"Babe, listen to me. Please hear me out," pagmamakaawa ni Ivana. "Ivana, please. Get out of my sight." Nakatungo si Jackson habang hinihilot ang kaniyang sintindo. "No! Hindi ako aalis sa tabi mo hangga't hindi tayo nagkakaintindihan," pagmamatigas ni Ivana. Alam niyang galit talaga si Jackson dahil hindi siya nito tinatawag sa kanilang endearment. Dahan-dahang ini-angat ni Jackson ang kaniyang mukha. Ang kaniyang mga mata ay napupuno ng hinanakit at pagsisisi. Buong buhay niya, palagi niyang isinasaalang-alang kung ano ang mararamdaman ng babaeng nasa harapan niya bago siya gumawa ng desisyon at aksyon. Wala siyang nais kung hindi ang mapaligaya ito at maibigay ang marangyang buhay na kinagisnan nito. Ivana's family business is on the verge of bankruptcy. Ito ang pinakadahilan ni Jackson kung bakit gustong-gusto niyang manalo laban kay Jacob. Ikinuyom ni Jackson ang kaniyang mga kamao. Ramdam niya ang pag-init ng kaniyang mga mata. Nagbabadyang pumatak ang kaniyang mga luha hindi
Hindi maawat ni Freya ang bilis ng tibok ng puso niya. Matiyaga niyang hinihintay ang pagbuka ng bibig ni Yael. Kinakabahan siya sa posible nitong itanong at hindi lang iyon basta kaba dahil abot-langit din ang takot na kaniyang nararamdaman sa ngayon."Mommy, may kakambal po ba si daddy?"Tila umurong ang dila ni Freya sa tanong na iyon ng kaniyang anak. 'He saw him,' aniya sa isip.Lumuhod si Freya para magpantay ang mga mata nila ni Yael. Hinawakan niya ito sa balikat at saka niyakap nang mahigpit."Mommy, bakit ka po umiiyak? May nasabi po ba akong hindi maganda?" nag-aalalang tanong ni Yael. Tinapik niya ang balikat ni Freya."Wala anak. Naalala lang ni mommy si daddy mo. Naalala ko 'yong happy moments namin noon at kung paano kami pinaglayo ng tadhana." Pinahid ni Freya ang kaniyang mga luha at saka humarap kay Yael. Hinaplos niya ang buhok nito. "Walang kakambal si daddy mo, anak. Nag-iisa lang siya," aniya. Ayaw na niyang dagdagan ang kasalanan niya sa anak niya. Ayaw na niyan
"Anong ginagawa mo rito?" sabay na sigaw nina Freya at Jackson. "Ginagaya mo ba ako?" sabay ulit nilang sigaw. Sa halip na mainis sa isa't-isa ay parehas silang napatawa. "Magkagaya ba ang takbo ng isip natin?" nakangising tanong ni Jackson. "Siguro oo kasi 'yan din ang gusto kong itanong sa iyo eh. Naunahan mo lang ako," sambit ni Freya habang naglalakad sa pool. "Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang anak mo?" seryosong tanong ni Jackson. "Natutulog pa. Iniwan ko lang saglit para makapag-isip-isip ako at makapagpahangin. Ikaw? Bakit nandito ka? Napaaga yata ang gising mo," ani Freya. "Actually, wala pa akong matinong tulog," tugon ni Jackson. Umupo sina Jackson at Freya sa hagdan ng pool at doon nagtampisaw. "Dahil ba kay Ivana?" nag-aalangang tanong ni Freya. Hindi sumagot si Jackson sa halip ay binato niya rin ng tanong si Freya. "Ikaw Freya, nakatulog ka na ba o wala ka pa ring matinong tulog gaya ko?" Bumuntong hininga si Freya. "Wala pa rin akong maayos na tulog," aniya.
"Mommy, bakit po putlang-putla ka? Nakatulog ka po ba kagabi?" tanong ni Yael habang kinukusot pa ang kaniyang mga mata.Hinapit ni Freya ang kaniyang anak palapit sa kaniya. Ipinulupot niya ang kaniyang mga kamay kay Yael at pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo."Nakatulog naman si mommy kahit papaano. Siguro dala lang ng pagod kahapon." Napatingin siya sa pinto nang biglang may kumatok doon. "Anak, punta ka muna ng banyo. Mag-toothbrush ka roon at maghilamos."Mabilis na bumaba sa kama si Yael. Nakahawak siya sa kaniyang tiyan. Tamang-tama dahil tinatawag siya ng kalikasan. Agad siyang nagtatakbo papunta sa banyo.Inamoy ni Freya ang kaniyang hininga. 'Ang baho! 'Di bale lalayo na lang ako para hindi maamoy noong kumakatok ang hininga ko.' Sinuklay niya ng kaniyang daliri ang kaniyang buhok at pagkatapos ay pinuyod iyon. Naglakad na siya patungo sa may pintuan at binuksan ang pinto. Napaatras siya nang makita niya si Diana. Nakabihis na ito at dala na rin ng bodyguard nitong si H
Halos tumirik ang mga mata ni Diana kaiirap kay Ivana. Kitang-kita niya sa kaniyang puwesto ang kaharutan nito. Nakahiga si Ivana sa dibdib ni Jacob habang ang mga kamay nito ay pauli-uli sa matipunong katawan ng kaniyang kapatid. "We're inside the aircraft. Wala tayo sa motel. Pinapaalala ko lang at baka nakakalimutan niyo na," pasaring ni Diana. Tumingin si Ivana kay Diana at ngumiti, "sorry." "Nakakatakot. Parang anumang oras eh babagsak nang diretso 'tong private aircraft ni papa sa apoy ng impyerno." Niyakap ni Diana ang kaniyang sarili at nagkunwaring natatakot. Pinandilatan pa niya si Ivana. "Diana, shut your mouth!" suway ni Jacob. Humalukipkip si Diana at naglaro na lang sa kaniyang iPhone. "Pasalamat nga 'yang babaeng 'yan at hindi siya pinababa ng private pilot ni papa eh! Hindi naman siya dapat kasama rito! Amoy malansa tuloy!" aniya. "Pasalamat ka rin kay papa at may nasakyan tayo pauwi ng Manila. Kung hindi ka ba naman pahuli-huli eh 'di sana, hindi tayo naiwan ng
"Bakit niyo po natanong kung sino ang ama ng anak ko?" nagtatakang tanong ni Freya."Nevermind. Ano palang pangalan mo hija?" ani Don Vandolf."Freya Oligario po." Yumuko ulit siya at humingi ng pasensya. "Maiwan na po namin kayo. Pasensya na po ulit." Naglakad na siya pabalik ng kiddie pool kasama si Yael."Senior, kamukhang-kamukha po ni Sir Jacob ang bata," sambit ni Set."Matalas din nga ang mata mo bata. Napansin ko rin ang bagay na iyon. Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit magaan ang loob ko kay Yael," ani Don Vandolf."Ano pong balak niyo senior?" tanong ni Set."I will call my private investigator. Aalamin ko kung sino si Freya Oligario at kung may ugnayan ba siya kay Jacob. Let's see if tama ang kutob kong apo ko nga ang napakaguwapong batang iyon. Humanda sa akin 'yang si Jacob kapag napatunayan kong siya ang ama ni Yael," tugon ni Don Vandolf. Hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang tingin sa mag-ina.Napatingin si Set sa cell phone ng kaniyang amo nang tumunog iyon."Senio
"Senior, mukhang umalis na po sina Freya at Yael." Nagmasid si Set sa paligid. "Nagtext na rin po ang ama ni Ivana. Dati raw po niyang empleyado si Freya. Taga-Monte Carlos daw po ang mag-ina," aniya.Kinuha ni Don Vandolf ang table napkin at pinunasan ang kaniyang bibig. Marahan siyang tumayo."Her eyes made me doubt her words. Set, call my private investigator. I need to confirm if she's telling the truth." Napatingin si Don Vandolf sa kaniyang cell phone. Tumatawag na naman si Jacob. "This son of a!" Sinagot niya ang tawag.["Papa, nandito na kami sa Manila. Nakausap mo na ba si Mr. Clinton? I still can't accept his decision! Jackson stole my presentation tapos siya pa ang napili niya! It's too unfair!"]Tumikhim si Don Vandolf."His decision is final, Jacob. He explained everything to me. Tanggapin mo na ang pagkatalo mo sa Kuya Jackson mo. Ano nga palang progress sa pinapagawa ko sa'yo sa Monte Carlos?" kunot-noong tanong ni Don Vandolf.["Papa, ayoko nang bumalik sa lugar na 'yo
Matapos ang isang linggong bakasyon ay back to reality na sina Freya at Yael. Maagang gumising si Freya para asikasuhin ang anak niya. Malinis na rin ang kanilang munting tahanan. Nakaligo na rin siya dahil balak niyang mag-job hunting ngayong araw after nilang magkita ni Jackson.“Ingat ka ha. Oh, heto ang baon mo. Sunduin kita mamaya sa school. Huwag kang sasama sa mga taong hindi mo kilala ha. Wait mo na lang si mommy sa room mo. Maliwanag ba, anak?” tanong ni Freya.“Opo mommy!” tugon ni Yael.Tumayo si Freya at lumakad palapit kay Rian. Si Yael naman ay nakasakay na sa loob ng tricycle nito.“Rian, ikaw na muna ang bahala kay Yael ha. Maghahanap muna ako ng trabaho. Ayokong ibuin ang pera ni Yael eh at bigay pa ýon sa kaniya ni Maám Diana. Kapag may problema, tawagan mo lang ako,” sambit ni Freya.“Napakaswerte talaga saýo ni Yael. Bukod sa masipag na, masinop pa! Hay naku! Kapag talaga nakaharap ko ang ama ng batang ýan ingungudngud ko sa sahig ang pagmumukha niya!” gigil na tur