Share

Kabanata 18

"Mommy, bakit po putlang-putla ka? Nakatulog ka po ba kagabi?" tanong ni Yael habang kinukusot pa ang kaniyang mga mata.

Hinapit ni Freya ang kaniyang anak palapit sa kaniya. Ipinulupot niya ang kaniyang mga kamay kay Yael at pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo.

"Nakatulog naman si mommy kahit papaano. Siguro dala lang ng pagod kahapon." Napatingin siya sa pinto nang biglang may kumatok doon. "Anak, punta ka muna ng banyo. Mag-toothbrush ka roon at maghilamos."

Mabilis na bumaba sa kama si Yael. Nakahawak siya sa kaniyang tiyan. Tamang-tama dahil tinatawag siya ng kalikasan. Agad siyang nagtatakbo papunta sa banyo.

Inamoy ni Freya ang kaniyang hininga. 'Ang baho! 'Di bale lalayo na lang ako para hindi maamoy noong kumakatok ang hininga ko.' Sinuklay niya ng kaniyang daliri ang kaniyang buhok at pagkatapos ay pinuyod iyon. Naglakad na siya patungo sa may pintuan at binuksan ang pinto. Napaatras siya nang makita niya si Diana. Nakabihis na ito at dala na rin ng bodyguard nitong si H
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenny Francisco Badat
its a beautiful story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status