"You're w-what?"Hindi ako makapaniwalang nakatingin kay Cleofa nang kumalas ako sa yakap. Umiiyak pa rin s'ya at marahang umiiling saakin. "Sorry... Sorry hindi ko sinunod 'yung sinabi mong h'wag akong tutulad sa mama ko... S-Sorry" "Cleofa..." Banggit ko ng pangalan n'ya at naawa s'yang tiningnan. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Makailang beses akong lumunok upang pigilan ang pagtulo noon. "Tulad lang din ako ni mama... Tama sila... Tama sila, magkatulad din kami... Disgrasyada rin ako..." Umiling ako at muli s'yang niyakap. Imbis na magalit o tanungin s'ya kung paano at anong nangyari ay mas pinili kong yakapin nalang s'ya at patahanin sa pag-iyak. "I love you..." I whispered. "Hindi kayo magkatulad ng mama mo, Cleofa... Kung nagkaroon kayo ng parehas na pagkakamali sa una, hindi pa rin kayo magkatulad dahil sinigurado akong magiging isang mabuti kang ina."She hugged me so tight. Bahagya akong nangiti at tuluyang nang naiyak. Hindi ko alam 'yung mararamdaman ko. Pinaghal
"Are you okay?" I asked, my gaze narrowed on Cleofa.Lumingon ito saakin t'yaka bahagyang nagpunas ng luha. "Ayos lang, may naalala lang." She then smiled at me.Ngumiti ako at hindi maiwasang ibaling ang tingin sa tinitingnan n'ya rin kanina. Naroon si Imperial sa sofa buhat-buhat ang baby ni Cleofa na tila ba aliw na aliw pa dito. Sa tabi ni Imperial ay naroon ang boyfriend n'yang si Jeremy. "Ang bilis ng panahon 'no? Parang kailan lang hindi ko pa alam kung paano aaminin sa kanilang buntis ako..." She chuckled.Muli ko s'yang nilingon nguni't ang mata n'ya ay nakatutok pa rin sa anak. I saw sadness in her eyes pero nangingibabaw pa rin ang kakaibang saya sa kanya. Maraming buwan ang lumipas. Sa bawat buwan na iyon madaming nagbago nguni't mas madami ang nanatili sa kung ano ito dati. Naalala ko pa kung paanong umamin si Cleofa kay Imperial na buntis s'ya noong araw din ng graduation namin. Noong isinama kasi ako ni Gideon sa celebration party nilang magkakaibigan ay sumama rin
"Cleofa?" Sandali akong natigilan sa pagbaba ko sa hagdan ng bahay namin nang makita ko ang kaibigan sa living room namin. She was silently sitting on our couch, but she looked a bit tense. Agad naman s'yang nakapag-angat ng tingin saakin. Ang kaninang halos mangunot n'yang noo ay tila napalitan ng pagkabalisa na s'yang ikinataka ko. "What are you doing here?" Tuluyan akong bumaba ng huling baitang ng hagdag bago marahang lumapit sa kanya. Tumayo naman s'ya agad at pinawi ang kaninang emosyong nakita ko. Pinalitan n'ya iyon ng ngiti sa labi."Ah... dumaan lang. Pupuntahan din kasi dapat kita...""Ha? Bakit?" Nagtataka ko pa ring tanong. Kinagat n'ya ang ibabang labi. "Ano... p'wede mo ba akong samahan?" Tila nag-aalinlangan n'yang sabi. Umawang naman ang labi ko at napatango. "Saan ba? May pupuntahan din ako ngayon pero p'wedeng mamaya na rin naman. Iyong sa 'yo muna." She shook her head. "Gano'n ba? Saan ka ba pupunta? Baka importante. Kaya ko namang mag-isa..." Bahagya akon
"This is Roxana Fabrejas. She will be one of the individual finalists. Sa competition last year, s'ya rin ang nakakuha ng gold medal. I'm sure she will be one of the greatest competitors of all the finalists tomorrow. " Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng pamumula ng pisngi sa sobrang dami ng papuring naririnig ko galing sa isang staff ng Rhythmic Gymnastics dito sa Pilipinas. Napatingin naman saakin ang head at sandaling pinasadahan ako ng tingin bago napangiti. "I recently heard things about you. Your tournament and competition feedback are all good." Malaking ngiti nito saakin. Bahagya akong tumungo at tuluyan na ring napangiti. "Thank you po." Tumango naman ito at bahagyang tumawa, tawang punong-puno ng saya. "Out of all the candidates here, I'm really rooting for your performance. Sana ay h'wag mo kaming bibiguin." Malakas ang tibok ng puso ko at sunod-sunod na napatango dito. Bahagya akong suminghap nang matapos ang pag-uusap namin hanggang tuluyan akong bumalik sa kung
"We still need to undergo some tests about his condition. Ang sabi n'yo ay wala naman s'yang asthma, but then it is possible. Nahirapan s'yang huminga at nawalan ng malay. It's either asthma or another type of heart complication." Parang unti-unting gumuguho ang mundo namin ng mga magulang ko habang pinapakinggan ang bawat katagang sinasabi saamin ng doktor tungkol sa kundisyon ng kapatid ko. Tumulo ang luha at hindi maiwasang hawakan ng mahigpit ang kamay ng kapatid kong hanggang ngayon ay nakaratay sa hospital bed at walang malay. Sunod-sunod na naman ang luha ko habang nakatingin dito. Hindi ko matanggap na matapos n'yang magkaroon ng prosopagnosia ay magkakaroon na naman s'ya ng panibagong sakit."Miro baby... Hold on for Ate... Please hold on for us. " I whispered to him, crying. Narinig ko ang hikbi ni mommy habang nakahilig kay daddy. "This is my fault. Kung sana mas naging maingat ako noon..." Sunod-sunod ang naging hikbi n'ya.Sabay naman kaming napailing ni daddy sa kan
I don't know how to absorb everything. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang lahat ng nalaman ko no'ng gabing iyon. Hindi maalis sa isipan ko kung paanong inaresto ang daddy ko, kung paano s'yang nasasaktang ngumiti saakin, at kung paanong sinabi ni mommy saakin ang kasalanang ginawa n'ya. "He's not a murderer, Rox! Your dad didn't do it on purpose! He just protected himself!" Napatay ni daddy iyong huling naging kliyente n'ya... Halos hindi ako makatulog kagabi sa kakaisip sa nangyari. Naupo ako sa madilim at sulok na bahagi ng k'warto ko at tahimik na umiiyak habang iniisip ang sunod-sunod na problemang dumating. I can't believe it. Kinikilabutan at natatakot ako sa tuwing maaalala ko ang sinabi ni mommy na nakagawa ng ganoong kasalanan si daddy. "I'm sorry Alisha. I'll make it up to you. I'm really sorry. I love you. You know that right?"Natigilan ako sa ginagawang paghakbang papunta sa gate ng school namin nang madaanan ko ang waiting sched malapit sa school ng marini
"Ate, are you c-crying?" I immediately wiped away my tears when I heard Miro's voice. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita kong gising na habang tiim na nakatingin saakin. Ang maamong mukha ng kapatid ko ay tila pumapawi sa sakit na nararamdaman ko kani-kanina lang."No, Miro... Ate is not crying." Pagsisinungaling ko pa sa kanya. Alam kong pilit n'yang akong inaaninag gamit ang mga mata n'ya kahit hindi niya naman kaya. Isang mapait na ngiti lang ang nailabas ko. I put my hand on his hand when he sat on his bed. "But I heard your sobs. Why are you crying? Did someone hurt you?" Mahina pa n'yang tanong. Marahan kong nakagat ang ibaba kong labi at pinigilang muling maiyak nang dahil sa sinabi n'ya. Everyone is hurting ate, Miro... They are hurting me... Gusto kong magsumbong sa kanya. Feeling ko ngayong wala akong mapuntahan at kapatid ko lang ang kakampi ko dahil kahit si Gideon ay hindi ko magawang lapitan dahil isa din s'ya sa dahilan kung bakit nasasaktan ako.Halos i
Trigger Warning: SuicideMy dad left just like that. Pakiramdam ko ng sandaling malaman ko ang tungkol sa nangyari sa kanya ay tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. Tuluyan na akong nawalan ng lakas na ipagpatuloy pa ang paghihilom ng puso ko. Iniwan na nila ako. Iniwan na ako ng pamilya kong nangakong sasamahan akong abutin ang pangarap ko. I hugged my knees as I hugged the darkness. I was alone while my wounded heart was constantly bleeding. No one was there to comfort me. I have no one left but myself. I saved myself from drowning as my heart shouted for help. The darkness started to give me a blanket while my tears and sobs started to give me constant comfort. Parang nung isang buwan lang ang ayos pa ng lahat. Parang noong isang buwan lang magkakasama pa kami sa isang hapag kainan...Tapos biglang isang araw tila binawi na ang sayang naranasan ko. Binawi silang lahat saakin. Gideon... I need you, baby... Kinagat ko ang ibabang labi ko at nanghihinang inabot ang cellphone k