Share

Chapter 6

"Bayaran mo ako."

"Ha? Wala naman akong utang sa 'yo." Naiiritang sabi ni Nathalie kay Rafa dahil bigla na lang siyang hinila nito at biglang maniningil.

"Ako ang nagbayad sa damit ni Cheska kaya magbayad kana. Kung ayaw mong sabihin ko sa kanya na ikaw ang ang pinsan niya."

"Paano mo nalaman na pinsan ko siya?" Nagtatakang tanong ni Nathalie sa lalaki.

"Kahit na magmake-up ka pa makikilala pa rin kita Miss Nerd," nakangising saad ni Rafa sa dalaga.

Nagulat si Nathalie dahil hindi nito inaasahan na makikilala siya ni Rafa. Bigla siyang nainis sa lalaki. Parang nais kutusan ni Nathalie ang binata ngunit pinigilan lang nito ang kanyang sarili.

"Bakit mo ba ako sinisingil? Sino ba kasi nagsabi sa 'yo na bayaran mo 'yun. At FYI ako ang tunay na may-ari nang damit na 'yon." May inis sa boses ni Nathalie.

"Really? But I don't care, bayaran mo pa rin ako." Sabi ni Nathalie sa binata.

"Ayoko, bahala ka!" Nagmamatigas na sabi ni Nathalie dito.

"Okay, tatawagan ko siya na nandito ka." Pananakot pa ni Rafa sa dalaga.

"Okay..... Gawin mo kung ano ang gusto mo, ganyan naman kayo gusto niyo talaga na maghirap ako. Tawagan mo na para maipakasal na ako sa lintik na Jerome na 'yon." Naiinis na sabi ni Nathalie.

Biglang natameme si Rafa sa kanyang narinig. Akala niya ay sasabihin sa kanya nang dalaga na babayaran na lang siya nito. Pero inuutusan pa siya. Nakaramdam naman ng awa si Rafa para sa dalaga.

"Who's Jerome?" Tanong ni Rafa sa dalaga.

"Fiance ko na hindi ko man lang nalaman na may relasyon kami. Ano pang hinihintay mo? Tawagan mo na," sagot ni Nathalie saka inutusan ang lalaki.

Hindi alam ni Rafa kung ano ang gagawin niya. Nanatili siyang nakatingin sa maamo at magandang mukha ni Nathalie. Pinagmasdan niyang mabuti ang buong mukha nito. Para itong isang Dyosa. Kaya lahat ng lalaki sa loob nang mall ay nakatingin dito. Napadako ang tingin ni Rafa sa mapupula nitong labi na para bang kay sarap halikan. Hindi niya tuloy maiwasan ni Rafa na mapalunok dahil pakiramdam niya nauuhaw siya bigla.

"May kailangan ka pa ba?" Tanong ni Nathalie sa binata. Napansin kasi ni Nathalie na nakatulala ito at medyo naiilang rin siya sa uri ng tingin na ipinupukol nito sa kanya.

"Pakisabi na lang kay Cheska na sa Blake Company ako nagtatrabaho. Sige mauna na ako sa 'yo." Paalam ni Nathalie kay Rafa na hanggang ngayon ay tulala pa rin.

Iniwan ni Nathalie ang binata at naglakad siya papunta sa sakayan ng jeep. Nais na niyang umuwi para makapagpahinga na. Pagkarating ni Nathalie sa kanyang apartment ay kaagad siyang dumapa sa kanyang higaan. Malayo ito sa lambot ng kama niya sa bahay nila. Kaagad na naman niyang naalala ang kanyang mommy. Hindi maiwasan ni Nathalie na mag-alala sa kanyang mommy sobrang namimiss na niya ito. Pero kailangan niyang magtiis. Malayo man sa buhay na kinalakihan niya ay kakayanin niya. She needs to survive.

Hindi maiwasan ni Nathalie na maalala na noon pa man ay sinasaktan na nang kanyang daddy ang kanyang mommy. Paano pa kaya ngayon na wala na siya doon? Sa sobrang pag-iisip ay biglang nakatulog si Nathalie.

Lumipas ang mga araw at isang buwan na si Nathalie sa kanyang trabaho. Naging tahimik ang lahat. Hindi na rin niya muling nakita si Rafa. Masaya si Nathalie sa kanyang trabaho nagkaroon siya ng maraming kaibigan.

"Nath, pinapatawag ka ni Mr. CEO." Sabi sa kanya ni John. Isa sa mga sissy niya sa kumpanya.

"Okay sis, thank you."

"Dalian mo na kasi mukhang mainit ang ulo ni Sir Luke ngayon." Dagdag pa na sabi nang kanyang kaibigan.

"Hahaha! Palagi naman mainit ulo ni Sir. Kailan ba siya ngumiti?" Tanong ni Nathalie sa kanyang kaibigan.

"Hahahaha! May tama ka sis hahaha!" Sagot naman ni John sa kanyang kaibigan. Kaya sabay silang natawa.

Kumatok muna si Nathalie bago siya pumasok sa office ni Luke.

"Come in," rinig niyang sabi nito.

"Good morning, Sir pinatawag niyo po ako?" Tanong ni Nathalie sa kanilang boss.

"Yeah, from now on you will be my temporary Secretary. Habang hindi pa nakakahanap ng kapalit. Its that okay with you?" Tanong ni Luke kay Nathalie.

"Okay po, Sir." Nakangiting sagot ni Nathalie wala naman kasi siyang dahilan para tumanggi. Noon ay crush niya ito pero ngayon ay hindi na.

Gwapo ang boss niya pero nagbago na bigla ang standard niya sa lalaki. Lumabas na si Nathalie sa office ni Luke para ayusin ang mga gamit niya papunta sa bago niyang table. Alam ni Nathalie na magiging mahirap ang trabaho niya pero may knowledge naman siya tungkol sa pagiging secretary kaya confident siya na magagawa niya ng maayos ang trabaho niya.

"Anong balita sis? Bakit ka pinatawag ni Sir?" Tanong ni Trina sa kanya.

"Magiging temporary secretary raw muna ako habang naghahanap ng kapalit doon sa nasisanti." Sagot ni Nathalie sa kanyang kaibigan.

"Malandi naman kasi 'yon. Oo gwapo si Sir pero alam naman nila na hindi sila siseryosohin no'n. Kaya ikaw ingat ka maganda ka pa naman." Paalala ng kaibigan ni Nathalie sa kanya.

"Hindi ko type si Sir, may iba akong gusto." Mabilis na sagot ni Nathalie.

"Mas gwapo ba kay Sir?" Kinikilig na tanong ni Trina.

"Oo, mas gwap—"

Hindi na natuloy ni Nathalie ang sasabihin niya dahil bigla na lang dumaan sa kanilang harapan si Rafa. Hindi man lang ito tumingin kay Nathalie.

"OMG! Ang gwapo... Bakit ba ang gagwapo ng lahi ng mga Blake sarap magpabuntis." Pabirong bulalas ni Trina.

Nagulat naman si Nathalie sa narinig niya mula sa kaibigan niya. Mukhang may paghanga rin ito kay Rafa.

"O, bakit ganyan ang nguso mo? Hindi ko crush si Sir Rafa, mas pogi pa sa kanya 'yong isa pa nilang pinsan." Sabi ni Trina sa kanyang kaibigan.

Napansin kasi ni Trina na iba ang tingin ni Nathalie noong dumaan ang lalaki. At totoo rin na gwapo ang mga magpipinsan na Blake.

"Akin siya," pabirong sabi ni Nathalie sa kanyang kaibigan.

"Oo naman sa 'yo na. O ano game ka ba mamaya sa night out natin? Lagi ka na lang kasing pass. Sumama ka naman kahit ngayon lang."

"Sige, sasama na ako." Sabi ni Nathalie sa kanyang kaibigan.

Siguro need na niya makipagparty. Isang beses lang siya sumama noon kaya ngayon balak niya ulit sumama. Nang matapos si Nathalie magligpit ay kaagad siyang lumipat sa bago niyang puwesto.

Pumasok siya sa loob ng office ni Luke dahil tinawag siya nito.

"Miss Jimenez, bring us coffee." Utos ni Luke kay Nathalie.

"Okay, Sir." Nakangiti na sagot niya kay Luke. Pero no'ng dumako ang tingin ni Nathalie kay Rafa ay bigla na lang siyang kinabahan. Ang sama kasi nang tingin ni Rafa kay Nathalie. Para bang may ginawa itong malaking kasalanan sa lalaki.

"Rafa, stop it! Tinatakot mo ang secretary ko." Saway ni Luke sa kanyang pinsan.

Pero deadma lang si Rafa. Hindi niya kasi gusto na nakikitang ngumingiti ang dalaga sa iba. Bigla na lang nainis si Rafa sa hindi malamang dahilan. Nang lumabas ang dalaga ay mabilis na tinanong ni Luke ang kanyang pinsan.

"You like her?"

"Bakit mo tinatanong?" Tanong rin ni Rafa sa kanyang pinsan.

"Iba kasi tingin mo sa kanya. H'wag mong papakiilaman 'yon. Anak 'yon ni Arthur Jimenez." Paalala ni Luke sa kanyang pinsan. Hindi kasi maganda ang relasyon ng kanilang pamilya sa mga Jimenez pero noong nalaman niya ang dahilan ni Nathalie ay hindi nagdalawang isip si Luke na tulungan ito.

"I don't care about her father." Sagot naman ni Rafa sa kanyang pinsan.

"Ako rin naman, balita ko hinahanap nila si Nathalie. Tumakas yata si Nath dahil ipapakasal nila sa iba." Dagdag pa na sabi ni Luke na para bang hindi niya alam ang totoo.

"Chismoso ka rin, pati 'yan alam mo." Sabi ni Rafa sa kanyang pinsan. Pero tanging isang malakas na halakhak ang isinagot ni Luke.

Balik sa pagiging seryoso ang dalawa. Nang makabalik si Nathalie na may dalang kape. Kaagad rin namang lumabas ang dalaga at bumalik sa kanyang mesa para simulan ang kanyang trabaho. Naging abala ito at hindi na napansin ni Nathalie ang pagdaan ni Rafa sa kanyang harapan.

Maagang umuwi si Nathalie. Kasalukuyan siyang nag-aayos para pumunta sa bar. Nauna na ang mga kaibigan niya doon. Suot ang isang backless sexy dress ay namangha si Nathalie sa kanyang sarili. Litaw na litaw kasi ang hubog ng kanyang katawan. Naisip niya ngayon lang naman kaya okay na siguro na iyon ang isuot niya.

Pagkarating ni Nathalie sa bar ay bumungad kaagad sa kanya ang malakas na tugtugin at mga nagsasayawan. Pumasok siya at nakita niya ang mga kaibigan niya.

"Woah! Ang sexy mo sis."

"Ikaw rin sis ang sexy mo," pinuri rin ni Nathalie ang kanyang kaibigan.

"Let's party!" Sigaw nila ng mga kaibigan niya.

Uminom sila at sumasabay sa beat. Nakakaramdam na ng kalasingan si Nathalie ganu'n rin ang mga kaibigan niya pero patuloy pa rin sila.

"Guys, laro tayo ng dare," sabi ni John.

"Sige game!" Nagtatawanan sila.

Nagsimula na silang maglaro at dahil lasing na si Nathalie nakipagsabayan na lang siya sa trip ng kanyang mga kaibigan.

"Nath, it's your turn na." Nakangiting sabi ni Trina. Ito kasi ang magtatanong kay Nathalie at may naisip itong kalokohan.

"Nakikita mo ba ang poging lalaking nakatalikod na 'yon. Kiss him on the lips," utos ni Trina.

"Iyon lang ba? Okay, watch me," lasing na sabi ni Nathalie at naglakad papunta sa lalaking nakatalikod.

Nahihilo na si Nathalie pero pinilit niyang puntahan ang lalaki. Mabilis niya itong kinalabit. Nang humarap ang lalaki ay kaagad na hinalikan ni Nathalie sa labi ang lalaki.

Nang imulat ni Nathalie ang kanyang mga mata ay laking gulat niya kung sino ang hinalikan niya. Mabilis siyang lumayo sa lalaki.

"Y—You?"

CALLIEYAH

Hello po, simula na po ng update dito. Sana po ay samahan niyo po ako at mai-add niyo po ito sa library niyo. Thank you so much po <3

| Like
Comments (4)
goodnovel comment avatar
CALLIEYAH
thank you po, Miss Juvely
goodnovel comment avatar
Caburnay Juvely
Very nice po ulit miss. A d po ko ngsasawa sa stry niu
goodnovel comment avatar
CALLIEYAH
thank you po, Miss Chem
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status