"Vreihya, anak? Matindi daw ang naging pagtatalo ninyo ng mortal ayos sa sinabi sa akin ng tagapagbantay ng kaniyang kulungan," andito na naman ang malambing na tinig ni Ina na kahit kailan ay hindi nabigo na tila aluin ako sa tuwing ako ay kaniyang kausap.
"I still don't get it! Bakit sa lahat ng nilalalang ay sa akin pa ito nangyari Ina?" mahinahon ko din na sagot sa kaniya pabalik. This is really a disaster! Mayroon akong reputasyon sa mundong ito at hindi ko nais na masira iyon sa katotohanang kailangan kong dumepende sa isang mortal. Maaari naman na sa isang prinsipe ng ibang kaharian pero bakit sa isang tao pa?
"Isa iyang bayad Vreihya, iyan ay kabayaran sa ginawa nating pangmamaliit at pang-aapi sa kanilang lahi," agad nitong sabi sa akin bago siya lumapit sa akin at hawakan nang dahan-dahan ang aking mahaba at itim na itim na buhok. Andito na naman ako sa katotohanan na kami ang may nagawang kasalanan, kami ang dapat sisihin. Kami ang may kasalanan ng lahat.
"Bakit ako? Bakit ako ang kailangang maghirap? Bakit ako ang kailangang magsakripisyo?" sunod-sunod kong tanong sa aking Ina. Hindi ko pa din talaga matanggap. Kung sino pa ang nilalang na pinaka inaayawan ko sa lahat ay tila sila pa ang dapat na hingan ko ng awa.
"Vreihya, wag mo na pasamain ang aking kalooban. Kung manlalaban ka, ako ang mawawalan ng kaisa-isang anak. Mahal kita aking anak at mas gugustuhin ko pang makita ka na nasa piling ng isang mortal kaysa masilayan kang isang malamig na bangkay," agad na turan ng aking ina na tila nahihirapan siyang magsalita tsaka niya inalis ang kaniyang pagkakahawak sa aking buhok.
Agad na tumalikod ang aking Ina habang naririnig ko ang mga pigil niyang hikbi. Kahit kailan ay hindi ka nagtagumpay na tiisin ang iyong pagluha Ina. Katulad ka pa din ng dati na mapagmahal at mapag-ingat na tila isa akong babasagin na pigura aking Ina.
"Fine! I will do it. Basta hindi ko maipapangako na hindi ko siya masasaktan," madiin kong sabi ngunit may paggalang pa rin sa kaniya. Agad na akong tumayo sa tronong aking inuupuan at ginamit ang aking bilis upang makalabas agad ng silid.
Nagsimula na akong humakbang sa mahabang pasilyo ng aming palasyo. Sa kabila nang taglay nitong kadiliman ay malinaw kong natatanaw ang daan na dapat kong lakaran. Hindi ko mapigilan na makaramdam ng inis nang unti-unti ko nang baybayin ang direksyon papunta sa kaniyang silid. Nakakapanliliit sa pakiramdam ang ganito na tila ako ang nanunuyo at dapat na magpakababa.
"Hindi na sapat ang mga gamot sa botelyang ito Mahal na Prinsesa," agad akong napahinto nang maalala ko ang kataga ng isang babaylan na madalas naming pinupuntahan ni Ina upang mawala ang sakit sa aking nararamdaman sa tuwing hinahanap ng aking katawan ang mortal.
Simula nang maganap ang aksidente nung ako ay siyam na taong gulang pa lamang ay hindi na nilihim sa akin ni Tiyo Alonzo at ng aking Ina ang mapait na katotohanan. Kailangan ko ang nilalang na iyon upang mabuhay, ang nilalang na tumawag sakin na isang halimaw habang walang awa akong binabaril ng kaniyang Ama.
"Macara, ano ang nais mong ipabatid?" tanong ni Ina sa babaylan upang mas higit
siyangmalinawan."Nasa hustong gulang na ang Mahal na Prinsesa. Kung dati ay kaya ng gamot na ito ang musmos niyang katawan ngayon ay mas higit na kailangan na ang presensya ng mortal na nilalang," pahayag niya sa amin ni Ina.
"Hindi! Macara maaari bang gumawa ka na lamang ng mas malakas na gamot. Ayaw kong muling madikit sa nilalang na iyon. Gumawa ka na lamang nang higit na malakas na gamot!" mahigpit kong tutol sa kaniya habang naididiin ko na ang aking matatalas na kuko sa lamesa na nasa aking harapan. Magtitiis na lamang ako sa gamot hindi ako papayag na magmakaawa sa isang mahinang
nilalang."Ngunit Mahal na Prinsesa, tuwing madadagdagan ang iyong edad ay mas pinalalakas ko ang aking mga gamot ngunit ito ay todo na Mahal na Prinsesa. Sagad na ang lakas ngunit hindi na nito kakayanin".
Agad akong nanlumo sa kaniyang tinuran. Ginawa ko ang lahat upang hindi na humantong na kailangan ko pa siya upang mabuhay. Nagbasa at nagsaliksik ako ng mga libro, naghanap ng puwedeng mapagtanungan ng solusyon ngunit hindi ako makakahanap ng sagot dahil sa aking nalalaman ay ngayon lamang naganap ang ganitong pangyayari. Ako lamang ang nakakaranas ng ganitong sumpa. At hanggang ngayon ay walang nakapagsasabi sa akin kung bakit at ano nga ba ang nagawa ng aming lahi upang mapilitan akong gawin ang ganitong bagay.
Malalim ang aking naging buntong hininga nang matapat na ako sa pintuan kung nasaan nakapiit ang nilalang na hindi ko dapat kelan man bigyan ng paggalang. Agad na yumuko sa akin ang tagapagbantay ng pintuan. Agad akong tumingin nang masama sa kaniya at naramdaman ko na lamang ang pag-init ng aking mata na senyales ng pag-iiba nito ng kulay.
Agad kong naramdaman ang tila biglang paghirap ng kaniyang paghinga at panginginig ng kaniyang mga tuhod.
"Ikaw pala ang nagsumbong kay Ina," madiin at mabagal kong usal sa kanya. Agad siyang yumuko at hindi nagtagal ay napaluhod siya sa aking harapan.
"Ma-mahal na Prin-prinsesa. Patawad po!" halos hindi siya makabuo ng isang deretsong kataga dahil pinangunahan siya ng takot.
"Tumayo ka diyan! Hindi ko inutos na lumuhod ka sa aking harapan!" malakas kong singhal sa kanya kaya wala siyang inaksaya na panahon at agad siyang tumayo ngunit nakayuko siya habang nanginginig.
Agad akong napabunga ng hininga. Ilang minuto lamang ay umalingawngaw ang aking malakas na halakhak sa buong pasilyo. Bakas sa kaniya ang pagkagulat at hindi mawalang takot. Masyado na kayong takot sa akin. Nagbibiro lamang ako!
"Huwag ka nang matakot Victor, nagbibiro lamang ako haha," natatawa kong sabi sa kanya at ang kaninang nakakatakot kong enerhiya ay napalitan ng mumunting mga halakhak. Nagbibiro lamang ako. Bakas pa din ang takot sa kaniya ngunit mas pinili niyang ngumiti din ngunit andoon pa rin ang respeto.
"Pinapaabot ni Ina ang pagpuri sa iyo. Napakahalaga na ang isang tauhan sa palasyo ay madalas na mag-ulat sa Mahal na Reyna," nginitian ko siya nang matamis at agad siyang yumuko na may nakarehistrong ngiti rin sa kaniyang mga labi.
"Maraming salamat Mahal na Prinsesa," bakas ang panginginig ngunit naroon din ang tuwa sa kaniyang tinig. Agad akong tumango sa kaniya at siya na mismo ang naglagay ng susi sa kandado upang makapasok akong muli.
Nang makapasok na ako sa loob ng madilim na silid ay ramdam ko kaagad ang sumalubong sa akin na nanlilisik na titig. Hindi man siya nasisinagan nang bilog na buwan ngunit malinaw ko siyang nakikita sa isang sulok at tila pinapatay ako ng kaniyang mga titig.
"I am not here for a fight. Nakakapagod makipag-away sa isang katulad mo," walang emosyon na sabi ko sa kaniya. Sa malinaw kong paningin ay nakita ko ang kaniyang pag-ngisi. Tss! Humans!
"So what are you here for? Para lang ba matikman ako kaya ka narito?" maangas nitong turan sa akin. Agad na kumulo ang aking dugo ngunit pinigil ko ang aking sarili dahil-
Tama siya, kaya ako narito ay upang tikman siya. Hindi na ako aangal sapagkat may katotohanan naman ang kaniyang tinuran. Maaaksaya lamang ang aking enerhiya kung magpapanggap pa ako.
"Actually, I am thinking about this fun idea of mine," bakas ang pang-aasar sa aking tinig at agad na namula ang aking mga mata at alam kong nakikita niya iyon kahit na kadiliman ang bumabalot sa silid. Agad siyang napatayo mula sa kaniyang pagkakatayo at rinig ko nang malinaw ang papabilis na pagtibok ng kaniyang puso. He is scared and I like it. A lot.
"Huwag kang lalapit sa akin halimaw ka!" agad niyang sigaw sa akin. Hindi ba siya nagsasawa sa paulit-ulit niyang tawag sa akin? Wala na ba siyang maisip na mas bago?
"Bakit? Ano ang gagawin mo?" agad na narinig ang yapak ng aking kasuotang pampaa nang dahan-dahan na akong lumalapit sa kaniya. Lalo siyang nagsusumiksik sa haligi na kaniyang kinasasandalan. I like this! Paglalaruan ko ang nilalang na ito hanggang kaya ko.
"Shh! Be quite. May gusto lang akong subukan," mapang-asar kong saad at agad na lumabas ang aking matatalas na pangil. They are excited too. Ayaw na nilang paawat gusto na nilang makalasap ng sariwang dugo.
"Fuck! Stay away from me!" matapang nitong turan upang maitago ang kahit papanong takot na kaniyang nararamdaman at hindi ko na maitago ang aking ngisi. Tama yan, matakot ka sakin. Gusto ko na manginig ka. Hindi ako papayag na ako ang magmukhang nagmamakaawa sa ating dalawa. I am still superior and the one on top of the food chain my dear!
Hindi na ako makapaghintay pa. Gamit ang aking bilis ay agad kong napaliit ang aming distansya. Agad ko siyang mas idiniin sa pader kung nasaan siya nakasandal habang takot na takot. Ramdam ko ang hininga niya sa aking mukha. Iilang dangkal lamang ang layo ko sa kanya ngunit tila unti-unti akong nababaliw nang maamoy ko na ang kaniyang hininga. Hindi ko alam kung anong meron dito at tila nakakaramdam ako ng kakaibang init.
Hindi maari! Ang kaninang tapang ko ay napalitan nang kaunting takot at gusto ko na kaagad lumayo ngunit tila may puwersa na humihila sa akin upang mas lalo pang lumapit. Ano ito? Anong klaseng mahika ito? Tila hindi ko na kontrolado ang aking sariling katawan.
Ang kaninang malalakas na pantig ng kaniyang puso ay napalitan ng isang kalmadong pagpintig. Ano ang nangyayari? Bakit tila hindi na siya natatakot? Masyado na kaming nagtatagal sa ganitong posisyon.
Pinilit ko ang aking sarili na kumalas sa pagkakadiin ko sa kanya. Agad akong dumistansya at hindi pinahalata na ilang segundo akong natigilan. Hindi maaari ang ganito, kailangan ko na itong pigilan. Ramdam ko na naman ulit ang matatalas niyang tingin.
"Huwag ka na muling lalapit sa akin. Nakakadi-" hindi na kinaya pa ng aking tenga na marinig ang susunod na salita na uusal sa kaniyang bibig. Kahit ako ay hindi na gustong muli pang lumapit sayo. Kailangan ng matapos ang kabaliwan na ito.
Gamit ang aking bilis ay agad kong tinawid ang aming pagitan at ang kanina ko pang naghihintay na mga pangil ay kaagad na bumaon sa kaniyang leeg. Walang habas siyang nagsisisigaw dahil sa sakit habang nararamdam ko ang paninigas ng kaniyang katawan. Wala akong balak na tumigil. Kanina ko pa iniisip na kung uubusin ko lahat ng dugo niya ay baka gumaling na nang tuluyan ang aking karamdaman.
Baka sakaling kailangan ko lamang sairin lahat ng dugo na nananalaytay sa kaniyang ugat upang tuluyan na akong gumaling kaysa naman habang buhay ko siyang makasama. Unti-unti ko nang nararamdaman na tila nanghihina na siya at nanlalabot. Mas lalo kong idiniin ang aking mga pangil. Uubusin ko ang lahat para gumaling.
Wala akong ititira!
WARNING: 18+ contentMINO'S P.O.VPAK!I will never ever forget that day when my Mom slapped me for the first time. I quickly closed my fist due to shock and sudden burst of anger. Bakit galit na galit ka Mom? Wala naman akong ginagawang masama."Oh my God Mino! Babe, are you alright?" nag-aalalang sabi ng aking kasintahan at agad niyang hinawakan ang pisnge ko na namumula sa lakas ng pagkakasampal ni Mommy. Bakas sa kanya ang pagkagulat at takot sa naging reaksyon ni Mom nang ipakilala ko na siya kay Mom.Hinawakan ko kaagad nang mahigpit ang kaniyang mga kamay upang iparamdam sa kaniya na ayos lamang ang lahat. I was about to tell her that I am alright pero bigla siyang hinawi ni Mommy palayo sakin. Mom? Why are you so mad?"Move away from my son!" madiin at marahas nitong sigaw kay Faith. Agad na pumagitna sa amin si Mommy upang masiguro niya na may distansya sa pagitan namin. Earlier, I was so happy and excited to finally introduce my girlfriend Faith to my Mom. Pareho pa kaming n
I felt my weak body and a soft mattress. I slowly opened my eyes so I can see where am I.Agad akong nagulat nang mamukhaan ko na ang silid kung nasaan ako ngayon. Pano nangyari na napunta ako sa kwarto ko mismo? The room where I am having a good time with someone is a hotel room so papano ako napunta dito. My mind is full of questions kung papano ako napunta dito but an idea envaded my mind.Maybe it is Mom again, baka nalaman na naman niya na nakikipagkita ako ulit ngayon. Haist! Agad akong napailing. It is definitely Mom at nagawa niya pa talagang gumamit ng sleeping gas para lamang sa pakulo na ito. I smiled bitterly, lahat talaga gagawin niya para lang malayo ako sa mga babae.Bakit pa nga ba ako nagtataka, she definitely had some duplicate of the hotel room keys na nakuha niya with her connections then she entered the room and let those gasses out para hindi na ako manlaban o magkagulo pa sa Hotel. Haist Mom!Pinili ko na lamang na mahiga ulit sa aking higaan and to feel the qui
VREIHYA'S P.O.VMula sa malakas at agresibo niyang pagpalag ay unti-unti kong naramdaman ang kaniyang panlalambot. Ipinagpatuloy ko ang pagsipsip ng kaniyang dugo habang nababatid ko na mas lalong nag-init ang aking mga mata. Ang kaniyang dugo, hindi ko maitatanggi na mayroong kung ano dito.Mas lalo kong idiniin ang aking pagkakakagat sa kaniya. Naaadik ako sa dugo niya, matamis ito sa aking panlasa at may kaakibat itong mabangong samyo. Gusto ko pa ng higit pa! Hindi ko alam kung bakit kusang napapikit ang aking mata nang mabatid ko na ang pagdaloy ng kaniyang dugo sa aking kaibuturan. Ano ang meron sa nilalang na ito bakit tila nababaliw ako sa lasa at samyo ng kaniyang dugo. Hindi siya ang unang tao na natikman ko ngunit ang sa kaniya ang pinakakakaiba at pinakamatamis sa aking panlasa. Gusto ko pa! Gusto ko nang mas marami pa. Ang bawat lunok ko sa kaniyang dugo ay tila ba isang adiksyon para sa akin. Napakasarap ng iyong dugo nilalang!Ilang segundo pa ay naramdaman ko na ang pa
Hindi na kami nagtagal pa na Tiyo sa hardin at binagtas na namin ang pasilyo na papunta sa silid kung nasaan natutulog ang Mortal.Kailangan na namin magmadali dahil ilang oras na lamang ay nandito na ang aming mga panauhin. Siguradong hindi namin sila mapipigilan na pagpyestahan ang katawan ng Mortal. Kung masasawi siya ay paniguradong mawawala din ako sa mundong ito. Hindi ako makakapayag! Hindi ko pwedeng iwanan si Ina at ang kaharian na ito! Paniguradong sasamantalahin ng ibang kaharian ang mangyayaring iyon!"Mauna ka na Vreihya! Tatawagin ko ang Mahal na Reyna!" mabilis na turan ni Tiyo. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay naglaho na si Tiyo sa hangin. Agad kong binuksan ang pinto ng kaniyang silid. Agad na nasinagan ng buwan ang kaniyang nakalagak na katawan sa isang malaking higaan.Pinalakpak ko nang dalawang beses ang aking mga kamay at unti-unting umilaw ang mga halaman na nasa loob ng silid. Ang mga ito ang nagsilbing liwanag upang mabawasan ang panglaw ng paligid.Hindi k
"Sino ang iyong magiging kapareha?" kakaupo ko pa lamang sa aking trono sa tabi ni Ina ay hindi na kaagad nakapaghintay na magtanong ang pinuno ng kaharian ng Berbantes. Agad na napataas ang kilay ko. Masyado naman ata silang sabik na sabik."Haring Ozyrus, hindi ka muna ba mauupo?" kalmadong saad ni Ina dahil kakapasok pa lamang nito sa malaking pintuan ay iyon na kaagad ang bungad niya.Nagkatinginan kami ni Tiyo nang mapansin namin na tila gumana ang aming remedyo para sa samyo ng Mortal. Tila wala namang napapansin ang mga panauhing mga hari at reyna ng iba't-ibang kaharian sa mundong ito. Ang kaba ko kanina ay napalitan na ngayon ng pagiging kampante. Ngunit hindi ito ang dapat namin gawin palagi dahil paano na lamang kung muli akong dalawin ng aking karamdaman at nakatago siya sa ilalim ng lupa o hindi naman kaya ay may malay siya at sapilitan namin siyang ibinalik doon ay tiyak na mapopoot siya.Kailangan ko ng iwasan na pasamain ang kaniyang kalooban hanggang maaari baka kung
"Don't make it hard for me human!" iritable kong sabi sa kanya. Mas mabuti pa ata na hindi ko na siya kinuha mula sa ilalim ng lupa dahil mas maayos pa yata kapag nahihimbing na lamang siya. He didn't listen and continued to struggle in the bed. Magkabilang kamay niya ngayon ang nakatali sa magkabilang sulok ng kama. Habang ang mga paa niya ay malaya niyang iginagalaw."You almost killed me! Sino ka para utusan ako huh? Reveal yourself! Magsuntukan na lang tayo!" matapang nitong saad. Hindi niya ako gaanong matanaw nang maayos dahil sa may kadiliman ang aming silid."Can you just please calm down! You are overacting!" nagmamakaawa kong sabi sa kaniya na may halong pagkairita dahil nagsasawa na talaga ako na kausapin siya."Overeacting? Muntik mo na akong patayin!" muli nitong pagpapaalala sa akin at mabuti na lamang na tanging ako at siya lang ang nasa kagubatan na ito dahil kanina pa lumisan si Tiyo upang maglakbay pabalik sa palasyo. Kung may ibang makakarinig ay baka isipin na may
Kapwa kami hindi makagalaw sa aming mga pwesto dahil sa pareho naming nasaksihan. Tila pareho kaming naghahanap ng kasagutan sa aming paninitig sa isa't-isa. Sa papaanong paraan siya nagkaroon ng pangil?Agad kong nakita ang kagustuhan niya na hawakan ang kaniyang bibig dahil ipiniglas niya ang kaniyang kaliwang kamay. Agad kong inalis sa pagkakaharang sa aking dibdib ang aking kanang kamay ay kinumpas ito. Kapwa natanggal ang mga sanga na nagtatali sa kanyang kamay. Mabilisan niyang sinapo ang kaniyang bibig. Pinakiramdaman niya ang kaniyang mga pangil. Hindi nakatakas sakin ang kaniyang panginginig dala ng takot.Agad niyang inilayo ang kaniyang daliri na nasugutan ng kaniyang pangil. Nanlalaki ang kaniyang mga mata na tinitigan ang kaniyang daliri at lalo itong nanginig. Agad siyang nagtapon nang masamang titig sa akin. Ramdam ko ang galit niya sa akin."WHAT HAVE YOU DONE TO ME!" umalingawngaw ang kaniyang malakas na sigaw sa silid. Ramdam ko ang matinding galit at pagkasuklam niy
Sa patuloy kong nararamdaman na pagsipsip at panggigigil niya sa akin ay patuloy din akong nakakaramdam ng pagkabaliw. Oh Dyosa ng Buwan! Gusto ko pa ng higit pa! Gusto ko pang mas lalong magliyab!"Hmmm...Mino", bulong ko sa kaniya na tila ba labis kong nagugustuhan ang kaniyang ginagawa. Hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at marahas kong hinawakan ang kaniyang buhok na tila gusto ko na mas diinan pa niya ang kaniyang pagkakakagat sa akin. I am on fire! I bit my lips dahil hindi ko na mapigilan ang ingay na gusto kong mausal sa aking mga labi.The fire fueled when he reached for my exposed breast. Damn! Ganito pala ang pakiramdam na mahawakan ito nang maiiinit na palad. Napaigtad na ako nang tuluyan dahil sa mababaliw na talaga ako sa kaniyang ginagawa sa akin. Walang kahit anong sakit na nanggagaling sa kaniyang kagat. All I can feel is pleasure! Hindi na biro ang aking nararamdaman na init. I feel that smoke will come out of my body any time now. Anong ginagawa mo sa akin?