Share

Kabanata 2

Kabanata 2

Almost

Nauna akong makabalik sa opisina. Nagtagal pa sina Kira sa baba dahil hindi kaagad sila nakasunod sa akin. Wala namang problema sa akin iyon.

Muli akong nagpatuloy sa trabahong ginagawa. Ilang minuto lang ay tumaas na rin sina Kira, Gail, Luke at Jennisa. Automatic naman na tumaas ang kilay at presyon ko ng makita kung sino ang nakasunod sa kanila.

Huminga ako ng malalim at inisip na lang na wala siya sa paligid ko kahit na kaninang-kanina pa ako naapektuhan ng presensya niya.

"Kahit wala ng gift basta nandoon ka ay ayos lang," narinig ko ang malinding bulong na iyon ni Kira. Nag-angat ako ng tingin. Si Kira panay ang haplos sa dibdib ni Luther. Malandi talagang bakla.

"Anong oras kayo tutulak sa club?" tanong ni Luther na ngayon ay nasa akin na ang paningin.

Nagbaba ako ng tingin at nakinig na lamang sa pinag-uusapan nila pero nakatutok naman ang mga mata ko sa design kong nasa computer sa harapan ko para hindi nila isiping nakikinig ako.

"Mga alas-otso siguro? Mag-aayos pa kami eh," sagot ni Kira. Muntik ko ng makalimutan na ngayon nga pala ang kaarawan ni Kira. Matagal na naming napagplanuhan ang gagawin namin sa kaarawan niya kaya kahit hindi ko pa gustong bumalik sa club ngayon ay wala akong ibang pamimilian.

Nawala rin sa isip kong bumili ng ipangreregalo sa kan'ya. Mamaya na lang siguro pag-uwi ko. Hindi naman kami magdidiretso sa club. With that plan. I started doing my designs. Hindi ko na lang inintindi ang mga nasa paligid ko. Kailangan kong makatapos kaagad para maipasa ko na sa Project Supervisor ang design ko at maaga akong makapag-out para magkaroon pa ako ng oras mamili ng ireregalo kay Kira.

"Seryosong-seryoso tayo ah? Wala na si Luther..." seryosong ani Kira pero kita naman ang ngiting nakaguhit sa kan'yang labi.

"Manahimik ka nga," sikmat ko at inirapan ang kaibigan. Muli kong ibinalik ang atensyon sa tinatrabaho.

Nang mag-alas kwatro ay nakareceived kami ng libreng miryenda galing kay Architect Ambrose. Napuno ng kantyawan ang buong opisina namin dahil doon. Minsan lang kasing mangyari iyon kapag good mood lang si Architect.

Isa-isa kaming inabutan ng bento box. Nang buksan ko iyon ay halos manubig ang bagang ko sa amoy at paraan ng plating ng pagkain palang. Sa unang parte ng bento box ay may nakalagay na Pasta Puttanesca with Spicy Tuna, sa sumunod naman ay may grilled meat, sa panghuli naman ay may tiramisu. Kasama ng bento box ay may binigay rin sa aming tig-iisang tumblr na may lamang orange juice.

Mukhang good mood na good mood si Architect Ambrose ah? Ang daming pagkain. Sa nakitang pagkain sa bento box ay nagsimula ng magkantyawan ang mga katrabaho ko. Maging si Kira ay nakisama na rin.

"Nagpapalakas yata kay Gail," natatawang biro ni Sarah. Bali-balita kasing may pagtingin si Architect Ambrose kay Gail. Nagsimula naman ang mga tukso kay Architect at Gail. Binalingan ko si Gail na hindi na makatingin sa lahat ngayon. Pulang-pula na rin ang pisngi niya.

"Namumula si Gail. Kinikilig," pang-aasar ni Kira. Inirapan lang siya ni Gail.

"Enough guys! Hindi pa ako nagpapalakas kay Gail. I can do more than that... Birthday ni Kira kaya nantreat ako. Wala akong maisip na pangregalo kay Kira," natutuwang sagot ni Architect. Tinudyo-tudyo na naman si Architect at Gail dahil sa sagot na 'yon ni Architect. Si Kira naman ay maluha-luhang lumapit kay Architect. Kakatuwang walang pakialam si Architect kahit na panay na ang yakap sa kan'ya ni Kira.

"I feel so loved. Thank you sa treat, Architect," naiiyak pang pasasalamat ni Kira. Muling itong mahigpit na yumakap kay Architect.

"You can go back to your seat now, Kira. At tigilan mo na ang pagyakap sa akin baka magselos ang kaibigan mo," natatawang pasaring ni Architect.

Hindi ko alam kung paano kaming nakakain kahit sa kalagitnaan ng napakarami naming biruan. Panay pa rin ang pang-aasar kay Gail at Architect. Syempre mas malakas mang-alaska ay si Kira.

Busog na busog ako nang matapos kainin ang mga nasa bento box. Ang sarap nung pasta lalo naman 'yong grilled meat.

Eksaktong ala-singko ng hapon ay natapos na rin ako sa trabaho. Mabilis akong lumapit kay Architect at pinasa na ang design ko sa kan'ya. Nagpaalam na rin ako sa mga kaibigan ko na mauuna na akong umuwi. Hindi ko sinabi ang rason kung bakit.

"Mauuna na ako, kita-kita na lang tayo mamaya," paalam ko sa kanila.

"Mag-ingat ka sa daan," bilin ni Jennisa. Tumango ako at 'saka diretso ng umalis.

Sa pinakamalapit na mall na lang ako pumunta. Kailangan kong magmadali dahil magluluto pa ako ng dinner ko, at mag-aayos. 8pm pa naman ang call time namin.

Kung saan-saang boutique na ako nagpupunta, paikot-ikot na ako pero hindi talaga ako makapagdecide kung anong bibilhin ko.

Hanggang sa makapasok ako sa isang kilalang jewelry shop. Iilan lang ang tao sa loob. Dumiretso ako sa mga pinaglalagyan ng necklace. Ang paborito ni Kira. Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap ng may matipuhan ako at maisip na paniguradong magugustuhan din ito ni Kira ay kaagad ko ng binili.

May pinapirmahan pa sa akin ang babaeng nag-assist sa akin bago ako tuluyang pinagbayad ng eksaktong halaga sa cashier. Wala naman na sana akong bibilhin pa ang kaso napadpad ang tingin ko sa mga bracelet nila. Ang kahinaan ko. Umiling ako at tumalikod na para sa pag-alis. Natulos lang ako sa kinatatayuan ko ng makita ang taong kakapasok lang.

Hindi siya nag-iisa. At hindi pala ako dapat magtaka pa. Men and their needs. Napailing ako at taas-noong naglakad na palabas na sana roon kung hindi lang ako nahawakan ng hombre sa pulsuan ko.

"What?" iritadong sikmat ko. Feeling close naman ito!

"You mad?"

"Anong pakialam mo naman? Marami pa akong gagawin kaya bitiwan mo na ako," mataray kong sagot at inirapan pa siya.

"Easy, woman! Galit agad? Huwag kang mag-alala si Rayanne ang kasama ko. Asawa ni Hessandro," paliwanag niya na parang kailangan ko pa.

"Ano bang pinagsasabi?" galit na sikmat ko. At iwinaksi na ang kamay niyang nakakapit sa pulsuan ko. Nang magtagumpay ay dirediretso na ang lakad ko palabas ng mall.

Mabilis akong sumakay sa kotse ko at umuwi sa condo. Nagluto na rin ako ng sinigang na baboy para sa dinner ko. Marami na rin akong niluto para madala ko ang iba sa trababo bukas. Ilang araw na rin akong nagc-crave sa sinigang na baboy, ngayon lang talaga ako sinipag magluto. Nang pinapakuluan ko pa ang baboy ay pumasok na muna ako sa kwarto ko para maghanap ng maisusuot.

Paniguradong maraming imbitadong kakilala roon si Kira kaya kailangang mas maayos ang isusuot ko. Ayoko namang magmukhang basahan.

Pagkatapos maghanap ng isusuot, binalikan ko na ang salang ko. Nilagyan ko na iyon ng pinagsama-samang sibuyas, kamatis, asin, at silang kulay green. Hinayaan ko ulit iyong kumulo muna at nagprepare na ng gulay na ihahalok ko sa sinigang. Ginayat ko na ng pa-slant ang eggplant, r****h at okra. Pinagputol-putol ko na rin ang kangkong.

Kunot-noo kong binalingan ang pintuan ng marinig na may nagdoorbell doon. Hininaan ko muna ang salang ko bago ako lumapit doon.

Sumilip pa ako sa peephole para makita kung sino ang nasa labas. Kaagad kong binuksan ang pintuan ng makita si Luke.

"Ang aga mo ah? Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kan'ya.

"Wala akong makain sa bahay. Makikikain sana ako," nakangiwing sagot niya. Nailing ako. Tamad nga palang magluto ito.

"Pasok ka. Nagluluto ako ng sinigang," nakangiwing sagot ko.

"Ayos. Gutom na nga ako."

"Palagi ka namang gutom... Magbukas ka na lang ng tv dyan at manuod ng movie. Babalik na ako sa kitchen para matapos ko na 'yong niluluto ko," utos at paalam ko sa kan'ya. Tumango lang siya.

Bumalik na ako sa kitchen at muling nilakasan ang apoy ng kalan. Nang makitang malambot na ang baboy ay nilagay ko na rin ang eggplant, r****h, at okra. Nilagyan ko na rin iyon ng pampaasim.

Habang naghihintay sa paglambot ng gulay ay gumawa na muna ako ng fresh orange juice.

Ngayon ko lang nakita ang asawa ni Sir Hessandro. Ang ganda pala niyon. No wonder kung bakit pinakasalan agad ni Sir. Bigla ring pumasok sa isip ko si Luther na kaagad ko rin naman iwinaksi. Hindi ko dapat iniisip pa ang gagong 'yon.

Inilagay ko na rin ang kangkong. Naghain na rin ako sa maliit kong table. Maya-maya lang ay lumapit na rin si Luke at siya na ang nagpatuloy sa ginagawa ko. Naglagay siya ng tig-isang plate, spoon, pork at tasa. Nagsandok naman ako ng rice at inilagay sa table. Muli akong bumalik sa pwesto ng stove para naman makapaglagay ng sinigang na baboy sa tasa.

"Ang sarap. P'wede ka ng mag-asawa," biro niya. Sabay kaming natawa.

"Wala pa 'yan sa isip ko, baliw. Kumain na tayo at maliligo pa ako at mag-aayos. Uuwi ka pa ba o gan'yan ka na lang?"

"Ayos na naman ang suot ko ah?"

"Wala na akong sinabi."

Mabilis kong tinapos ang pagkain. Nagpresinta si Luke na siya na ang magliligpit ng kinain namin na sinang-ayunan ko naman dahil maliligo pa ako.

Tumagal yata ako sa pag-aayos kaya 8:30 na ng makarating kami sa club. Nagconvoy kami ni Luke papunta. Ibang club naman ay pinuntahan namin ngayon.

Habang naglalakad ay nangako ako sa sarili kong hindi na muna ako magpapakalasing. Hindi ko na uulitin iyong nangyari nung isang araw at baka kung ano na namang kagagahan ang magawa ko.

Kaagad akong dumiretso sa table ng mga kaibigan ko. Magkasabay kaming bumati ni Luke kay Kira. Iniabot ko na rin kay Kira ang dala kong regalo para sa kan'ya.

"Dionne," mahinang tawag sa akin. Nang lingunin ko ay pagmumukha ng ex-boyfriend kong gago ang nakita ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Bakit magkasama kayo ni Luke?"

"Kaibigan ko si Luke at anong pakialam mo naman?"

"Boyfriend mo ako, Dionne!"

"Talaga? Nakalimutan ko. Pasensya na."

"You are pissing me off, Dionne."

"Tangina mo. Ikaw ang nagloko tapos ikaw pa ang may ganang magalit. Tanga ka ba?"

"Dionne! Tyrone! Ano ba? Birthday ko ngayon. H'wag kayong magtalo rito," sita sa amin ni Kira. Inirapan ko si Tyrone at naghanap ng bakanteng mauupuan.

Kung bwisit na ako kanina, mas lalo naman ngayong nakita ko si Luther sa upuan namin. Letseng kamalasan naman oh!

Lumapit ako sa kan'ya at umupo sa tabi niya. Roon na lang kasi may bakanteng upuan.

"Nakita niya kami kanina rito. Tinanong niya si Kira kung pupunta ka," ani Gail. Tumango na lang ako.

"Hindi pa ba kayo nag-uusap?" si Jennisa.

"Hindi pa. At ayokong makipag-usap sa kan'ya," mataray na tugon ko.

Nawala sa kanila ang atensyon ko dahil sa pangangalabit sa akin ni Luther. Mataray ko siyang binalingan. Natatawang nag-angat siya ng dalawang kamay tila sumusuko.

"What?" galit na tanong ko.

"Boyfriend mo?"

"Pakialam mo ba?"

"Come on, guys! Tayo na. Lilipat tayo sa VIP lounge para exclusive lang sa ating lahat," anunsyo ni Kira.

Inaya ako ni Tyrone na sa kan'ya ako sumabay sa paglalakad papunta sa VIP lounge na mabilis ko namang tinanggihan. Kay Gail at Jennisa ako sumabay.

Paakyat palang ng hagdan papunyang VIP lounge ay nagsisigawan na ang mga kasama ko.

Hindi kagaya sa baba ay mas tahimik naman dito sa taas. Tulad ng sabi ni Kira ay kami-kami lang ang nasa taas. Ilang waitress ang nagtulong-tulong sa pagdadala ng mga inuming alak at pulutan sa pwesto namin. May mga activities din na pwede kang gawin dito sa taas. Like beer pong, darts, billiard, cards, at kung ano-ano pa.

Wala naman akong pakialam sa mga iyon kaya nanatili na lang ako sa sofa kasama si Tyrone. Na panay ang pangungulit sa akin.

"Last chance, Dionne, please! Ayusin na natin itong relasyon natin," aniya at matamis na ngumiti sa akin.

"Kung gusto mong maayos ang relasyon natin stop your womanizing," asik ko.

"Then provide me my needs. Hindi ko naman gagawin iyon kung pinagbibigyan mo lang ako. Ni-blowjob nga ay ayaw mong bigyan ako. Ayaw mo rin na kahit tikman lang kita." Nag-init ang ulo ko sa sagot niyang 'yon. Mabilis na dumapo sa kan'yang pisngi ang palad ko.

"Hindi sapat na rason 'yan para mambabae ka."

"Let me taste you then. I'll stop my womanizing," bulong niya. Nagpupuyos ako sa galit pero hindi na lang ako nagsalita pa.

Boyfriend ko naman si Tyrone kaya ayos lang naman kung gagawin namin iyon diba? Sa gano'n din naman kami mapupunta. Nasasaktan ako sa paulit-ulit na panloloko niya sa akin pero wala naman akong magawa para kumalas sa relasyong mayro'n kami. Ayokong ma-disappoint si mommy at daddy. Ito na nga lang ang magagawa ko para sa kanila tapos hindi ko pa magagawa ng maayos.

"Fine. Let's have sex later. Pagkatapos ng party ni Kira," sagot ko. Hindi na nag-iisip. Namilog ang mga mata ni Ty at hindi makapaniwalang tumingin sa akin. May multo ng ngiti sa mga labi niya.

"Thank you. I promise you, hindi ka magsisisi."

Sana lang tama ang naging desisyon ko. Nanatili kaming pareho ni Ty sa sofa na kinauupuan namin. Ang iba naman ay kung saan-saan na nagpunta.

Naka-ilang shot na rin ako ng alak. Habang si Ty naman ay kanina pa marami ang naiinom. Panay na rin ang paghalik niya sa puno ng tenga ko at sa leeg ko. Hinahayaan ko lang.

"Hmm. May family dinner nga pala tayo bukas. Sinet ni mommy. I'll pick you up after your work tomorrow," bulong niya.

"Sure," sagot ko.

Natigilan ako ng may umupo sa harapan namin. Si Luther na may kasamang babaeng ahas. Ahas, kasi kung makalingkis kay Luther akala mo naman may mang-aagaw.

Mabilis na umayos ng upo si Tyrone ng makita ang nasa harapan namin. Naging formal siya at mabilis na naglahad ng kamay kay Luther.

"Tyrone Salazar, pare," pagpapakilala niya. Tumango si Greyson at inabot ang kamay ni Ty.

"Luther Van Ross Dela Merced..."

Tumingin sa akin si Ty at nakangiti akong inilahad kay Luther. Malalim akong huminga at nagpanggap na lang na hindi kilala si Luther.

"Girlfriend ko nga pala, Dionne Estella Sy," proud na proud pa si Ty ng ipakilala niya ako. Napapikit ako. Nang dumilat ay ang mga berdeng mata ni Luther ang sumalubong sa akin.

"Nice meeting you, Miss Sy," he said.

"Likewise," mahinang tugon ko at naglagay ng shot sa shotglass ko. Mabilis kong ininom 'yon.

"Dionne! Halika punta tayo sa baba, let's dance," anyaya sa akin ni Gail. Kinuha niya ang kamay ko at pilit na hinihila paalis roon.

"Go on, babe! Kakausapin ko lang si Mr Dela Merced tapos kukunin kita roon para makauwi na tayo. Past twelve na may trabaho ka pa bukas," ani Ty. Tumango ako sa kan'ya at nagpahila na sa makulit na si Gail.

Bumaba kami sa dancefloor kung saan napakarami ng tao. Napapailing na lang ako sa tuwing makakakita ako ng mga magkalampungan na mag-jowa.

May mga nagfi-french kiss pa nga sa kabilang banda ng club. Ilang minuto ang tinagal namin ni Gail sa paghahanap sa mga kaibigan namin. Ang dami kasing tao kaya nahirapan kaming maghanap. Tapos kada lakad namin ay may mga kakilala kaming nag-aabot ng inumin sa amin kaya mas lalo kaming nagtagal.

Hinila ako ni Kira papunta sa gitna ng bilog na finorm nila. Sinayawan niya ako ng malalaswang sayaw kaya gumanti rin ako. Tawa ako ng tawa sa mga kalokohang pinaggagawa namin.

Napuno kami ng hiyawan ng maiwan si Kira sa gitna at panay ang pagti-twerk. Malambot ang katawan ng kaibigan ko kaya hindi nakakaasiwang panuorin ang mga pinaggagawa niya.

"Party on baby! Yuhoo!" sigaw ni Jennisa. Binuksan niya ang isang bote ng bacardi at 'saka kami binigyan ng shot isa-isa.

Ilang minuto pa akong nanatili roon bago ako kinuha ni Tyrone. Ipinagpaalam niya ako sa mga kaibigan ko na uuwi na. Nagtataka pa nga sila na sasama ako kay Tyrone dahil ang alam nila ay galit pa rin ako kay Tyrone.

Matagal bago kami nakaalis doon. Mabilis ang naging kilos ni Tyrone. Ang kotse ko na lang ang ginamit namin. Sa isang hotel kami nagcheck-in.

Nasa lift palang kami ay panay na ang paghalik sa akin ni Tyrone. Sinusubukan kong tumugon sa mga halik niya. Pinapakiramdaman ko rin ang sarili ko kung marardaman ko rin ang parehong init na naramdaman ko noon nung si Greyson ang kasama ko.

Inalayo ko ang mukha ko kay Tyrone ng marinig ko ang pagtunog ng lift. Napamura si Ty sa ginawa ko pero saglit lang dahil hinila na niya ako papunta sa hotel room namin.

Marahas akong ibinagsak ni Ty sa kama. Kinubabawan niya ako at sinimulang halikan. Sa mga labi. I tried my best na tumugon sa mga halik niya.

Kaya mo 'to, Dionne! Nagawa mo nga kasama si Luther. Ngayon pa ba na ang totoong boyfriend mo na ang kasama mong gawin iyan?

Naisip kong pagkatapos nito ay mas magiging maayos ang relasyon namin. Titigil na siya sa pambabae niya at pwede na akong bumisita ulit sa bahay namin para mabisita ang mga magulang ko.

Matutuwa ang pamilya ko kapag nalaman nilang sinusunod ko ang mga kagustuhan nila. Sigurado 'yon.

Eh ikaw? Masaya ka ba sa gagawin mo?

Sinubukan kong tanggalin ang tanong na 'yon sa isipan ko. Naramdaman ko ang mga halik ni Tyrone sa leeg ko pababa ng pababa.

Nagmamadaling tinanggal niya ang mga damit ko. Gano'n din naman siya sa kan'yang mga damit. Tumulong pa ako sa pagtatanggal ng mga damit niya. Nang matapos ay mabilis na dumapa si Ty sa nakabukaka kong mga hita. Napalunok ako.

Unti-unting bumabalik ang utak ko sa tamang wisyo. Ngayon talaga ako titigil. Magagalit si Ty kung patigilin ko siya pero ayoko. Hindi ko kaya.

Akmang hahalikan na ako ni Ty sa parteng iyong ng katawan ko ng mariin kong isinara ang mga hita ko.

"Hindi ko kaya 'to, Tyrone. I'm sorry. Ayoko pa. Hindi pa ako handa. Patawarin mo ako, please," magkakasunod na bulong ko habang umiiyak.

"Tangina, Dionne! Malapit na eh. H'wag ka ng matakot. Saglit lang naman 'to. H'wag mo akong bitinin."

"Please, Ty."

"Fuck you, Dionne! Sana hindi mo na lang ako pinaasa. Ang lakas mong mambitin. Nandito na lang din naman tayo bakit hindi pa natin sulitin."

"Tyrone, please."

Nagulat ako sa sumunod na ginawa ni Tyrone. Pilit niyang ibinabahagi ang mga hita ko. Patuloy ako sa pagsigaw sa kan'yang tumigil na pero mukhang wala ng naririnig si Tyrone.

"Tama na, Tyrone, please," panay ang iyak ko. Habang nagpupumilit na makawala sa kan'ya.

Tangang-tanga na ako sa sarili ko pero mas lamang ang takot na nararamdaman ko. Kung hindi pa titigil si Ty paniguradong...

Mabilis kong sinipa ang pagkalalaki ni Tyrone. Kaagad itong napahiyaw sa sakit at nagpagulong-gulong sa kama. Nagmamadali kong kinuha ang mga damit ko at isinuot 'yon. Pinulot ko na rin ang bag ko at 'saka nagmamadaling umalis ng hotel.

Panay ang iyak ko habang nasa daan ako pabalik ng condo ko. Kanina pa tumutunog ang cellphone ko na nasa bag ko pero hindi ko na pinansin iyon at nagpatuloy na sa pagdadrive pauwi sa condo ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status