***
Alex
6 months later...
"...meet me in pouring rain, kiss me on the sidewalk, take away the pain..." Listening to Taylor Swift's song while walking towards my classroom was my kind of scenario. 'Yong tipong wala kang poproblemahin kundi ang makinig lang sa paborito mong kanta. It's a beautiful day... walang nagbabantang ulan o bagyo. Just a plain sunny day.
"Yahhhhh!" Isang sigaw ang narinig ko pero hindi ko ito pinansin, hanggang sa may tumama sa ulo ko na kung ano. Hindi naman siya masyadong masakit pero tama lang para makuha ang atensiyon. Napahinto ako sa paglalakad at saka nilingon yung posibleng nambato sa akin. "Kanina pa ako tawag nang tawag sayo!" inis na sigaw ng isang babae na nakasuot ng uniform ng eskwelahang pinapasukan ko. It made me more irritated kasi nalaman kong bestfriend ko pala ang nambato sa akin.
I removed my earphones at saka pinatay ang music. "Kailangan talaga mambato? Eh kung ikaw kaya 'yong batuhin ko!" galit kong buwelta. Hindi naman talaga ako galit. Hindi ako nagagalit sa best friend ko. Hindi ko kasi natitiis. After all, she's all I'd got. Without her, baka kung saan-saan na ako napunta.
"Hmp!" irap niya at saka pinuntahan ang notebook na ibinato niya sa akin na nasa lupa na. Nilinis niya ito at saka isinali sa pile ng book at notebook na hawak-hawak niya.
"Ikaw pa ngayon ang may lakas na magalit, eh ikaw nga 'tong may kasalanan sa akin," depensa ko.
"Excuse me! Kasalanan ko bang bingi ka? Ba't kasi ang lakas-lakas ng volume kapag nage-earphone ka! Para akong tanga kanina kakatawag sa'yo. Pinagtitinginan na ako ng mga ibang estudyante!" rason niya habang dahan-dahan kaming naglakad papunta sa classroom namin. It's already 7:23 and our classes started at 7:30. That means, 7 minutes left bago ang first class. Luckily, 2 minutes na lang at mararating na namin ang classroom namin.
This was my third week of being here pero tila naninibago pa rin ako. I'm not a transferee dahil nakalagay sa records ko na I'd been studying here since first year, which hindi ko maalala. It's weird to think na hindi ko maalala ang freshman years ko. And the worse case was, pati second year memories ko ay wala din akong maalala. It seemed that I skipped the two years and got accelerated in third year. I tried to G****e this condition of mine at tanging lumilitaw lang sa results ay "Amnesia".
"Alex!" tawag sa akin ni Maica na nagbalik sa akin sa katinuan. I looked at her, standing on her desk na katabi sa desk ko. "It's time already! Papasok ka ba o tutunganga ka lang dyan?"
Agad akong pumasok nang mag-sink in sa utak ko na may klase pala ako. I moved my way towards my seat at saka umupo dito. Pagkaupo ko, ay sakto namang pumasok ang professor namin.
"Good morning, aspiring Medical Technologists!" bati sa amin ni Ms. Porte. She's my favorite professor dahil sa angking positivity niya. She always wore this smile na kayang kong titigan buong araw. Ms. Porte was in her 40s pero maganda pa rin siya.
Agad kaming tumayo at binati din siya. Ms. Porte started her discussion focusing on bacteria. As a MedTech Practitioner, kailangan naming malaman lahat ng klase ng bacteria for us to know what to do and what process to perform. As usual, Ms. Porte made our discussion a fun one. Hindi 'yong ibang subjects namin na ang boring. Makatulog ka nalang dahil sa kaboring-an.
***
Nandito kami ngayon sa canteen para mananghalian. I ordered my favorite ulam na adobong manok paired by a coca cola. Si Maica naman ay 'yong paborito niyang chicken curry na may kasamang royal. As we look for a table, may napapansin na naman akong titig ng mga estudyante at mga bulungan. Na tila pinag-uusapan ako.
Ano ba kasi ang problema nila?
I tried to ignore them. After all, I just didn't care kung ano man 'yong pinagsasabi nila tungkol sa akin.
"I can't believe how he did it, pero he deserve to be punished, or maybe expelled," bulalas ng isang babae na pansin kong nakatingin sa akin mula ulo hanggang paa. I could see in my peripheral view the way she was mocking me.
Anong "punished" na sinasabi niya? Did I do something wrong?
"Trisha! Baka marinig ka niya," pigil sa kanya ng kaibigan niya.
"I don't fucking care! Totoo naman ah. He's a murderer. He killed my brother!"
"Kill him, Alex! Kill him." Hindi ako makagalaw sa narinig ko.
"He's a murderer..."
Did I killed someone? Bakit di ko yan alam? Totoo ba? Mamamatay-tao ba ako?
"Hoy! G*go ka pala eh!" biglang bulyaw ni Maica na nagpatigil sa akin sa pag-iisip. "Kung wala kang magawa, 'wag kang mangbintang ng tao!"
"Sinong gago ang tinatawag mo? Me?! Excuse me, what I said is true. Yang kaibigan mo na yan ang pumatay kay Xander!" galit din na sigaw na sa tingin ko ay Trisha ang pangalan.
Sino si Xander? How could I kill him if I didn't even know him?
"You mean the bully? Kaya pala eh. Karma pala sa kanya 'yon!"
"Miss Cristavilla?!" Agad kaming napatingin sa pinangyarihan ng boses, lalo na si Maica. Nakita namin ang School Dean na nakatingin sa amin, and by the looks of her face, mukhang galit na galit siya. "In my office, now!" Napatingin ako kay Maica na nakayuko na.
Wait... ba't si Maica lang ang tinawag?
"Good luck...bitch!" nakangiting bilin ni Trisha at saka muling hinarap ang mga kaibigan niya.
"Let's go, Alex," paanyaya ni Maica. Malungkot kong sinunod si Maica habang iniiwasan ang mga titig ng mg estudyante. All of their glares shot dagger at us na kulang nalang ay mabutas kami.
Nakahinga ako nang maluwag nang makalabas kami sa canteen, pero hindi pa rin nawala sa akin ang pag-aalala para kay Maica.
"Mauna ka na sa room, Alex. Mukhang matatagalan ata ako."
"No, I'm coming with you. In fact, ako naman talaga ang puno't dulo ng lahat ng 'to."
"Huwag na nga. Hindi naman ikaw ang tinawag."
"Bestfriend code: We're all in this together," bitaw ko na siyang nagpangiti sa kanya.
"Sabi ko nga ba. Sige na. Tutal, hindi naman ako makakatanggi sa bestfriend code."
"Whaaatt?! Bakit siya lang ang suspended?! You should also suspend that Trisha girl na nagpasimuno nito!" galit kong reklamo habang nakatayo sa harap ng Dean. I knew na maaari rin akong ma-suspend sa ginagawa ko, but I didn't fucking care. Mas mabuti na nga 'yon para masamahan ko ang bestfriend ko. "My eyes never lies, Alex, neitherr my ears," mahinahong tugon ng Dean. "So 'yon lang? Dahil si Maica lang ang narinig at nakita mo siya agad ang kakasuhan mo?!" "Alex, tama na," mahinahong awat sakin ni Maica. "No, Maica. This is a total discrimination!" "Watch your mouth, Mr. Alex Rischon. If you keep this attitude infront of me, I have no choice but to suspend you," pagbabanta ng Dean. "So be it, because I can't stand this school anymore! Tara na, Maica." Agad na tumayo si Maica at saka lumapit sa akin. Mabilis naming tinungo ang pinto ng office at saka binuksan ito. Naunang lumabas si Maica at sumunod ako. Pero bago paman ako mak
***AlexThe sound of the hair dryer roared the room. It's 5:33 of Thursday morning. I'm still sleepy but I had to wake up kasi may klase pa kami na 7:30. It's always been my daily struggle in every morning. Minsan nga kapag tinamad talaga nang sobra, hindi na ako pumapasok. Para sa akin, hindi big deal ang pagliban ng isang araw. It's just one day! Ano bang pwedeng mangyari sa isang araw?Muli akong napatingin sa phone ko na hindi ko napansing kanina pa palang tumutugtog ng music ng paboritong kong kanta. Hindi ko siguro ito napansin dahil sa malakas na ingay na nilalabas ng dryer. I gazed at the time at nalaman kong magaalas-sais na ng umaga. It meant, may isang oras pa ako para makapaghanda at maglakad papuntang eskwelahan. After a few minutes of grooming, ay natapos din. I was about to wear my uniform when I realized something."Suspended nga pala ako!"Hindi ko na napigilan ang sarili ko na matawa. Binato ko ang uniform ko sa higaan at humiga
Nasa kwarto ako ngayon, nakahiga sa malambot kong kama habang nakapikit ang mga mata. Medyo sumasakit pa din ang ulo ko but unlike earlier, the pain was bearable. I wanted to sleep but I couldn't. Paano ba naman kasi, eh nakaupo sa gilid ko 'yong Sky na 'yon. Iniwan kasi siya ni lola para bantayan ako habang kinukuha niya 'yong gamot.Ano akala niya sa akin, bata?"You like to draw?" biglang tanong ni Sky sa malalim niyang boses. Ewan ko pero sa tuwing nagsasalita siya, mas sumasakit ang ulo ko. And I could feel the vibration of air coming from his mouth."Sometimes," maikli kong tugon."And how often is that sometimes?" Bakit parang feeling ko, iniinterogate ako. Ano bang pake niya? "Sorry. I'm just curious." Curious daw.Biglang natahimik ang buong kwarto at tanging naririnig ko lang ay ang mga sasakyan at mga kalapit na mga ingay."She's must be a nice friend."Sino? Si Maica? Wait...speaking of her..."A great friend," sago
***AlexHinihintay ko ngayon si Maica sa labas ng boarding house ko. Even after what happened to her ay may lakas ng loob pa rin siyang maglakad nang mag-isa. Ewan ko kung saan niya nakuha ang pagkamatapang niya. Speaking of her, nakikita ko na siya. She's walking towards my direction na may ngiti sa mukha, na para bang walang nangyari sa kanya kahapon. Agad siyang kumaway the moment na nakita niya ako. Tumakbo siya hanggang sa marating niya ang puwesto ko."Okay ka lang, Maica?" salubong na tanong ko, habang nakatingin sa nakangiti niyang mukha. She's so energetic today.."Bakit? Is there something wrong with me?" she asked, shifting his face into an agitation."Not...nothing. Napansin ko lang na sobrang saya mo," I answered and then Maica let out a smile. Tamang-tama rin na lumabas si Sky sa pinto at saka tinungo ang puwesto namin. As usual, he still wore this stoic face."Shall we?" paanyaya ni Maica at saka ako tumango. To be honest, wa
"Where are we going?" tanong ni Sky na kanina pa sunod nang sunod sa akin."Sundan mo lang ako." Pagkatapos ng ilang liko at ilang oras ng paglalakad ay narating nga namin ang lugar. It was an abandoned house. Ewan ko pero sa tuwing pumupunta ako dito ay napakagaan ng pakiramdam ko. It felt like, I'm home. "Welcome to my secret place. Well, it's not secret anymore.""Why here?" takang tanong niya na abala pa ring sinusuri ang kalagayan ng lugar"Well, sa totoo lang wala na akong maisip na pwede nating puntahan at tanging ito lang ang naisip ko.""Is this your-""No. I don't know who owned this place." Sky travel his gaze around the place na tila inaalam kung ano at sino ang nagmamay-ari nito. "Sorry, kung dito kita dinala.""It's actually relaxing. This place is so light. It's so calm in here." Mukhang hindi lang pala ako."Yeah. Kaya pumupunta ako dito to relax and calm my mind." I closed both of my eyes at saka dinamdam ang katahimi
***Alex"What do you mean by answer?" takang tanong ko kay Sky. Kahit kailan hindi ko naiintindihan ang lalaking to."Nevermind," tugon niya at saka pumasok sa bakanteng kwarto na binuksan ko. It's so narrow na napaka-awkward kapag na-stuck kaming dalawa dito. "Aren't you coming?" tanong niya sa akin. Nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa tanong niya. "Just get in," sabay hila niya sa akin papasok sa masikip na kwarto, na siyang ikinagulat ko. Buti nalang at nagawa kong balansehin ang katawan ko.Agad niyang binitawan ang kamay ko at saka ako nag-ayos ng damit ko. Akala ko 'yon lang ang kagagohan na gagawin niya pero nagkamali ako. I saw from the corner of my eyes na isasara niya ang pinto. From that moment muli ko na namang naramdaman 'yong naramdaman ko kanina."Please keep this a secret," hiling niya na mas ikinatakot ko. Anong binabalak niya? Bigla ko nalang naramdaman na nakatingin siya sa akin. I'm not sure pero parang nakatingin siya s
"Hoy! Ikaw?!" sigaw ng isang lalaki, na napag-alaman kong ang holdaper. Ang nakakagulat ay hindi ko namalayan na lumabas pala ako sa pinagtataguan ko. Kaya heto ako ngayon, kaharap ang kirminal. My body, once again, started to tremble for the second time, nang makita ko ang baril niya na nakatutok sa akin. Sa hindi malaman na dahilan ay biglang nalang nagsitaasan ang dalawa kong kamay, bilang tanda ng pagsuko ko."Pumunta ka dito nang dahan-dahan," utos nito. Kahit nanginginig sa takot ay agad akong naglakad nang dahan-dahan sa sinabing direksiyon ng lalaki. Nakatingin pa din ako sa baril niya na parang tinititigan din ako. Agad akong huminto nang marating ko ang lokasyon na tinutukoy ng lalaki. "Itapon mo dito ang wallet at cellphone mo!"Tumango bilang pagsang-ayon. Nagulat nalang ako nang hindi ko magalaw ang mga kamay ko.Tangina naman oh! Bakit 'di ko magalaw ang kamay ko?!"Hoy! Nakikinig ka ba! Sabi ko, itapon mo sa akin ang wallet at cellphone mo!
***Alex"CCTVs caught you along with the victim, may kinalaman ba kayo sa pagkawala niya?" tanong ng isang detective sa akin. Nasa loob kami ngayon ng interrogation room ng kalapit na police station. Maica was declared missing yesterday and me, and Sky, were the lead suspects. Naintindihan ko kung bakit kami naging lead suspects kasi kami 'yong huling nakasama niya. Pero naniniwala si Tita na wala kaming kasalanan. But still, we insisted to be part of the investigation, baka sakaling may makuha sila sa amin."Wala po. Pagkatapos po naming mananghalian ay nagpaalam po siya na umalis na para magpacheck-up.""Very well. Thank you for your cooperation, Mr. Rischon," pasalamat niya at saka nag-alok ng kamay. I received his handshake at saka niya ako pinalabas sa kwarto. Pagkalabas ko ay agad kong nakita si Sky na tahimik na nakatayo sa isang sulok. Nandito rin si Tita na pilit nagpalabas ng ngiti kahit sa kabila ng pinagdaanan niya."Salamat sa koopera