Share

Kabanata 1:

Kabanata 1

Proposition...

Late na late na ako kung papasok pa ako sa trabaho ko. Kaya mas pinili ko na lang na umuwi sa condo ko para makapagpahinga. Masakit pa rin kasi ang pagkababae ko. May sa ilang pulgada ba naman ang paulit-ulit na umararo sa akin kagabi kaya hindi nakakapagtakang paika-ika akong naglalakad ngayon.

Peste! Kung alam ko lang na magiging parang embalido pala ako pagkatapos makipag-sex sana pala pinag-isipan ko munang maigi iyon kagabi bago ako bumukaka sa harapan ng Luther na 'yon.

Ang sakit-sakit talaga! Nang makababa sa lobby ay mabilis akong pumara ng taxi para makapagpahatid na sa condo ko. Nang makarating ay nagbayad na ako kay manong driver at 'saka paika-ikang naglakad papasok.

"Oh. Miss Sy? Ayos lang po ba kayo? Gusto niyo po bang samahan ko kaya paakyat sa unit niyo? Paika-ika po kayo," salubong sa akin ni manong guard. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi dahil sa huling sinabi ni manong guard. Medyo ka-close ko na rin 'yan. Mabait naman siya at magaling sa trabaho.

"Ayos lang po ako, manong. Kaya ko na po," nakangiting usal ko. Matapos magpasalamat ay nagpaalam na ako kay manong guard na aakyat na.

Hindi na ako nagbihis o naligo ng makarating ako sa condo unit ko. Pagod na pagod ako. Kaya naman humilata na lang ako kaagad sa kama ko at natulog na ulit para makapagpahinga.

Nagising lang ako ng marinig ang malalakas at sunod sunod na katok sa pintuan ko at ang patuloy na pagtunog ng doorbell.

Nakangiwing bumangon ako at nagdadabog na lumapit sa pintuan. Binuksan ko 'yon at tumambad sa akin ang pagmumukha ng mga kaibigan ko.

"Anong problema niyo?" galit na bungad ko.

"Galit ka? Gaga ka! Saan ka nanggaling at bakit bigla ka na lang nawala sa club? Tapos hindi ka pa pumasok," si Kira.

Nagbuntonghininga ako at nilakihan ang pagkakabukas ng pintuan para makapasok na silang lahat. Complete attendance, ah?

Si Gail at Luke ay parehong may dalang mga alak. Habang si Kira naman ay may dalang mga junkfoods. Si Jennisa ay dumiretso naman sa kitchen ko.

"Maggagawa ako ng nachos, ah? Pakikialaman ko na ang kitchen mo, Dionne," paalam ni Jennisa. Pumunta ako kay Jennisa at nagpaluto na rin ng noodles. Kanina pa ako walang kain at nagugutom na ako.

"Damihan mo 'yong giniling, Jen!" sigaw ni Kira galing sa salas.

Kumuha na rin ako ng french fries sa ref ko at iniluto 'yon. Mabuti na lang ay may air fryer naman ako kaya hindi ko na kailangang makisiksik pa sa paglulutong ginagawa ni Jennisa. Nagready na rin ako ng sauce para sa french fries nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ng magsalita si Jennisa.

"Bumisita ka na ba sa inyo, Dionne? Nagmessage sa akin kanina ang mama mo, kinakamusta ka niya sa akin. Hindi ka pa rin ba nakikipag-usap sa kanila?"

"Hindi pa ako umuuwi sa bahay. Galit pa rin ako sa kanila sa kakapilit sa aking magpakasal kay Tyrone."

"Sinabi mo na ba sa kanila ang rason kung bakit hiniwalayan mo na si Tyrone?"

"Nope. Kilala mo naman ang mga magulang ko at alam mo kung gaano nila kagusto si Tyrone para sa akin to the extent na kahit sabihin kong nakita kong may kasex na ibang babae si Tyrone ay hindi sila maniniwala."

"Damn! Eh anong plano mo ngayon?"

"Magpapalamig na lang muna siguro ako. Ayoko pang makipag-usap sa kanila."

Nang marinig ko na ang tunog ng air fryer, hudyat na tapos na iyon ay kaagad ko ng tinanggal ang french fries at isinalin na sa isang malaking bowl, at 'saka muling naglagay ng french fries sa air fryer at iniluto ulit 'yon.

Sa kitchen ko na rin kinain ang noodles na pinaluto ko kay Jennisa. Kinuha ko ang rice bowl na nakatabi sa ref, nireheat ko na lang iyon sa oven. Tinatamad akong magluto ng ibang klase ng pagkain kaya ayos na itong noodles at rice.

Matapos magluto magkasabay kaming lumabas ni Jennisa sa kitchen. Nanunuod na sila ng n*****x nang makalabas kami.

"Kukuha lang ako ng juice sa kitchen, ayokong uminom," paalam ko sa kanila.

"Ayaw mong uminom? Bakit may problema ba?" Hindi makapaniwalang tugon ni Kira. Umirap ako at hindi na lang siya pinansin.

Kinabahan kasi ako. Pakiramdam ko kapag uminom ako ng alak mangyayari na naman 'yong katangahang nagawa ko kagabi. Bwisit na alak kasi iyon, hayop! Hindi ko naman lubos akalain na malalasing ako ng gano'n.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi ng bigla na lang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari kagabi. Damn!

Umiling ako at dumiretso na sa kitchen. Gumawa ako ng fresh apple juice. Isang pitcher na 'yong ginawa ko para makainom din ang iba kung sakali. Bumalik din ako sa salas pagkatapos kong gumawa ng juice.

Nagsisimula na silang uminom habang nanunuod ng movie. Jack Daniel's ang iniinom nila. Sinabayan ko rin sila ng inom, apple juice nga lang ang sa akin.

"Sigurado ka bang juice lang ang iinumin mo?" si Luke. Tumango ako at ibinalik na ang atensyon sa pinapanuod.

"Bakit hindi mo ikwento sa amin kung bakit nga ba bigla kang nawala kagabi?" kuryosong tanong sa akin ni Gail.

"I left the club with Luther last night. We had sex," I answered. Nagkibit-balikat pa ako para ipakita sa kanila na parang wala lang sa akin ang nangyari.

"The fuck? Lasing ka pa ba?" si Gail.

"Baka nga! I mean, si Luther, makikipagsex sa'yo? That's beyond imposible," Jennisa.

"Anong pinapalabas niyo? Na nangangarap ako ng gising? Kung ayaw niyong maniwala eh 'di h'wag," nakasimangot na sagot ko sa kanila. Humalukipkip ako at itinuon na lang ang atensyon sa pinapanuod.

Grabe namang 'tong mga 'to? Ang sakit nilang magsalita ah? Sobrang imposible ba talaga na malamang nakipagsex sa akin si Luther. Sabagay, I shouldn't be proud of that.

"Dionne?" si Kira.

"What?" singhal ko.

"Masarap ba?"

"Ano?"

"Si Luther, masarap ba?"

"Oo masarap. Sinagot ko na kaya manahimik ka na."

"Wait! Wala man lang relasyon after the sex? Siguro naman nalaman niyang virgin ka pa."

"Anong relasyon? Kira, nagsex lang kami at hanggang doon na lang 'yon."

"Kung makapagsalita ka naman parang ang dami mong alam sa mga gan'yang bagay ah?"

"Hindi naman ako kasing inosente kagaya ng iniisip mo, Kira. Yes, I'm a virgin Pero alam ko rin ang takbo ng mga one night stand."

"Correction! Hindi ka na virgin."

"Mukhang wala kang pakialam ah, Dionne? Ayos lang ba sayo?"

"Ano ba dapat ang maging reaksyon ko? Isinuko ko lang ang Bataan pero hindi ibig sabihin niyon na tapos na ang buhay ko. Cheer up. Mas nag-aalala pa kayo kaysa sa akin."

Hindi na ako nagdagdag pa. Wala na rin naman silang sinabi kaya nagpatuloy na lang ako sa panunuod. Nakatatlong movies pa yata kaming pinanuod bago nila naisipang magsi-uwi na. Anong oras na rin kasi at may trabaho pa kami bukas.

Nilinisan ko muna ang buong salas na napuno ng mga pinagkainan namin. Niligpitan ko na rin ang mga pinggan na ginamit namin bago ako pumasok sa kwarto ko at natulog.

"Good morning, Miss Sy," bati sa akin ni kuya guard. "Ang aga mo po ngayon, ah?" dagdag niya pa.

"Opo, kuya. Hindi po kasi ako nakapasok kahapon," nakangiting sagot ko at iminuwestra na sa kan'yang aalis na ako.

Nang makasakay sa elevator ay nakasabay ko pa si Jennisa. Nagkikwentuhan kami hanggang sa makarating floor namin. Nang tumunog ang lift, hudyat na nasa tamang palapag na kami ay hinila ko na papasok ng opisina si Jennisa.

"Mukhang blooming ah?" tudyo sa akin ni Sarah. Hilaw akong ngumiti sa kan'ya at nagpatuloy na sa paglalakad. Ilang batian mula sa ibang mga empleyado at katrabaho ang naganap bago ako tuluyang makalapit sa cubicle ko.

"Ang ganda natin ngayon, ah?" panunukso sa akin ni Luke. Inirapan ko siya at naupo na sa swivel chair ko.

"Black peplum dress. Hindi ka naman nagsusuot ng gan'yan dito ah?" si Kira naman ngayon ang nang-aasar.

"Tumahimik na nga kayo!" singhal ko. Binuksan ko ang computer ko at sinimulan na ang pagtatrabaho.

Nasa kalagitnaan ako ng trabaho ng lapitan ako ng sekretarya ni Mr Dela Merced. Nagtataka ako sa presensya niya.

"Yes po?" I asked her politely. Ngumiti ang sekretaryang sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad sa akin. I'm twenty-two, tingin ko ay nasa mga twenty-seven na siya. Her grace screams elegance and power.

"Dionne Sy? Pinapatawag ka ni Mr Dela Merced sa opisina niya," nakangiting sagot niya. Kaagad akong kinabahan. Tumango ako sa kan'ya at sumunod na. Nakita ko pa ang paghabol ng tingin sa akin ng mga kaibigan ko at ang aming Project Supervisor na hindi ko napansing nandoon pala.

"Pinapatawag si Dionne?" tanong ni Architect Ambrose, ang Project Supervisor namin.

"Yes, Sir," sagot ulit ng sekretarya. Tumango lang si Sir kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa opisina ni Mr Dela Merced.

Sumakay kami ng lift. Ang sekretarya na ang pumindot sa pinakamataas na palapag kung nasaan ang opisina ni Mr Dela Merced.

Aaminin kong dinapuan ako ng kaba ngayon habang papalapit kami ng papalapit sa opisina ng aming boss. Inaarok ko sa aking isipan kung may naging mali ba ako sa trabaho. O kung may nagawa ba akong iba pero sumakit na lang ang ulo ko ay wala pa akong naiisip.

"We're here, Miss. Pasok ka na lang pagkatapos mong kumatok," anang sekretarya. Tumango ako at sinunod na siya.

Tatlong beses akong kumatok sa pintuan at 'saka marahang pinihit ang door knob.

"Come in, Miss Sy," ani Mr Dela Merced.

Huminga ako ng malalim bago ko tuluyang binuksan ang pintuan. Nagulat pa nga ako ng makitang hindi nag-iisa roon si Mr Dela Merced. He is with his cousin, Luther Van Ross Dela Merced. Pasimple akong ngumiwi at lakas loob na naglakad papalapit sa kanilang dalawa. Nasa kanang visitor's chair si Greyson kaya sa kaliwang banda ako naupo.

"Uh. Pinatawag niyo po ako, Sir?" kinakabahang tanong ko kay Mr Dela Merced. Nakangisi itong tumango.

Narinig ko ang marahang tikhim ni Luther kaya nalipat sa kan'ya ang atensyon ko. Oh, God! This man is the epitome of perfection! Halatang pinagtuunan ng pansin ni Lord ang kagwapuhan ng isang 'to.

But, I think he is a jerk! He is clearly a jerk, para gustuhin ang panandaliang aliw. Sa bagay hindi ko rin naman siya masisisi. Ang sabi ni Kira ay sobrang yaman talaga ng lalaking ito at ang daming negosyong pinapatakbo at maraming babae ang nagkakandarapa dahil sa lalaking ito kaya hindi na dapat ako nagtataka kung bakit pati ako ay nabiktima niya.

Gaga rin naman ako dahil pinatulan ko siya kaya hindi lang siya ang sinisisi ko sa nangyari kung hindi maging ang sarili ko na rin dahil sa pagpayag ko. I should have a better judgement, hindi iyong pinapangunahan ng makamundong pagnanasa.

Nakaupo si Luther. His masculinity is heightened by his stance on that visitor's chair: parte ang magkabilang tuhod na sumasakop sa buong upuan. He is staring at me intently. Inirapan ko siya, earning a chuckle from my boss.

"Shut up, Hessandro," sikmat ni Luther sa pinsan niya.

"Anyway, Miss Sy. Pinatawag kita dahil ikaw ang nirecommend kong interior designer para sa bahay ng pinsan ko..." ani Mr Dela Merced. Gamit ang hintuturo ay iminuwestra niya sa akin si Luther.

Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwalang nirekomenda niya ako sa pinsan niya o isa 'to sa mga pakana ng pinsan niya. Okay, sige, mas'yado akong naging assuming doon. Hindi naman siguro alam ni Luther na rito ako nagtatrabaho diba? Pero kanina nang dumating ako ni hindi ko man lang nakitang nagulat si Luther ng makita ako. Bakit ano bang dapat niyang maging reaksyon?

"Okay, Sir," maikling sagot ko. Tumango naman si Mr Dela Merced.

"Hahayaan ko na kayong mag-usap para sa ibang detalye..."

"Can I have your number, Dionne? Icocontact na lang kita para pribado tayong makapag-usap para sa gusto kong disensyo ng bahay ko." Inabot niya sa akin ang cellphone niya, mabilis kong sinulat doon ang numero ko.

"Bilis," natatawang komento ni Mr Dela Merced. Nangunot ang noo ko. Mabilis akong tumayo at nagpaalam na. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mr Dela Merced basta na lang akong umalis doon dahil sa hiyang nararamdaman.

Hindi ko naman namalayang sumunod pala sa akin si Luther. Hanggang sa makaupo ako sa cubicle ko ay nakasunod pa rin siya. Naabutan ko pa ang mga ngisi sa akin ng mga kaibigan ko.

"Let's talk, Dionne," ani Luther. Pagalit ko siyang binalingan ko. Ano pa bang dapat naming pag-usapan?

"Ano pong pag-uusapan natin, Mr Dela Merced?" tanong ko. Umigting ang panga niya sa tanong kong iyon. Halos matawa pa ako ng makita ang pag-irap niya.

"About what happened between us that night," mariin niyang sagot. Nagugulat akong nag-angat ng tingin sa kan'ya.

"We had a one night stand, Mr Dela Merced. Lasing ka at gano'n din ako. Hindi ko naman ginustong gawin iyon kung wala lang akong tama ng alak at alam kong pareho lang tayo. Naiintindihan ko kung anong nangyari sa ating dalawa kaya hindi mo na kailangang mag-alala pa na humingi ako sa'yo na makipagrelasyon sa akin ng dahil lang sa may nangyari sa pagitan natin," mahabang litanya ko. Nakalimutan kong huminga habang sunod-sunod kong sinasabi iyan.

"Wow! You had a bad mouth for a virgin. I'm glad to hear that though but I have a proposition for you," he said in a businessman like tone.

"What is it?"

"I want you to be my fuck buddy." Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kan'ya dahil sa pagiging bulgar niya. What the hell! Tinignan ko pa ang mga kalapit kong cubicle sa pag-aalalang baka may nakarinig sa sinabi niya.

"Hindi ako gan'yang klase ng babae. Ayoko." matigas na tanggi ko.

Mariin akong tumitig sa kan'ya. Nakaputing button down long sleeve top at itim na pants siya. Madilim ang mga matang nakatitig sa akin si Luther, mariin din ang pagkakatiim ng kan'yang panga. Natuyo ang lalamunan ko at hindi ko maialis ang tingin ko sa kan'ya. I like his strong, broad and powerful shoulders, I can't take my eyes off of them.

"What's wrong? Wala naman ng mawawala sa'yo. You already gave up your virginity to me. At magaling naman ako sa kama, hindi ka talo," pagpupumilit niya pa.

"Wala akong panahon sa mga gan'yang bagay, Mr Dela Merced. Gwapo ka naman kaya paniguradong may iba pang babaeng papayag sa alok mo. Unfortunately, it is not me."

Bumuntonghininga ako at hindi na lang siya pinansin. Narinig ko pa ang marahang pagsinghap niya bago tuluyang umalis. I straightened up my body and continue doing my work. Marami na akong pinoproblema at hindi ko na gustong madagdagan pa iyon.

Tumunog ang aking cellphone para isang tawag. Hinalughog ko ang aking bag at kinuha ang cellphone ko. Gusto kong ibato iyon ng makita ang caller's ID. Si Tyrone.

"What?" sikmat ko ng sagutin ang tawag.

"Let's have a dinner date later," anunsyo niya. Pagak akong natawa. Putangina? Anong akala niya sa akin na ayos lang ako matapos ko siyang mahuling magloko? Na masaya pa ako dahil may kalaguyo siyang ibang babae.

"Mag-oovertime ako mamaya. Marami akong trabaho at busy ako, bye!" sunod-sunod kong wika at binabaan na siya ng tawag. Letseng buhay naman 'to.

Magkakasabay kami nina Kira, Gail, Jennisa at Luke na bumaba sa cafeteria para sa lunch namin. Ganado ang mga kaibigan ko habang kumakain habang ako naman ay pinaglalaruan ang meat at broccoli na nasa plato ko.

Hindi mawala sa isip ko iyong alok sa akin ni Luther. Alam ko naman sa sarili kong hindi ako papayag sa alok niyang iyon pero hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi na isipin pa iyon.

"Bakit nga pala magkausap kayo ni Luther kanina? Magkasabay pa kayong bumaba galing sa opisina ni Mr Dela Merced, may dapat ba kaming malaman?"

"Inaalok niya akong maging fuck buddy niya," mahinang bulong ko. Narinig ko naman ang malakas nilang pagsinghap at tila mga hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Sumigaw sina Gail, Kira at Jennisa dahilan upang tignan kami ng iba pang mga nasa cafeteria. Sinamaan ko sila ng tingin para manahimik na sila.

"God! Ang swerte mo naman, Dionne! Damn, Luther is a fucking God's gift to all women and gays. Lahat ay gagawin ang lahat tapunan niya lang ng tingin. Hindi ka na dehado sa kan'ya," nangingiting ani Kira. Umirap ako.

"Magaling daw talaga iyan sa kama. Bukod sa malaki at mahaba ang kan'yang kaibigan ay nakakapanirik din daw talaga ng mata ang performance niya sa kama," si Jennisa.

"At paano mo naman nalaman 'yan, Jennisa?" tanong sa kan'ya ni Luke.

"Kwento lang nung dati kong collegue. Ka-arrangement siya ni Luther noon," sagot niya.

"Nagtagal ba?" kuryosong tanong naman ni Gail.

"Hindi. Isang beses lang daw may nangyari sa kanila. Luther is a heartless cassanova. Hindi na iyon umuulit sa mga natikman na niya. Pero mabait naman daw. He showers his playmates with thousands of gifts," sagot ni Jennisa.

"Ang mga mayayaman talaga minsan hindi mo maisip ang mga tumatakbo sa utak," komento ni Gail.

"Well, what do you expect from a man his caliber. He has the look, money, power, and a body to die for. Hindi mo rin siya masisisi," pagtatanggol ni Kira kay Luther.

Nagpatuloy na ako sa pagkain ng lunch ko. Nagpatuloy din sa pamimilit sa akin ang mga kaibigan ko na sa susunod daw na alukin ako ni Luther ay tanggapin ko na dahil ako rin naman daw ang magbebenefit doon. Ano naman kayang maganda sa pagiging fuck buddy? Minsan hindi ko rin maiintindihan ang mga kaibigan ko eh.

Naputol ang tahimik naming pagkain ng lunch ng magkasabay na pumasok ang magkakaibigan na sina Mr Hessandro Van Ross Dela Merced, ang pinsan nitong si Luther Van Ross Dela Merced, si Mr Andrius Lorenzo Mercadejas, Mr Callum Everett Mercadejas, at si Mr Adam Octavius Montemayor. Napuno ng usap-usapan tungkol sa kanilang lima ang buong cafeteria. May ilan pa akong nakitang parang nawalan ng malay ng makita ang limang magkakaibigan.

Napako naman ang paningi ko sa kay Luther. Natulala ako ng makita ang pakikipag-usap nito kay Mr Dela Merced. Habang nagsasalita siya ay titig na titig ako sa bawat kibot ng kan'yang mga labi. He is like kissing when he talks.

Nagtama ang aming paningin. Kaagad akong nagbaba ng tingin. Ibinagsak ko sa lamesa ang mga hawak kong utensils at mabilis na kinuha ang bag ko.

"Hindi ko pa natatapos ang trabaho ko. Mananatili pa ba kayo rito? Mauuna na ako," paalam ko sa kanila at tumayo na.

"Ang killjoy mo naman, Dionne," nakasimangot na si Gail ang bumungad sa akin. Umirap ako at nauna na sa kanilang umalis doon. Hindi ko makayanan ang presensya ni Luther.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ellise Mondragón
nice thanks
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status