Penelope POV"Hindi mo ba talaga alam na hindi pa umuuwi si Kuya?" Light asked.Agad naman akong umiling. Andito kami ngayon sa office. Sumunod sila sa 'kin ni Kuya Matteo dahil paguusapan din namin 'yong about sa project namin. "Ang akala ko umuwi na talaga siya!" "Maraming namamatay sa maling akala." Kuya Matteo said cockily.I glared at him, siniko naman siya ni Light. Padabog kong sinubo at kinain 'yong hotdog. "Hilig mo talaga sa hotdog." Bigla akong nasamid sa narinig, napatakip ako sa bibig ko dahil muntikan pang may tumalsik. "Kadiri ka naman, P!" natatawang sambit ni Light. Inabutan ako ni Kuya ng baso at kinuha ko iyon. Nang makabawi ay tatlo kaming natawa. "Tingnan niyo pinaggagawa niyo ni Kuya, ayan! Kami pang lahat ang nakahuli. Hindi man lang kasi nag-ingat!" dagdag pa niya. "Dapat kasi sa hotel na lang para safe." Nakangising sambit ni Kuya.Nakakainis talaga! Hindi na ulit ako kinausap ni daddy kanina kasi alam niyang wala rin naman akong sasabihin kung pipil
Penelope POV Isang linggo na ang lumipas. Isang linggo rin akong busy sa company. Isang linggo na ring walang Gavin sa tabi ko kaya tahimik. Hindi na rin ako kinausap ni Daddy about sa nangyari pero sinabi niya na sa saturday may dinner kami with the Guevara's.And I know after that dinner, it's my dead end.Masyado akong napagod kanina dahil puro company and client meetings ang nangyari. Halos napuno ang office hours namin. Lunch break lang ang naging free time ko. Kaya eto naisipan kong mag-bar. Hindi ko na pinasama si Bliss kasi alam kong napagod din siya, at may mga gagawin pa kami bukas.11pm na ako umalis ng office para pumunta rito, pagdating ko marami ng tao. Sa may bar counter na ako pumwesto kasi mag-isa lang naman ako. Mamaya may makita pa akong naging kakilala ko at hablutin ako para magsayaw, wala pa naman ako sa mood ngayon."Himala, mag-isa ka ngayon?" Puna ni Tim habang nagmimix ng drinks."My secretary needs to rest, kaya hindi ko na inaya," maikli kong sambit.Nila
Penelope POVI smile and look at myself in the mirror. I scan my outfit for tonight. I'm just wearing my mid-waist pants, peplum cami top and block heels. Sinaway pa ako ni daddy sa suot kasi para lang daw ako pupuntang mall. Ang ganda-ganda kaya ng suot ko! Ang casual nga nito, akala mo naman pupunta kami ng party, dinner lang naman! Nag-cr muna ako dahil nauna kami kela Gavin. Nagpareserve na lang si daddy ng pwesto sa isang fine dining restaurant. Daddy looks chilling kanina. Sinabihan pa ako na huwag tumakas. Edi sana una pa lang hindi na ako sumama rito, 'no? Si mommy naman nakangiti halatang gustong gusto ang mangyayari. Parang kinikilig pa na teenager. This is bad. Ilang minuto na ako rito sa cr, after umihi hindi ko na napansin na napapatagal na 'yong pagtitig ko sa salamin. Parang ayoko nang lumabas dito. Parang ayoko nang makita sila. Parang ayokong mangyari 'yong mga naiisip ko. Parang ayoko na marinig 'yong mga sasabihin nila. Hindi ako pwede tumanggi, I don't want t
Penelope POVOur dinner ended.. well? Mukha naman, after ko kasi sabihin tumango na lang 'yong parents namin at sinabi na baka 'yong wedding planner nila Kuya Matteo na lang din ang kunin pero may changes nga dahil in one week na magaganap 'yong kasal. After nung dinner nabatukan ko pa si Gavin dahil sa letseng "in one week" na gusto niya. Tatawagan na lang daw kami kapag may gagawin na at feeling ko mas mapapagod ako lalo sa linggo na 'to. Marami akong meetings na kailangan tapusin pero sinuggest ni daddy na si Tito na lang ang maging representative ko kasi for sure baka may tumamang meeting sa sched ng pag-aayos ng kasal. After getting married for sure wala na akong freedom. Lahat ng galaw ko kailangan maingat na, his surname is already connected to mine, we're both career-driven at kung madungisan man malilintikan kami. Hindi lang kami, kundi ang pangalan at ang kumpanya namin. I get it, kaya gustong gusto nila daddy and mommy na ipakasal ako. This past two years, I've been to
Penelope POVHinubad ko na lang 'yong pants ko at heels nang makapasok sa kwarto at agad na binagsak ang katawan ko sa malambot na kama. Binalot ko ang katawan ng comforter at tumingala sa kisame. Huminga ako ng malalim dahil ito na lang ulit 'yong time na umiyak ako after two years dahil sa rason na 'yon.Our first meeting flashed on my mind.It was months after my last talked with Light. After of countless meetings for the entire weekdays, I decided to go to bar saturday night. While drinking someone sat beside me, naagaw niya agad atensyon ko kasi nangibabaw 'yong pabango niyang sobrang sarap ilong, hindi sobrang tapang. I tilted my head para makita yung lalaki and I saw someone looked like Tim...?! Umawang ang labi ko. He has this well-defined jaw may kaunting stubbles. He has this pointy nose. 'Yong buhok niya medyo mahaba pero nakaside 'yon lahat. Nawala ang titig ko sa lalaki nang may maglapag ng drink sa harap ko. "Tim..." I whispered, calling his attention. "What? Para
Penelope POVNapahilot ako sa leeg nang maramdaman ang pagkirot no'n. Kanina pa akong umaga nakatutok sa laptop ko dahil binabasa ko 'yong mga new project proposals at background check ng mga newly investors. Wala nga kaming naging meeting pero sobrang dami namang kailangan basahin at pirmahan. It's already monday at kakasimula pa lang ng linggo na 'to ay sobrang dami nang ginagawa. Kanina tumawag sila mommy dahil pinapaconfirm na sa sabado na 'yong wedding, sa resort nila Kuya Matteo at may chapel doon. Nagulat pa ako dahil akala ko sa malaking simbahan na talaga gaganapin dahil pumayag naman na ako sa gusto ni Gavin. Tapos ngayon malalaman ko sa isang chapel sa resort pa. Linggo pa lang naayos na namin 'yong listahan na nga dadalo. More on relatives ng both sides, investors, clients at friends ang iimbitahan, at mamayang hapon na ipapamigay nila mommy ang invitation. Bukas ang food tasting namin at sa wednesday ang fitting. Thursday nasa batangas na kami for photo and video sh
Penelope POVNaging mabilis ang mga araw. It's already wednesday at fitting na namin ng gown and suit ni Gavin. Hindi ko alam pero habang dumadaan ang araw ay para akong kinakabahan.This is new to me, way back then, hindi ako nakaranas ng ganito kay Teron. 'Yong pressure at stress sa preparation. Basta na lang ako pinapunta no'n sa simbahan at halos lahat ayos na, unlike this one. But this is the tradition when getting married, feeling ko bago magsabado mukha na akong panda dahil nitong nakaraang araw ay hindi ako makatulog ng maayos sa mga iniisip.Company meetings. Clients. Wedding preparation. Lahat na ata naiisip ko. Kahapon mas na-stress ako kasi food tasting namin, tapos sakto pang napaaga dumating 'yong foreign investors namin. Naasikaso naman ni Tito kaso hindi ako sanay, I want to face and talk to them all by myself."Tita told me na naipamigay na lahat ng invitations." Hindi ako sumagot at nakatingin lang sa labas. Sinundo niya ako sa office dahil ako muna ang mauuna sa f
Penelope POVHinawi ko ang buhok na tumama sa mukha ko nang umihip ang malakas na hangin. I was just looking at the wild waves hitting the shore. Napansin ko rin ang iibang turista na lumalangoy. Mataas na ang sikat ng araw pero maaga pa naman kaya healthy pa sa balat. Sa nakikita ko parang gusto ko na rin tuloy maghubad at lumangoy pero mamaya na. Pumikit pa ako at dinama ang malakas na ihip ng hangin. I feel relax because of this. Ngayon lang ulit ako nakapuntang beach dahil sobrang daming ginagawa sa kompanya ay hindi ko na naiisingit ang gumala or magvacation. Mabilis na natapos ang mga araw at ngayon ay nasa beach resort na ako nila Kuya Matteo. Inagahan ko talaga ang pagpunta rito, gusto kong makapagliwaliw pa dahil marami kaming gagawin mamaya. Dapat sabay kami pupunta ni Gavin dito, but I insisted na mauna na. Magcoconvoy sila papunta rito kasama 'yong mga photo and videographer, pati ang makeup artist na na-hired nila mommy. Alas-sais pa lang naman ng umaga. Siguro mga