Sensya na po sa mga errors mga kumare! salamat sa pagbabasa at paghihintay ng update!
Kent Justine POVHalos libutin kona ang subdivision kung saan ang apartment ni Ziya, kakahanap lang sa kaniya.Saglit lang ako nawala dahil kinuha ko ang aking kotse nang magpatiuna itong maglakad at pagbalik ko sa tapat ng apartment nila ay bigla ba naman ito nawala? Nasulyapan kopa siyang lumiko bago ko sa isang kalye pero nang susundan kona siya ay wala na ito roon. Nagpaikot ikot pa ako dito sa subdivision nila at baka sakaling makita kopa siya ngunit hindi kona ito mahagilap pa.Saan ba nagpunta ang babaeng iyon at bigla nalang nawala? pinagtataguan niya ba ako? o sadyang may pagka makulit ito?Sa inis ko ay pinaghahampas ko ang manela ng aking sasakyan. Narito parin ako sa loob ng aking sasakyan at nananatiling nakaparada malapit sa apartment nito.Balak ko lang naman sana siyang sunduin dahil ngayon kona siya pauumpisahin sa trabaho niya dahil natupad ang plano kong mapabalik ito sa resto.Sinabi kasi kaagad sa akin ng kaibigan nitong si Stephanie kagabi na pumayag na raw si Zi
Tashiana Ziya POV"Ziya, okay naba talaga ang pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Stephanie habang kumakain kami ngayon ng niluto niyang sopas. Dito lang naman kami kumakain sa loob ng aking silid dahil nang magising ako ay bigla akong nakaramdam ng gutom at naghanap ng sabaw kaya saktong nagluto pala ang kaibigan ko ng sopas.Mabuti nalang nandito siya dahil nanghihina ang katawan ko mula pa kanina nang maihatid ako ni Garrett. Hindi kasi ako makamove on sa sinabi ni ate Mea kaya ngayon para akong binacumer at naubusan ng lakas. Parang sinipsil lahat ng lakas ko sa mga sinabi ni ate Mea."Mabuti nalang wala si sir Kent sa resto nang tawagan ako ni Garrett para pauwin ako dahil masama raw ang pakiramdam mo. Ano ba kasi talagang nangyari? " tanong pa ni Stephanie.Nakita ko sa mukha niya ang pag aalala. Napangiti lang ako ng tipid rito.Kanina bago umalis si Garrett, hinintay na muna nitong makatulog ako hanggang sa makauwi si Stephanie. Siguro iyon ang nangyari mula nang makaidlip ako.
Nandito ako ngayon kung saan ang opisina ni Kent dito sa restaurant dahil pinilit nang pinilit ako nito na sumama sa kaniya kahit hindi ko naman gusto. Hindi lang siya dahil pati na ang kaibigan ko ay nakigatong narin para mapapayag akong sumama sa impakto na ito. Mula nang umalis kami sa apartment at hanggang makarating kami rito sa kaniyang opisina ay hindi nagbabago ang expression ng aking mukha, nakabusangot at naiinis sa aking kasama. Nakaupo ako rito sa upuan katapat ng kaniyang mesa habang naghihintay ng kaniyang sasabihin at kung anong gagawin ko dito kasama siya. Kanina pa kasi ako nakatunganga rito at walang ginagawa samantalang itong kurimaw na ito ay abala sa kaniyang ginagawa. Nakatuon lang ang atensyon nito sa kaniyang laptop at may tinitipa roon na hindi alam kung ano. At paminsan minsan naman ay binubuklat nito ang mga file na nakapaloob sa folder na nasa tabi niya. Kanina pa ako nagtitimpi sa inis ko dahil anong ilang na akong nakaupo rito ay walang siyang sinasabi
Ibinalita ko kaagad sa kaibigan ko ang nangyari sa opisina ni Kent. Mula nang makaalis ako sa opisina nito ay wala ng paglagyan ang ligayang aking nararamdaman.Maski itong kaibigan ko na si Stephanie ay hindi makapaniwala sa mga ikwenento ko tungkol sa lalaking kinaiinisan ko. Mas tuwang tuwa pa nga ito kaysa sa akin."Biruin mo? bumalik na si ma'am Mea sa kaniyang trabaho at tinaasan pa kami ng sahod. Alam mo, nag hired rin siya ng mga magagaling na chef at hindi lang iyon, binigyan kapa niya ng magandang promotion? Ziya.. ang galing niya! bilib na talaga ako sa tinatawag mong kurimaw!""Ikaw talaga.." napapailing kong ani sa kaibigan ko."Mas ginaganahan tuloy akong magtrabaho dahil sa pagtaas ng sahod natin at pati narin ang mga ipinapakita niyang kabutihan ay laking pagbabago iyon!"At nangyari ang lahat ng iyon nang dahil sa'yo, nang bumalik ka, Ziya!"Nagulat ako sa huli niyang sinambit. Kaya naman unti unting nawala ang mga ngiti ko sa labi at dahan dahan siyang nilingon. Wala
"Sir, pwede ko pong i-train si Ms. Valenzuela for what her doing." ani Tristan na nakatayo katabi ko. Dalawa kaming nakaharap ngayon kay Kent."No. I can handle it." ani naman ni Kent."Sir?""Tristan, dont try me to make a scene here. I told you, I can. Pwede ka ng lumabas." seryusong sabi ni Kent.Nakikinig lamang ako sa kanila at nandito kami ngayon sa companya ni Justine at hindi sa resto. Pagpasok na pagpasok pa lang namin ay pinagtitinginan na kami ng mga ibang emplayado lalo na ako.Akala ko doon kami pupunta sa resto pero laking gulat ako dahil dito kami dumiretso. Sa kompanya niya mismo.Ngayon ko lang ito nakita at ngayon lang din ako nakapunta sa kompanya nito kaya namamangha pa ako sa mga nakikita ko.Bago kami pumasok sa opisina nito ay ipinakilala niya muna sa akin ang personal assistant nito na si Tristan. Sinalubong kasi kami nito sa entrance pa lamang kaya hindi na ako nagtaka kung lagi ko silang makikitang magkasama.Kaya pala, noong nasa resto ay nagtataka pa ako ku
Ilang oras na akong nasa loob ng cr ngunit hindi ko magawang lumabas. Hanggang sa mga oras na ito ay hindi ko parin matanggap na hanggang ngayon ay hindi ko magawang kalimutan nalang basta si Macky. Ang lalaking hindi hindi ko malilimutan kailanman. Alam ko na nasa puso ko pa siya at kahit kailan ay hinding hindi siya mawawala rito. Pero bakit bigla ko na lamang siyang naisip sa gitna ng paghahalikan namin ni Kent Justine? at sa pamamagitan ng halik ni justine ay pakiramdam ko siya ang humahalik sa akin? Hindi pa naman kami lubos na magkakakilala ni Kent pero ito na ang pangalawang beses na hinayaan ko siyang mahalikan niya ako. Iba na ito. Iba na ang tumatakbo ng isip ko sa tuwing nasa paligid ko lang siya lalo pa kapag nasa tabi ko ito. Pakiramdam ko sa tuwing lalapit siya ay matinding kaba na kaagad ang nadarama ko at iyon ang ikinatatakot kong mangyari. Kagaya na lamang ng basta na lang siyang humahalik sa akin. Argh! hindi na pwedeng ganito lagi. Kailangan kong umiwas sa ka
Kung nabigla ako sa nireply ni Garrett sa akin, mas nabigla naman ako sa pagsulpot ni tokwa--este, ni Justine sa harapan ko. Grabe naman kasi, hindi ko man lang napansin na nakalapit na pala siya.Naku, ayan na nga sinasabi ko. Nahuli na niya akong nagseselpon. Giatay tah karun."Ms. Valenzuela. Hindi ko inutos sa iyo na makipagtext ka kung kani-kanino. You can do that after your duty." malamig nitong sabi."Y-Yes sir." agad kong tinago ang aking cellphone sa bulsa ng blazer ko. Bago iyon ay pinower off ko para wala na talaga akong maririnig kung may tatawag man o may magtetxt sa akin.Grabe, may pagka aswang naman pala itong si Kent Justine! bigla bigla na lang siyang sumusulpot!Napansin ko na Ms. Valenzuela ang itinawag niya sa akin kaya tiningnan kong muli ito. Mas madilim pa sa blackout ang mukha niya at aruy ginoo santisima! ano na naman kaya ang nangyayari sa kaniya at mukhang sinasapian na naman siya?Naku, huwag naman sana siyang manghalik ulit dahil ayuko ng mangyari pa iyon.
Mataman na nakatingin sa akin si Garrett habang unti unti iyon nagbago. Napaawang ng kaonti ang bibig nito at pagkatapos ay naging malisik ang mga mata. Ngunit hindi sa akin kundi sa taong kasama ko sa mga oras na ito.Maya pa ay nalipat muli sa akin ang tingin at nagtagal iyon. Muli itong humakbang at pagkalapit na pagkalapit nito sa amin ay doon lamang ito kumunot ng noo."Z-Ziya?" anito sa mahinang boses ngunit naroon ang pagtataka.Bakit siya nandito? anong ginagawa niya rito?"So, your here kaya naman samahan mo na kaming kumain. Nakapag-order narin ako ng--""Justine." biglang nagbago ang tono ng boses nito at parang may halo pa iyong pagbabanta nang sulyapan nito ang kasama ko.Dahan dahan naman akong napalingon kay Justine at ibinalik muli ang tingin kay Garrett. Naroon parin ang masamang tingin na lubos kong ipinagtataka at ikinagulat.M-Magkakilala sila?"Wait, bakit ganiyan ka kung makatingin?" takang tanong ni Justine at napatayo. Yung ngiti sa labi ni Justine ay unti unti