan ng pagtitig sa kanya ni Beau. Ang mga mata nito na para bang may nais sabihin ngunit ayaw lang nitong sambitin.“Hvorfor kan du ikke bare indrømme, at du er forelsket, og at du stadig er forelsket i din eksmand?” he asked; breaking the silence between them. [translation: Why can't you j
She put on her sunglasses as she roamed her eyes all over the place. Accurate ang binigay nito sa kanya kagabi na mapa. Malawak ang espasyo at maganda ito para tayuan ng infrastructure. May mga kalapit din na commercial buildings, ten minute drive from here.Kinuha niya ang kanyang drone at sinet-up ito. Sobrang sakit ng init ngunit kitang-kita ni Emory ang maitim na mga ulap mula sa di kalayuan. Mariin niyang kinagat ang ibabang labi at minadali na ang pag-set up sa kanyang drone.And when she’s finally done, she took five steps backwards without even looking back. Ganoon na lang ang gulat niya nang may mabangga siya sa kanyang likuran. Mabilis naman ang mga braso nitong sinalo siya bago pa man siya mawalan ng balance.“Careful,” he whispered and that gave her butterflies in her stomach.Wala sa sarili siyang napalunok at tumuwid nang tayo. Nilingon niya ito at hilaw na napangiti. “Sorry, Mr. Khaleesi.”Tipid itong tumango sa kanya kaya binaling na niya ang atensyon sa drone. Dahan-d
She’s looking at the pouring rain outside the window. Parang wala nang balak tumigil ang ulan sa lakas ng buhos nito. Maitim ang kalangitan na kanina lang ay kulay asul. At sa kasamaang palad, apektado ng ulan ang signal kaya naman hindi niya magawang tawagan si Selim o ang i-chat ito sa social media account niya. Alam niyang nag-aalala na ito.Napatingin siya kay Beau nang maramdama niyang binabalutan na nito ang kanyang mga sugat. It’s very surprising to know that Beau knew how to clean a wound. Expert na expert kung gumalaw ang mga kamay nito na para bang sanay na ito sa kanyang ginagawa.This is very awkward. Na sa isang silid silang dalawa. Not as wife and husband, but as employer and employee. Hindi niya tuloy maiwasang mapalunok nang wala sa sarili at mag-iwas ng tingin dito.“Where have you been?” biglang tanong nito nang matapos siya nitong balutan ng bandage.She looked at him. “What do you mean where I have been?”Umiwas ito ng tingin sa kanya at tumayo na. “Rest. I’ll wake
Hindi na mabilang si Emory kung pang-ilang shot na ang kanyang nainom. Basta ang alam niya ay hatinggabi na at kanina pa nag-ri-ring ang kanyang phone. But who cares, right? Wala nang sisita sa kanya kung bakit hatinggabi na at hindi pa rin siya umuuwi. Wala nang tatawag sa kanya o susundo sa kanya kahit lasing na lasing na siya.“Of course, I promise.”“The only woman I want to marry is you, Emory.”“I love you for the rest of my life.”“Ikaw lang ang babaeng nakikita kong ihaharap ko sa altar.”Reminiscing those memories makes her want to cry so hard. How can he be such a liar? How can he say those words without even flinching? How can he act like he was telling the truth?!“M-ma’am, lasing na po kayo─”“Ano ba kasi ang rason para magpunta rito?” pagpuputol niya sa bartender na kanina pa siya pinapakialaman. “Alam mo, kayong mga lalaki, ang galing niyo sa larangan ng panloloko!”Mukhang nagulat ito sa kanyang pang-aakusa ngunit hinayaan lang siya nitong magsalita. Muling tinunga ni
Chapter 01Naalimpungatan si Emory nang maramdaman niyang may kung anong mabigat ang dumagan sa kanyang tiyan. She wanted to open her eyes but she’s too sleepy to do that. Hilong-hilo pa rin siya at kapag nagising siya, alam niyang masusuka lamang siya.She turned around and hugged her pillow tighter. Mainit ito at medyo matigas. Ang katigasan nito ang nagdadala ng comfort sa kanya at pakiramdam niya ay gusto na niyang manatili sa ganitong pwesto.But when she felt something fanning against her neck, she stilled. Wala sa sariling naidilat ni Emory ang mga mata at ganoon na lang ang pag-awang ng kanyang labi nang bumungad sa kanya ang mukha ng isang napakagwapong nilalang.And just like that, memories started flashing inside her head from what happened last night. Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib at pakiramdam ni Emory ay sasabog na ito. Sasabog na sa matinding kahihiyan!Sinubukan niyang bumangon ngunit nakayakap ang makisig nitong braso sa kanyang tiyan dahilan para muli siyang ma
Chapter 02“Saan ka ba kasi nagpupunta kahapon?” tanong ng kapatid sa kanya.Inismiran niya lang ito at bumaling sa counter. Ngumiti sa kanya ang cashier at nilapag sa counter ang kanyang susuotin na damit para sa kasal ng taong nag-iingay sa kanyang tabi. Buong akala niya nga ay nagbago na ito, e. Maingay pa rin pala.“None of your business,” he replied. “Let’s go.”Matapos niyang makuha ang damit ay agad siyang naglakad paalis ng boutique. Ramdam ni Beaumont ang mga matang nakatingin sa kanyang habang sila ay naglalakad ng kanyang kapatid. And he’s already used to it.Pagdating nila sa parking lot ay pumasok na siya sa loob ng kanyang sasakyan at nilagay ang box sa backseat. Binuksan naman ni Brille ang pinto sa tabi ng passenger’s seat at doon na umupo. He fastened the seatbelt and started the engine of his car.“Nakausap mo na ba si Lolo?” tanong ng kapatid.Umiling siya. “Haven’t. He was sleeping when I visited him yesterday.”Tumango lang ito at sumandal na sa backrest, habang s