Share

Kabanata 3

Penelope's POV

Penelope POV

"Madam naman, sure kang hindi tayo aabutin ng umaga dito ha? Kilala kita!"

Narinig kong sambit ni Bliss na makita niyang papasok kami sa isang Bar. Narinig ko pa ang pagpadyak ng mga paa niya. 

Bahagya naman akong natawa sa inasal niya at naglakad sa entrance ng bar. Pinakita ko sa bouncer 'yong vip pass ko at tinuro si Bliss para malaman na kasama ko siya. 

"Dalawang oras lang tayo rito. May pasok pa tayo bukas." Natatawa kong sambit sabay sulyap sa kaniya. Nakita ko naman ang pagbusangot niya. 

We made our way to my favorite spot kapag andito ako sa bar, at dahil kaibigan ko ang may-ari nito, I'll just text him para hindi na ipa-occupy sa iba 'yong pwesto na 'yon. Maganda kasi ang view dito, tanaw 'yong buong first and second floor ng bar. 

May hagdan pero hindi naman kataasan, tatambad sayo ang pa-letter 'c' na sofa at may round table sa gitna. Agad naman kaming naupo ni Bliss. Buti na lang maaga pa. Pag-alis talaga namin ng office kanina ay inaya ko siya agad rito kaya ayan naka-busangot. Hindi naman sa ayaw niya ako kasama kapag pupuntang bar. Ayaw niya lang na umaabot kami ng umaga dahil sa kakulitan at kalasingan ko. 

"Order muna tayo ng meal kasi nagugutom na ako, tapos mamaya beer na!" Nakangiti kong sabi sa kanya.

Naningkit naman ang mga mata niya at pinagkrus ang mga braso. "Libre mo ba ako, madam?"

Tumango ako at sumandal sa sofa. "Tinatanong pa ba iyan? I'll pay. Bahala ka kung ano gusto mo, kunin mo."

"Paano ba 'yan madam? Gusto ko kasi lalaki?" Nakanguso niyang sambit. 

Hinila ko 'yong buhok niya at napangiwi naman siya. 

"Huwag ako ang paghanapin mo. Wala akong maibibigay. Hanap ka diyan sa gilid-gilid o manghatak ka na lang."

"Marami ka naman lalaki madam, ireto mo naman ako!"

Umiling naman ako. "Stop it. Darating din naman iyan sa 'yo."

Kilala ko ang mga kaibigan kong lalaki, mapaglaro sila. Hindi seryoso. Baka i-take advantage pa nila ang kabaitan nitong secretary ko. Marupok pa naman tong babae na 'to, concern lang din ako sa kanya. I want the best for her.

Biglang may umakyat at lumapit sa'min dala-dala ang isang tray. He looks so cute tonight. Nakabrush up pa ang kanyang buhok. He flashed a smile and looked at Bliss.

Napansin ko naman ang paninigas ni Bliss kaya patago akong natawa sa isipan ko. I knew it! May crush talaga siya sa lalaking 'to. 

"Good evening, ladies. Ang aga niyo naman ngayon." Tim said.

Lumingon ako kay Bliss at tinaasan siya ng kilay na parang sinasabi na siya na magsalita at kumausap kay Tim. 

"A-Ah, maaga kasing nag-aya si Madam para mag-inom p-pero kakain muna kami."

Napakamot naman ako sa pisngi ko dahil sa pagkautal niya, masyadong halata ang isang 'to. Wala, mahina.

Nakatingin lang si Tim sa kanya na nakangiti. Siguro malapit na ma-ihi si Bliss sa salawal niya. Baka mamaya himatayin pa siya sa kilig. Kahit hindi naman niya kasi sabihin sa 'kin, at dahil hindi naman ako nagtatanong, ramdam ko na may gusto siya rito. Tumikhim ako para kuhain ang atensyon nila at ngumiti kay Tim.

"The usual order, wings with rice. Kain muna kami ng dinner," sambit ko kay Tim.  

"How about you, Bliss?" he asked.

Kinalabit ko si Bliss na makita kong nakatulala lang 'to kay Tim. Parehas kaming natawa ni Tim sa inasta ni Bliss. Oh my god! She's so obvious!

"Same na lang sa order ni Madam. Tapos kung available pa ang tapa niyo, I'll get that, at saka sprite para madali akong dumighay."

"Noted, mukhang napagod ka sa trabaho ha? Pinapagod ka ba ni Madam mo?" Tim asked, chuckling.

"Hindi naman, gutom lang talaga ako. Libre rin kasi ni madam kaya susulitin ko na." Ngumiti naman ito.

Dumekwatro na lang ako at hinayaan ang dalawa na mag-usap. Kinuha ko naman ang phone sa bag ko at tiningnan iyon. Mayroong text message from Gavin, napairap na lang ako at binasa 'yon. 

Gavin: Where are you? 

Bar. I replied, at bago ko pa maibalik 'yong phone ko ay nakita ko ang mabilis niyang pagreply.

Gavin: Okay. Wait for me.

Everytime na nagpupunta akong bar lagi siyang nandoon. Hindi na lang ako tumatanggi dahil mang-aaway 'yon. Ayokong nakikipagtalo kay Gavin. Nawawalan ng saysay 'yong pagsasalita ko. Hindi naman niya pinapakinggan. Gusto niya siya ang nasusunod, hinahayaan ko na lang at nasanay na rin ako.

I let him do what he want, buti na nga lang alam niya ang limit at lugar niya sa'kin. But sometimes he looks like a possessive and terror boyfriend— kahit hindi naman kami. Naiinis ako minsan, pero may part sa 'kin na medyo natutuwa sa inaasta niya. Weird.

Ilang saglit lang ay dumating na 'yong in-order naming pagkain at kumain na kami ni Bliss. Unti-unti na ring dumarating 'yong mga tao. Buti na lang hindi pa binubuksan ang dance floor usually kasi 11pm nila binubuksan 'yon or kapag sobrang dami na ng mga tao. 

"Do you like him?" bigla kong naibulalas. I tilted my head and looked at Bliss.

Umawang ang labi niya at kumurap. "S-Sino madam?" Nauutal niyang tanong kaya bahagya akong natawa. 

"Si Tim. Alam mo, obvious ka kasi masyado. Nauutal ka kapag kausap sya. Natutulala ka pa! May tama ka na ata kay Tim. Gusto mo bang ilakad kita?" mapanuya kong tanong.

Sumimangot naman siya. "Totoo ba madam? Am I too obvious? Eh kasi naman ang gwapo niya! Para siyang anghel na bumaba sa langit."

"You're right. He's an angel." Nakangiti kong sambit. 

Napatingin naman sa'kin si Bliss. "Don't worry hindi ko siya naging lalaki. And never, you know naman kung bakit. Friendly lang talaga siya." I assured her.

Bumuga naman siya ng hangin. "Na love at first sight ata ako, Madam," sabi niya habang nilalaro niya 'yong straw sa softdrinks niya. 

"Simula nung isama mo ako rito. Siya una kong napansin. Tapos kinakausap pa niya ako Madam, parang sanay na sanay siya sa mga strangers."

Umismid ako. "He's a waiter and a bartender Bliss. Interacting with people is the main part of his job. Natural lang 'yon."

"Mukhang walang pag-asa," malungkot niyang sambit.

I tapped her shoulder and laughed. "Gaga ka! Hindi bagay sayo sumimangot."

Sabay naman kaming nagtawanan. 

She's good at acting. Lagi niyang ginagawa sa 'kin yan! Kunwari malungkot or galit tapos ayun, niloloko lang pala ako! Magaling magdrama kumbaga!

"Pero matanong ko madam, nung na-in love ka dati. Unang pagkakita mo sa kanya tumibok agad ng mabilis puso mo?" she innocently asked.

I met her gaze and she smiled. 

Umiling ako. "I can't say that. Unang kita ko sa kanya, I was just mesmerized by his looks kasi alam mo na nagulat ako sa nalaman ko sa kanila about ni Tim. Nung naging close na kami tapos may ginagawa na siyang maliliit na bagay, like always smiling at me, holding my hand and hugging me, doon na ako nakaramdam ng malakas na kabog ng dibdib ko, hanggang sa mas lumala." I said, smiling.

Humaba naman ang nguso niya, "Inaalala mo pa rin ba siya? Sa kabila ng lahat na nangyari?"

I was caught off guard about her question but I still managed to look calm. She's talking about my first love. Marahan naman akong tumango at uminom sa baso. 

"Minsan kapag nagmumuni-muni." I said, chuckling. 

Nakamove-on naman na kasi ako. Siguro.

"Are you ready to enter a new relationship?" tanong pa niya.

Napaisip naman ako sa narinig. Hindi ko alam. Maraming pumapasok sa isip ko when it comes to new relationship. After my first relationship, hindi na ako nagseryoso sa iba. I've been with different guys at lahat 'yon hindi nagtatagal, more on usap or fling lang. 

"Paano kung si Sir Gavin na 'yon? Are you ready to risk it with him?" Bahagya pa siyang natawa.

Ako naman ang bumusangot sa sinabi niya at natawa naman siya. 

"We're just having fun, lalo na sa set-up namin. Hanggang doon lang 'yon." 

Kahit na gustong-gusto kong subukan kay Gavin may pumipigil sa 'kin. Siguro ayoko lang maulit 'yong dati dahil baka doon din tutungo 'yon. Mawawala rin siya. Iiwan niya rin ako.

"Speaking of Gavin," she murmured.

Napatingin naman kami sa umakyat. Kahit dim ang ilaw ay kitang-kita ang kagwapuhan niya. He's wearing his usual long sleeves na nakatupi hanggang sa siko niya, naka-tuck in sa slacks niya. Hindi rin nakabrush up 'yong buhok niya kaya medyo magulo iyon. Mukha siyang pagod na bad boy.

"Tumatawag ako, you're not answering!" Mariin niyang sambit. He's looking at me with his dark aura. 

Mahina akong natawa at tinapik ang tabi ko para senyasan siya na umupo na. "Sorry, nakasilent ang phone ko and I'm busy talking with my secretary."

"Good evening, Sir." Kumaway pa si Bliss at ngumiti.

Ginantihan naman siya ni Gavin ng ngiti at tumango. "Good evening, Bliss," he said.

Gavin kissed my head and sat beside me. Nakita ko naman ang pagngiti ni Bliss kaya napa-irap ako. 

"What are you doing here? Dapat nasa bahay na kayo," aniya.

Sumandal ako sa sofa at pinagkrus ulit ang mga braso ko. Nagkibit-balikat si Bliss at nginuso ako. 

"I just want to drink," maikling sagot ko. 

"You're always drinking. Walang bago roon." Parehas silang natawa ni Bliss kaya sinamaan ko ng tingin si Gavin. 

"How about you? What are you doing here? Dapat nasa bahay ka na ha?" panggagaya ko sa sinabi niya.

He chuckled and kissed my cheeks. "You sounded like a nagging wife."

Sumipol naman si Bliss at iniwas ang tingin sa 'kin. 

I arched my brows and looked at him. "Fuck buddy, not wife."

Sumeryoso ang itsura niya kaya nag-iwas ako ng tingin. 

"Yeah, fuck buddy." He whispered. Halatang napilitan pa sa sinabi.

He leaned on me and put his arms around my waist. Napansin kong tumayo si Bliss at sumenyas na pupunta munang banyo. Tumango na lang ako. 

Gavin pull me closer at humalik na naman sa ulo ko. Gawain niya 'yan, 'yong paghalik at pag-amoy sa buhok ko. 

"Mukhang mainit ang ulo mo? Any problem?" he asked in a low voice. Dumiretso lang ako ng tingin at napapikit sa paghapit niya sa katawan ko. 

"Wala naman. Dumating ka kasi kaya sumama ang hangin."

Lumayo siya at tumingin sa akin. Sumilay ang ngiti sa labi niya, kaya napangisi ako. I can feel the sensation building up between us. At alam ko na ang susunod dito.

"Your place or mine?" he asked, seductively.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status