"Freya, are you okay?" nagtatakang tanong ni Jacob. Pansin niya ang butil-butil na pawis nito sa noo. Ang mga mata nito ay hindi mapakali na tila ba palaging may hinahanap."P-punta lang akong restroom," pagpapalusot ni Freya.Tumango si Jacob at hindi na muling nagtanong pa. He made himself busy about business. Medyo sumakit ang ulo niya nang makatanggap siya ng sunod-sunod na email galing sa sekretarya ng kaniyang papa.Nililingon ni Freya si Jacob habang lumalakad siya. Kaunting hakbang na lang at malapit na siya sa restroom. Nang makita niyang tungong-tungo si Jacob sa cell phone nito ay agad siyang kumaripas ng takbo palabas ng restaurant."I need to find them before they find us first!" ani Freya habang mabilis na lumalakad. Halos lumuwa na ang mga eyeballs niya kaka-scan sa paligid. "Saan ba kayo nagsuot? Anak ng tipaklong!" sigaw niya nang may biglang kumulbit sa likod niya.Nanlambot ang mga tuhod ni Freya nang makita niya ang nakasimangot na mukha ni Jacob. Nakakrus ang mga
Tumalikod si Diana sa kinaroroonan nina Freya at Jacob. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ni Yael. "Tita, parang nakita ko po si mommy rito," sambit ni Yael. "No sweetie. Baka namamalik-mata ka lang. Siya nga pala, 'di ba you want to eat McDo's chicken joy?" nakangiting tanong ni Diana. "Yes po tita! Jabi po sana kaso sabi mo po walang Jabi rito kaya McDo na lang po," masiglang tugon ni Yael. "Tara! Puro seafoods at beef kasi rito sweetie. Lipat tayo ro'n," pangungumbinsi ni Diana. "Sure po tita! Thank you po," ani Yael. Pumihit na sina Diana para lumabas sa restaurant. Itutulak na niya ang pinto nang biglang … "Diana?" kunot-noong sabi ni Jacob. Napansin niya ang batang kasama nito. Hindi niya lang kita ang mukha dahil nakatalikod ito sa kaniya. Halata ang pagkagulat sa mukha ni Diana. 'Diana? Iyon ang babaeng nabanggit ni Jacob kanina ah! Si ma'am ba 'yong tinutukoy niyang brat kanina? Ay bahala na saka ko na lang itanong kay ma'am kung kilala niya ba si Jacob. Ang mas
"Jackson, where's your brother? He's five minutes late." 'Mukhang nabahag na ang buntot ng magaling kong kapatid! Tama ang naging desisyon niya tutal sa akin din naman mapupunta itong Escueza,' sigaw ng isip ni Jackson. "Ako na po ang humihingi ng pasensya para sa kapatid ko, Mr. Clinton. Maybe he forgot about this meeting? Anyway, can we start without him? I'm excited to discuss things with you," Jackson said while preparing his presentation and his check. Ngumiti sa kaniya si Mr. Clinton at binigyan siya ng pahintulot na magsimula na. Malagkit ang mga tingin ng matandang bilyonaro sa kaniyang girlfriend na si Ivana. Nang mapansin iyon ni Jackson ay agad siyang nagsalita. "Oh, I forgot to introduce my fiancée. Mr. Clinton, this is Ivana. Ivana, meet Mr. Clinton. I know that this is not the first time that you saw each other, right?" Mr. Clinton nodded. He bit his lower lip. Umiwas si Ivana nang mapansin niya iyon. "You look stunning tonight, my dear Ivana," sambit ni Mr. Clinton
"Babe, listen to me. Please hear me out," pagmamakaawa ni Ivana. "Ivana, please. Get out of my sight." Nakatungo si Jackson habang hinihilot ang kaniyang sintindo. "No! Hindi ako aalis sa tabi mo hangga't hindi tayo nagkakaintindihan," pagmamatigas ni Ivana. Alam niyang galit talaga si Jackson dahil hindi siya nito tinatawag sa kanilang endearment. Dahan-dahang ini-angat ni Jackson ang kaniyang mukha. Ang kaniyang mga mata ay napupuno ng hinanakit at pagsisisi. Buong buhay niya, palagi niyang isinasaalang-alang kung ano ang mararamdaman ng babaeng nasa harapan niya bago siya gumawa ng desisyon at aksyon. Wala siyang nais kung hindi ang mapaligaya ito at maibigay ang marangyang buhay na kinagisnan nito. Ivana's family business is on the verge of bankruptcy. Ito ang pinakadahilan ni Jackson kung bakit gustong-gusto niyang manalo laban kay Jacob. Ikinuyom ni Jackson ang kaniyang mga kamao. Ramdam niya ang pag-init ng kaniyang mga mata. Nagbabadyang pumatak ang kaniyang mga luha hindi
Hindi maawat ni Freya ang bilis ng tibok ng puso niya. Matiyaga niyang hinihintay ang pagbuka ng bibig ni Yael. Kinakabahan siya sa posible nitong itanong at hindi lang iyon basta kaba dahil abot-langit din ang takot na kaniyang nararamdaman sa ngayon."Mommy, may kakambal po ba si daddy?"Tila umurong ang dila ni Freya sa tanong na iyon ng kaniyang anak. 'He saw him,' aniya sa isip.Lumuhod si Freya para magpantay ang mga mata nila ni Yael. Hinawakan niya ito sa balikat at saka niyakap nang mahigpit."Mommy, bakit ka po umiiyak? May nasabi po ba akong hindi maganda?" nag-aalalang tanong ni Yael. Tinapik niya ang balikat ni Freya."Wala anak. Naalala lang ni mommy si daddy mo. Naalala ko 'yong happy moments namin noon at kung paano kami pinaglayo ng tadhana." Pinahid ni Freya ang kaniyang mga luha at saka humarap kay Yael. Hinaplos niya ang buhok nito. "Walang kakambal si daddy mo, anak. Nag-iisa lang siya," aniya. Ayaw na niyang dagdagan ang kasalanan niya sa anak niya. Ayaw na niyan
"Anong ginagawa mo rito?" sabay na sigaw nina Freya at Jackson. "Ginagaya mo ba ako?" sabay ulit nilang sigaw. Sa halip na mainis sa isa't-isa ay parehas silang napatawa. "Magkagaya ba ang takbo ng isip natin?" nakangising tanong ni Jackson. "Siguro oo kasi 'yan din ang gusto kong itanong sa iyo eh. Naunahan mo lang ako," sambit ni Freya habang naglalakad sa pool. "Bakit mag-isa ka lang? Nasaan ang anak mo?" seryosong tanong ni Jackson. "Natutulog pa. Iniwan ko lang saglit para makapag-isip-isip ako at makapagpahangin. Ikaw? Bakit nandito ka? Napaaga yata ang gising mo," ani Freya. "Actually, wala pa akong matinong tulog," tugon ni Jackson. Umupo sina Jackson at Freya sa hagdan ng pool at doon nagtampisaw. "Dahil ba kay Ivana?" nag-aalangang tanong ni Freya. Hindi sumagot si Jackson sa halip ay binato niya rin ng tanong si Freya. "Ikaw Freya, nakatulog ka na ba o wala ka pa ring matinong tulog gaya ko?" Bumuntong hininga si Freya. "Wala pa rin akong maayos na tulog," aniya.
"Mommy, bakit po putlang-putla ka? Nakatulog ka po ba kagabi?" tanong ni Yael habang kinukusot pa ang kaniyang mga mata.Hinapit ni Freya ang kaniyang anak palapit sa kaniya. Ipinulupot niya ang kaniyang mga kamay kay Yael at pagkatapos ay hinalikan niya ito sa noo."Nakatulog naman si mommy kahit papaano. Siguro dala lang ng pagod kahapon." Napatingin siya sa pinto nang biglang may kumatok doon. "Anak, punta ka muna ng banyo. Mag-toothbrush ka roon at maghilamos."Mabilis na bumaba sa kama si Yael. Nakahawak siya sa kaniyang tiyan. Tamang-tama dahil tinatawag siya ng kalikasan. Agad siyang nagtatakbo papunta sa banyo.Inamoy ni Freya ang kaniyang hininga. 'Ang baho! 'Di bale lalayo na lang ako para hindi maamoy noong kumakatok ang hininga ko.' Sinuklay niya ng kaniyang daliri ang kaniyang buhok at pagkatapos ay pinuyod iyon. Naglakad na siya patungo sa may pintuan at binuksan ang pinto. Napaatras siya nang makita niya si Diana. Nakabihis na ito at dala na rin ng bodyguard nitong si H
Halos tumirik ang mga mata ni Diana kaiirap kay Ivana. Kitang-kita niya sa kaniyang puwesto ang kaharutan nito. Nakahiga si Ivana sa dibdib ni Jacob habang ang mga kamay nito ay pauli-uli sa matipunong katawan ng kaniyang kapatid. "We're inside the aircraft. Wala tayo sa motel. Pinapaalala ko lang at baka nakakalimutan niyo na," pasaring ni Diana. Tumingin si Ivana kay Diana at ngumiti, "sorry." "Nakakatakot. Parang anumang oras eh babagsak nang diretso 'tong private aircraft ni papa sa apoy ng impyerno." Niyakap ni Diana ang kaniyang sarili at nagkunwaring natatakot. Pinandilatan pa niya si Ivana. "Diana, shut your mouth!" suway ni Jacob. Humalukipkip si Diana at naglaro na lang sa kaniyang iPhone. "Pasalamat nga 'yang babaeng 'yan at hindi siya pinababa ng private pilot ni papa eh! Hindi naman siya dapat kasama rito! Amoy malansa tuloy!" aniya. "Pasalamat ka rin kay papa at may nasakyan tayo pauwi ng Manila. Kung hindi ka ba naman pahuli-huli eh 'di sana, hindi tayo naiwan ng