Hello po, feel free to leave some comments po. Thank you so much po sa inyong lahat ❤️❤️❤️
Pagkatapos nang nangyari sa restaurant ay hindi na nakita pang muli ni Nathalie si Rafa. Kahit sa opisina ay hindi na ito pumupunta. Aaminin niya ay namimiss niya ito. Naisip rin niya na baka masaya ito sa piling ni Cheska. Naiisip niya pa lang ito ay nasasaktan na naman siya. Bumalik siya sa dating Nathalie. Ang dating tahimik at puno ng kalungkutan. Palagi rin siyang pumupunta sa kanyang mommy. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito gumigising.Maagang umuwi si Nathalie at dumaan muna siya sa bookstore para bumili ng kailangan niya sa trabaho. Paglabas niya ay nakita niyang nasa isang restaurant si Cheska at kasama nito si Rafa. Agad na umiwas ng tingin si Nathalie. Dahil tama siya mukhang masaya ito sa piling ng pinsan niya. Nawalan na siya ng ganang mag-ikot kaya umuwi na lang siya. Nawawalan na siya ng pag-asa. Isang buwan na lang ang binigay na palugit ni Jerome sa kanya."Bakit ngayon ka lang?" Tanong ng daddy niya sa kanya."May binili lang ho ako." Sagot niya sa ama dahil halata
Nakatanggap ng tawag si Nathalie mula kay Doc Brandon. Gising na ang mommy niya. Mabilis siyang bumiyahe papunta sa ospital. Nakaramdam siya ng galit sa kanyang daddy dahil hindi man lang siya nito tinawagan para sabihan na gising na ang kanyang mommy.Nang pumasok si Nathalie sa loob nang silid ay bumuhos ang luha niya. Mabilis niyang niyakap ang kanyang mommy. Sobra niya itong namiss. Laking pasasalamat niya sa Maykapal dahil naging maayos na ang kanyang mommy."Mommy, thank you dahil gumising kana. Sorry mom, sorry kung umalis ako. Mahal na mahal ko po kayo." Umiiyak na saad ni Nathalie sa kanyang ina habang yakap niya ito.Ngumiti naman ang kanyang mommy sa kanya. Niyakap niya ito at bumulong sa tainga ni Nathalie."Sana hindi kana bumalik anak, ayoko na nahihirapan ka." Mahina pero malinaw itong narinig ni Nathalie.Hindi naman siya makapaniwala sa narinig niya mula sa kanyang mommy. Umarte na lang siyang hindi niya ito narinig. Dahil kasama nila ang kanyang daddy. At baka makahal
“Anong iniiyak mo? Sinasabi ko sa ‘yo huwag mo akong ipapahiya dahil malilintikan ka sa akin.” Pabulong na sabi ni Arthur sa kanyang anak. Nagagalit na siya dahil nakakahiya na sa mga tao na naroon.Hindi na kasi tumitigil si Nathalie sa kakaiyak. Hindi niya kayang magpakasal sa lalaking hindi niya mahal. Natatakot na siya at hinihiling niya na sana ay isang panaginip lang ang lahat ng ito. Akala niya ay makakaya niya pero hindi pala dahil labag ito sa loob niya.“Daddy, hindi ko po kaya.” mahinang sabi niya sa kanyang ama habang umiiyak.“Huwag ngayon Nathalie! Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa ‘yo.” Mahina pero may diin sa pagkakasabi ng kanyang ama.“Daddy, hindi ko po talaga kaya.” Pahayag ni Nathalie sa kanyang ama ngunit isang masamang tingin lang ang naging tugon nito.“You’re so lovely today babe,” sabi ni Jerome sa dalaga habang malawak ang ngiti sa labi. Alam ni Jerome na ayaw magpakasal sa kanya ng dalaga.“J-Jerome hindi pa ako ready na magpakasal sa ‘yo.” Sabi ni
Mabilis na lumabas si Nathalie sa simbahan. Hindi niya binigyan pansin ang pagtawag sa kanya ni Rafa. Nasasaktan siya at nais niyang mapag-isa. Sa dami ng nangyari ay hindi niya alam ang gagawin niya. Hindi niya alam ang papaniwalaan niya. May nakita siyang kotse kaya mabilis niyang binuksan ang pinto. Pagpasok niya ay naroon sa loob ang lalaking nakilala niya sa ospital. Ito ang taong nagsabi na kaibigan raw ng kanyang mommy.“Tulungan niyo po ako,” pakusap ni Nathalie kay Xacto. Hindi nagsasalita si Xacto. Hindi niya alam ang sasabihin sa dalaga. Pero sa huli ay pinili nitong tulungan ito. Habang nasa biyahe ay tinanong niya si Nathalie.“May mapupuntahan ka ba iha?” Tanong niya sa dalaga.“Ang totoo po n’yan ay wala po. Nais ko lang lumayo dito, hindi ko na po kayang manatili sa lugar na ito. Naguguluhan po ako, galit ang mommy ko. Lalo na ang daddy ko dahil sinira ko ang pangarap niya.” Saad ni Nathalie sa lalaki habang umiiyak.“Kung nais mo ay doon kana muna sa isa sa mga bahay
WARNING MATURED CONTENT!!“Hi my dear cousin, how are you?” Nakangiting bati ni Nathalie sa pinsan niya kahit na sa loob-loob niya ay gusto niya itong i-ngud ngud at sabunutan. Nawala lang siya ay umaaligid na ito kaagad sa asawa niya. Napaka-landi talaga nito.“Hon,” hindi makapaniwala na tawag ni Rafa sa kanyang asawa. Mabilis niyang tinawid ang pagitan nila at niyakap niya ito ng sobrang higpit.“Lumalandi kana agad,” pabulong na sabi ni Nathalie kay Rafa.“Hindi po, katunayan ay hinahanap po kita.” Malambing na sagot ni Rafa sa kanyang asawa.Sobrang saya niya dahil bumalik na ang asawa niya. Ang buong akala ni Rafa ay iniwan na siya ng asawa niya. Hindi niya ito binibitawan, mas lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya. Baka kasi nanaginip lang siya kaya sinusulit lang niya.“Honey, hindi ako makahinga. Balak mo ba akong patayin?” Tanong ni Nathalie sa kanyang asawa.Nang bumitaw si Rafa ay kaagad niya itong hinalikan sa labi. Gusto niyang ipakita sa demonyita niyang pinsan na kan
“Kuya, papasukin niyo na po ako.” Sabi ni Nathalie sa guard na nagbabantay sa labas ng bahay nila. Nandito siya ngayon dahil nais niyang makausap ang mommy niya. “Sorry po, Miss pero hindi po kayo puwedeng pumasok. Mawawalan po ako ng trabaho,” sagot ng guard sa kanya. “Kuya, bibigyan kita ng trabaho. Hayaan mo lang ako na makausap ko ang mommy ko,” pag-kumbinsi pa niya sa guard. “Miss, sorry po talaga. Pero hindi po puwede,” pagtanggi nito sa kanya. Mabilis namang tinawagan ni Nathalie ang asawa niya. Naka-loudspeaker pa ito para siguradong marinig ng guard. “Hello hon,” saad niya kay Rafa. “Yes, hon may problema ba?” “Hon, ayaw kasi akong papasukin dito sa bahay namin. Mawawalan daw ng trabaho ‘yung guard. Okay lang ba na bigyan mo siya ng trabaho tapos 50k ang sahod?” Tanong niya sa asawa niya. “Sure hon, katunayan ay naghahanap si mommy ng guard ngayon sa bahay.” Sagot naman ni Rafa sa kanya. “Okay, hon. Thank you and i love you,” malambing na sabi niya bago ibinaba ang ta
“Anong sinabi mo?!” galit na tanong ni Arthur sa kanyang asawa. “Alam ko na narinig mo ang sinabi ko kaya hindi ko na kailangan pang ulitin.” Sabi naman ni Lora sa lalaki. “Ang kapal ng mukha mong paglaruan ako!” Sigaw nito sa kanya. “Pinaglaruan mo rin ako! Sa tingin mo ba hindi ko alam? Alam ko na matagal mo na akong niloloko. Gusto mo malaman kung ano pa ang sikreto ko. Hindi mo anak si Nathalie. Nagtiis ako dahil kailangan kong gawin. Kaya oras na saktan mo ang anak ko, makikita mo kung ano ang kaya kong gawin sa ‘yo.” may pagbabanta na sabi niya kay Arthur. “Hindi mo ako matatakot! Ngayon na alam ko na ang lahat ay magbabayad ka sa akin! Lalo na ang anak mo!” Galit na sabi ni Arthur kay Lora. “Huwag mong susubukan ang hangganan ng pasensya ko. Akala mo ba hindi ko alam na ang daddy mo ang pumatay sa daddy ko. Ilang araw na lang malalaman mo rin ang dahilan kung bakit ko pinalabas na kasal tayo.” Kalmado niyang sabi bago umakyat sa silid nila. Galit na galit si Arthur.
“Hindi po ‘yan totoo daddy,” umiiyak na turan ni Nathalie. Hindi kasi siya makapaniwala sa narinig niya. Paano nito nasabi na hindi siya nito anak? Ganito ba ito kagalit sa kanya? “Totoo dahil ang malandi mong ina ang nagsabi sa akin. Siguro dahil hindi naman tayo tunay na magkadugo ay puwede kitang maging isa sa mga babae ko.” Nakangising sabi ni Arthur. Kinilabutan naman si Nathalie sa Narinig niya. Umahon ang galit sa puso niya. Ang lahat ng mga ginawa sa kanyang ni Arthur. Doon niya napatunayan na hindi nga niya ito tunay na ama. Dahil kung ama niya ito ay hindi nito sasabihin ang ganoong mga salita. Mas matatanggap pa ni Nathalie na saktan siya nito pero ang ganoong mga salita ay kinilabutan siya bigla. “Hayop ka! Nagpapasalamat na ako ngayon na hindi ikaw ang naging tunay kong ama. Wala kang kwenta! Hayop! Hayop ka!” Nanginginig sa galit si Nathalie sa narinig niya mula sa matanda. “Titikim lang naman ako eh. Gusto ko lang malaman kung gaano ka kasarap. At kung bakit bigla