Share

THREE

Pervert

Bumaba na ako pagkatapos ko mag ayos I'm wearing a Off White Seam Midi Dress with High Neckline and I partner it with nude mat stilletos.

Natanaw ko ang mga maleta at mga box na paniguradong mga gamit ko na binubuhat nila papunta sa sasakyan sa labas. Medyo natagalan ako sa loob ng kwarto ko na paniguradong mamimiss ko buong buhay ko ngayon lang ako mapapahiwalay sa mga magulang ko at sa bahay na to. Dumaretso na ako sa dinning room at nakita ko sila mommy na nakaupo na dun hinihintay lang ako.

"Morning mom dad " nagbeso muna ako bago umupo sa upuan ko na agad namang ako inasikaso nila manang

"Morning are you ready na? " tanong ni Mommy na nag uumpisa na kumain tinanguan ko lang ito

"Sorry hija hindi ka namin mahahatid ng mommy mo may emergency sa Canada kailangan naming puntahan" kaya pala nakalabas din ang maleta nila at nakabihis sila ng formal

"Ngayon umaga din ang flight namin but pagka uwi namin dadaretso din kami dun kasama ang parents ni Engr. Ramirez hindi ka din masasalubong nila dahil nasa Japan sila kaya si Engr. Ramirez lang ang sasalubong sayo" tahimik lang akong nakikinig dahil natatakot akong sumagot baka kung ano ang masabi ko na hindi magustuhan ni mommy " And by the way tinawagan ko si Ms. Lee ang couch ni Laurene sinabi ko narin na ikaw na ang papalit sa kanya, sasali ka sa competition" dun lang ako sumaya sa sinabi niya

"Thank you mommy" maligaya kong sabi "But mom can I shop? " naisipan ko lang kasi magshopping scenes matagal tagal na akong hindi nakakabili ng gusto ko

"Sure you can" ani ni daddy kaya nakangiti akong nagpatuloy sa pagkain

Pumasok ako sa huling shop na pupuntahan ko ang Watson para bumili ng makeup set, skin care products dinamihan ko na para mang matagalan ang gamitan bumili rin ako ng bubble bath, my personal hygiene, lotion etc.

Pagkatapos ko magbayad ay dinala na ng bodyguard ko ang mga pinamili ko at dumaretso na kami sa parking lot para pumunta na sa mansion ng mapapangasawa ko. Mapapangasawa sounds creepy

Nakatulugan ko ang byahe siguro dahil late na ako natulog at maaga akong nagising isama narin ang ilang oras kong pag iikot sa mall nakakapagod. Nagising nalang ako dahil namamanhid na kamay ko dahil sa maling pwesto.

"Kuya malayo pa ba tayo? " tumingin lang ako sa labas ng nakita ko ang mga malalaking lupain na may malalaking bahay

"Ma'am nandito na po tayo sa village medyo dulo pa po yung bahay ni Engr." tumango nalang ako at tinignan ang tanawin paniguradong masarap mag jogging dito or mag bike buti pinadala ni daddy yun.

Napahinto lang ako sa pag iisip tungkol sa mga gagawin ko ay lumiko at pumasok kami sa isang napakalaking gate, natanaw ko ang napakalawak na Bermuda Grass sa di kalayuan na may puno puno it's a Golf course. Napakalawak naman nito hindi pa ako tapos sa paghanga ng napakalawak na tanawin ay huminto na ang sasakyan namin na agad may nagbukas ng pintuan ko para makalabas ako.

Taas noo akong lumabas at kinuha ang white Chanel bag at dun lalo nanlaki ang mata ko sa subrang laki ng mansion na nasa harapan ko wow. Napakalaking mansion para sa isang taong nakatira dito well magiging dalawa na dahil nandito na ako pero its to big para sa dalawang tao or more ni hamak na mas malaki to kompara sa mansion namin.

Nagkabit balikat nalang ako at nag umpisa na maglakad napansin ko ang napakadaming maid na nakahilera wow masyado namang formal. All of them wearing a classic black and white maid uniform dress may mga guard din. Sinalubong ako ng isang matandang babaeng kaparehas din ng ibang maids ang damit pero nagkaiba sa kulay she's wearing a gray and white maid uniform and I think siya ang mayordoma base sa kulay ng damit niya.

"Ma'am good afternoon" nagsiyukuan silang lahat "Maligayang bati po sa inyo" sabay sabay nilang sambit na hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa ng ganto

"Kamusta po ang byahe Senorita ako po si Grace ang mayordoma dito sa mansion. Pasok na po tayo paniguradong pagod kayo " I knew it siya nga ang mayordoma, tinanguan ko nalang ito at sumunod sa kanya papasok sa loob nakita ko kung paano niya utusan ang ilan sa kasambahay para kuhain ang mga gamit ko sa kotse

"Nakahanda napo ang inyong kwarto ilalagay nalang ang iba niyong gamit doon" wala akong balak sagutin siya dahil busy ako sa pagsuri sa loob ng mansion na to.

Kung maganda sa labas ni mas hamak na maganda ang loob may napakalaking chandelier sa gitna Bohemian Crystal Chandeliers kung aakyat ka sa hagdaan ay matatanaw mo lalo ang ganda ng napakalaking Chandelier na to na nakasabit, may mga painting din siya na naka sabit sa gilid ng hagdaan nakahilera lahat, simple lang ang kulay ng buong bahay White and Black na may halong brown nice choice.

"Ah ma'am ako nga po pala si Bianca" napalingon ako sa babaeng mas tingin ko'y bata pa saakin ngumiti nalang ako ng napansin ko parang natatakot or ano siya saakin "Ako po yung naka assign sa inyo" nakangiti niyang sabi

"Hadley Aaliyah, Lia for short " nakangiti kong pagpapakilala at sabay abot ng kamay sakanya, na agad naman niyang tinanggap, nawala ang ngiti niya at agad kinuha ang kamay niya sabay yuko napansin ko din ang pagkabalisa niya pati ng ibang maids lahat sila nakayuko at napansin ko rin ang pagtingin nila sa likod ko kaya kunot noo akong humarap at laking gulat ko ng sobrang lapit niya kaya hindi sinasadyang magtagpo ang labi naming dalawa halos manlaki ang mata ko. Kaya nung nakabawi ako ay agad ko siyang tinulak sabay hawak ko sa labi ko

"What the heck" sambit ko habang hawak parin ang labi ko. Hindi ko manlang nakitaan ng pagkabigla ang mukha niya sa nangyari parang inaasahan niya yun or baka sinadya niya.

"Nice to see you too" he smirk bwesit

"Pervert" sigaw ko sabay baling kay Bianca na hanggang ngayon nakayuko parin tila takot mag angat ng ulo "Bianca let's go I want to go to my room" agad naman tumango ito at umalis umirap muna ako sa lalaking to bago sumunod kay Bianca pero bago ako makahakbang sa papuntang taas ay may binanggit siya na talagang kinasira ng gabi ko

"You have a soft lips I like it "

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status