Thank you po sa inyong lahat... Finale at special chapter na po ang next update.. Ingat po kayo palagi
NATHALIE’S POV Nagising ako ako dahil sa ingay na naririnig ko. At bumungad sa akin ang mga hindi pamilyar na mukha. Kaya naman bumangon na ako. “Good morning, sissy.” nakangiti na mukha ni Caye ang bumungad sa akin. “Good morning.” bati ko rin sa kanya. “Shower kana,” utos niya sa akin. “Bakit? At sino ang mga kasama natin?” tanong ko sa kanya. “Glam team sila. Sila ang mag-aayos sa atin.” sagot sa akin ni Caye kaya naman nagtataka na ako. “Glam team?” kunot noo na tanong ko sa kanya. “Kasal ngayon ni Trina. Siya na ang nag-adjust para sa ‘yo. Alam niya kasi na pagod ka kahapon sa binyag ni baby.” sagot niya sa akin. “Bakit ngayon ko lang nalaman na ikakasal siya?” nagtataka na naman na tanong ko. “Busy ka kasi kaya ganun. Pero handa naman na ang lahat. White and pink ang theme kaya naman handa na ang damit mo.” “Okay, sige maligo lang ako.” sabi ko sa kanya at pumasok na ako sa loob ng banyo. Nalilito man ay mas pinili ko na lang na hindi na magtanong ng magtanong. Naka
"Hindi po ako magpapakasal daddy!" Umiiyak na pahayag ni Nathalie sa kanyang ama."Anong hindi? Magpapakasal ka sa ayaw at gusto mo!" Galit na sigaw ni Arthur sa anak."Pero hindi ko po siya mahal! Daddy, please hayaan niyo na lang po ako." Halos magmakaawa na si Nathalie sa kanyang ama.Pak! Mabilis na sinampal ng kanyang daddy si Nathalie. Napaiyak ito sa lakas ng pagkakasampal sa kanya. Hindi ito ang unang beses na binagbuhatan si Nathalie ng kanyang ama. Tuwing nagagalit ito ay palagi niyang sinasaktan si Nathalie."Buo na ang desisyon ko. Sa ayaw at sa gusto mo ay magpapakasal ka kay Jerome. H'wag mo akong ginagalit dahil masasaktan ka lang!" Sabi ng kanyang daddy bago ito lumabas sa kanyang silid.Umiyak ng umiyak si Nathalie, napaupo na lang siya sa sahig. Hindi niya matanggap na ipapakasal siya ng kanyang ama sa lalaking hindi naman niya mahal. Kailangan niyang umalis. Hindi siya papayag na maikasal sa lalaking hindi naman niya mahal.Kakatapos lang niya sa kolehiyo kaya sigu
Ang buong akala ni Nathalie ay babanggain siya ng sasakyan na kanyang pinara. Mabilis na nakapreno ang driver ng sasakyan. "Fvck!" Hindi maiwasan ng lalaki na magmura habang nakatingin sa babaeng humarang sa gitna ng daan.Mabilis namang naglakad papunta sa may bandang driver seat si Nathalie, kinatok niya ang bintana ng sasakyan."Tulong, tulungan niyo po ako. Please po," umiiyak na sabi nito habang walang tigil sa pagkatok sa bintana. "Ayon siya! Bilisan niyo!" Sigaw nang mga tauhan ng daddy ni Nathalie. Dahil nakita siya ng mga ito.Hindi pa rin binubuksan ng driver ang kotse kaya. Kinatok ulit ito ni Nathalie. Nanalangin siya na sana ay tulungan siya ng taong nasa loob ng sasakyan."Parang awa niyo na po. Tulungan niyo po ako." Umiiyak ito habang panay ang katok sa sasakyan. Hindi siya tumitigil dahil umaasa si Nathalie na tutulungan siya nito.Habang ang lalaki sa loob ng sasakyan ay nakikiramdam pa sa babaeng kumakatok sa binatana ng kanyang kotse. Ayaw niya itong buksan dahil
Kinabukasan ay nagising si Nathalie na masakit aang ulo. Nagulat siya dahil nasa isang silid na siya. Sa tingin niya ay nasa isang hotel siya ngayon. Ang huli niyang naalala ay nasa bar siya kasama si Mr. Stranger, pumayag kasi siyang makipag-inuman dito.Sinabi kasi ni Mr. Stranger na minsan nakakatulong ang alak para makalimutan niya ang kanyang problema. At dahil nacurios si Nathalie kung ano ang itsura nang bar ay sumama siya."Oh my gosh!" Agad na napatingin si Nathalie sa kanyang sarili.Hindi ito makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Wala siyang suot na damit at biglang kumirot ang kanyang jewel. Napaiyak na lang si Nathalie sa nangyari. Hindi niya maalala ang buong detalye basta ang alam niya ay walang pilitan na nangyari."My god! Nathalie, ang rupok mo." Kausap niya sa kanyang sarili.Masakit man ang nasa pagitan ng kanyang hita ay pinilit ni Nathalie na maglakad papunta sa banyo para maligo. Nagbabad siya sa maligamgam na tubig hanggang sa naginhawaan ang kanyang pakiramdam
Tanghali na nagising si Nathalie napasarap ang tulog niya. Bumagon na siya para maligo. Balak niyang sa mall na lang kumain ng tanghalian. Sumakay sa jeep si Nathalie papunta sa sa isang mall. Kumain muna ito sa isang sikat na fastfood chain. Nais rin kasi ni Nathalie na magtipid para may pera siya habang hindi pa siya nakakapagsahod.Sarap na sarap si Nathalie sa mga pagkain na inorder niya. Naalala niya isang beses lang siyang nakakain sa ganitong kainan. Ang lahat kasi ng mga galaw niya ay laging may nakabantay. Ngayon niya naiisip kung paano ba siya nakasurvive sa ganoong sitwasyon.No'ng matapos na si Nathalie kumain ay pumunta na siya sa isang sikat na store. Oo mahal ang presyo ng mga damit pero magandang klase naman at pangmatagalan. Namili siya ng mga damit na puwede niyang isuot sa pagpasok sa opisina. Namili na rin siya ng puwedeng pambahay at pang-alis niya.Abala sa pamimili si Nathalie ay hindi niya napansin na may lalaking papunta sa direksiyon niya."Aray!" Napahawak
"Pasalamat ka buhay ka pa. Ano kayang magiging reaksiyon ng anak mo kapag nakita ka niya na nasa ganyang kalagayan? Pero mas okay ito kasi mas lalo kang nahihirapan hahaha!" Kausap ni Cheska sa mommy ni Nathalie na ngayon ay comatose. Nagbubunyi ito sa nangyari kay Lora na siya ring may gawa. Walang may alam na si Cheska ang nagtulak sa Ginang.Lumabas na si Cheska na may malawak na ngiti sa kanyang labi. Iniisip nito na mas okay na hindi pa ito namatay kaagad. Masaya siya dahil malaya na niyang magagawa ang mga gusto niya. Sa ngayon ay kailangan niyang makuha ang loob ni Rafa.Sa buong buhay ni Cheska ay ngayon lang siya nahibang sa iisang lalaki. Kahit si Jerome ay walang panama kay Rafa. Lahat na yata ng hinahanap ni Cheska sa isang lalaki ay nakita niya kay Rafa. Lalo na nalaman niya na mayaman ito ay tumindi ang kagustuhan niyang mapasa kanya ang lalaki.Nagbihis ng sexy dress si Cheska. Nais niya itong akitin. Alam niyang babaero kaya alam ni Cheska na hindi ito tatanggi kapag si
"Bayaran mo ako." "Ha? Wala naman akong utang sa 'yo." Naiiritang sabi ni Nathalie kay Rafa dahil bigla na lang siyang hinila nito at biglang maniningil."Ako ang nagbayad sa damit ni Cheska kaya magbayad kana. Kung ayaw mong sabihin ko sa kanya na ikaw ang ang pinsan niya." "Paano mo nalaman na pinsan ko siya?" Nagtatakang tanong ni Nathalie sa lalaki."Kahit na magmake-up ka pa makikilala pa rin kita Miss Nerd," nakangising saad ni Rafa sa dalaga.Nagulat si Nathalie dahil hindi nito inaasahan na makikilala siya ni Rafa. Bigla siyang nainis sa lalaki. Parang nais kutusan ni Nathalie ang binata ngunit pinigilan lang nito ang kanyang sarili."Bakit mo ba ako sinisingil? Sino ba kasi nagsabi sa 'yo na bayaran mo 'yun. At FYI ako ang tunay na may-ari nang damit na 'yon." May inis sa boses ni Nathalie."Really? But I don't care, bayaran mo pa rin ako." Sabi ni Nathalie sa binata."Ayoko, bahala ka!" Nagmamatigas na sabi ni Nathalie dito."Okay, tatawagan ko siya na nandito ka." Pananako
Warning matured content!!"You?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nathalie nang makita niya ang mukha nang lalaki.Napaatras pa ito dahil hindi niya inaasahan na si Rafa pala ang hinalikan niya. Pero bigla rin siyang napangiti sa ginawa niya. Hindi niya aakalain na dahil sa laro nila ay mahahalikan niya ang crush niya."S-Sowey, hahaha! Naglalaro lang kami, tapos tinuro ng kaibigan ko dito sa puwesto na 'to, kaya sinunod ko lang siya." Lasing na sabi ni Nathalie sa binata."Nasaan ang mga kaibigan mo?" Tanong ni Rafa."There....." Lasing na turo ni Nathalie sa puwesto nila.Pero hindi alam ni Nathalie na iniwan na siya ng mga kaibigan niya. Hinayaan na ni Trina si Nathalie kay Rafa. Ang totoo ay alam talaga ni Trina na si Rafa 'yung lalaki na nakatalikod kaya naman 'yon ang utos niya sa kaibigan niya."Wala namang tao doon," biglang sabi ni Rafa sa dalaga.Wala kasing tao doon sa mesa na itinuro sa kanya. Nagulat si Rafa dahil hindi niya inaasahan na may bigla na lang hahalik sa kanya. S