Share

Chapter 14: Wedding

PEONY's POV

Nanatili kami ni Luigi ng ilang oras sa hospital, hinintay ko rin makatulog si Papa bago kami umalis. Habang hinihintay ko makatulog no'n si Papa, si Luigi ay hindi ko alam kung saan pumunta. Basta saktong pagtulog ni Papa ay nakabalik na siya at doon na kami umalis. Pero bago umalis ay nagpaalam muna kami kay Tita at inabutan ko siya ng pera para pang dagdag sa gastusin niya at pasasalamat na rin dahil sa pagbabantay kay Papa.

Bago pa man kami makapasok ni Luigi sa sasakyan ay nagsalita ako, dahilan para matigil siya sa pagbukas ng pintuan ng sasakyan. "Salamat," sambit ko.

Lumingon siya sa'kin. "For what?"

"Sa pagpunta rito kasama ko," sagot ko saka ngumiti. "Maraming salamat."

Tumango lang siya, walang emosyon sa kaniyang mga mata. Pagtapos tumango ay binuksan niya ang pintuan ng sasakyan. Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob at napalingon sa kaniya nang hindi pa niya sinasarado ang pinto.

"That's your payment for accompanying me to my parents' house," saad niya,
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Melani Angcahan
update!!! 🫶🏼
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status