Share

Chapter 3 - Plan gone wrong

Mahigpit na napakuyom ng kamao si Heilan sa galit nang pirmahan ni Margarette ang annulment paper.

Hindi man lang nagtanong kung bakit n'ya nagawan yun at basta na lang pumirma.

"I told you, she will seize the opportunity," singit ni Cindy sa malalim ng pag-iisip n'ya Hinawakan s'ya nito sa balikat sa malambing na paraan. "For sure ang irarason n'ya, para makuha ang simpatya ng lahat is, she was betrayed by you. Hindi ka n'ya mahal Heilan, kasi kung oo, nagmakaawa sana s'ya sa'yo para hindi mo s'ya iwan. Our plan works."

Ginalaw n'ya ang balikat para maalis ang kamay nito at dumistansya. "You've done your part, you can leave now."

Napabuntunghininga itong sinundan s'ya nang tingin na umupo sa upuan n'ya. "So ganun na lang? After using me palayasin ako?"

"You suggested me to do this and it works so I think thank you but not thank you, kasi tuluyan kaming nasira imbis na naayos sana," bara n'ya rito.

Cindy scoffed. "Aren't you grateful? Kung hindi dahil sa ginawa mo hindi mo nalaman na willing pala s'ya makipaghiwalay sa'yo. Of course para makasama n'ya ang lalaking yun. What's the point of being mad—"

Pinalo n'ya ang counter top ng desk sabay tayo dahilan ng pagkagulat nito. "What's the point of being mad—I love Marga! Of course galit ako sa ginawa n'ya, she cheated on me, at mahirap tanggapin yun, ba't mahal ko pa rin s'ya. I hate to think na pumirma s'ya ng annulment agad-agad."

"Hindi mo kasi nakukuha ang punto ko, Heilan!" sigaw rin nito. Dinuro pa s'ya. "Alam ko nasasaktan ka naintindihan kita. Pero kailangan mong tanggapin na hindi lang ikaw ang lalaki sa buhay n'ya. And baka nga mas mahal pa n'ya yung isa kesa sa'yo! Inuulit ko, Heilan Branson, kung hindi mo ginawa to hindi mo nakikita ang totoo!"

"Oo nga that's why you can leave na diba?!" singhal n'ya. "Nasasaktan ako at gusto kong iwan mo ako dito," nagtatagis ngipin n'yang dugtong.

Nanahimik ito habang sinasamaan n'ya ng tingin. Namumula ang pisngi nito sa galit pero walang choice kundi nagdabog palabas ng pintuan.

Padabog din s'yang umupo na napaigting ng panga at inis na hinila ang drawer. Kinuha n'ya ang brown envelope dun na report ng isa sa mga tao n'ya. Kinuha n'ya ang litrato sa loob ng brown envelope at muling tinitigan.

Kumukulo ang dugo n'ya sa matinding selos habang tinitigan ang litrato ng asawa n'yang masayang kasama ang ibang lalaki.

Hinahawi ng lalaking iyon ang buhok ng asawa n'ya at talagang nakangiti pa ang mga ito sa isa't isa. Sunod na picture na nakuha n'ya ay ang kumakain ang dalawa sa restaurant.

"Why are you doing this to me, Marga?" tanong n'ya sa sarili na tumulo na naman ang mga luha n'ya. "Ano ba ang kulang ko? Bakit mo ako pinaniwalang mahal ko ako?"

Napasubsob na lamang s'ya sa palad n'ya. Ikalawang pag kakataon itong sinaktan s'ya ng babae. Una si Cindy na pinagpalit s'ya sa career nito, pangalawa heto si Margarette, mas worse kasi niloko s'ya.

Ang tibay ng ebedensiya kasi may flash drive pa sa loob ng envelope na patunay na may relasyon nga ang dalawa. Napanood na n'ya yun at nakita nya mismo sa video na nilalagyan ng lalaki ng pagkain ang plato ng ng asawa n'ya at masayang-masaya pa ang dalawa.

Ganon din kasaya noon si Marga nang sila ang magkasamang kumain sa loob ng restaurant na yun.

Nagpunas s'ya ng luha at inis na kinuha ang pirmadong annulment nila at binalik ito sa loob ng brown envelope.

Padabog s'yang lumabas ng opisina para pumunta sa abogado. Itutuloy na lang n'ya to para matapos na. Mahal n'ya si Margarette pero ayaw n'ya ng ganito na may lokohan sa pagitan nila.

Alam n'ya na ang lalabas nito s'ya ang manloloko, pero syempre kahit na nakagawa ng mali ang asawa n'ya mas pipiliin na lang s'yang sya ang mababatikos imbis ito.

Pagkapasok n'ya sa loob ng sasakyan, bago n'ya ito paandarin tumunog ang phone n'ya. Dinukot n'ya ito at tiningnan ang tumawag. Pinsan n'yang si Dominic.

"Why?" sagot n'ya sa tawag.

"I got the information about sa lalaking kasama ng asawa mo. Pangalan, pagkatao, relationship," sabi nito sa kabilang linya.

"So sino s'ya?" tanong n'ya, gusto n'ya rin makilala kung sino ang lalaking yun.

"It's Maxwell Macaruis McKenna, a Trillionaire Tycoon, and most of his businesses are located in highly influential countries, including the United States, New York, and Singapore at meron s'yang twin brother, Alexander Declan McKenna."

Mas humigpit ang pagkuyom n'ya ng kamao. "No wonder why pinili n'ya ang lalaking yun kesa sa akin, dahil isa palang tycoon," nagtatagis ngipin n'yang sabi.

"Heilan, hindi s'ya boyfriend ng asawa mo or what intimate kind of relationship," sabi nito sa kabilang linya na ikinakunot ng noo n'ya.

"What?"

"Margarette Napag is their younger sister, Margarette Queenichel Napag McKenna."

"What?!" bulalas n'ya at halos napaangat ang pwet n'ya sa upuan.

Narinig n'ya ang mahinang tawa nito sa kabilang linya. "Lakas magbiro nitong asawa mo, nagawang itago ang tunay na pagkatao sa'yo. Angas, mas mayaman pala to sa'yo."

Napatigagal na lamang s'ya na napatitig sa unahan n'ya. Naalala n'ya ang linya ng babae, 'I have a lot of billions, kaya hindi ko kailangan ang bayad mo, Mr. Branson.'

"Wag ka na maging praning d'yan, solve na ang problema mo."

Napakurap na lamang s'ya. "Hindi solve ang problema ko. Lumala pa nga."

"Ha? Bakit ano ginawa mo?"

"Nagfile ako ng annulment at pumirma s'ya," pag-amin n'ya.

"Ay hala gagō. Bakit ka nag-file?"

Pero imbis na sagutin yun, binaba n'ya ang phone pinatay n'ya ang tawag at bagsak balikat na nakanganga lang. "Babe...sorry."

Napakurap s'ya, at mabilis na tinawagan ang asawa n'ya. Pero kahit anong tunog ng phone nito sa kabilang linya hindi ito sumasagot. "Shit! Pick up com'on babe."

Ilang beses s'yang tumawag pero wala pero hindi s'ya susuko. Kailangan n'yang suyuin ang asawa n'ya. Pinupukpok pa n'ya ang ulo n'ya at minura ang sarili n'ya, "Haist Heilan ang tanga mo! Bakit ang tanga mo?"

"Hello," sa wakas may tugon sa kabilang linya.

"Babe, I'm sorry hind ko alam na—"

"Hello, this is Dr. Olivia Garcia calling regarding the owner of this phone." Nagulat s'ya, bakit iba ang sumagot ng tawag n'ya at nagpakilala pang doctor?

"D-Doctor?"

"There has been an accident, and she have been admitted to Alvatar General Hospital. Maari ko bang malaman kung ano ang relasyon nila sa pasyente, sir?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status