Healing stage
Ilang buwan ang nakalipas at nalalapit na naman ang bakasyon nina Victoria mula sa kanilang eskwela.
Araw ng sabado kaya't japag desisyunan lamang ni Victoria na mamasyal mag-isa sa kanilang mini farm.
Ilang minutong paglalakad ang lumipas ay nakarating na rin ito sa kaniyang paroroonan, nakakita ito ng isang putol at nakatumbang puno at naupo siya rito. Habang tahimik na nakaupo ay pinagmamasdan lamang niya ang mga dahon ng puno na sumasabay ang galaw sa hampas ng hangin.
"Maari po ba akong maupo?" tanong ng isang tinig na siya namang ikinatingin ni Victoria sa gawi kung nasaan ang tinig. Tumango lamang ito bilang tugon.
"Kumusta ka senyorita? Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah," panimulang saad nito.
"Okay lang naman ako Zimon, huwag kang mag alala, ikaw ba?" tugon naman ni Victoria.
"Okay lang naman ako senyorita, medyo abala lang dahil sa sinisimulan kong business," s
FULL MOON LAHAT may kinagisnan, lahat may nakasanayan. Pero paano nga ba kung bigla nalang itong mabago?Anong gagawin mo? Anong pipiliin mo? Ang buhay na kinasanayan mong simple at payak o ang bagong buhay na sagana sa lahat? Mahirap mamili lalo't mahirap ang pamimilian, kahit ayaw man nating pumili, kailangan para sa ikakabuti ng lahat. Gamit ang kamay ay kinusot kusot na ni Victoria ang kanyang mga mata. "Hala mag a-alas otso na pala," wika ni Victoria sa kaniyang isipan habang nakatingin sa kaniyang suot na relo. Napapayakap na lamang ito sa kaniyang sarili sa lamig na nanunuot sa kaniyang katawan, ang kaniyang balahibo ay unti-unti na ring nagsisitaasan at nakakaramdam ng kaba sa kaniyang mga naririnig na mga huni ng ibon at ingay ng kuliglig sa paligid. Nakayakap ito sa kaniyang sarili habang tahimik na naglalakad. "Hala! Ano yang nasa balikat mo Oriang?" Pang gugulat ni Sebastian sa
SECRET FEELINGSLUMILIWANAG na, halos wala pa rin tulog ang mga magulang ni Victoria. Nasa bahay din nila si Sebastian na halos hindi rin mapakali. Nag report na sila sa mga pulis ngunit wala pa ring Oriang na nahahanap."Napaka inutil ko, wala man lang akong nagawa para hindi siya makuha ng mga iyon," sa isipan ni Sebastian.Halos sumubsob na ang mga magulang na umampon kay Victoria sa lamesa ganuon din si Sebastian dahil sa antok, nang may marinig silang kumakatok.Agad tumayo ang mga magulang ni Victoria at si Sebastian.Nauna si Sebastian tumayo kaya ito ang nagbukas ng pinto.Nagulat si Sebastian sapagkat pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Victoria.Sa sobrang tuwa nito ay niyakap niya agad si Victoria."Oriang, buti bumalik ka, halos mabaliw kami nina Tito at Tita eh," sabi nito habang nakayakap kay Victoria."Okay lang ako huwag kang ano diyan," sagot naman nito"Oh kami naman, nauna ka pa sa magulang,"
NEW FRIENDMAAGA pa lamang ay sinundo na agad si Victoria ng kanyang Lolo Fernan. Mainit na rin nang makarating sila Victoria at ang kanyang Lolo sa City.Sobrang namangha si Victoria sa dami ng body guard ng Lolo nito, hindi pa rin ito sanay sa ganitong set up. Hindi pa rin niya lubos maisip ang nagaganap na pagbabago sa kanyang buhay.Halos mapanganga siya at ngayon lang nito napagmasdan ang mala palasyong bahay ng kanyang lolo.Noon, pangarap lang niya ang ganitong buhay, ngunit ngayon abot kamay na niya. Hindi niya alam na mangyayare ito sa kanya, akala nito sa pelikula lang mangyayare ang mga ganitong eksena, pati rin pala sa kanya."Apo, I have to go, may meeting pa ang lolo sa office, bukas tayo magba-bonding ha," sabi naman ng kanyang loloTumango lang ito at niyakap ng kanyang Lolo at umalis na.Naiwan naman ito sa bahay. Naglibot libot ito sa may harden na napaka lawak at may makukulay na mga bulaklak.
BONDINGMAAGANG gumising si Victoria upang maghanda sa kanilang bonding.Sobrang excited na ito na maka bonding ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang Lolo.Ngayon lang din niya ito mas makakasama at makikiala at napaka busy din nitong tao.Naligo muna ito bago bumaba.Matapos noon ay pumunta na rin siya sa kusina at naabutan ang kanyang lolo na abala sa pagluluto."Sir kami na po riyan," nag a-alalang sabi nang isang kasambahay."Okay lang ako, gusto kong ipagluto ang apo ko, si Victoria," sambit nito na siyang ikinagiti ni Victoria."Napaka sweet talaga ni Lolo, kaya hindi ako magtataka kung mapapalapit agad ako sa kanya," sa isip ni Victoria"Gusto ko rin po tumulong magluto," wika ni Victoria na ikinalingon nila pati ni Senior Fernan."Halika apo," akit nito at tinulongan niya ang mga ito magluto.Habang nagluluto ay puno lamang sila ng kasiyahan at puro tawa dahil napaka mapag biro ni Senior Fernan.
CRUSHPAULIT ulit pa ring tumatakbo sa isipan ni Victoria ang kaniyang nasaksihan kanina sa kwarto. Pati na rin 'yong nalaman nito kanina tungkol kay Zimon."It can't be Zimon," nasa isipan nito.Nasa biyahe na si Victoria ngayon at bukas ay lunes na naman. Walang sawang biyahe. Gabi na rin ngunit hindi niya kayang umidlip sa biyahe at lutang pa rin ang kanyang isipan.Flashback"Miss Oriang flowers for you," sabi ni Zimon at ibinigay sa kanya nito ang isang bungkos ng mga bulaklak.Pansin naman nito 'yong isa pang bungkos ng bulaklak sa kabilang kamay ni Zimon."Para kay Tita Emmy?" tanong naman niya rito at nakatingin sa bulaklak.Umiling lang ito kaya napatanong muli si Victoria."Eh kanino?" tanong nitong muli"Sa kanya sana," sambit nito at tumingin kay Zyrus.Nagulat naman si Victoria sa sinabi niyang iyon."Hindi ito maaari," sa isipan ni Vic
Mission"How is your mission son?" tanong ng Daddy ni Tom dito."Doing great Dad, hindi naman nila nahahalata," sagot naman nito habang kumakain.Nasa hapag kainan ang mag ama, sila na lamang dalawa ang naiwan sapagkat ang Mommy ni Tom ay nawala na noong siya ay sampung taong gulang pa lamang.Habang kumakain, maaalala ni Tom ang mga pagkain sa lugar nina Victoria.Mapapangiti at mapapangiwi na lamang ito habang inaalala ang mga nangyare sa lugar nina Victoria."Pakiramdam ko naartehan sila sa akin, hindi naman kasi talaga ako sanay sa ganuong buhay, pero bilang pakikisama gumaya na lamang ako sa ginagawa nila, I really enjoyed it naman," sa isipan ni Tom."Mukhang happy ka naman son, itutuloy mo pa rin ba ang plano mo?" tanong muli ng kanyang Daddy."Yes Dad, tuloy ang plano ko no matter what," sago
SecretNaglilinis lamang si Zimon sa harden nina Señor Fernan nang may marinig itong kaluskos. Napatigil ito at hinanap kung saan nagmumula ang ingay na kanyang naririnig."Akin ka lang! Walang makakaagaw sa iyo, I'll kill kung sino man ang magta-tangka na umagaw sa iyo, and I'll do everything to make you mine, just please stay away from him, alam kong may gusto siya sa iyo," wika ni Ibarro sa telepono na hawak nito."Sino kaya kausap noon? Katakot naman, papatay pati, sino kaya 'yong katawagan niya? Nakaka curious naman," sa isipan ni Zimon.Ilang minuto pa itong naghintay kung ano na ang susunod na mangyayare, nakita naman ni Zimon na dumating si Zyrus, napatago si Zimon sa isang halaman ngunit nakasilip pa rin ito sa dalawa.Agad na niyakap ni Ibarro si Zyrus nang makita ito. Ipinagtaka naman ito ni Zimon."Sabagay magkapatid naman sil
(Graduation day)Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan. Ito na ang pinakahihintay ng lahat ng mga grade 12 students lalo na nina Victoria sapagkat ang araw na ito ay ang kanilang pagtatapos.Magkahalong excitement at lungkot ang kanilang nararamdaman sa mga oras na ito. Excited ang mga ito dahil nasa punto sila ng buhay na haharapin na nila ang kanilang bagong landas na gustong tahakin, malungkot sapagkat alam nila sa sarili nila na magkakaibang paaralan na ang kanilang pupuntahan."Nakakalungkot lang isipin na ang lahat ng aming pinagsamahang magkaklase ay magtatapos na rin ngayon ngunit kailangan namin itong tanggapin," sa isipan ni Victoria habang nakatingin sa salamin at inaayos ang kanyang itim na necktie ng kanyang uniform.Abalang abala ang kanyang Mama at Papa sa kanilang isusuot.Pumunta rin sa probinsya nina Victoria ang kanyang Lolo Fernan at mga pinsan nito at ang Tiya