"Mukhang hindi na talaga natin mababago ang desisyon ni Mr. Benitez, Yvo," problemadong saad ni Karadine sa nobyo kinabukasan. Naroon sila ngayon sa opisina ng kaniyang ama kung saan ay pinagpaplanuhan pa rin nila ang susunod na aksyon matapos sirain ni Tamara ang kanilang plano. "'Di bale, gagawa na lang ako ng ibang paraan para magbago pa rin ang desisyon niya." "Ano namang gagawin mo? Sigurado ka bang hindi ka mapapahamak diyan?" Mahahalata ang pag-aalala sa winika niya. Kaya naman hindi naiwasang usisain siya nang panunukso nito. "Hindi ko alam kung saan ka ba talaga lubos na nag-aalala, Kara, sa plano ba ng grupo natin o sa akin?" Pasimple pa itong napakindat sa kaniya, dahilan para sandali siyang balutin ng kilig. Pero dahil ayaw nila parehong magpahalata na may espesyal na namamagitan sa kanila ay minabuti na muna niyang pakalmahin ang sarili. "Yvo, natural na mag-alala ako sa'yo." Bahagya pa siyang lumapit dito upang bumulong, "Nobyo kita, e." At saka naman agad na dumistan
KATULAD NANG nakasanayang gawin ay doon nga nagpakalma ng sarili si Karadine sa lihim na tagpuan nila ni Yvo. At dahil mayroon doong kubo ay naupo siya roon habang nakatanaw sa kalangitan. Hanggang sa maramdaman niya ang pagdating ni Yvo."Sabi ko na nga ba at nandito ka, e." Bahagya siyang napangiti. "Salamat at sumunod ka," aniya. "Siyempre." Tumabi ito sa kaniya habang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig nito sa kaniya. Hindi naman niya naiwasang magtanong dito. "Bakit ganiyan ka kung makatingin?" "Wala lang, alam mo bang paborito kong pagmasdan ang mukha mo?" sabi nito nang hindi nakatingin sa kaniya. Saka pa nito pasimpleng hinawakan ang kamay niya at pinisil iyon gamit ng mga daliri nito. Hindi naman niya naiwasang kiligin. "Alam mo, Yvo, nakakailang puntos ka na ngayong araw, hah?" "Puntos saan?" kunot noong tanong nito. "Sa pagpapakilig!" aniya.Sa puntong 'yon ay napalingon siya sa magkahawak nilang kamay at tila ba gumagaan ang pakiramdam niya sa pagkakayakap ng mga
Lingid pa rin kay Margaret na may kinikimkim na inis sa kaniya ngayon si Tamara, kaya naman nang maabutan niya itong paalis ng mansyon kasama ang ama at ang nakababatang kapatid na si Karadine ay pinabaunan pa niya ito ng gawa niyang leche flan. "Para saan 'yan?" kunot noo nitong katanungan.Napabuntong hininga naman siya. "Para sa pag-aalaga mo sa akin noong may sakit ako." Nakita naman niyang bahagyang nahabag si Tamara, na kahit kailan naman ay talagang naging malapit sa puso niya kahit na half sisters lamang sila. Ilang sandali pa ay mas napanatag ang kalooban niya nang magawa nitong tanggapin ang inaabot niyang leche flan."Salamat," tipid nitong sabi.Napangiti naman siya at sinabi, "Sobrang nami-miss na kita, Ate Tamara. Kailan ka ba kasi ulit magiging free?" Nakita niya ang pag-iling nito.At hindi niya inaasahan na malayo sa sinabi niya ang magiging kasagutan nito. "Kailangan na naming umalis." Bago pa man ito tuluyang makaalis ay hinabol niya ito at dali-daling niyakap.Nati
"Boss, naunahan tayo ng mga pulis," pagbibigay balita ni Renzo kay Renato. Nakatakda kasi sana ulit silang lusubin ang property ng mga Benitez na nagsisilbi nitong hide out ng iba pa nitong mga armas, subalit hindi naman nila inaasahan na nakatimbre na pala ang mga pulis sa nangyaring pagsisiwalat ng mga kasalanan ni Mr. Benitez sa mismong event nito."Mabuti na ring naunahan tayo ng mga pulis, Renzo, kaysa naman nauwi sa alanganin ang mga anak ko." "Pero hindi ba't hindi naman ganito ang hinahangad mong hustisya, boss? Ang gusto mo ay maparusahan sa kamay mo ang pamilya Benitez lalo na si Mr. Benitez." "Para ano? Para madagdagan ang kasalanan ko sa batas? Renzo, minsan na akong kinasuklaman ng anak ko nang dahil sa maling desisyon ko at ayaw ko nang maulit 'yon." Napatango si Renzo at hindi naman nila inaasahan ang pagsingit ni Florencio sa usapan. "Tama si boss, Renzo, at kung may dapat mang sisihin dito kung bakit naging gano'n ang pananaw ni boss ay ako 'yon, dahil sa akin naman
NAKATALI ang paa't kamay ni Margaret ng mga oras na 'yon habang nakakulong siya sa isang marumi at mabahong abandonadong bahay. Hindi niya akalaing magagawa siyang iwan sa ganoong sitwasyon ni Andrew para lang matuloy ang plano nitong paghihiganti sa kaniyang ama at mga kasapi nito.Sariwa pa rin sa isipan niya kung paano siya iniwan ni Andrew sa ganoong sitwasyon matapos siya nitong itali at ikulong sa lugar na iyon. "Dito ka lang, babalik ako. At para makasiguro na hindi ka aalis ay kinakailangan kong ikulong ka at itali ang paa't kamay mo.""Andrew, 'wag mong gagawin sa akin 'to, alam mong buntis ako--" Napailing lamang ito. "Wala na akong ibang choice, sorry." Hindi niya alam kung ano bang dapat maramdaman gayong natitiis ni Andrew na makitang nahihirapan siya para lang matuloy ang pinaplano nito."A-ano ba kasing pinaplano mo? Akala mo ba ay hindi delikado ang gusto mong mangyari? Oo, naiitindihan ko na naghahangad ka ng hustisya pero hindi sa ganitong paraan!""Tumigil ka na, M
Malalim na ang gabi at umaasa pa rin si Margaret na babalikan siya roon ni Andrew, hindi dahil sa kagustuhan niyang magsasama pa rin sila nito at bibigyan siya nito ng maganda at maayos na buhay, kundi dahil nais niya nang makaalis sa lugar na iyon. Ramdam na niya ang gutom kasabay nang takot at pangamba, at wala siyang ibang maisip na paraan kundi ang umiyak ng umiyak. Hanggang sa maramdaman niya na lang ang pagsakit ng tiyan niya, dahilan para mapamura siya sa sakit. "Ah!" Ilang segundo pa ang lumipas nang makaraos sa sakit ay saka naman namuhay ang galit sa kaniyang dibdib. "Isinusumpa ko, simula sa araw na ito, wala ka nang magiging karapatan sa anak mo, Andrew!" Simula pa lang nang iwanan siya nito sa abandonadong bahay na iyon ay napatunayan niya sa sarili na walang maidudulot na maganda sa buhay niya si Andrew, lalo na't ang pinakamithiin lamang nito ay ang makaganti sa kaniyang ama sa pagkamatay ng kaibigan nitong si Philip at ang pamilya nito.Hindi niya alam ay pareho lang di
HINDI NA nagpang-abot pa sa mansyon ang mag-amang Margaret at Renato matapos itong samahan ni Simon na umuwi ng mansyon. Kaya naman wala pa ring kamalay-malay si Renato na nakauwi na nang ligtas ang anak. At dahil nabalitaan nito kay Florencio na alam ni Andrew kung nasaan ngayon si Margaret ay agad niya itong kinausap nang masinsinan habang nakakulong pa rin ito sa isang k'warto. "Saan mo dinala ang anak ko?" Napangisi si Andrew. "At bakit ko naman sasabihin? 'Ni hindi n'yo nga ako magawang pakawalan, pwes, mamatay siya ro'n sa gutom!"' Hindi na napigilan pa ni Renato ang galit na nararamdaman, dahilan para masuntok niya ito sa panga. "Ah!" singhal niya. At nang balikan niya ng tingin ang binata ay nakita niyang nagdulot agad ng sugat ang panga nito na nalapatan ng kaniyang kamao. "Akala ko ba ay mahal mo ang anak ko at ang magiging apo ko? Bakit hinahayaan mo lang silang magutom at mapahamak sa sitwasyon nila ngayon?" Seryoso siyang tiningnan ni Andrew. At doo'y hindi niya naiwa
"Talaga? Hiwalay na kayo ni Yvo?" Labis ang kasiyahang nararamdaman ngayon ni Tamara matapos ibalita sa kaniya ni Karadine na hiwalay na ito sa kasintahan. Gayunpama'y anong bigat sa dibdib ang nararanasan ngayon ni Karadine pero mas kinakailangan nitong magpalaya para sa kaniya. "Salamat." Napayakap siya rito at sa sarili ay napabulong siya ng, "Uto-uto." Kapagkuwa'y ipinakita na naman nito ang pekeng ngiti nang magkaharap silang muli. "Ano pa lang sabi niya no'ng makipaghiwalay ka?" Nagkibit balikat lamang si Karadine, ayaw na kasi niyang balikan pa ang naging huling pag-uusap nila ni Yvo. "Basta, gawin mo na lang ang bagay na makakapagpasaya sa'yo, masaya ako kung saan ka masaya, Ate Tamara." Tipid pang napangiti si Karadine kahit sobrang sakit ng kaniyang nararamdaman. Kaya matapos ang kanilang pag-uusap ay hindi pinalampas ni Tamara ang pagkakataon para akitin si Yvo at para siya naman ang mahalin nito."Yvo, ako na lang ang mahalin mo, siguradong mamahalin kita nang higit pa s