Share

This is Godforsakenness!

NAUNA akong bumalik sa function hall after ng secret meeting namin ni Zach. I got a wide and proud grin on my face as I made my way to table nine. Hindi maalis sa isipan ko kung paano nagmakaawa sa akin si Zach habang nagtataas baba ang kamay ko sa pagkalalaki niya. I can still feel his kisses and touch and I can still hear his groans and moans.

Ako lang ang kayang bumaliw nang gano'n sa isang Zachary Wolf Valderama. A thirty-seven-year-old business magnate is under the spell of a nineteen-year-old college student— that's quite a headline.

Nang marating ko ang table nine, nando'n na sila Venice at Xienna. Meanwhile, the late comer Coralyn Paul Valderama wasn't still there. Xienna Margaux Lorenzo, a BS Tourism student and the Mayor's daughter wear a very elegant yet sexy gown— with silver sequence and long slit on the side. Venice Emerald Cordova, BS Chemical Engineering student, is wearing a green knee-length halter cocktail dress with sparkling crystals all over it. Green is her color kasi pinaninindigan niya ang secong name niyang Emerald.

Nakipagbeso sila sa akin nang makalapit ako 'tapos ay walang katapusan na k'wento tungkol sa mga napansin nila sa venue at sa mga taong dumalo sa birthday party na 'to. May pagkalaitera kasi ang mga 'to kaya hindi na nakakapagtakang napansin nila lahat ng kapintasan.

"Pero infairness, ang yaman talaga ng mga Valderama para mag-imbita ng ganito karaming tao," Venice said as she sips on her champagne.

Sang-ayon ako sa sinabi niya. Sobrang daming imbitado para sa okasyong ito. Mukhang talagang ini-impress ni Zach ang mga magulang ni Joven para na rin wala nang maging balakid sa business venture nila.

Zach will marry Joven because of her family's wealth. Hindi arrange marriage ang mayro'n sila pero iyon ang rason kung bakit nagpakita ng motibo si Zach sa unica hija ng Corvel Corporations, niligawan ito, at pinaibig. According to Zach, Joven is a single parent to her son na kasing edad lang namin nila Cora. Dahil mayaman ang pamilya ni Joven, hindi sinang-ayunan ng mga ito ang kung anong mayro'n sila ng tatay ng anak niya kaya siya lang ang nagpalaki sa bata. Joven's life was pretty dramatic. At mas nagiging madrama iyon habang umuusad ang mga araw at wala siyang kaalam-alam sa mga ginagawa ni Zach sa likod niya.

"By the way, Ava, nakapagpasa ka na ba ng permission letter sa microbiology lab? Nakalimutan ko iyong sa 'kin."

Natigilan ako sa tanong ni Venice pero pagkaraan ay ngumiti ako. "Oo. Tulad mo pa ako sa 'yo. Alam mo namang paunahan ang sched sa lab na iyon."

Natawa naman si Xienna nang sumimangot si Venice at parang inutangan ng limang milyon.

"Hay nako, Ven. Si Sissy Ava pa ang tinanong mo about school requirements. You know she's always ahead 'di ba. Iniisip mo pa lang, for sure nagawa niya na." Natawa ako sa sinabi ni Xienna.

I'm an over achiever in school. I always aim for the highest score or grade. I always pass my requirements in the earliest time possible. I'm an A plus student and I plan to keep it that way— since Dean's lister ako at running for summa.

I took one bite of the Cordon Bleu on my plate before I shake my head at Venice who's obviously starting to overthink about school while we're in the middle of a grand party.

"Alam mo, para sa isang Chem Eng student, I can still believe how you survive, Ven. Sobrang happy-go-lucky mo, Sissy. Gising, huy! Third year ka na, mas magiging mahirap ang lahat."

Venice pout because of what I said. Xienna laughed at her.

"Buti na lang talaga, walang lab lab na iyan sa Tourism. Good luck sa inyo future Chemical Engineers!"

Nagkatawanan kaming tatlo dahil sa sinabi ni Xienna. For a Mayor's daughter, Xienna is quite bubbly and humble— never did she ever rub to our faces that's she's a politician's daughter and never did she act like she's superior of us. Gano'n din si Cora. Pareho silang humble at mabait kaya nakasundo ko sila. Kami naman ni Venice, pareho kaming galing sa middle class na pamilya— we got no surnames to brag.

"Pero nakakaloka si Coralyn. Diyos ko. Sa bahay niya na nga ang venue pero late pa rin siya," bulalas ni Venice na ikinatawa naming dalawa ni Xienna.

"Malay mo naman kasi may grand entrance and Valderama family— kasi 'di ba, kumpleto na ulit sila— may nanay na at kapatid si Cora," Xienna said.

Napako naman ang ngiti ko dahil do'n. A family— nanay si Joven. Hindi ko alam pero hindi maganda sa pandinig ko na si Joven ang kukumpleto sa pamilya ni Zach. Ako dapat iyon kasi sabi niya mas mahal niya ako kaysa kay Joven.

"Okay ka lang, Sissy?"

Napatingin ako kay Xienna na halatang nag-aalala. Sinundan ko ang tinitingnan niya— it's the fork that I am holding. Pira-piraso na ang asparagus sa plato ko.

"Kawawa iyong asparagus, Sissy. Galit yarn?" Venice joked trying to lighten the mood.

Mas una kong nakilala sila Ven at Xienna kaysa kay Cora— they were my senior high school buddies. Kaya mas kilala nila ako at mas alam nila ang timpla ko. Si Cora na-meet na namin siya no'ng second year na kaming tatlo habang siya freshman no'n.

I forced a smile trying to hide the pang of jealousy inside me. Kapag hinayaan kong lamunin ako ng selos, baka kung anong magawa ko.

I don't want to disappoint Zach.

"Okay lang ako. Napagtitripan ko lang iyong asparagus."

Tumango naman silang dalawa at nagpatuloy sa pagkukwentuhan. They both know me so well. They know better not to push me when I became like this— mas gusto kong sinasarili ang problema.

Tinuon ko na lang ang atensyon ko sa cellphone ko na kanina ko pa hawak dahil naghihintay ako ng text mula kay Zach. To my dismay, there's none. Mas nawala ako sa mood.

Nagpatuloy lang sila Venice at Xienna sa pagtikim sa mga nakahaing appetizers para sa mga bisita. There are also treats and chocolates available which made Xienna even happier— the girl is fond of sweets.

Ako naman ay pinapanood lang ang mga taong nagsasayaw na sa dance floor habang hinihintay na magsimula ang party. There are middle-aged couples dancing sweetly and there are friends of three and four grooving to their tempo. Isa lang ang malinaw sa akin ngayon— lahat ay nagkakasiyahan sa party na 'to habang ako kinakain ng selos at pagka-bitter.

Bakit ba kasi hindi man lang nag-text si Zach? I let him come earlier in the garden. He should at least be thankful to me for that.

Napanguso ako at napabuntong hininga. Anong oras ba magsisimula? Ang aga-agang pinapunta ang mga guests 'tapos ganito.

At parang narinig siguro ang reklamo ko sa utak ko dahil biglang nagbago ang musika— the melody became more lively and enthusiastic— perfect for birthday celebrations.

The noises subsided when the lights of the whole place became dim and a spotlight was seen on the perfectly decorated makeshift stage. Nakatayo ro'n ang isang lalaki na naka-black suit at masiglang bumati sa lahat ng bisita. "Good evening, ladies and gentlemen! I, personally thank everyone for choosing to spend their Saturday nights in celebrating the thirty second birthday of Miss Joven Zeya Corvel!"

Nagpalakpakan ang lahat. Kahit labag sa loob ko, nakisabay ako sa palakpakan ng madla. Simula na ng pakikipagplastikan ko— fake it 'til I make it— that's the motto of anyone who is in my situation; a mistress— a sinner.

"Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat, tatlong buwan mula ngayon ay magaganap naman ang pinakamalaking kasalan sa business world. Everyone will be cordially invited again!" the emcee said as if it's something to celebrate by everyone. Not really. Not me.

Itinaas ng emcee ang wine glass na hawak niya at inipit sa kili-kili ang hawak na mic bago kumuha ng tinidor. Pinatunog niya ito sa basong hawak niya. "Nagpa-practice lang para sa nalalapit na kasalang Valderama at Corvel," biro pa ng emcee na naging dahilan ng tawanan at palakpakan.

Ikinabusangot naman iyon ng mukha ko. "There's nothing funny," I snorted which made Ven and Xienna stopped from laughing.

"Anyway, the long wait is over. Let me introduce the important people for the birthday celebrant!"

Dalawang spotlight pa ang nagbukas. Tumutok ito sa kaliwa at kanang bahagi ng stage— mula ro'n ay sabay na lumabas sila Cora at ang soon-to-be stepbrother niya. Cora is wearing a turquoise princess cut gown and her hair is falling freely on her shoulders with curls at the end. Ang laki ng ngiti ni Cora nang magsalubong sila ng stepbrother niya sa gitna ng stage at kinuha nito ang kamay niya upang alalayan siya.

"Infairness, bagay sila Cora at stepbrother niya. Sayang, they'll be siblings according to the law," Venice stated.

Napaismid naman ako. Type ni Cora ang stepbrother niya bago pa man mauwi sa usapang kasal sila Zach at Joven. Nasabi niya sa akin iyon. Kaya hindi ko alam kung paano niya tatanggapin na malabong maging sila gaya ng gusto niyang mangyari. That will be incest according to the law.

"Please welcome, Miss Coralyn Paul Valderama and Mister Jacinth Paul Corvel!"

Napataas ang kilay ko sa second name nilang dalawa. I wasn't aware of that. Pretty peculiar, I must say.

"Up next is the man who surely makes the heart of the birthday celebrant so happy and so in love."

Mula sa nilabasan ni Cora nanggaling si Zach. Kahit nakita ko na siya kanina, hindi ko pa rin maiwasang matulala sa itsura niya. His age wasn't visible. Walang mag-aakala na nasa late forties na siya. The black tailore suit he's wearing hugged his well-built body. His sling jet black hair made him look rougher but still a gentleman. In short, nakakapanghina ng tuhod ang itsura niya.

"Mr. Zachary Wolf Valderama! Please give him a round of applause!"

Dumiretso si Zach sa kanang bahagi ng stage kung saan kanina lumabas ang stepson ni Joven. Mula ro'n ay lumabas si Joven na suot ang isang pulang mermaid cut tube gown. It was covered with white crystals and it was hugging Joven's curves. Natuod ako sa p'westo ko dahil halos magkapareho kami ng suot. Bukod sa kulay, ang pinagkaiba lang ay mas maganda ang fitting kay Joven— talagang isinukat at ginawa para sa kaniya.

A bitter smile spread on my lips. Aside from jealousy... I can feel the envy eating my whole system. I know my worth as a woman but I can't demand for that because I am the mistress.

"Let me introduce to all of you, the birthday celebrant, Miss Joven Zeya Corvel!"

My hands formed into fists under the table when Zach took Joven's hand. He kissed it before wrapping it around his arm. Sunod no'n ay hinatid niya si Joven sa gitna ng stage kung saan naghihintay ang close to three feet na cake niya.

"P'wede bang sabay-sabay nating awitan ng Happy Birthday si Miss Joven?"

Sabay-sabay na tumayo ang lahat at kinantahan si Joven. Ako naman ay nanatiling nakaupo at nakatingin lang kay Zach na malawak ang ngiti at katulad ng lahat ay masayang binabati si Joven. His arm was placed on the small of her back as he sings to her.

Sobrang sakit ng puso ko dahil sa nasasaksihan ko. Hindi ko maiwasang hilingin na sana ako ang nasa posisyon ni Joven. Sana kaya rin akong ipagmalaki ni Zach sa harap ng maraming tao katulad ng ginagawa niya ngayon.

Wala na akong naiintindihan sa mga nangyayari. Nakatuon lang ang atensyon ko kay Zach habang kinakain ako ng sakit, selos at inggit.

Nanlabo ang mga mata ko dahil sa luha. Hindi ko inaasahan ang mga sunod na nangyari. After Joven blew her birthday candles, Zach pulled her against him, and infront of everyone, he kissed her on the lips. It wasn't a quick kiss— it was passionate and sensual.

Pinalakpakan sila ng maraming tao habang ako ay nadurog ang puso.

Hindi ko na kaya. Martir ako sa relasyong pinasok ko. Alam kong ganito kasakit ang dadanasin ko no'ng sinimulan ko ito.

Pero tao pa rin ako. Minsan hindi kakayanin ang sakit kaya kailangang umiyak. Right now, I need a good cry or else I might do something crazy which may affect the secret relationship I have with Zach— baka mawala siya sa akin kapag napangunahan ako ng emosyon.

Walang paalam na umalis ako ng mesa naming magkakaibigan. Tinawag pa ako nila Venice pero hindi ko sila nilingon. Dahil kapag ginawa ko iyon, makikita nila ang mga luha ko.

Dumiretso ako sa banyo at kaagad na pumasok sa isa sa mga cubicle. There, I let myself cry. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha habang damang-dama ko ang sakit sa dibdib ko. Ang bigat-bigat. Hindi ako makahinga.

Tinakpan ko ang bibig ko upang walang makarinig sa sunod-sunod kong hikbi. Wala akong ibang nasa isip kung hindi ang hiling na sana ako na lang si Joven— para hindi ko kailangang makihati at maging kabit.

Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa mapagod na ako sa paghikbi at naubos na ang aking mga luha. Kahit paano gumaan na ang pakiramdam ko. Ganito lang naman ako palagi mula nang maging boyfriend ko si Zach— dumadating ako sa puntong sobrang masasaktan at mapapagod 'tapos iiyak ko ang lahat ng sakit at pagod. After that, I'm okay again. I'm back to being that nineteen year old lady who's head over heels to Zachary Valderama.

Sabi nila sobrang talino ko pero sigurado akong kapag nalaman nilang pinili kong maging kabit, pagtatawanan nila ang kabobohan kong ito. Being a mistress is both dumb and wrong. This is a sin.

But then again, I'm just in love.

I love Zach.

I love him enough for me to be a sinner.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status