Share

Kabanata 71

"Vianna May..."

Mama ni Romeo ang nagsalita na hindi ko magawang tingnan. Hindi ko magawang batiin. Yuko-ulo akong napahagulgol. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila. Lalo't rinig ko ang paghikbi nila.

Bakit ba sila nagpunta? Gayo'ng sariwa pa sa akin ang lahat. Sana hinayaan na muna nilang maghilum kahit man lang ang mga sugat sa aming katawan. Doble-dobleng sakit kasi ang nararamdaman ko.

Dahil alam kong nasasaktan din sila, lalo't nakita nila ang mga pasa at sugat sa katawan ko na gawa ng demonyo nilang anak.

Akmang tatalikod na ako para lumabas, pero pinigil ako ng asawa ko kasabay ang paghaplos sa balikat ko. Nangungusap ang mga mata niya na nagpakalma sa pag-iyak ko.

Giniya niya ako palapit sa kinaroronan ng mga magulang ni Romeo. Napabuntong-hininga ako. Ang hirap makita ang mga taong tinuring ko na rin na mga magulang noon.

"Vianna May," pumipiyok ang boses ni Mommy Edna, nang bigkasin nito ang pangalan ko.

Muli akong yumuko at tiniim ang mga mata. Hindi ko kay
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status