Share

Chapter 2

Abala habang ako ay nakamasid lang sa mga naggagandahan at nagse-sexy-han na damit na nakikita ko. Dinala niya ako rito matapos ang oras ng trabaho kanina.

Mia was my childhood friend and she knows everything about me. Nang magdesisyon akong mag-apply ng trabaho sa kumpanya ni Sir Randall ay nagpasa agad siya ng resume para hindi raw ako malungkot.

I want this and those but I cannot wear those clothes anymore. Wala namang nagbabawal o kung ano pa man sa akin. Basta simula nang bumalik ako sa pagiging ako ay parang mas naging komportable na ako sa usual na sinusuot ko. Mahabang palda na hanggang sakong o jeans at blouse o long sleeves lang. Mas komportable rin ako na nakaladlad ang natural na wavy na buhok ko na hanggang bewang at nakasalamin ako kaysa suot ko ang mga contact lense ko na may grado.

"Wala kang nagustuhan?" tanong ni Mia sa akin nang makalapit siya dala-dala ang basket na punong-puno ng napili niyang mga damit.

"Marami, pero hindi ko gustong bilhin. Hindi ko rin naman susuotin," sagot ko sa kaniya.

"Fine. So . . . tara na? Bayaran na natin?" aya nito na tinanguan ko na lamang.

Kasalukuyang nagbabayad si Mia nang makaramdam ako ng pagbaba ng pantog ko kaya't nagpaalam ako sa kaniya na magbabanyo na muna ako.

Pumasok ako sa loob ng banyo at tahimik naman kaya't ipinagpalagay ko na walang tao rito kung hindi ako lang. Wala rin kasing pila sa labas.

Ginawa ko na ang dapat kong gawin nang makarinig ako ng mahihinang tinig ng babae na agad kong ikinakaba. Unang pumasok sa isip ko ay baka may multo ba sa banyo na ito.

"Please, Randall... I want you to take me now. I am more than willing to offer myself to you..." anang tinig na tila napapaos at agad gumapang ang kilabot ko dahil tila nasa katabing cubicle lamang ito.

Natataranta kong sinipa ang pinto ng cubicle at nagulat ako sa nakita ko. "Sir!"

May kasama siyang babae sa loob ngunit sila pinipilit siyang akitin nito base sa posisyon nila.

"Damn..." bulalas nito nang malingunan niya ako at makilala. "Sonya!"

Tila nawawala sa sariling napalabas ako ng banyo nang mabilis. Pabalik na sana ako sa kinaroonan ni Mia nang may humawak sa pulso ko. Nang lumingon ako ay nakita ko si Sir Randall na seryoso ang mukha.

"Sonya," pagtawag niya sa akin sa baritono niyang tinig.

"S-Sir?" kabadong wika ko. Pakiramdam ko ay sinira ko ang eksena nila ng babae.

"About what you saw—just fuck it!" putol niya sa dapat na sasabihin niya at bigla na lang akong hinatak nito paalis.

"S-Sir... Iyong . . . bestfriend ko!" anas ko at tinangka kong hatakin ang kamay ko ngunit hinatak niya lang din ito saka ako sinandal sa pader na malapit sa banyo.

Nakahawak lang ang kamay niya sa pulso ko habang ang isa naman niyang kamay ay nakaharang sa kabilang gilid ko . . . and that caught me off guard.

Napahinto ako sa sasabihin ko pa sana nang akala kong hahalikan niya ako. Inilapit niya lang pala ang mga labi niya sa tainga ko.

"Just go with me, Sonya... Iyong 10pm natin ay naging 8:30pm lang. Wala naman sigurong masama roon, hindi ba?" bulong nito saka pa bahagyang hinipan ang punong tainga ko na siyang nagbigay ng kilabot at tila kuryente sa katawan ko.

"O-Opo," sagot ko na tila na hipnotismo.

"Good," aniya na tila nakuntento sa isinagot ko saka ako biglang ginawaran ng halik sa pisngi.

Hinalikan niya ako sa pisngi!

Oh my gosh!

Nagpatangay nalang ako sa paghatak niya sa akin hanggang sa makasakay kami ng kotse niya.

Hindi ko na mabilang kung nakailan na baso na ng alak itong amo ko dahil sobrang langong-lango na siya sa alak.

"Sir, kaya n'yo pa po?" nag-aalalang tanong ko rito saka ko inalalayan ang baso na tinutungga niya.

"Of course! Alam mo ba, minsan naiinis ako sa 'yo," saad nito sa lasing na tono.

"Po? Bakit naman po?" puno ng kyuryosidad na tanong ko sa kaniya.

"Naiinis ako dahil pakiramdam ko, wala man lang akong kadating-dating sa 'yo. Nakakaletse dahil halos lahat ng babae sa kumpanya ay nagkakandarapa na mapalapit sa akin, pero ikaw... ikaw, you're fucking with me, Sonya."

"Sir, hindi naman po kasi ako basta babae lang. Isa pa, ayaw ko pong mapabilang sa mga babae na matapos n'yo pong gamitin ay itatapon n'yo na lang."

"I'm not into a serious relationship. I can never give you that," seryoso pero lasing pa rin na tugon nito sa akin.

"I'm not asking about that, Sir, and besides, hindi po kita gusto," pagpapakatotoo ko na wika ko sa kaniya. Alam ko naman na may hatak talaga ang kaguwapuhang taglay niya pero hindi sapat para gustohin ko siya.

"Iyan! Iyan talaga ang kinaba-badtrip ko sa 'yo madalas, Sonya. Tangina, ang mga babae sa kumpanya, kulang na lang ay bumukaka sa harap ko para mapansin ko. Ikaw, tanaw na tanaw mo na 'ko pero wala lang sa 'yo," aniya at ramdam ko ang kasarkastikuhan sa tinig niya.

"Bakit, Sir? Gusto mo bang magkagusto ako sa 'yo?" tanong ko na parang ikinagising din ng diwa ko.

What am I talking about?

"No, sayang ka. Sasayangin lang kita. Masisira lang kita," huling sagot nito sa akin saka na bumagsak ang ulo sa lamesa.

Ako na ang nagbayad sa counter at inalalayan ko ang boss ko palabas ng bar. It's already 12:30am. Isinakay ko siya sa sasakyan niya at kinapa ko na lang sa bulsa niya ang susi para makaalis na kami.

Pinagbuti ko ang pangangapa dahil natatakot din ako na baka kung ano pa ang makapa ko. Lihim akong nagpasalamat nang makuha ko ito nang matiwasay at walang bahid malisya.

"Sir, saan ko po kayo ihahatid?" tanong ko ngunit tanging ungol lang ang isinagot nito sa akin.

Ikuha ko na lang kaya siya ng kuwarto sa hotel? Baka naman kung anong isipin ng mga tao sa hotel. Kababae kong tao, may bitbit ako na lalaking lasing na lasing?

Sa huli ay napagdesisyonan ko na lang na ituloy siya sa condo ko.

Pagkaparada ko sa parking lot ay nagpatulong na lang ako kay Mang Samuel—guard ng building, na maiakyat ang boss ko sa condo ko.

"Ma'am mukhang nalasing po itong boyfriend n'yo, ah?" tumatawang biro ni Mang Samuel.

"Hindi ko po—

"Hindi niya 'ko boyfriend! Asawa... Asawa niya 'ko!" nakapikit at lasing na sabi ni Sir Randall na ikinatawa ni Mang Samuel at ikinapula naman ng mukha ko.

Nakarating kami ng unit ko at nagpasalamat ako kay Mang Samuel.

Isinukbit ko ang isang kamay niya sa balikat ko para maalalayan siyang maipasok at maihiga sa couch ngunit ganoon na lang ang pagkagulat ko nang... hawakan niya ang isang dibdib ko at pinisil-pisil iyon.

Para akong nawala sa sarili sa ginawa niya sa katawan ko. Higit pa sa salitang gulat ang naramdaman ko sa ginawa niya!

Itinulak ko siya pahiga sa couch nang maalog ang utak ko ngunit hindi ko naalala na nakakawit nga pala ang kamay niya sa balikat ko, kaya't kasama akong nabuwal at ganoon na lamang ang pagragasa ng mga tambol sa dibdib ko nang masubsob ang mukha niya sa gitna ng mga dibdib ko!

Nagulat ako nang may biglang magbukas ng ilaw sa sala ko.

"Sonya—

"What the hell is this?" galit na bulalas ni Leyva.

Sasagot at lalayo na sana ako nang mas isinubsob niya pang lalo ang mukha niya sa dibdib ko!

Pamhira naman, Sir!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status