Share

Chapter 5 - Searching for her

Lipad sa US kasama n'ya si Dominic Brason, pinsan n'ya sa ama, at maasahan n'ya sa lahat ng problema n'ya.

Sa loob ng eroplano na sinakyan nila, naka VIP sila at panay ang atupag nito sa laptop. S'ya naman, mugto ang mga mata sa iyak, pagsisisi na parang ikakalugmok na rin ng katawan n'ya.

"Ilang buwan mo ngang nakasama si Marga? Ay may isang taon na no?" tanong nito habang abala sa laptop.

"Bakit mo natanong?"

"Nagtataka lang ako, bakit hindi mo inalam talaga ang background n'ya?"

Pumikit s'ya para ibsan ang mugto ng mga mata n'ya. Napagod na rin kasi ang mga talukap n'ya dulot ng emotion. Sobrang mahal n'ya ang babae tapos nawala na lang sa kanya ng isang iglap dahil sa katangahan n'ya.

"Inalam ko, unang apply n'ya sa kompanya ko," sagot n'ya.

"And? Hindi mo alam ang pagiging McKenna n'ya?"

"Legit kasi lahat ng records n'ya, mag-isa lang s'ya, at walang ibang Margarette Napag sa file na nakuha ko maliban sa kanya. Margarette Napag na nag-iisang anak ni Maricar Napag, single mom. Patay na ang mommy n'ya at sinong mag aakala na isa s'yang McKenna?" rason naman n'ya.

Napatingin ito sa kanya. "Ibig sabihin, half sister nila Maxwell itong asawa mo. Okay I get it now. Half sister s'ya, at middle name lang n'ya ang Napag. Baga old identity n'ya ito, at mukhang ang pagiging McKenna n'ya huli lang n'ya nalaman kaya nag-exist ang ibang pangalan n'ya. Rason kung bakit naitago n'ya ng maayos ang tunay na s'ya dahil meron s'yang dalawang pagkatao. Margarette Napag and Margarette Queenichel Napag McKenna. Hindi mo nakilala ang Margarette Queenichel Napag McKenna kasi nakatutok ka sa pagiging Margarette Napag n'ya."

Saka lang din n'ya naintindihan ang lahat dahil sa sinabi nito. Pagdating nila sa US kumuha lang sila ng suit para may natuluyan sila. Mabuti na lang marami sa mga tao n'ya ang mapagkatiwalaan n'ya kaya may naipagiwanan s'ya sa kumpanya n'ya habang s'ya ay abala sa paghahabol sa asawa n'ya kung saan mang sulok ng US ito ngayon.

"Grabe, walang bakas ni Marga dito sa US," napabuntunghininga na sabi ni Dominic.

Nanlulumo na naman s'ya. "Pano kung wala pala s'ya dito?"

"Putek, tanong ko rin yan e," mahina nitong sabi.

"Hindi pa naman lahat ng hospital, napagtanungan natin," sabi naman n'ya.

"Tama, try pa natin yung mga private."

Gugol ulit ang oras nila sa pag-email sa lahat ng hospital na matutuklasan nila pero negatibo ang resulta. "Potangina, san. Tinatago talaga nila ang asawa mo sa'yo."

Nanubig na naman ang mga mata n'ya. "Hindi ako susuko."

"Bumalik na lang tayo sa Pilipinas, mahirap talaga hanapin ang nagtatago. Pero naniniwala ako san, babalik ang asawa mo. Magkikita kayo ulit lalo na kapag natuklasan n'ya kasal pa rin kayo."

"Kasal sa Margarette Napag n'ya at hindi Margarette Queenichel McKenna," pagklaro n'ya at natigilan ito.

"Ay oo nga, shet, pano kung makahanap s'ya ng iba?" mahinang tanong nito.

"Kaya nga hindi ako sususko kasi baka mahuli pa ang lahat. Mawala pa sa akin ang asawa ko."

Ngunit ginawa na nila ang lahat, walang Margarette Queenichel McKenna sa kahit saang hospital sa US. Nilapitan na rin nila ang mga kompanya ng McKenna at sinasabi lang ng mga ito wala si Margarette dun.

Bumalik sila sa Pilipinas at paulit-ulit na sumubok sa paghahanap. Lumipas ang isang taon, hindi parin mahanap si Margarette.

Sumuko na si Dominic pero s'ya tuloy pa rin sa pagwaldas ng pera para mahanap ang asawa n'ya o kung sino man sa mga McKenna.

Dahil sa kawalan ng presensiya ni Margarette kumuha s'ya ng ng unit para tirhan. Mas lalo s'yang nasasaktan kapag nasa mansion s'ya dahil mas naalala lang n'ya lalo ang asawa n'ya dun na masaya sila noon pero biglang nawala.

Kung meron man dapat na hindi n'ya matakasan yun ay ang opisina n'ya kung saan mas marami ang memories nila ng babae.

Lumipas pa ang limang taon marami nang nagbago, ang pagmamahal lang n'ya kay Margarette ang hindi. Nanatili sa puso lamang n'ya ang babae, na kahit ilang beses n'yang sinubukan na palitan ito hindi pa rin nangyari. Walang epekto, sinubukan n'yang ibalik ang pagmamahal n'ya kay Cindy noon pero hindi pa rin umubra.

Sa ngayon kasalukuyan n'yang girlfriend ang babae at pinipilit ang sarili n'yang mahalin ito pero laging malamig ang tugon n'ya, si Margarette pa rin talaga. Alam din ni Cindy ang sitwasyon n'ya at inintindi naman s'ya nito, dahil yun sa mahal s'ya ni Cindy.

Bagsak n'yang binaba ang ball point pen n'ya nang makita n'ya ang recent data ng Branson. "Hays bakit ganito? Binabaan na nga ang interest, mahina pa rin."

Kilala s'yang magaling sa negosyo pero sa ngayon nakikita na n'yang unti-unting nawawalan ng interes ang mga tao sa kompanya n'ya. "What's happening?!"

Binagsak n'ya ang kamao n'ya sa desk at saka nagtawag sa sekretarya n'ya. "Yes sir?" sagot naman nito sa kabilang linya.

"Mag-set ka ng general meeting for all directors and shareholders," utos n'ya.

"Right now sir?"

"Yes please."

Halos mabibiak ang ulo n'ya sa problema n'ya ngayon. Kapag mawalan ng investors ang kompanya n'ya babagsak ito, kailangan n'yang mag-isip ng solution.

Pagkalipas ng isa't kalahating oras nasa loob ng conference room, nasa harapan n'ya lahat ang shareholders and board of directors n'ya.

"Hinihintay talaga namin ang meeting na ito, Mr. Branson, unti-unti na tayong nauupos," komento ni Mr. Santiago sa kalagayan nila.

"May mali pa ba sa proposal natin? I mean, kulang ba ang pabor natin sa mga tao?" tanong n'ya. "Bakit unti-unti silang nawawala?"

Nagkatinginan ang lahat tila hindi rin alam ang isasagot.

"Dahil may bagong kompanya, na kumakalaban sa atin."

"Bagong kompanya?" takang tanong n'ya nang sumingit si Cindy, isa ring shareholder ng kumpanya.

"EL Greige," sagot nito. "Bagong kompanya, at may magandang proposal. 3% interest, kahit sinong tao talagang kakagat sa ganitong benifits."

Napanganga s'ya. "Wow."

"Wala tayong laban dito, masyadong mababa ang interes, paano uunlad ang kompanya natin kung halimbawa sasabayan natin ang benifits nila? Parang pumapabor ba 80% ito sa mga tao tapos ang sa kompanya—"

"Hindi natin papantayan on mas babaan pa ang mababang interest nila, babaguhin natin ang benifits pero hindi masyadong naka-focus sa interes," biglang sabi n'ya nang makaisip agad ng paraan.

"Mukhang nakaisip ka agad, Mr. Branson," natatawang puna ni Mrs. Baltiar.

"Of course. I was trained for this. Babaan din natin ang interest para sa kaunting sakripisyo pero magdagdag tayo ng benifits at babaan ang monthly payment, sa pamamagitan ng pagdagdag ng duration choices, and I think kailangan kong pag-isipan ang about sa lebaraging."

"Lebaraging?" sabay sabay na tanong ng mga ito.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status