"Ang gwapong pari nitong si Lazarus, Alfonso. Mukhang maraming magsisimba kapag siya ang magmimisa." pabirong sabi ni Papa.Nagtawanan ang dalawang matanda. Habang hindi ko man lang makuhang ngumiti sa sinabi niya.Hindi nakakatawa. Hindi ako natutuwa. Wala rin akong mabasang emosyon sa mukha niya. Hindi ko alam kung nakailang paikot ako ng mga mata. Inis na inis. Hindi ko siya magawang ngitian o pansinin. Nag-iinit ang dugo ko sa kanya at gusto kong magwala sa inis. Idagdag pa ang hindi ako nakokontento sa juice na iniinom ko ngayon. Nakakaputangina ang nalaman ko. Gusto ko ng beer! Gusto kong uminom! Nakakapikon!"Matagal pa bago mangyari iyan, Avelino. Hindi pa iyan tapos mag-aral. Bakasyon nila sa seminaryo ngayon." Mr. Alfonso answered.Tinignan ko ng masama ngayon si Lazarus. Saktong kanina pa pala niya akong tinititigan. Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi man lang niya sa akin ito sinabi? Bakit kailangan ko pang malaman sa ganitong paraan?!Malamlam naman ang mga mata niya ha
"Manang, asan sila Mommy?" tanong ko kay Manang Paula. I'm still not allowed to go out. Mahigit isang linggo na kaming hindi nagkikita ni Lazarus at gustong-gusto ko na siyang makita."Nasa Manila po. Mamayang gabi pa ang balik." she answered. Napangisi ako. Tamang-tama!"Pwede ba akong makitext, Manang? May ipapabili lang ako kila Mommy." natigil siya sa pagpupunas ng mesa.Ang mga gadgets ay hindi pa din binabalik ni Papa sa akin. Mas lalo siyang nagalit nang uminom ako sa party niya at ganoon pa ang pinakita kong ugali sa tatay ni Lazarus.Tinignan ako ni Manang na parang nagdududa. I cannot trust this woman, ang bawat galaw ko ay umaabot kay Mommy at Papa dahil sa kanya. Alam ko iyon. Pero mas mautak ako sa kanya."What? Si Mommy naman talaga ang itetext ko. Gusto ko lang ng pasalubong. Nakakasawa ang lutong bahay. Hindi ako makalabas. Gusto mo habang nagtatype ako ay nasa likod ka?" sunod-sunod kong sabi. Walang pagaatubiling ipinahiram naman niya sa akin ang cellphone niya at
I nuzzled my face closer to his just to feel the warmth of his breath on my face.Even if I'm confused, discouraged, or scarred from previous relationships- I will give this wonderful person a chance. He's ready to give me everything my heart has wanted.He embrace the chaos, embrace the unknown, embrace the unfamiliar and make things seem possible. He make things look easy and make life a little brighter just because he believe things will eventually work out. He always told me things will fall into place. Things won't always be dark and grey because life is beautiful and vivid and can sometimes be full of wonderful surprises."What do you like to eat?" he randomly asked.I wrapped myself in a cocoon, slowly throwing my leg further over his body and intertwining it with his."Your dick," I answered playfully. We both chuckled. Inayos niya ang pagkakayakap niya at nagpatuloy sa paghaplos sa akin. His other hand went to my upper abdomen, almost touching my underboob. Kanina pa kami
"Pwede ba tayong dumaan sa mall?"Napatingin siya akin nang nakakunot ang noo. Magkahawak-kamay kami habang palabas ng hotel. "Why?" "May bibilhin lang," maikli kong sagot. Tumango naman siya at hindi na nagtanong pa. May ipong pera naman ako sa wallet ko ngayon. Buti nalang at matipid ako, may pang-gastos sa mga oras na ganito.Mag-aalas kwatro na sa hapon. Uwian na kaya marami kaming nakakasalubong na mga ka-schoolmate ko. Hindi kalayuan dito ang pinapasukan ko.Malapit lang ang mall sa hotel kaya nilakad nalang namin ito. Habang naglalakad kami ay napapatingin ang mga ito sa aming dalawa pagkatapos ay magbubulungan. Napairap ako sa kanila. Tila napansin naman iyon ni Lazarus kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko."Don't mind them." sabi niya at saka nagpatuloy lang sa paglalakad. Napangiti ako habang tinitignan ang gwapo niyang mukha. Wala akong pakialam sa kanila. Ang importante sakin ngayon ay si Lazarus. Akala ko hindi ako papansinin nito eh. Ang da
Tulala ako buong misa. Ito na siguro ang pinakamalungkot at masakit sa puso na simbang dinaluhan ko.Nang matapos ang misa ay kaagad na lumapit ang mga magulang ko sa mga Del Madrid. Wala sa sariling napasunod ako.Nalaman kong magkakilala na noon pa ang tatay ni Lazarus at ang tatay ko. Dahil wala naman akong pakialam sa kanila dati, hindi ko alam na madalas palang dumadalo ang pamilya nila sa mga pagtitipon sa bahay.Ngayon ay may mahalagang parte ang tatay ni Lazarus sa kompanya namin. Tinulungan niya si Papa na magexport sa ibang bansa.Sinalubong ni Aquilino ang mga magulang ko para magmano. Nagtama ang tingin namin. Tinaasan ko lang siya ng kilay.Aquilino looked at me with a smug on his face. Hindi ko talaga gusto ang awra nito. Masyadong mahambog. Parang palaging naghahamon ng gulo dahil sa mga matang madilim at malalim."Mukhang hindi mo naturuan ang anak mong magbigay-galang, Avelino." saad ng matandang babae habang nakataas ang kilay at seryosong nakatingin sa akin.She has
I froze on the side. There is blood on his knuckles and a bruise above Paulino's right eye. "Tama na!" sigaw ko. Nanginginig na sa takot. Napatingin sa akin si Lazarus, sinamantala iyon ni Paulino para gumanti ng suntok. Tumama ang kamao ni Paulino sa panga ni Lazarus. Kinuwelyuhan niya ito at saka pinag-aambangan ng suntok. Napaigik ito sa sakit. Mas lalo akong napasigaw."Tama na! Tama na!" umiiyak at nanginginig ang katawan kong sabi. Binitawan ni Paulino si Lazarus at nag-aalalang napatingin sa akin. Tinulak ko siya para malapitan si Lazarus. Napamura ito saka tumakbo palabas ng banyo.Bumulagta sa sahig si Lazarus. Putok ang labi, umaaray habang ang hawak ang tila masakit na panga. "Sabi ko na kasing hayaan mo nalang!" todo na ang pag-iyak ko. Hinaplos ko ang panga niya. Patuloy sa pagbuhos ang mga luha. Napangiti ito kahit na nasasaktan. Pinahid ang rumaragasang luha sa pisngi at saka ipinulupot ang mga bisig sa akin."Wala siyang karapatan na ganunin ka, Aviona..." kumala
Lazarus wasn't beside me when I woke up. For a second, I thought it was all a dream. But then, when I tried to move, I felt the sudden pang of pain in my between. I immediately get my phone to check if Lazarus is already home. Nakasanayan na rin dahil tuwing umaga palaging siya ang nauunang magtext sa amin. Hindi naman ako nabigo nang makita ang pangalan niya sa notification. Napangiti ako. Hindi pa natatapos itong araw ay parang buo na kaagad ako.Lazarus:Good morning, sunshine. I'm already at home. Lazarus:I hate having to leave you in the morning :(Napabalikwas ako ng higa. Nag-iinit ang mga pisngi. My pillows smell like him. Is it wrong if I just woke up and I already miss him? Me:Good morning, too! I wish we could be lazy in bed together all day.I sighed. I'm really smitten. Ni hindi ko man lang siya natanong kung ano nangyari kahapon pagkatapos naming umalis doon at kung paano siya nakapasok sa kwarto ko. We were so busy making love that all the words coming out from
"Palabasin niyo ako dito!" hinampas ko ng hinampas ang pinto.Wala nang lumalabas na luha sa mga mata ko. Pagod na ako at hindi pa rin maalis ang pait at galit sa puso ko. Paano nila nagawa ito sa sarili nilang anak?Grief does not lessen over time, it just gets more familiar. I learned to live with the constant dull ache and a sadness so profound that I cannot give it a name. Grief bleeds into every aspect of my life, demanding to be felt. Parang sapak iyon sa akin eh. The people who let me down are the one I am supposed to trust- and they are my family."Palabasin niyo ako!" garalgal na ang boses kong sigaw. Ikinulong nila ako sa bakanteng maid's room. Hindi ko alam kung ilang araw na akong nandito. I lost count. Walang orasan at tanging kama lang ang nandito. Iyong kama ay may mahabang kadena- kadenang nakatali sa paa ko. Para hindi ako tuluyang makaalis.Pakiramdam ko, ginawa nila akong aso, hindi anak nila. Hindi ko alam kung paano nila nasisikmurang gawin ito sa akin. Wala b