Share

Chapter 13

"I'm good. Medyo nalalapit na ang pasukan so... yeah." I smiled at Davien. Kausap ko siya ngayon through video call. He told me about his upcoming birthday. That's two weeks from now. Family dinner lang naman ang gusto niyang mangyari. Of course, kasama ako at si Dad.

"Are you sure that you're gonna take Architecture? I thought you wanted to be an attorney?" He asked curiously. Nasa opisina siya. Parte na rin iyon ng kaniyang training sa pamamahala sa De Luxrey. He's still in third year and Tito Darius wanted him to exert time and effort in their company habang maaga pa.

"Hmm. I just realized that being an attorney is a tough job. Delikado rin. I heard that Tito Ludwig often receives death threats. Ayoko naman ng ganoon." 

"You're right. Mahirap magtrabaho kung nasa hukay ang isang paa mo. You wouldn't enjoy it."

Ngumuso ako at tinanaw ang malawak na karagatan mula rito sa balkonahe pagkatapos ng tawag. Davien and I... are okay. I guess. Sa loob ng tatlong linggo, araw-araw niya akong tinatawagan. I could say na talagang bumabawi siya sa akin. Madalas niya akong padalhan ng regalo. Kahit wala namang espesyal na selebrasyon, bigla na lang akong makakatanggap ng Hermes bag o 'di kaya naman ay Saint Laurent purse. Noong nakaraan ay nakatanggap ako ng Manolo Blahnik pumps.

Minsan ko na siyang sinabihan tungkol sa pagpapadala ng mga mamahaling regalo. Ngunit hindi niya ako pinakinggan at patuloy lamang sa pagpapadala.

Lumipad ang tingin ko kay Nabrel sa hardin. Kitang-kita ko siya mula rito. Naggugupit ng mga halaman. Bigla siyang lumingon dito. I smiled at him but he didn't even smile back.  Kumunot lamang ang kaniyang noo at nag-iwas ng tingin.

Ngumuso ako habang pinapanood siyang abala sakaniyang ginagawa. Natanaw ko ang papalapit na si Blair. May bitbit na tray at mayroong juice na nakapatong doon. Ang kaniyang itim na buhok ay tumatalbog sa bawat hakbang niya. Tumayo si Nabrel at sinalubong siya. They talked and laughed together. Naglakad patungo sa mesang naroon si Blair at inilapag ang tray. Pagkatapos ay nilapitan niyang muli si Nabrel. Kitang-kita ko ang paghugot niya ng panyo mula sa bulsa ng kaniyang uniporme. Hinaplos niya iyon sa noo ni Nabrel. 

Nabrel was just letting her to do so. Of course. She's his girlfriend. Halos mapaatras ako nang nag-angat siya ng tingin dito. Sa kaniyang ginawa, napalingon din dito si Blair habang abala pa rin sa pagpupunas sakaniya. 

Pakiramdam ko ay sumikip ang aking paghinga. Tinambol ng marahas ang dibdib ko. Mabilis akong tumalikod at pumasok sa aking kwarto. At sa bawat paghakbang ko, ramdam ko ang panginginig ng aking tuhod. It felt like I've seen something that I should not... because it was a private moment... and it should be just the two of them. 

It was an awful feeling... and I hate it.

Sa loob ng tatlong linggong nagdaan, hindi na rin kami masyadong nagkikita ni Nabrel. Ang huling pagkikita namin ay noong nagpunta kami sa isla ni Dad. Nasundan na lamang iyon noong isang araw na sinundo niya si Blair. I heard that there was a birthday party of one of their friends.

Tinatanaw ko ang bawat hakbang ko sa buhangin. It was still six in the morning. Yakap ko ang aking sarili habang dinadamdam ang malamig at sariwang halik ng hangin sa aking braso. I was wearing a white sleeveless long dress. Dapat pala ay nagdala ako ng jacket upang labanan ang lamig na hatid ng hangin. 

Sandali akong tumigil sa paglalakad nang matanaw ang aking pakay. I saw the fishermen who were busy with the basins and buckets of fish. Malapad akong ngumiti nang makita ko ang aking hinahanap. I saw Nabrel talking to the guy beside him, his younger brother. Nagtawanan sila. Ang pamilyar na payat na lalaki ay kumalabit sakaniya at may sinabi. Muli silang nagtawanan. 

I walked slowly towards them. Hinanda ko ang aking matamis na ngiti. Napabaling sa aking banda ang payat na lalaki. He gave me a wide smile and waved his hand. 

"Uy, Senyorita! Ang ganda naman ng umaga ko! Ikaw ang pambungad!" 

Uminit ang pisngi ko dahil sakaniyang sigaw.

Nakita ko ang paglingon sa akin ni Nabrel. May bahid ng ngisi ang kaniyang labi ngunit nabura iyon nang magtagpo ang aming tingin. Huminto ako ilang dipa ang layo mula sakanila. Humalukipkip ako at nagkunwaring minamasdan ang payapang dagat. 

I was trying so hard not to look at him. But I failed. Nang mapalingon muli ako sakaniya, nakatitig na siya sa akin. Seryoso lamang habang ang kaniyang kapatid ay nakikipagtawanan sa payat na lalaki. 

I gave him an awkward smile. Sumimangot siya kaya naman awtomatikong naglaho ang ngiti ko. Nagtaas ako ng kilay sakaniya. 

Anong problema nito? Siya na nga itong nginingitian! Ang aga niya namang nakasimangot! 

"Senyorita!"

Nakuha ng payat na lalaki ang aking atensiyon. He was smiling like an idiot. Tila tuwang-tuwa sa kung saan. He looked really carefree and friendly though. Ngumiti ako sakaniya.

"Birthday ko ngayon, Senyorita. Imbitado ka. Kahit presensiya mo lang, ayos na sa akin," masigla niyang sinabi.

Nilingon ko si Nabrel na salubong ang kilay habang nakatingin sa payat na lalaki. Lumingon ito sakaniya at ngumiwi.

"Uhm, sure! Happy birthday," wika ko sa masayang tono. I actually love the idea. Sigurado akong papayag si Dad. He wants me to get along with the locals here nang magkaroon naman daw ako ng kaibigan.

Bumaling sa akin si Nabrel. Kitang-kita ko sakaniya ang hindi pagsang-ayon sa aking sinabi. I don't care. Hindi naman siya ang may birthday! Hindi naman siya ang pupuntahan ko.

"Hindi pwede, Kaloy. Hindi niya kilala ang mga tao sa atin," may diin sa boses ni Nabrel at matalim akong tinignan. Sumimangot ako at pinigilan ang sariling lapitan at hampasin siya. 

"No! I'll be there, Kaloy. I promise. Makakaasa kang pupunta ako." Umirap ako kay Nabrel na ngayo'y mas naging iritado na.

"Talaga, Senyorita?! Naku! Sabi mo iyan, ah! Peks man?" Tinuro niya pa ako at pumalakpak.

"Yup! Promise!"

"Talianna..." si Nabrel sa tonong binabantaan ako. Ano ba talagang problema nito? Inimbitahan ako ng kaibigan niya. And the boy seemed harmless! Bakit ba daig niya pa si Dad kung pagbawalan ako?!

"Pare naman! Birthday ko! Ako muna! Pahiram lang! Parang ano naman 'to, oh," madramang sambit ni Kaloy. Nakita ko pa ang nakakalokong ngisi ng kapatid ni Nabrel habang nakatingin sa nakatatandang kapatid.

"Hayaan mo siya, Kaloy. Pupunta ako at walang sinuman ang pwedeng pumigil sa akin." Matamis akong ngumiti kay Nabrel. Umiling lamang siya habang nakasimangot pa rin. Yumuko siya upang suriin ang mga isdang nasa timba, completely ignoring us. 

"Ayun! Dala ka ng pulutan, Senyorita." Kaloy laughed and scratched his nape. "Biro lang. Pero kung makakapagdala ka... bakit hindi, 'di ba?" He laughed awkwardly. 

"Pulutan? Of course! I could bring some. Anong pulutan ba ang gusto mo?" Kuryoso kong sambit.

"Sisig tsaka letson kawali! May alam akong masarap na bilihan!" He said without even thinking. 

"Sure!" I smiled. Magpapabili na lang siguro ako sa driver ni Dad. 

"Biro lang talaga, Senyorita! Nakakahiya naman sa'yo. Basta naroon ka, sapat na iyon." He smile. I could almost see his sincerity. 

"No! It's okay. Tsaka nakakahiya rin magpunta nang wala akong dala. Sigurado ka ba na iyon lang ang pulutan na gusto mo?" 

He laughed again but I was dead serious. Siya na rin naman ang nagsabi. Sinusulyapan ko si Nabrel na abala pa rin sa mga batsa. Para bang wala na talaga siyang pakialam sa usapan namin ng kaniyang kaibigan. Maging ang kapatid niya ay abala na rin.

"Hindi! Huwag na, Senyorita. Nagbibiro lang ako. Sineryoso mo naman masyado iyon."

Ngumiti lamang ako kay Kaloy. Ano pa man ang sabihin niya, determinado akong magdala ng mga hiling niya. Naghihintay akong lingunin ako ni Nabrel ngunit hindi nangyari. I pursed my lips, trying to hide my annoyance.

"Nabrel, susunduin mo ako mamaya sa mansiyon. Hindi ko naman alam ang bahay nina Kaloy." Halos pumalakpak ako nang mag-angat siya ng tingin sa akin. He was squatting in front of a bucket. Tamad ang kaniyang titig sa akin.

"Walang problema," tanging sagot niya bago magpatuloy sa ginagawa.

It was seven in the evening when Nabrel came. Kinatok ako ni Manang Fely sa aking kwarto habang abala ako sa pag-aayos upang sabihin na nariyan na siya. Pinapatuyo ko na lang ang buhok ko at handa na sa pag-alis. Isang high wasted shorts at purple na knitted ribbed cropped top ang pinili kong isuot.

Nakapagpaalam na rin ako kay Daddy kanina. Hindi naman siya nagdalawang-isip na payagan ako sa pagdalo. At kampante pa siya dahil nasabi kong kasama si Nabrel. Dinaanan ko si Dad sa library bago ako bumaba. He smiled at me when he saw me entered the room. 

"Dad." I smiled widely. Lumapit ako sakaniyang mesa. 

"Yes, princess? Aalis ka na? Nariyan na ba si Nabrel?" Kumunot ang kaniyang noo. 

"Yup. And I just want to tell you something, Dad..." I smirked. 

"What is it?" 

He looked really confused. Siguro ay nagtataka kung bakit ako nakangisi, tila ba may madilim na balak.

"Hindi ba nagpaalam din si Blair na pupunta siya sa birthday?" I trailed off. Tumango si Dad, halatang naguguluhan pa rin.

Narinig ko kasi kanina na nagpapaalam din si Blair. Ano siya? Senyorita tulad ko na pwedeng umalis kung kailan niya man gustuhin? Porket alam niyang mabait si Dad! Pinigilan ko lang ang aking sarili na singhalan siya kanina habang naririnig ko siyang nagpapaalam! Kamakailan lang noong nagpaalam siya para sa isang birthday din!

I dramatically sighed. Umupo muna ako bago magpatuloy. 

"Huwag mo na po siyang payagan, Dad. Tell her na may ipapagawa ka sakaniya. Or you could say na linisin niya ang limang guestroom dahil may bisita tayo next week." 

"And why would I do that? Wala tayong inaasahang bisita, Talianna." 

I wrinkled my nose. Madrama akong pumikit. Why can't he just say yes to me? 

"Dad, please! Just... just do it! Tawagin niyo siya at sabihin niyong hindi na siya pwedeng magpunta. I don't... want to be with her doon sa party!" I rolled my eyes. 

Kapag naroon siya, tiyak na maglalandian lang sila ni Nabrel! At ayaw kong masira ang gabi ko dahil lang sa tanawin na iyon! I stared at my dad and pouted. He sighed and nodded eventually. 

"Alright. Mas maganda na rin sigurong linisin niya ang mga guestroom. Call her." Tumango siya at halos pumalakpak ako sa tuwa. 

Tagumpay akong ngumiti at tumayo upang yakapin ang aking mapagmahal na ama. 

"Thanks, Dad! I love you so much! You're the best daddy ever! I'm so lucky to be your daughter!" I kissed his cheek. He laughed heartily. 

"What's wrong with you, princess? Bakit parang napakalaking bagay naman ng ginawa ko para sa'yo?" Aniya sa gitna ng kaniyang tawa. 

"It is, Dad! Bye! I'll call her." 

Pagbaba ko ay naabutan ko ang mag-irog na nakaupo sa mahabang couch. Ang isa naman ay bihis na bihis na. She was wearing a high waisted jeans and pink off-shoulder cropped top. Walang kaide-ideyang mauudlot ang kasiyahan niya. I secretly smirked at that thought. 

Tumayo sila nang matanaw ako. I smiled at Nabrel who was wearing a white shirt and cargo shorts before turning my gaze to Blair. 

"Halika na, Ma'am? Para maaga rin tayong makauwi," she said. 

"Uhm, Daddy wants to talk to you. Puntahan mo muna siya sa library. We'll wait for you here." I smiled at her, pretending that I did not have any idea what was it all about. 

"Oh! Uhm, sige. Sandali lang." She gestured her hand and walked away. 

Ngumuso ako habang tinatanaw siyang tinatahak ang magarbong hagdan. Hindi bagay sakaniya ang pink top. She looked better in her maid's uniform.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status