Share

Kabanata 18

Corvus POV

Napadilat ang mga mata ko nang makita kong nagising ako dito sa upuan na kung saan ay naririto na naman ako sa veranda ng penthouse ni Miss Alina.

Teka, pinasok na naman ba ni Alina ang panaginip ko kaya ako naririto?

Tumingin ako sa paligid, hinanap ko siya, pero hindi ko naman ito makita rito. Biglang umihip ang malamig na hangin, napayakap ako sa katawan ko. Huli ko na napansin na hubu't hubad pala ako ngayon. Natatandaan ko, hubu't hubad akong natulog. Ito ay dahil nawalan ng kuryente nung gabing antok na antok na ako. Sa sobrang init, nagtanggal na lang ako ng saplot para makatulog na ako. Kung ano ako nung natulog, ganito rin ako ngayon sa panaginip na ‘to.

Tinakpan ko ng kamay ang ari ko. Baka kasi nakamasid lang si Miss Alina sa akin, nakakahiya naman.

"M-miss Alina, pinasok mo ba ulit ang panaginip ko?" tanong ko sa kaniya.

Kung kailan naman wala akong saplot, saka naman siya pumasok sa panaginip ko. Nakakahiya tuloy ang itsura ko. Pero ang pinagtataka ko, walang s
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status