Share

Chapter 11

Tumawag nga si Nabrel pasado alas diyes na ng gabi. Iyon daw ang eksaktong labas niya mula sakaniyang trabaho. And I can't believe I really waited for him to call me. Ni hindi ako mapakali sa bawat minutong dumadaan. At nakakairita dahil napakatagal niyang tumawag. 

Naiintidihan ko naman na bawal ang cellphone sakanila at sumusunod lang siya sa rules. It's just that... naiinis talaga ako. What kind of management is that, right? Paano kung biglang may emergency sa bahay nila? How would he able to know that if he cannot even touch his phone while working? Very irrational and unjustifiable! Ipasara ko kaya ang restaurant na iyon?

I told him to free his schedule this coming Sunday. He didn't hesitate to say yes. Ang sabi niya ay may trabaho siya ng Linggo ngunit pumayag naman sa hiling ko. I didn't ask though. I'll pay him kaya hindi naman masasayang ang araw niya.

Hindi na bumalik si Davien sa mansiyon. He texted me saying that he needed to go back to Manila dahil sa mga pinapagawang trabaho sakaniya ng kaniyang ama. Hindi na ako nag-reply pa. Iyon din naman ang gusto kong mangyari. I really think we need to cool off. Siguro ay alam niya rin sa sarili niya na iyon ang kailangan namin. Siya lang din naman ang dahilan ng lahat kaya nagkaganito ang relasyon namin. He cheated. He fucking cheated. Maybe Vicky was right. I should not have gave him another chance... 

Sa tatlong araw na lumipas, nanatili lamang ako sa mansiyon. Sinubukan kong magluto ng kung anumang makita ko sa internet. Kahapon, nagluto ako ng sinigang na baboy ngunit ayon kina Manang, hindi maasim at sobrang tabang. Hindi ako ang tumitikim dahil tinatraydor ako ng utak ko at iniisip na masarap ang lasa ngunit ang totoo ay hindi naman.

Alas kwatro ng madaling araw nang magising ako. Bumaba ako upang magtimpla ng kape. Madilim pa sa baba at panigurado'y tulog pa ang mga kasambahay. Nang palapit na ako sa dining area, natigilan ako nang makarinig ng boses. 

Si Blair. 

She was laughing. Kumunot ang noo ko at nagpatuloy sa pagpasok. Naabutan ko siyang nakatalikod at mukhang nagtitimpla ng kaniyang kape. 

"Sira ulo ka talaga, Nabrel! Hindi mo dapat ginawa iyon. Anong sabi ng customer?" May bahid ng tawa ang kaniyang boses. 

Bakit napaka aga niyang may kausap sa telepono? At si Nabrel ang kausap niya? Ganitong oras ba siya nangingisda? 

Humakulipkip ako at sumandal sa pader. Nagtaas ako ng kilay habang nakikinig, tinatanaw ang likod at itim na mahabang buhok ni Blair. 

"Kayong dalawa lang ni Senyel? Si Kaloy?" 

I lazily rolled my eyes at her back. Nagpatuloy ako sa pagpasok at mukhang naramdaman niya kaya napalingon siya sa akin. 

"Ma'am Talianna! Gising na pala kayo," gulantang pa niyang sinabi habang nasa tainga ang kaniyang telepono.

No, Blair. I'm just sleep walking. Stupid maid. Ba't ba ako napapaligiran ng mga ganito?!

Nagtaas lamang ako ng kilay at umupo sa mahabang mesa. She gave me an apologetic smile. Tila gusto niya pang maghintay akong matapos ang tawagan nilang dalawa! 

Ang kapal! 

Tumalikod siya at tinakpan pa ang bibig habang nagsasalita sa kaniyang cellphone. 

"Si Ma'am Talianna, Nabrel. Sandali lang... oo, gising na... hindi ko rin alam," mahina niyang sinabi. 

"Blair, I want coffee. Now. Who the hell are you talking to in this early morning?" Malakas at mariin ang aking boses. Gusto kong malaman niya na hindi ako natutuwa sa pakikipag-usap niya sa telepono. Sa ganitong oras. Sa harapan ko. Kausap si Nabrel. 

Lumingon siya sa akin at kitang-kita ko ang kaniyang paglunok bago mabilis na ibinaba ang kaniyang telepono. 

"P-Pasensiya na, Ma'am. Nangamusta lang si Nabrel," aniya sa maliit na boses. 

Umirap ako. "Make a coffee now." 

Pinanood ko siyang mabilis ang mga galaw. Kitang-kita ko ang pagsayaw ng kaniyang buhok. Ang sarap hilahin. 

Nang ilapag niya ang kape sa aking harapan, she apologized again. 

"Bakit ang aga-aga, e, magkausap kayo?" Tinaasan ko siya ng kilay.

She smiled a bit. "Uhm, tinawagan ko lang siya dahil ganitong oras ay gising na iyon. Mas maaga pa dahil nangingisda sila." 

Sumimsim ako sa kape at nagkunwaring hindi interesado sakaniyang sinasabi. 

"Gusto niyo ba ng french toast, Ma'am?" Aniya nang hindi ako umimik. 

"No, thanks. So..." Inilapag ko ang tasa at mariin siyang tinignan. Nakatayo siya sa kabilang banda ng mesa, naghihintay ng aking utos. 

"Kasalukuyan ba siyang nasa laot ngayon?" Malamig kong sinabi.

Tumango siya. "Alas dos o alas tres pumapalaot ang mga mangingisda."

Kumunot ang noo ko at ilang sandaling nag-isip.

Napakaaga. Ibig sabihin, maiksi lang ang tulog niya. At pagkatapos mangisda, tutungo siya sa palengke upang gawin ang trabaho niya roon bilang kargador at sa tanghali...

Paano niya nagagawa ang lahat ng iyon? Hindi ko lubos maisip na may tatlo akong trabaho na kailangang gampanan sa loob ng isang araw. At araw-araw ay iyon ang kailangan mong gawin.

Habang ako, pinoproblema kung anong maaari kong gawin dito sa Belleza Eterna upang hindi mainip. 

Napalunok ako. Hindi ko alam kung bakit kinukurot ang puso ko habang iniisip iyon. 

Why does other people's lives have to be this so difficult...

"G-Gaano sila katagal nananatili sa laot?" Bulong ko. 

"Naghihintay po sila ng ilang oras at huhugutin na nila ang lambat bago pa sumikat ang araw." Tumitig siya sa akin na tila ba nagtataka sa aking pagtatanong. Nag-iwas ako ng tingin. 

"I'm just curious," napapaos kong sinabi. 

Bumagsak ang tingin ko sa aking cellphone na nasa tabi ng kape. Can I call him then? I just want to... maybe say hi to him. Kumustahin siya sa laot. Kung ano na ba ang nangyayari roon. Kung mabigat na ba ang lambat. I don't know. I just want to hear his voice. 

Binitbit ko ang aking kape patungo sa balkonahe ng kwarto ko. Tinanaw ko ang madilim na karagatan. Pumasok sa akin ang imahe niyang nasa bangka, sa gitna ng karagatan... 

Ang iba ay mahimbing pa ang tulog ngayon. Kumportable sakani-kanilang mga kama. And there was Nabrel... 

This is his normal life. Ang kaniyang nakasanayan. I felt a warmth in my heart. A very pleasant feeling. Ano kayang maaari kong maitulong para hindi niya na kailangan pang mangisda nang ganito kaaga? Maybe I could ask Dad to hire him as... ano bang kurso niya? I could also ask to give him a higher salary. Pwede kong gawin iyon. 

Napangiti ako sa aking iniisip. 

I stared at my phone. Pumikit ako nang mariin bago hinanap ang pangalan niya. Hindi na ako nag-isip pa nang pindutin ko iyon. Nilagay ko sa aking tainga ang telepono at naghintay. 

I was biting my lip while waiting for him to answer my call. I was kinda nervous. Humugot ako ng malalim na hininga at hinaplos ang aking buhok. 

Sandali pa akong natulala nang sagutin niya ang tawag. He didn't talk. Pinakiramdaman ko ang kaniyang kalmadong paghinga. 

"Talianna..." he whispered. 

Umawang ang aking labi. Why am I nervous? What the hell! Bigla tuloy akong naalarma sa ginawa. Why did I even call him? Anong sasabihin ko? Maybe I could say that I accidentally dialed his number, right? Katanggap-tanggap naman iyon. 

"Uhm, who's this?" Pumikit ako nang mariin at sinapo ang aking noo. 

I heard him chuckled softly. Nanlaki ang mga mata ko. 

"Mukhang nananaginip ka pa. Dapat ba akong maging masaya na ako ang nasa panaginip mo?" 

"What? Shut up, Nabrel. Ang aga-aga!" Uminit ang pisngi ko. 

"Ang aga-aga pero tumatawag ka. Nabubulabog tuloy ang mga isda." 

"Wrong dial lang, Nabrel." Umirap ako. 

"Sino dapat ang tinatawagan mo, kung ganoon? Iyong boyfriend mo?" May bahid ng panunuya ang kaniyang boses. 

"Yes! At bakit naman kita tatawagan?" I yelled to save face. He just gave me an idea. I didn't even think about Davien. 

"Hmm," mahina ang kaniyang boses. 

Ilang sandali kaming natahimik. I could just end this call but there was a part of me telling me not to. 

"Hindi naman kayo bagay niyon..." he whispered suddenly. 

Kumunot ang noo ko. "And what do you mean?" 

"Hindi kayo bagay, Talianna," ulit pa niya sa tamad na tono.

"Whatever," mahina kong sinabi. Ngumuso ako at tinukod ang aking braso sa barandilya. Nagpangalumbaba ako habang natutulala sa kawalan. 

"Talianna..." he said softly after a minute of silence. 

"What?" Iritado kong sambit.

I inhaled slowly. Pakiramdam ko ay tinatakasan ako ng hangin sa simpleng pag-uusap na ito. 

"Kumakain ka ba ng isda?" He asked out of the blue. 

Unti-unting nagsalubong ang kilay ko. 

"No," I uttered honestly. 

Dinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya. "Napakaarte talaga." 

Napasinghap ako sakaniyang sinabi. Napakadali sakaniyang husgahan ako dahil lang sa hindi ako kumakain ng isda! I have reasons! 

"Hindi ako kumakain ng isda dahil na-trauma ako, Nabrel. When I was a kid, malaking tinik ang nagbara sa lalamunan ko. Ilang oras kong iniinda iyon! They even rushed me to the hospital dahil hindi ko na talaga kinakaya. At mula noon, hindi na talaga ako kumain ng kahit na anong klase ng isda. It was very traumatizing. Hanggang ngayon parang nararamdaman ko pa rin iyong tinik! Hindi ako nag-iinarte lang!"

It was true! It happened when I was in grade school. Hindi ako nag-iinarte tulad ng inaakala niya. He always says that! I'm not maarte, 'no!

"Ipaghihimay naman kita. Hindi ka na matitinik. Pangako iyan," may bahid pa ng tawa ang kaniyang boses. 

Ngumuso ako upang pigilan ang ngiti. Pumikit ako nang mariin at halos sabunutan ang sarili. Hinawakan ko ang aking pisngi at marahan itong tinampal. 

"You're so annoying, Nabrel..." I whispered. 

"Palagi mong sinasabi iyan. Papuri na nga ang dating sa akin, e," he said playfully and chuckled a bit. 

"Kuya, hindi pa ba tapos? Hugutin na natin ang lambat," I heard someone in the background. I assume it was his brother. 

Napakurap ako at napaayos ng tayo. 

"Uhm, I-I'll go now, Nabrel," sambit ko sa maliit na tinig. 

"Iyon na 'yon? Ang bilis naman," he chuckled again. 

I bit my lip. Bumagsak ang tingin ko sa sahig. I tried to smile. "Bye, Nabrel. I... take care." 

"Sandali lang, Talianna." 

"Hmmm?" 

"Magandang umaga. Hindi kita nabati kanina." 

Pumikit ako at napangiti. I shook my head. "Good morning. Bye." I immediately cut the call. 

Ilang sandali pa akong natulala bago napagpasiyahang pumasok sa aking kwarto. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status