Share

Kabanata 72

Katatapos ko lang umiyak, ngayon umiiyak na naman. Wala na yata itong katapusan. Mugtong-mugto na ang mga mata ko. Mahapdi na. Pero kahit na ayoko na sanang umiyak. Iba naman ang dulot ng iyak na 'to. Iyak ng saya.

Ilang buwan na ba ang lumipas mula no'ng umalis itong kaibigan naming si Dorry. Hindi ko na matandaan. Pero hindi naman problema kung gaano katagal kaming hindi nagkita at nagkasama. Ang mahalaga, magkaibigan pa rin kami at wala pa ring nagbago.

"Kumusta, Mia? Maayos na ba pa ang pakiramdam mo? Wala na bang masakit sa'yo?" Haplos ni Dorry ang mukha ko, pinahid ang mga luha. Gaya ng ginawa niya sa asawa ko kanina.

Umiyak din kaya siya, kaya may pahaplos din itong si Dorry sa pisngi niya. Nakangiti na siya nang nilingon niya ako. Mapang-asar pa nga na ngiti ang ginawa niya.

"Hindi pa rin maayos... ang dami ko pang iniindang sakit. Pero darating din ako d'yan... sa sinasabi mong maayos.." Mapait akong ngumiti.

"Talagang hindi mo magawang magkunwari!" Iiling-iling siya.

"Naman!
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status